Can I be Him?
CHAPTER 1.2

ILANG araw na ang lumipas mula nang mag-text si Lyle sa manager ni Ridge. Ang buong akala niya, pahiwatig iyong rejected pala ang e-mail niya at mayroon nang ibang nakakuha kay Ridge na magmodelo. Susuko na sana siya, nawawalan na ng pag-asang makikita si Ridge sa damit na idinisenyo niya...

Ngunit alam ng kalawakan kung paano siya pasisiyahin! Tipong hanggang ngayon, hindi siya makapaniwala na pagbukas niya ng e-mail niya, bumungad sa kanya ang reply ng manager ni Ridge! Pakiramdam niya, para siyang nagising ngunit nananaginip pa rin. Para siyang lumulutang sa sayang hatid ng mensahe nito sa kanya.

Halos kararating niya lamang noon sa opisina at balak lamang na tignan ang iilang sale invitations. Matapos iyon, pupuntahan niya ang mga kasama para sa daily routine niyang mag-check ng progress sa mga ginagawa ng mga ito. Then again, when he thought that this day would be just like the others, he noticed something!

Hindi nga niya iyon inaasahan dahil una sa lahat, ang tagal na rin mula noong nag-send siya ng text dito. Mag-iisang linggo na rin! Akala niya, wala na talagang pag-asa! Ii-stress-in na rin sana niya ang sarili sa paghahanap ng back-up model ngunit agad niyang naitapon ang ideya nang makita ang e-mail mula sa manager ni Ridge!

Wade Evangelista

Subject: Model Request

Good morning, this is Wade Evangelista, Ridge Gonzales' manager. I am here to send you a great news! We want to let you know that Ridge is still good and vacant. Sa totoo lang, hinihintay niya na kontakin mo siya. Do you still want to have our boy to be a model of your brand?

Sent: 8:32 am

Habang paulit-ulit na binabasa ni Lyle ang e-mail, unti-unti ring sumisilay ang malawak na ngiti sa mga labi niya.

Hindi siya makapaniwala! Masaya siya dahil bakante pa rin si Ridge, syempre. Biruin ba naman niyang sa dami ng mga fashion brand na paniguradong gustong makuha bilang modelo ang binata, malalaman na lamang niya na siya ang hinihintay nito. Parang gusto niya tuloy na ilibre ang mga kasama sa trabaho!

Come to think of it, they have known each other since high school-hindi kaya ito ang advantage ni Lyle? Hindi nga lang sila madalas na magkita at magkausap noon dahil iba ang barkada nito, pero sa tuwing may pagkakataon, nakakaharap niya ito at nakakatawanan.

Malinaw din sa isipan niyang naikwento niya kay Ridge ang kagustuhang maging designer nang malamang nagmodelo ang binata. Ngunit nalulungkot din siya sa tuwing maaalala iyon dahil matapos ang pag-uusap na iyon, tumigil sa kolehiyo si Ridge upang palawigin ang pangalan sa industriya ng modelling.

But Lyle still deems that it was worth it since... he is a successful model now. Siya ang isa sa mga pinaka hanap ng mga designer ngayon-local o international. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi dapat gawing basehan ang diploma sa layo ng mararating ng isang tao.

Pero ang tanong ni Lyle, posible ba na isa sa mga dahilan ang pagkakaibigan nila upang piliin siya nito?

He was flustered by the idea.

Noong mahimasmasan naman at matigil na sa pag-aalala kung ano ang nangyari sa binata noong kolehiyo sila, doon siya humugot ng lakas ng loob para mag-reply kay Wade. Lyle Villariza

Subject: Model Request

Good morning, sir Evangelista! Thank you for choosing our brand! Yes, I'm still up to take Ridge as one of my models. I'll send you the line up to have him prepared.

Bago niya isinend ang reply na iyan, mabilis niya pang kinalkal ang files upang hagilapin ang dokumentong naglalaman ng in-outline niyang line up. At sa totoo lang, ginawa niya iyon ng walang hinga-hinga! Ewan niya kung sobrang tuwa ba ito, kaba, o both!

Natural siyang relaxed na tao pero pagdating sa mga usapang umiikot tungkol kay Ridge, nag-iiba ang ihip ng hangin.

Matapos i-proofread at i-check kung tamang file ba ang nai-send niya sa manager nito-pati na rin i-check kung na-send ba at hindi na-save lamang sa drafts ang tugon niya; nakahinga ng maluwang si Lyle at isinandal ang likod sa backrest ng swivel chair niya.

"Hinihintay daw niya 'ko," ulit niya dahil hindi pa rin makapaniwala, "Ang saya, pakiramdam ko magiging maganda itong araw ko."

