Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman -
Kabanata 26
Nagulat si Madeline sa inaasal ni Jeremy. Subalit, hindi na niya sinubukan pang amuhin si Jeremy. Mahinahon siyang nagtanong, "Anong gusto mong pag-usapan, Mr. Whitman?" Hindi masaya si Jeremy sa itinawag sa kanya ni Madeline. "Anong tawag mo sakin?"
"May nagbago ba? Wala ka namang pakialam sakin, Mr. Whitman."
Sumimangot si Jeremy. Pagkalipas ng ilang sandali ng pananahimik, nagsalita siya, "Lumalaki na ang tiyan ni Mer. Gusto ko siyang pakasalan."
Kahit na alam ni Madeline na darating ang araw na pipilitin siya ni Jeremy na makipaghiwalay, nasaktan pa rin ng husto si Madeline sa kanyang narinig.
Tumingin si Madeline sa lalaking kaharap niya. Natawa lamang siya. "Paano naman ako?"
Ang tanong ni Madeline. Pakiramdam niya ay sila na ng anak niya ang pinakamalaking kalokohan sa buong mundo.
Tumingin ng masama si Jeremy kay Madeline. "Kung magiging masunurin ka, pwede tayong manatiling ganito."
Napahalakhak si Madeline sa kanyang narinig. "Mr. Whitman, sinasabi mo ba na gusto mong maging kabit yung legal mong asawa? Gusto mong maging asawa yung walang hiya mong kabit, ganun ba?" Pagkatapos niyang sabihin yun, dumilim ang ekspresyon ng mukha ni Jeremy.
Nakaramdam ng kirot sa kanyang puso si Madeline. Kinagat niya ang kanyang labi at ikinuyom ang kanyang mga kamao. "Jeremy, kahit na patay na ako, hinding-hindi ako papayag na makuha ng walang hiyang Meredith na yun ang gusto niya!"
Pagkatapos niyang sabihin yun, umakyat si Madeline at nagkulong sa kanyang silid.
Mabilis ang tibok ng puso niya. Takot na takot siya na baka magmakaawa siya na huwag siyang hiwalayan ni Jeremy kung hindi siya umakyat agad.
Kung sabagay, hindi nagbago ang hiling niya. Hangga't magkasama sila, masaya na siya at kontento.
Subalit, hindi niya inasahan na ganun kasama si Jeremy sa kabila ng pangako niya na habambuhay silang magsasama.
Umalis si Madeline. Ayaw niyang makita si Jeremy. Natatakot siya na baka muling iabot sa kanya ni Jeremy ang mga divorce paper nila. Bukod dito, natatakot din siya na baka patayin ni Jeremy ang ipinagbubuntis niya para sa kapakanan ni Meredith.
Inakala niya na hahanapin siya ni Jeremy kapag umalis siya. Subalit, ilang araw na ang lumipas, hindi man lang siya tinawagan ni Jeremy. Halatang hindi umuwi si Jeremy sa mga nagdaang araw na yun. Siguro ay magkasama sila ni Meredith at nagpapakasaya.
Habang iniisip niya iyon, nakatingin siya sa mga singsing na dinisenyo niya. Dahil dito, napaluha si Madeline.
Tinanggap niya ang order mula sa isang kliyente noon. Nagpagawa sila ng isang pares ng singsing.
Noong magkaroon siya ng nararamdaman para kay Jeremy, naisip niya ang disenyong ito ng mga singsing.
Naimagine niya na muli silang magkikita, mamahalin ang isa't isa, at magpapakasal. Pagkatapos ay isusuot ni Jeremy sa kanya ang singsing na siya mismo ang nagdisenyo. Subalit, sa huli, naglaho ang pangakong iyon.
Pinunasan ni Madeline ang kanyang mga luha at ipinagpatuloy ang paggawa ng kanyang disenyo. Subalit, nakatanggap siya ng tawag mula sa psychiatric hospital kung saan nakatira ang natitira niyang pamilya.
Nagmadali siyang pumunta sa ospital, at sinabi ng nurse na may cancer sa baga ang lolo niya.
Magagamot ito ngunit malaki ang gagastusin sa kanyang operasyon.
Naghiwa ng mansanas si Madeline para kay Len Samuels at iniabot ito sa kanya. "Lolo, kain ka na."
Kahit na may sakit sa pag-iisip si Len, mukha siyang mabait. Kinuha niya ang mansanas kay Madeline. "Eveline, dumating ka."
Tumango si Madeline at ngumiti. Eveline ang tunay niyang pangalan. Pero wala siyang ideya kung ano ang tunay niyang apelyido.
Mula noong magkamalay siya, wala na siyang nakagisnang magulang. Tanging ang lolo lang niya ang kanyang kasama.
Inakala ni Madeline na magluluksa siya kapag namatay ang kanyang lolo. Subalit, sa sitwasyon ngayon, mukhang mauuna pa siyang mamatay kaysa kay Len.
Tiningnan ni Madeline ang halaga na kakailanganin nila para sa operasyon at nalaman niya na kailangan niya ng halos tatlong daang libong dolyar para gamutin ang 2nd stage lung cancer.
Noong makita niya ang halagang ito, naglaho ang pag-asa sa mga mata ni Madeline. Pakiramdam niya ay pinipilipit ang kanyang puso. Pahigpit lamang ito ng pahigpit, dahilan para mahirapan siyang huminga.
Tatlong daang libong dolyar. Saan siya kukuha ng ganun kalaking pera?
Subalit, noong maisip niya na mamamatay ang kanyang lolo kapag hindi siya nakakuha ng sapat na pera para sa pagpapagamot ng kanyang lolo, naluha si Madeline. Nahirapan siyang huminga dahil sa tindi ng pighating naramdaman niya.
Muling nalumbay si Madeline dahil sa laki ng halagang kakailanganin niya para sa pagpapagamot ng kanyang lolo. Di kalaunan, noong sandaling nawawalan na siya ng pag-asa, bigla niyang naalala si Jeremy.
Siya lang ang pag-asa niya.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report