45 Days With You
Chapter 2 (#She needed to. . . .)

"How long its been?" I asked Taymer though, kasi binanggit niya iyong pag-alis ni Ajiya sa kanila.

Napaisip nalang ako, matagal ko nang kilala si Ajiya, it's been 3 years since we've knew each other. Matagal na rin ako dito sa hospital mga 9 or 10 years.

We become friends when she asked about something, iyong panahon kung saan unti-unti ko nang nalalaman iyong kahulugan ng sakit ko.

Bata palang ako ay nandito na ako. And they're hoping for me to heal or to graduate this kind of decease I have.

"Mga 4 or 5 years na ata, hindi ko na tanda. I was 12 at that time," sagot niya at napakamot sa bandang likod ng ulo niya.

Tumango ako sa kanya. Wala akong ibang maisip na itanong.

"So, you're 17 now or 16?" I asked him. "Ajiya is 3 years younger than me right? She's 14?" I added.

"I'm 17, and you're right Ajiya is 14 years old," he said.

I nodded..., and he also nodded. Para kaming mga tanga na tumango tango sa isa't isa. After that we arrived at the morgue, we look each other, at walang ni isa ang nagsalita sa amin until he voluntarily open the door for me. "Thank you," I said.

Inilibot ko iyong tingin ko sa buong kwarto bago ako pumasok.

Nakita ko ang katawan na tinabunan ng isang puting kumot. Kita ang mga paa nito na nangingitim na. Siguro ilang oras palang bago ito binawian ng buhay. Parang may kung anong sakit na dumapo sa puso ko.

'Finally, I saw her.... pero hindi ito ang gusto kong makita.

"Ajiya, a-anak?" rinig kong tawag ng Daddy ni Taymer, sa anak.

Ngayon ko lang din nalaman na magkapatid pala silang dalawa, hindi rin mapakakaila dahil magkamukha rin sila ni Taymer.

Nakapagtataka nga kasi Ajiya never mentioned his siblings ang alam ko lang ay may kapatid siya pero half brother niya lang.

So, half siblings lang ni Ajiya si Taymer? Well right.

"B-Bakit m-mo..., hindi hinintay s-si Daddy?" umiiyak nitong sabi sa anak habang hinahawakan ang naninigas nitong kamay. "H-Hindi pa nga tayo nakapag-bonding pero iniwan mo na kami..., you know, Ajiya I want you to be free and feel free to have a day like single days we had. B-But why aren't you telling me that you're not doing okay? A-Ayaw mo ba k-kaming saktan?" tanong ng Daddy niya na tudo pahid na sa luha nito.

Hindi ko kayang masaksihan ang ganitong pangyayari. Either way I don't want to see my parents like this. Naiimagine ko pa lang ay ako na iyong nasasaktan at natatakot.

Napansin ko si Taymer sa isang gilid. Kanyang inilagay sa gilid ang hawak niyang dextrose at lumapit sa daddy niya upang daluhan.

"Thank you," I muttered pero hindi na niya napansin at deritso lang ito sa paglalakad.

Masakit mang tignan sila pero ang mas masakit ay 'yung sinasabi nila, they're looking for her. They're longing for her. Kung sana ay may kakayahan akong magpahaba ng buhay ay gagawin ko sa aming dalawa.

We deserve to live! We deserve to have a long life and supposed to be better..., not an option but in a must way of living. Gusto pa naming makita ang totoong mundo. Where's the cruel world is polish and selfishness aside to it's new normal.

We wanted to live and have a long life. Not to remind ourselves that we're living to die.... Araw-araw nalang akong nasasaktan sa mga inisip ko.

"Ajiya, you're big bro is here," sabi ni Taymer, sa kapatid. "Diba pangako ko sa'yo na babalik kami? We're here but you're not longer here. You promised little sis that we're going outside with your friend? Right? She's here, Laspiranza is here. Now she's here with us, I know she's sad as we pero 'yung hiling mo hindi ko natupad kasi wala ka na," malungkot nitong wika sa kapatid.

I can't hold this any longer. Nasasaktan akong marinig ang mga pinagsasabi nila.

The what ifs in my mind is still havocking.

What if ako ang nasa kalagayan niya? Ganito rin ba ang mararamdaman ng pamilya ko? Ganito rin ba nila gusto akong mabuhay ng mas mahaba?

Hindi mataas ang buhay ko dahil bawat oras o bawat saglit o panahon ay pwede akong mawala.

May namumuong luha sa mga mata ko na kahit gusto kung pigilan ay kusa nalang kumawala. Umalis ako nang walang pasabi. Naiiyak akong umalis sa loob ng morgue kung saan may ibang tao rin ang nandoon.

