Can I be Him? -
PROLOGUE
GRADE NINE lamang noon si Lyle nang una niyang maranasan ang laitin at pagkatuwaan dahil sa pagiging iba niya sa karamihan ng kalalakihan. Ito ang unang beses na pakiramdam niya, inabandona siya ng Diyos at biglang itinapon sa kung saan. Inilugmok sa kalungkutan at kailangang mamuhay sa bangungot.
"Bakla! Bakla! Bakla!" Ito ang madalas na gamiting panlait sa kanya ng mga kaklase niyang lalaki. Madalas siyang palibutan ng mga ito, itulak-tulak na para bang isa siyang laruan, walang pakialam kung nasasaktan ba siya o hindi. Nakapinta sa itsura ng mga ito ang pagkadisgusto. Ang mga ngiting naglalaro sa labi nila, madilim at hindi kaaya-aya. Katunayan, matapos siyang hawakan e halos maghugas pa ng mga kamay kaya bumabawi sa lakas ng panunulak sa kanya. Sa kabila noon, mukhang aliw na aliw silang kastiguhin siya.
Kung magiging totoo lang siya sa sarili, aaminin niyang nakakarindi ang paulit-ulit na panlalait nila sa kanya. Kung pupwede lang, mas gugustuhin nalang ni Lyle na mabingi hanggang sa matapos ang pang-iinsulto ng mga ito ukol sa sekswalidad niya.
Lalo na at hindi niya masikmura kung gaano ka-mapanghusga ang mga taong nakapaligid sa kanya. Kung gaano katindi straight syndrome ng mga kapwa niyang lalaki. Napaka-toxic pero hindi siya makapalag. Hindi niya kaya. Mag-isa lang siya.
"Nakakasuka ka! Da't 'di ka na ipinanganak, ipinunas nalang sana sa kumot ninyo!"
"Bakla ka? Bakla ka?! Pwe, ang mga baklang tulad mo, kanser sa lipunan!"
"Wala kang kwenta! Nakakahiya ka, bakla!"
"News flash sa 'yo, Lyle. Wala kang mararating sa buhay dahil bakla ka!"
Iilan lang ito sa mga naririnig niya mula sa mga bibig nila kanina pa. At hindi niya maiwasang magalit, hindi sa kanila kung hindi sa sarili niya.
Katulad naman siya ng mga ito. Hilig din ang pagba-basketball at iba pang sports. Pero bakit iyong makuha na magkagusto sa babae, hindi niya magawang pagsikapan na magustuhan? Bakit kahit na anong pilit niya, nagigising pa rin siya sa katotohanang kapwa niya ang nagugustuhan niya?
Sa kabila ng malalim niyang mga iniisip, natahimik ang buong paligid nang ipasa si Lyle sa isa pang kasama ng mga ito. Nang mag-angat siya ng tingin, namutla siya nang makita niya ang pinaka matalik niyang kaibigan na disgutadong nakatitig sa kanya.
"Magkasama pa naman tayo mula noong first year high school tayo," panimula nito bago siya malakas na itinulak hanggang sa mapaupo siya sa semento, "pero pucha! Pakiramdam ko pinagnasaan mo lang ako!"
Doon nagsimulang masira ang mundo ni Lyle. Hindi lamang kung sinu-sino ang humusga sa kanya, maging ang taong pinagkatiwalaan niya ng husto; iniwan siya dahil sa sekswalidad niya.
Tunay ngang dapat, hindi muna siya naglabas ng kahit ano ukol sa pagiging iba niya. Nakakapangsisi. Nasira ang buhay niya. Lalo na nang malamang kung sino ang itinuring niyang pangalawang pamilya ang tatrayidor at iiwan sa kanya. "Ang sabi nila, tanggap nila maging sinuman ako. Pero sa huli, naging laughing stock lang din ako."
Gusto niyang matawa na lang sa buhay niya. Hindi na siya makapaglalaro pa ng basketball ng maayos nang relaxed dahil hindi na siya welcome pa sa team. Kahit na buksan ng coach nila ang pinto para sa talento niya, sigurado siyang iba na ang trato ng mga ka-team niya sa kanya ngayon.
Hindi na rin siya makakain sa canteen katulad ng dati dahil sa tuwing nakikita siya ng dati niyang barkada, pinagkakatuwaan siya ng mga ito. Mas lalong hindi na siya makapag-focus sa pag-aaral dahil panay pa rin ang panggugulo nila. Ang mas masakit, walang sumusuway o pumupuna sa ginagawa nila. Sa halip sinasabayan pa ng iba, lalo na ng mga guro niya ang pang-iinsulto sa kanya noong kumpirmahin niyang totoo ang sinasabi nila.
"Kegwapo mo pa namang bata, ketalino mo rin tapos ganyan ka? Sayang ka, Villariza," gatong ng guro nila sa biology. Madalas, pinagti-trip-an pa siya at ginagamit na halimbawa sa hindi nakakat'wang kalokohan. Tama bang gawing basehan ang sekswalidad sa antas ng katalinuhan at dami ng matututunan niya? Hindi. Sadyang mapanghusga lang silang lahat. Pilit na nililimitahan ang kakayahan niya.
