45 Days With You -
Chapter 11 (You’d better not to think than rethink.)
When botched suddenly came into my life. I know that this is not yet over.
All I know is that I'm affected to it, Taymer has a big infact in me. I barely notice the feeling of being happy.
Simula noong inamin niya sa akin na gusto niya ako, naging consistent na iyong pagdalaw niya dito sa hospital, very well-said ganun iyong araw namin. One morning, pumunta ako sa office ni Ninong. Buo na iyong loob ko para ipagpatuloy ang ginagawa naming session.
"What's up?"
"I'm good now, usually I'm going great."
"Good, let me check you for a while."
After that may kung ano siyang ginawa sa aking test. Tahimik lang din ako sa isang couch.
"The test is normal..." rinig kong sabi niya pero may kung anong bumara sa boses niya at natahimik nalang.
"Ano na pong resulta, Ninong?" tanong ko.
"Well, good."
Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat.
"You should care about yourself now," my Ninong told me.
"Opo."
"Then, why are you still doing this?"
Hindi ako sumagot at nagbalik tanaw ng sa kung saan.
I'm doing this not for myself, kundi para sa kanila.
I wanted to spent more time to them, kaya ako humantong sa nagmamakaawa na akong punan ang buhay ko.
Iyon lang din ang paguusap namin ni Tito at saka ginawa na niya iyong session.
After the tiring day, bumalik ako sa loob ng kwarto ko. Dala-dala iyong salita ni Tito na parang sirang-plaka na paulit ulit na tinatanong sa akin at natatak sa utak ko. Why are you still doing this?
Binabalaan na niya ako... Pero ako itong may gusto. Kung ano man ang mangyari sa akin ako lang din ang may kagagawan.
...
Being with me, is tiring. Ewan ko kina Mommy and Daddy hindi man lang sila napagod sa kakaalaga sa akin. Maybe because I'm the only child kaya pinagtyatyagaan nila akong alagaan.
Hindi ko hinangad na magkakaganito. Kasi if I have time to consider myself as living? Gusto ko iyong walang inaalala, kahit mahirap lang, kahit walang magulang. As long as wala akong inaalalang sakit o kahit na anong karamdaman. "We'll be back, soon. Okay?" paalam nina Mommy sa akin.
From the other side, I averted my sight to whom, the person will be there for me. Three days na wala silang mommy and I'm happy to say that they give me a permission to do what I wanna do.
"Enjoy yourself okay, Taymer?" maawtoridad na saad ni Daddy sa amin ni Taymer.
"Yes. Tito," sabi niya at nakangiting tumingin sa akin.
"Good, so we got to go? Laspiranza? Mga bilin ni Daddy mo, Okay?" isang tanong pa ni Daddy sa akin.
"Hindi na ako bata daddy, I can handle myself," sagot ko.
Tumingin din ako kay Taymer na malapad ang ngisi.
Niyakap pa nila ako at ganun din si Mommy. She tapped my shoulder as she whispered. "Be good,"
She said before I watched them disappeared at the main door.
Lumapit si Taymer sa akin, and hold my hands. Kaaalis lang ng parents ko pero ganito na kaagad siya.
"How many days left?" he asked.
"I have 17 days, why?" tanong ko.
"Well we have 3 days to enjoy, are you in?"
"What will we do?" I asked. "Wag iyong nakakapagod,"
"Mage-enjoy ka promise."
"Ano ba kasi ang gagawin natin?" tanong ko.
Sumeryuso ang mukha niya. Tuloy bumalik ang mga pinaguusapan namin noong nakaraang araw. He once called me my love.
Awkward man pero may kiliti sa tiyan ko sa tuwing tatawagin niya akong my love.
Even since we never talk about those confession. Ayaw ko ring isabit sa paguusapan namin, nahihiya ako, lalo na siya ang kasama ko ilang araw. Maybe we'd talk it soon, but not this time. "About last time," he opened up.
"Oh! You mean it?" I asked.
Kasi ilang oras akong hindi nakatulog sa kaiisip. Nag search pa nga ako kung ano iyong nararamdaman ko.
Kaya based sa pinanood kong consoling, may pagtingin din ako sa kanya, kapag nararamdaman ko iyong pinaparamdam ng isang lalaki.