Alam ko na hindi iyon ang gusto kong mangyari pero ang makitang nagmamakaawa na muling bumalik ang taong mahal nila ay doon ako nawasak.

Doon ako nasaktan.

'Di ko gusto na ganun sila sa akin kapag ako na iyong umalis.'

Like hell!

What if my family did that to me?

What if my family will come in the first place na mangyayari iyon sa akin? Isipin ko palang may kung ano nang tumutusok sa puso ko. Makita ko palang parang nakikita ko na ang sarili ko sa taong nakahiga at wala nang buhay, binibiak na ang puso ko.

Bumalik ako sa kwarto ko na mas madali pang inisip. I look around and I saw my mother. I heard her crying and sniffing. Hindi pa sana niya pa sana ako napansin. Bakit siya umiiyak?

'Nung napansin niya ako ay tumigil sa pagiyak at nagpunas ng luha. Nababahalang tumingin siya sa akin na namumugtong mga mata. Walang ibang rumehistro sa isip ko kundi ang katunayan na hindi na rin magtatagal ang buhay ko. Now....

I'm painless, I'm dumb and I'm selfless.

'Hindi ko nararamdaman na may ako na nandito.'

"Why are you crying, mommy?" I asked her in a monotone voice.

Ang luha na bumagsak na pilit niyang pinipigilan ay nagbagsakan. Kita ko sa mata niya ang labis na sakit at labis na lungkot.

"Nothing..., darling," she replied. I know she's lying.

"Eh! You're crying, what happened mommy?" tanong ko.

Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Una nawala si Ajiya ngayon naman ay ang pag-iyak niya na wala 'raw'ng rason' bakit hindi madali ang sabihin ang totoong nararamdaman kaysa sa sabihin ito ng tanyag at walang halong kasinungalingan? Instead telling lies bakit hindi nalang sabihin ang totoo.

You're making your life miserable. Mas pinupuno mo pa ang kasalanan kaysa magsabi ng katotohanan.

"I'm just sad, today," sabi niya at iniba ang usapan. "You should eat your lunch now," she added as if na may pakialam pa ako.

"Wala akong gana, Mommy, gusto ko lang muna magpahinga," wika ko sa kanya.

Tumalikod siya para hawiin ang luha sa mga mata. Wala siyang sinabing tumingin sa akin. Ayaw ko ring pangunahan ang sarili sa mga posibilidad na kinatatakutan ko. Kaya iniba ko nalang din usapan.

"Hindi po pupunta si Daddy dito?" tanong ko.

Umiling siya....

Naiintindihan ko na hindi araw-araw na bumibisita si Daddy, dahil may company itong hinahawakan. He's the one who can handle our company kaya alam kung busy siya, pero may mga araw naman na gusto niyang siya ang nandito. I'm the only child, kaya alam kong puno ako ng pagmamahal nila. Kaya nilang ibili ang gusto ko, pero iyong gusto kung gumaling iyong pinaglalaban nila ngayon. Mabili man lahat sa pera pero ang buhay ay kailangan man hindi mo mabibili sa pera.

Marami naman kaming pera pero hindi iyon sapat para sa isang gamutan lang ay gagaling ko. Nandito ako simula six years old, kaya ang tumatakbo sa isip ko ay kung paano titiisin ang araw sa tuwing inaatake ako ng sakit ko. Hindi madali ang mga pinagdadaan ko. I'm more than enough to overcome this as a young me. Araw araw sumasagi sa isip ko ang mga pagkakataon na paano kung ako na ang naman ang babawian. Paano kung panahon ko na?

Nakakatakot, at nakakatawa ang tadhana o ang mundo sa akin. Alam ko naman na hindi na ako magtatagal pero sana ay hindi nalang umabot sa point na may mga tao akong maiiwan at masasaktan. Iyong ang kinatatakutan ko..., Iyong may taong handang umiyak sa'yo kasi mahal ka nila, na mahalaga ka sa kanila.

"M-Mommy will be there for you, Laspiranza," sabi ni Mommy at hinalikan ako sa noo, nung nakahiga na ako sa kama.

May hindi sinasabi sila sa akin, at kung ano may iyon ay ayaw ko ring malaman. Clueless na sa akin kung ano pero ayaw ko lang talagang isipin nakakawala ng ganang magpatuloy kung alam ko na hindi ka na rin magtatagal. Na kahit anong chemotherapy, anong gamotan, at kahit anong mga salita na makakapagpataas ng sarili ay wala na talagang paasang mabuhay kung may tanim na ang buhay na ibinigay sa iyo.

Madali namang sabihin na iilang araw nalang ang natitira ko pero bakit pa nila itatago kung pwedeng sabihin ito ng harap ko. Hindi ako masasaktan, hindi ako magagalit, hindi ako malulungkot dahil tanggap ko, at kahit ano pa man iyan ay kaya kung tanggapin na buo sa loob at bukal sa puso ko.