At pagod na siyang harapin sila araw-araw.
"Ang hirap humanap ng makakainan," bulong niya sa sarili habang naglalakad palibot sa eskwelahan.
Dahil hindi na siya pwedeng kumain sa canteen, naging nomad si Lyle t'wing lunch break. Pumupunta sa kung saan tahimik upang maiwasan ang gulo.
Natigilan siya sa paglalakad sa kalagitnaan ng tumitirik na sinag ng araw nang makita ang gate ng math garden na bukas. Alam niya, ayos lang kumain doon basta hindi magkakalat. Madalang ding may napapadpad doon dahil ang canteen, classrooms, at covered court ang pinakamabentang spot tuwing lunch break.
"Doon nalang," aniya saka tumungo sa hardin.
Nang makalapit si Lyle sa math garden, tinignan niya ang buong kapaligiran. Noong makumpirmang coast is clear, mabilis siyang humakbang papasok. Ngunit ang inaakala niyang hagdan, biglang nagsalita! "Ow, ow! Masakit! Dapat mo ba talaga akong apakan, Zamiel?"
Binilisan niya ang paghakbang papasok sa hardin nang makarinig ng isang hindi pamilyar na boses. At oo! Hinakbangan talaga niya iyong estranghero dahil sayang ang effort niya kung babalik pa siya sa labas, ano!
Nagsisimula nang mataranta si Lyle, iniisip na dahil masyado siyang okupado sa pag-iisip tungkol sa mga nantitrip sa kanya, hindi na niya nabigyang pansin pa ang daraanan. Pero bakit ba kasi sa lahat ng lugar sa buong eskwelahan, pinili nitong mag-disguise na step sa math garden?!
"Sorry, 'di ko sinasadya!" Natataranta niyang sabi.
'Bakit ba kasi rito ka humiga?!' Gusto niyang idagdag iyan kaso hindi na niya nasabi pa. Naunahan siya ng pagkatarantang baka nakasakit siya. Kung mababalian pa ng likod itong naapakan niya, sagot pa niya! Mukhang maling desisyon tuloy na dito kumain dahil hindi pa man siya nakakapagsimula, minalas na agad siya.
Sa kabila ng pagkataranta niya, nanatiling nakahiga ang misteryosong lalaki sa semento kahit na ang init. Lihim na siyang napapadasal, sana ayos lang ito!
"Ayos ka lang ba? Sorry, 'di ko talaga napansin na may tao pala rito!" Aniya.
Imbes na pansinin siya, inabot ng binata ang likuran at hinagod iyon bago bumangon. Mukhang nasaktan nga! Sa bigat ba naman niya, e. Kung magagalit ito, ayos lang dahil kasalanan din niya!
"Ayos lang." Nilingon siya ng binata bago at ngumuso. "I'm sorry. May tinataguan kasi ako."
Planning your weekend reading? Ensure you're on 5s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Imbes na sagutin ito, tila tumigil ang mundo ni Lyle nang magtama ang mga mata nila. Nahigit ang hininga niya at naramdaman ang pusong maghumerantado sa dibdib. Hindi maintindihan ni Lyle kung ano ba ang lohikal na eksplanasyon sa atraksyong nararamdaman niya, pero nandiyan na.
"Are you okay?" Tanong nito nang mapansing natulala siya. Ikinaway nito ang kamay sa harapan niya, pero wala pa rin siyang kibo.
Ano nga bang dahilan kung bakit ni isa, wala siyang maiproseso sa mga nangyayari? Kung bakit wala siyang makapa na sabihin at nananatili siya na tulala rito?
It may be because of his silky raven hair that glimmers beautifully when the sun touches its strands. Those captivating brown irides, tan skin tone, tall nose, thin lips, sharp jaw, or maybe his body which is slightly bigger and refined than his. Maybe it is how their uniform suited him too well, who knows?
He was all about that. Ngunit ang totoo, hindi ang pisikal nitong anyo ang dahilan kung bakit ganito ang reaksyon ni Lyle sa binatang kaharap. Naroon iyon sa isip niyang mukhang prinedikta na malaki ang magiging papel nito sa buhay niya. "Eh, so you're eating here alone because your ex friends kept on bullying you? That's very rude of them," komento ni Ridge habang kumakain at nakikinig sa kwento niya, "there's nothing wrong with being gay. It doesn't make you less of a human nor it disables you from achieving things."
Lyle does not know why he told Ridge what was happening with his life but he felt the urge to do so after they got along earlier. Maybe because he does not have friends anymore or because he feels comfortable with Ridge whichever reason it might be, he already stopped caring.
"Hanep naman 'yong mga teacher natin at mga dati mong kaibigan,” dagdag nito at tumusok ng siomai na baon niya.