Kaya ayon, inisip ko kung totoo ba iyon o hindi pero napagtanto ko na totoo iyong nararamdaman ko sa kanya.
I have guts that this would be end like this, kaya handa ako sa mga tanong niya sakaling mapagusapan namin.
"Hundred percent, gusto kita, Laspiranza."
Nagkatinginan kaming dalawa, his amber eyes, wanting me to look his. Kinuha niya ang kamay ko at dinala ito sa mukha niya at hinalikan.
"Bakit ba madali ang umamin sa'yo?" I asked.
"Hindi mo gugustuhin ang sagot ko?" aniya.
"Then, hell I care. Kasi ilang araw nalang?" tanong ko nagsusungit pa nga.
"Of course not," bwelta niya.
"Di ano?" I asked.
"Because I like you from the start. From the start... iyong ekwenento ka sa akin ng kapatid ko. Kilala na kita noon pa man, nagustuhan kita kasi may kakaiba sa'yo. And Ajiya told me that you're unique. Kaya nga hiniling ko sa kanya na mag kwento kapag dadalaw ako sa kanya." mabilis niyang sabi.
Mabilis ko ding sinundan ang lahat ng kanyang mga sinabi. He didn't say that to me, and now, nakakagulat, akala ko nga ay naaawa lang siya sa akin dahil may sakit ako. But hearing those words is like a million times my heart beats so fast. Gustuhin ko mang pigilan ngunit nalulilan ako sa mga pinagtatapat niya.
"Like wow!" I exclaimed.
A bit excitement in my voice.
Nagiwas siya nang tingin. Minsan pa niyang kinalmot iyong ulo niya, na para bang nahihiya sa mga pinagsasabi.
"Are you sure?" tanong ko nang hindi siya nakapagsalita.
"Yes, I'm sure...
33
Bakit pakiramdam ko ay nahihiya siya sa akin? Bakit ako nagsasaya na maramdaman iyon. Gusto ko tuloy na asarin siya nang asarin.
"A hundred percent?"
A smile from me faded when he seemed hurting. Ano iyong nakita ko sa mga mata niya at bakit sobrang nasasaktan siya. Now I know the feeling, all his worries... all his care.
"A hundred one percent," sagot niya.
"Bakit may pa sobrang isa?" tanong ko.
"Kasi special ka," sagot niya.
Hindi ko tuloy mapigilan na tumawa. Napasandal naman siya sa upuan at namumulang hindi makatingin sa akin.
"Lol, ganda ng jokes mo,"
Pero deep inside lumuwag ang puso ko dahil sa sinabi niya.
This is my first time na sabihin ako ng 'di ko kaano-ano. Usually parents ko lang ang nagsabi sa akin na special ako. Which is true kasi may sakit ako.
Kinuha ko iyong camera ko at walang pasabi na kinuhanan siya nang litrato. Gulat na gulat nag mukha niya nang tumunog ang shot.
"That's 45 degree of jokes," he said.
"I'm sure you just watched or read it on social media?" I asked.
"Bakit mo naman nasabi?" tanong niya.
Nagiisip ako nang isasagot pero wala akong maisip na sagot.
"But it's nice seeing you laughed. First time kong makita kang tumawa," emosyonal niyang saad.
"First time daw! Masiyahan naman ako ah," sabi ko.
Pero may kung anong sumuntok sa puso ko.
It's a lie.
Hindi ako masiyahin... wala akong karapatan magsaya dahil hindi iyon ibinigay sa akin. Kung hindi ako pinaniwala ni Mommy na gagaling ako, iniisip ko na ang unfair ng mundo. Kasi pwedeng hindi ako pero jackpot ako iyong naraffle. "What's wrong?" tanong niya.
Natahimik ako at nawalan ng gana. Bakit ba sa lahat nalang ng oras ay may sumasagi sa puso ko na kawalan ng pagasa? Kawalan ng buhay, and lack of interest.
Maybe it's fine to have fun, but deep inside, it's a choice of being lonely. Masaya ako na walang kasama, because I can only understand myself, I can only make my life contented sa isang bagay.
I wanted to disappear.
I wanted to pop like a bubble.
Nevertheless I wanted to swing and fly like a bird. Iyong may freedom. Hospital na ang tahanan ko, kaya alam kung dito ako lumaki, dito na rin ako kukunin.