Gustong makuryoso ni Lyle kung ano ang naging reaksyon ni Ridge nang marinig na kasali siya sa event. Kung sumilay ba ang aliw sa mukha nito at kumurba ang ngisi sa mga labi nang malamang gusto niya itong kuning modelo niya. 'Pero bago ako mag-imagine rito, kailangan ko muna pa lang dumaan sa café,' pag-ungos niya sa sarili. Bahagya siyang napangiwi nang biglang maalala kung ano ang huling nangyari sa kanya roon.

That free coffee latte and the owner of the café sure was weird-but, he was entertaining. After a couple of days thinking, Lyle almost thought that that guy must have have something from him based on how he hid from him last time. Then again, a free drink for regular customers is a valid reason so that they can hand out something to him. Plus, it was the waitress who gave him the coffee so it sounds even more persuading. So, only the universe can tell. Nonetheless, he did promise himself to get back to him!

Hindi nga lang niya alam kung paano? I mean, does he only have to thank him? Nothing else?

"Or I should probably go introduce to him and ask properly about the free coffee?" Patanong niyang tanong sa sarili bago ipinikit ang mga mata at nagmuni-muni, "pero nabanggit naman na para sa mga regular niya 'yon kaya ba't ko pa ulit itatanong? 'Di naman ako sirang plaka."

Gugugulin niya sana ang oras na mag-isip ng action plan mamaya sa café. Makakalimutan niya rin sana ang agenda niya ngayong araw, mabuti nalang, sinundo siya ng isa sa mga kasama sa opisina niya!

Ipinagpatuloy ni Lyle ang orihinal na plinanong gawin para sa araw na ito. Tinignan ang bawat damit at ipinapaayos kapag mali ang pagkakatahi o hindi nasundan ang instruksyon niya. Lyle is especially particular with needle work. Hangga't maaaari, gusto niyang perpekto at malinis iyon. Bukod sa needle work, tinitignan niya rin ang tela. You can never be too sure if there are possible anomalies in the cloths.

"Nakakapagod." Bumuntong hininga si Lyle saka minasahe ang balikat habang naglalakad tungo sa café na kanina pa balak na puntahan.

Nakaka-stress, nakakagutom ganito niya gusto pang sundan ang mga sinasabi kanina. Ang dami talaga niyang ginawa, mabuti na lang at tinawag siya ng kasama at kahit paano'y on time pa rin nasimulan ang trabaho. Iyon nga lang, hindi pa rin tapos kaya pagbalik niya sa Primivère mamaya, babalikan niya ang mga iyon.

Natigilan si Lyle noong kumulo pa ang tiyan niya. Hindi lang siya, narinig din iyon ng kasama niya na mag-lunch ngayon kaya naman nahihiya rin siyang tumawa.

"Narinig mo 'yon, 'no? Wala kang sasabihin sa iba," pabirong utos niya saka mahinang tumawa bago sinapo ang tiyan, "nagugutom na 'ko, Kal. Ang daming gawa sa trabaho, 'di ko inasahan."

"Napansin ko rin nga na mas masipag ka ngayong araw, sir. Mayroon bang magandang nangyari?"

Napahimig si Lyle bago nagsimulang maglakad ulit. Sumunod naman kaagad sa kanya si Kaleb. Masyadong tirik ang araw para tumambay sa kalsada. Nasusunog ang balat nila.

Hindi nagtagal, nangingiti niya itong nilingon at saka siya marahang tumango.

"Kaninang umaga, naka-receive ako ng e-mail galing sa manager ni Ridge. Gusto niya raw mag-model para sa Primivère." Nahihiya siyang tumawa at napahawak sa sariling batok. "Ilang araw ko nang sinend iyong inquiry ko, e. Kanina lang sila nag-reply, 'kala ko nga may nakakuha na sa kanya."

Dahil tuwid ang tingin ni Lyle at nakatuon lamang sa tinatahak nilang daan, hindi niya nabigyang pansin ang pagkunot ng noo ni Kaleb. Inirerehistro pa nito sa isipan ang sinabi niya, ngunit nang mapagtanto ang magandang balita, awtomatikong sumilay sa mga labi nito ang tuwa para kay Lyle.

"Talaga ba? Congrats kung gano'n, sir! Balita ko, mahirap na kunin si Ridge dahil isa sa mga pinaka kilalang modelo ngayon. Mahaba ang pila para sa kanya pero ikaw ang pinili! Paniguradong marami lalong magkakainteres sa brand natin." Ah, hindi niya alam. Nahiya siya lalo sa sinasabi ni Kaleb. "Baka medyo privileged lang ako. Kasi kakilala ko si Ridge mula no'ng high school ako."

