Kumapit si Meredith sa braso ni Jeremy sa takot, malinaw na nagpapakabiktima.

Nagawa na niya ang taktika na yun koon ngunit kahit ganon, naniwala pa rin ito nang walang pagdududa.

Nangungutyang tumitig ang lahat kay Madeline. Matagal nang nasanay si Madeline sa mga ganitong tingin, pero di pa rin siya masanay sa makakapatay at malamig na titig ni Jeremy sa kanya.

Sa kanyang isipan, iyon ay isang mukhang minahal niya nang lubusan. Subalit, wala na ang hinhin na mayroon ito noon.

Sa sadaling ito, habang hawak ni Jeremy si Merefith, ang kanyang malamig at parang patalim na mata ay tumagos kay Madeline. "Ma. De. Line!"

Nagngitngitan ang kanyang mga ngipin nang bigkasin niya ang tatlong pantig na iyon, bawat isa ay may matinding pwersa!

Nakaramdam si Madeline ng lamig mula sa talampakan niya papunta sa buong katawan niya. Katakot-takot ito.

Si Meredith ay kasalukuyang nakasandal sa braso ni Jeremy at walang-tigil na umiiyak. "Jeremy, bakit ba ganito kasama si Madeline? Sinabi niya sa akin na siya mismo ay nabuntis na noon, pero namatay ang bata habang siya ay nakabilanggo. Dahil naging ina na rin siya, bakit di niya maunawaan ang pakiramdam ng isang ina?" Sinabi niya habang nakatingin kay Madeline at umiikot ang kanyang luha. "Madeline, tama na! Ayaw mo bang matahimik ang anak at lolo mo?"

Nang mabanggit ang kanyang lolo at namatay na anak, biglang tinikom ni Madeline ang kanyang kamao at biglang sumugod ang mahina niyang katawan patungo kay Meredith nang buong lakas. Hinablot niya sa kwelyo si Meredith at galit na sinampal.

"Ang lakas pa rin ng loob mong banggitin ang lolo at anak ko! Bakit di na lang ikaw ang namatay Meredith! Ikaw ang pinakakasumpa-sumpa!"

"Ah! Jeremy, ang sakit ng mukha ko!" Paulit-ulit na sumigaw si Meredith.

Biglaan ang pangyayari at di inasahan ni Jeremy na biglang magwawala si Madeline at buong lakas na susugod.

Nahirapan siya na itulak palayo si Madeline at protektahan si Meredith.

Marahas na naitulak si Madeline, tumama ang likod niya sa pader sa likuran niya. Sobrang sakit ng pagkakatama niya na hindi na siya makabangon.

Niyakap ni Jeremy si Meredith na umiiyak pa rin at tumalikod. Bago umalis, sinulyapan niya si Madeline. Ang titig na iyon ay parang isang talim na may lason nang bumaon ito sa mga mata ni Madeline. Nasasaktan pa rin si Madeline sa kanyang katawan at isip. Wala na rin siyang lakas para magpaliwanag at tumalikod na lang mula sa pangungutya ng madla.

Habang pabalik, nakaramdam si

Madeline ng sakit mula sa kung nasaan ang tumor. Nanginig siya at naglabas ng painkiller mula sa kanyang bag. Nang iinom na

isang itim na kotse ang biglang

huminto sa harapan niya. Content

Bumukas ang pinto ng kotse at isang malaking lalaki ang humablot kay Madeline.

"Anong ginagawa mo? Bitawan mo ako!"

Nagpumiglas siya at lalong lumala ang sakit ng kanyang katawan habang nagpupumiglas siya.

Isinilid siya ng lalaki papasok ng kotse at nakita ni Madeline ang malamig na mukha ni Jeremy nang tumingala siya.

Nakasuot siya ng itim na coat, mukhang galit at punong-puno ng poot.

Nang mapansin ang bote ng gamot na hawak ni Madeline, inagaw ito ni Jeremy, at nang makita na painkiller ito, ngumisi siya.

"Alam mo rin naman kung paano masaktan diba Madeline? Noong sinaktan mo ang anak ko at inapi mo si Meredith, naisip mo rimba na makakaramdam sila ng sakit?"

Galit siyang nagtanong. Nang bigla niyang ipitik ang kanyang palad, itinapon niya palabas ang mga painkiller.

Namutla ang mukha ni Madeline. Ang bahagi na kung nasaan ang tumor ay sumakit at nahirapan siyang huminga.

"Andar," iniutos niya at kaagad na humarurot sa kalsadaang kotse.

Hindi alam ni Madeline kung saan siya dadalhin ni Jeremy ngunit tinis niya ang matinding sakit habang tinitignan niya ang lalaking may

matibay at malamig na ekspresyon.

"Jeremy, alam kong di ka maniniwala sa sasabihin ko, pero sasabihin ko pa rin. Di ako ang nanakit sa anak mo, si Meredith yun..."

"Tumahimik ka!"

Galit siyang sumingit, tumatagos ang kanyang nakakatakot at masamang titig.

"Magsalita ka pa at itatapon kita palabas ng kotse."

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report