Tanggap na nila, kaya naghihintay nalang ako ng panahon para pagbigyan ang sarili na maging masaya kahit sa iisang panahon lang.
This is my season to be happy, not to think negativity. This is my voice to be heard, not just listened. This is my choice not my fault, my priority for now is to stick to the one. Stick with him... until the end.
Bakit mo ba pinipilit na saktan ang sarili mo, Laspiranza? Masya ka naman pero bakit mo iniisip ang mga bagay na nagpapabigat ng damdamin mo.
Iyong naisip ko....
Iyong mga napagtanto ko,
Iyong mga magulang ko, kaibigan ko at si Taymer.
Natatakot ako natatakot sa pwedeng kahihinat-nan ng lahat, natatakot na iwan siya mag isa, iwan ang mga magulang ko. Living them in more than two decades is more valuable to them. That's why I'm scared to death! "Taym... p-paano kung m-mawala ako? Paano kung bukas, mamayang gabi o sa susunod na araw ay kukunin ako? Paano kung sa isang iglap mangyayari iyong kinatatakutan ko?" tanong ko sa kanya.
I even feel my eyes carrying a size of tears. Unti unti iyong nagbagsakan. Ngayon lang ako natakot, ngayon lang nabago ang paniniwala ko. Kaya hindi ko mapigilan na umiyak.
They say that if you cry, you can. No one would stop you, show your feeling. Kasi sa pagiyak ay doon mo maibubuhos ang mga sakit, saya at hinanakit mo. Normal umiyak kasi lahat tayo ay may emosyon.
Walang sinabi si Taymer sa tabi ko. He just squeeze my hands and intertwined mine. Sumikip ang bawat panghinga ko kasabay ng iilang hikbi. He didn't move either way, pero alam kung hindi niya gusto na saktan ang sarili ko. "You'd better not to think than to rethink," he said.
Nabaling ang atensyon ko doon sa sinabi niya. Hindi iyon ang gusto kong marinig mula sa kanya. Akala ko ay kaawaan niya ako, pero hindi siya naawa sa akin.
Instead he likes me.
"Magiging masaya ka ba kapag iniisip nang mga taong iiwanan mo na malungkot ka habang lumilisan?" he asked. "'Di mo rin alam diba? So, bakit ka umiiyak?" tanong niya na siyang nagpatigil sa akin. "B-Bakit n-nga... ba?" Naguguluhan kong tanong at tumawa ako sa kabila ng bigat sa loob looban ko.
"Ikaw lang din ang nakakaalam, kasi pakiramdam mo walang nagmamahal sa'yo? Na ang unfair nang mundo? Kasi sa lahat ay ikaw ang may sakit? Kasi natatakot ka o dahil ayaw mo pang mawala?" he said all the possibilities I've been thinking lately.
Ewan ko pero sa tuwing naririnig ko na may nag w-worry sa akin, bumababa ang tingin ko sa sarili. Kasi lahat iyon ay dahil naawa sila sa akin. Hindi sila maw-worry sa akin kung 'di sila naawa.
Iyon lang ang pagkakaintindi ko, maybe they pitied me because I am like this, shutang awa na yan! I don't need it, lalo na sa ngayon na bilang nalang ang araw para sa akin.
"I didn't pitied you, Laspiranza," he said para bang nababasa niya ang laman ng utak ko. "I need you to be strong enough to encounter this given challenges to you, na 'yung may natitirang araw ka pa dito para patunay sa sarili mo na kaya mong maging masaya sa kasukdulan ng lahat nang ito."
Patuloy pa rin niyang nilalaro iyong kamay ko. Hinalikan niya rin iyon ng paulit ulit. I might not done this experience again pero nakakagaan sa pakiramdam. Sumagi tuloy sa utak ko, bakit ako malulungkot kung ang bagay na magpapasaya sa akin ay nandito na.
But I can't help to feel sad, I know why Mommy and Daddy out for a trip 'cause they wanted to move on. Kaya na nila akong mawala, kaya nila ginawa iyon para sanayin ang sarili. Ano bang magagawa ko kung alam kong unti-unti na nilang tinatanggap ang paglisan ko sa mundo.
"Laspiranza?" he called me. Tumingin ako sa kanya. "Kayanin mo, 'di man sa sarili mo kundi sa taong nandito, kagaya ko."
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report