"Magkakilala rin kayo mula high school?" Bakas ang pagkamangha sa boses ng kasama. "Mas maganda kung gano'n. Isipin mo na lang sir, ang laking advantage sa 'tin no'n kahit nagsisimula pa lang ang Primivère."

May punto naman si Kaleb. Hindi nito sinabi na ang yabang niya dahil mayroon siyang koneksyon kay Ridge Gonzales. Sa halip, naintindihan agad nito ang oportunidad at kung bakit kaagad din iyong sinunggaban ni Lyle. Only that, Lyle's real agenda behind contacting Ridge's manager is because he wants to see the male wearing the clothes he spent his blood, sweat, tears, and time on.

"Ah, oo." Pasimpleng lumunok si Lyle para ibaon sandali ang konsensyang nagmumulto sa likod ng isipan niya. "Malaking oportunidad nga 'to para mas makilala ang Primivère."

"Lalo na't si Ridge nga 'yon." Nag-inat ang binata bago humikab. "Idagdag mo pa na ang gaganda ng mga design na ginagawa mo, sir. Tapos 'yong 'di kapanawa-nawa na itsura ni Ridge Gonzales? Siguradong aakyat ang sales natin!" Sa kalagitnaan ng pag-uusap tungkol sa event at sa mga posibleng malalaking oportunidad, hindi nila napansing nasa harap na pala sila ng café na madalas niyang pinupuntahan. Real talk kasing ito ang pinaka malapit na kainan mula sa building nila bukod sa mga karinderya. Walking distance lamang at hindi kamahalan ang pagkain. Sa kabila ng murang presyo, hindi isinasakripisyo ang kalidad ng mga produkto rito.

"Nakaisip ka na ba ng o-order-in mo, Kaleb?" Pag-uusisa niya, "ako na lang ang mag-oorder, ikaw na ang maghanap ng upuan."

Kumunot ang noo ni Kaleb. "Sir, parang mali yata? Nakakahiya namang ikaw ang mag-oorder."

"Ngayon ka pa ba mahihiya sa 'kin?" Natawa siya at tinapik ang balikat nito. Medyo awkward dahil mas matangkad ito kaysa sa kanya pero kung umasta siya ay parang siya ang mas matangkad. "Ayos lang. Sabihin mo nalang sa 'kin kung ano gusto mo. Dapat nga, kayong lahat ang bibilhan ko ng pagkain pero ayaw paistorbo ng mga kasama natin sa trabaho. Bilhan na lang natin ng take out."

Noong una, nag-aalangan pa si Kaleb sa sinabi niya. Ngunit noong mapagtantong nanlilibre si Lyle dahil nakuha nito si Ridge bilang isa sa mga modelo, isinuko rin nito ang argumento at sinabi ang order.

'Mocha affogato at smoked fish cakes para kay Kaleb.' Ilang beses niyang ni-recite sa isipan ang order ng binata upang hindi ito malimutan. 'Samantalang ako, ano naman kayang o-order-in ko?'

Sa kabila ng mabagal niyang paglakad tungo sa counter at pag-ii-scan ng menu na nakapaskil sa parang awang na kisame ng café, hindi pa rin siya nakakapamili ng makakain.

Mayroon din siyang nakasabay noon sa linya na hindi niya pinansin. Paano ba naman kasi, noong tumabi siya rito, agad na napukol ang mga mata nito sa kanya. At ngayon, tila ba binubutasan nito ang gilid ng ulo sa mga patitig titig nito. "I guess I'll go for Peri-peri chicken burgers and..." bulong niya saka mabilis na inilipat ang mga mata sa menung naglalaman ng beverages. "... coffee frappe?"

Para maiba. Puro siya coffee latte, e. Also, Lyle knows that this is not the ideal lunch but he feels like rewarding myself, too. Or like, celebrating because he got Ridge in his party and he feels like he is in heaven.

Nahigit siya mula sa pag-iisip nang mahagip ng tingin ang isang pamilyar na pigura. Kaagad na hinanap ng mga mata niya kung sino iyon hanggang sa makita niyang iyong may-ari ng café na biglang nagtago sa kanya noong minsan! Palapit ito sa counter ngunit ang atensyon, nasa mga kausap sa kitchen.

Natulala sandali si Lyle habang pinagmamasdan ito. Kung noong nasa malayo ito ay para itong nagliliwanag, lalo pa ngayong mas malapit na siya! At oo nga pala, balak niyang magpasalamat dito tungkol sa coffee latte noong isang araw!

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report