Ang ayaw ko lang ay dinidibdib nila ang pagkawala ko na wala namang dahilan dahil hindi naman ako kailangan paglamayan, kaawaan, at pangahalagan dahil ang tulad kong masakitin ay hindi kailangan man pagtuunan ng pagmamahal. Umiyak ako ng umiyak sa gabing iyon. Hindi ko na nakausap si Ajiya dahil sa bigat ng dibdib. Gustuhin ko man ay parang ayaw ng katawan ko. Wala akong kinausap, wala akong pinansin kahit sino sa kanila.

Kaya nga hiniling ko na sana sa pagtulog ko ay hindi na ako magising pa. Ayaw ko nang pahabain pa ang pag-alala nila sa akin. Kasi pumasok sa isip ko na gusto ko pang lumaban at higit sa lahat iyong gusto ko pang magpatuloy kasi naaawa ako sa kanila.

Nagtitiis sa wala namang pagbabago.

Nagising ako sa isang umaga ng walang ganang bumangon. Gusto ko lang matulog ng matulog hanggang sa hindi na talaga ako magising.

Noon natatakot akong matulog kasi baka hindi na ako magising. Na baka wala nang umaga ang masisilayan, pero ngayon disedito na akong mawala kaya ko nang tanggapin at harapin gaya ng paglaban ko sa sakit kong walang katapusan. Lumalaban lang kami sa wala.

"Laspiranza, you should eat now, kagabi ka pa hindi kumakain," sabi ni Mommy na may inihanda nang pagkain galing sa hospital. "Diba gusto mo pang lumabas kung kakainin mo ito lalabas tayo kapag free na ang daddy mo," sabi niya. Sinalinan ko siya ng tingin. May kung anong lungkot sa puso ko ang bumalot dahil sa bawat bitiw niya ng salita ay tumutusok iyon sa puso ko.

"M-Mommy, S-Sorry, sorry for everything..., hindi ko gusto na ganito ang mangyayari sa akin, sa atin, alam kung pabigat na ako masyado pero pwede namang-" she cut me off.

"Sinong nagsabing pabigat ka? You're not a burden to us, you're the gift from above, a beautiful gift. 'Wag mong isipin na pabigat ka, Okay? You're our baby and always our baby," sabi ni Mommy at niyakap ako. Niyakap ko siya pabalik. They're treated me like a princess that's why I hated myself having this kind of burden. Kaya hindi nila deserve ang ganito. They don't deserve me.

"Kumain ka na, susubuan ka ni Mommy mo," sabi niya.

Napatawa ako sa sinabi niya. Biglang nag lightened iyong mood ko sa sinabi niya. "I'm not a kid anymore mommy, I'm 16 years old and I can handle myself though," I said a bit shy to her.

"I know but I like babying you, ikaw pa rin ang baby namin ng Daddy mo, just let mommy do this to you okay?" tanong niya sa akin at wala akong magawa kundi ang umoo.

"Okay, mom," sagot ko at nakangiting sinubuan niya ako.

Nung matapos kaming kumain ay tinulungan akong maligo ni Mommy sa CR. After that bumalik na ulit ako sa pagkakahiga. Just like spending time with my bed kasi nasanay na akong humiga lang ang tanging alam. "Babalik si mommy, okay?" paalam niya sa akin.

"Okay," sabi ko at kinuha ang cellphone ko sa ilalim ng kama ko.

Lumabas na siya sa kwarto ko kaya tumayo na ako para makapunta sa couch at umupo doon. Hindi rin nagtagal ay nakatulog ako sa couch.

Naalinpungatan ako sa narinig kong paguusap.

"She needed to try again..." I heard a gasps after saying that. Sa tindi ng liwanag ay kinuslit kuslit ko pa ang mata ko.

Nawala iyong antok ko nang makita kung sino iyong naguusap.

"G-God," rinig kong umiiyak sa isang gilid which is si Mommy.

Pinili kong ipikit ang mata at magpanggap na tulog. Ayaw kong makita nila na nakikinig ako sa paguusap nila.

"She needed to, Laspiranza is have a various disorder may isang buwan nalang ang nalalabi. And if the trial will not be successful, then sad to say," sabi sa kausap ni Mommy.

"May ilang buwan nalang na nalalabi sa kanya," he added.

Dumating sa punto ng buhay ko na ito na nga, na nalaman ko na, pero iyong sinabi kong tatanggapin ko ay iba ang naging responded, bumulugso iyong takot sa dibdib ko at higit sa lahat ay may isang buwan nalang akong araw para malaman kung gagaling pa ba ako o wala na talagang pagasa.

***

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report