Namamangha niya itong pinagmasdan. Hindi dahil gusto niya ang sinabi nito kung hindi dahil nakuhang umisa pa sa ulam niya. Binigyan niya, e. Nagugutom na raw kasi ito at dahil uhaw din sa tao si Lyle, hinayaan niya itong samahan at saluhan siya sa pagkain.
"Mabuti na lang 'di mo na sila kaibigan." Bumuntong hininga ito bago humikab. "Di mo kailangan ng mga kabarkadang huhusgahan ka."
"Totoo 'yan. Mabuti pala, ganyan ka?" Pag-uusisa niya.
"Dahil 'di naman lahat e nanghuhusga sa mga katulad mo," paliwanag nito.
Bakit ngayon niya lang nakilala si Ridge? Iba ito sa mga dating kaibigan. Mas malawak ang isip nito at bukas sa mga posibilidad na nasa harap niya. Most importantly, he makes Lyle feel safe and accepted. "Oh, and my brother is gay too and he disses everyone who discriminates him. He introduced me to lgbtq. So, yeah. I want you to know that I accept you, even if I'm nobody,” dagdag nito.
At first, he was just amazed of how Ridge accepted his brother's sexuality. He was just also mesmerized that he cheered him up. Then again, he cannot help it but to get emotional. Lyle's chest felt tight upon hearing what Ridge told him just
now.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi at dama niya ang panunubig ng mga mata. Kahit estranghero lamang si Ridge, natutuwa siyang mayroong tumanggap sa kanya. Nakakatawa. Kung sino talaga iyong hindi mo lubusang kilala, sila pa iyong mas kaya kang pakinggan at pasiyahin, ano?
"O, 'wag kang iiyak, pahingi na lang ng siomai," anito sa kalagitnaan ng pagmo-moment niya.
Hindi naiwasan ni Lyle ang mapahalakhak bago niya itinulak ang baunan sa binata. Pinunasan niya rin ang luhang pumuslit mula sa mata niya.
"Ayan, kumuha ka pa. Bumait ako lalo, pinasaya mo kasi ako," aniya.
"Naks. Sana kunin ka na ni Lord, Lyle."
Napamaang siya sa hirit nito. "Hoy, 'wag namang gano'n! Masaya pa lang ako, tapos gusto mo na 'kong mamatay?"
"Ay." Mahinang humalakhak si Ridge at umiling. "Joke lang. 'Di ka mabiro, syempre 'di ka pa pwedeng kunin ni Lord."
Nang ngisian siya ni Ridge, lumawak din ang pagkakangiti niya. Hindi na talaga kumalma noon ang puso niya. Ngunit ngayon, naninikip na rin hindi dahil sa kalungkutan kung hindi dala ng saya. "So, it's not too late for me, right?"
Nag-angat ng mga kilay si Ridge. "For what? If you're talking about afternoon classes, it's still thirty minutes away."
"No, not that." Natawa at napailing na lamang siya. "I'm talking about recouping myself."
"Huh, what made you think that it's already too late?"
Matapos nitong sumagot, napagtanto ni Lyle na tama ito. Ngunit kasabay noon, umahon ito mula sa pagkakaupo at nagsimulang mag-inat. Samantalang siya, namamangha lamang na pinanood ang binata. "Thank you... for listening to me," he trailed off.
Naguguluhan siyang pinagmasdan ni Ridge. "What are you saying? Ako nga dapat ang magpasalamat dahil pinakain mo 'ko kahit 'di tayo magkakilala. I call it quits."
It is a shame that his smile could not grow any wider. Gusto pa sana niyang ipakita kay Ridge ang tuwang nadarama matapos siyang pasiyahin nito, e. Kaso, may limit din ang katawan ng tao.
Nagtaka siya noong mapansing naglalakad na paalis ang binata.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya.
Ngumiti ito at may itinuro. "Nariyan na sundo ko. Salamat sa pagkain, ang sarap ng baon mo. Sa uulitin."
Dahan-dahan niyang sinundan ng tingin ang itinuturo nito at nakita ang isang lalaki na naglalakad tungo sa direksyon nilang dalawa. Mas matangkad kay Ridge at nakasuot ng kapareho nilang uniporme. Nakabusangot at ang paningin, kay Ridge lamang nakapukol.
"Basta iyong sinabi ko Lyle." Agaw nito sa atensyon niya, dahilan para mapamaang siya. "You're too cute to get sad after losing some pricks. Hayaan mo na sila. You deserve better. Bye!"
Matapos magpaalam, lakad takbo itong umalis mula sa harapan niya para lapitan ang kaibigan. Sa kabila ng distansyang naghihiwalay sa kanila, nanatili ang mga mata ni Lyle sa pigura ng binata. Doon sa malayo, pinagmamasdan ito. Nilulunod ang sarili sa pag-asang magkukrus pang muli ang mga landas nila.
Nakakamangha. Lalo na at sa maiksing panahong nakasama niya si Ridge, natutunan ni Lyle ang magmahal.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report