Can I be Him? -
CHAPTER 14.1
"SIR, mauuna na po 'ko! Good day po sa inyo," paalam ng isa sa mga kasamahan sa trabaho ni Gian.
Awtomatikong napalingon ang binata sa gawi nito at tinanguan lamang si Anna, ngunit makalipas ang ilang segundo, bigla siyang may naalalang itatanong dito. Kaya naman bago pa man makaalis ang dalaga, agad siyang tumikhim at pinukaw ang atensyon nito.
"Sandali lang, Anna, may itatanong pala ako sa 'yo!" Pigil niya rito. Mukhang didire-diretso kasi ng lakad kung hindi pa niya tatawagin. Hindi yata napansin ang maliliit na ginagawa niya para mapansin nito.
When Anna heard him call her, she instantly flinched as though she did something. The reaction made Gian amused, but he did not pay too much attention over that. He has something important to inquire about, after all. It is not like it is too important, but for Gian, it matters since it served as a puzzle for him for weeks now.
"Ano po 'yon, sir?" Tanong ni Anna na siyang humila sa kanya pabalik mula sa mga iniisip.
Napamaang si Gian. Muntik na rin niyang malimutan kung ano ang itatanong dito, hanggang sa biglang dumaan sa isipan niya ang imahe ni Lyle at ang boses nito noong magkausap silang dalawa sa telepono. Noong iyang mga alaalang iyan ang pumasok sa isip niya, napatikhim siya.
"Itatanong ko lang sana kung ikaw ba 'yong pinaabutan ni Ridge noon ng numero?"
Bagamat hindi na kasi malinaw sa isip ni Gian ang mga pangyayari noong araw na balaan siya ni Ridge ng "good luck", mayroong malabong imahe na parang ito ang nag-assist sa order ng dalawa at ang hiningan ni Ridge ng piraso ng papel galing sa notepad nila. Ito rin kasi madalas ang waitress sa café niya. Hindi ba nga at ito ang inutusan niyang mag-abot ng coffee latte noon kay Lyle?
Noong araw na abalang-abala si Lyle sa trabaho niya at mukhang naii-stress. Mukha ring wala pa nga itong kain noon. Ngayong inaalala niya iyon, nais niyang matawa dahil hindi talaga siya nagkaroon ng lakas ng loob na lapitan si Lyle. Nagtago pa nga siya sa locker ng mga employees niya noong mahuli siya nito, e. Parang gago.
"Po? Anong mga numero?"
Dala ng hindi niya pamimili ng mga salitang gagamitin, lumabas ding magulo ang tanong niya. Nagtaka pa nga si Gian kung bakit hindi naintindihan ni Anna ang tanong niya. Legit na kumunot ang noo niya hanggang sa maalala niya kung paano niyang phrinase ang tanong kanina.
"Ah, ang ibig kong sabihin, e iyong hiningan ni Ridge ng kapiraso ng papel galing memo pad natin tapos sinabihan na iabot 'yon kay Lyle," paliwanag niya. Syempre, hindi siya sigurado kung naiintindihan ba nito ang ibig niyang sabihin, pero sana?
Ilang sandaling natahimik si Anna. Tila ba pilit inaalala at iniintindi ang sinasabi niya. Iniisip na nga ni Gian na i-rephrase ulit ang tanong niya nang bigla na lamang itong mapapalakpak ng isang beses bago mahinang humagikhik. "Ah, opo ako nga po. Sabi po kasi niya n'on, kailangang-kailangan daw po ibigay kay Lyle."
Napangiwi siya. Mayroon din sanang nais na sabihin ngunit ipinagsakibit balikat nalang niya. Maayos naman kasi ang relasyon nila ngayon, hindi ba? Iyon nga lang ay nahihiya pa rin siya sa kabila ng mga panahong lumipas. "Bakit po, sir? 'Di pa rin kayo tini-text?"
Napatayo ng tuwid si Gian nang marinig ang akusasyon ni Anna. Muntik din siyang masamid sa sariling laway, napapantastikuhang imbes na ma-guilty ito dahil nga nakipagsabwatan kay Ridge, inaasar pa siya! Ayos sa kanya, a. Hindi nagtagal, umiling siya. "Di sa gano'n! Gusto ko lang malaman kung ikaw ba ang kasabwat ni Ridge sa kalokohan."
"Di nga, sir? 'Di kayo tinext? Sayang naman."
Ang sarap mambatok kaso wala siyang lakas ng loob na manakit ng iba e.
"Hindi nga sa gano'n. U-umuwi ka na nga! Nang-aasar ka na rin, e."
Ipagpapatuloy pa sana ni Anna na asarin si Gian dahil hindi raw siya tinext ni Lyle, hanggang sa ipaalala niya na tapos na ang shift nito at may lakad ito. Mabuti na lang talaga at sumunod sa kanya ang dalaga. Syempre, hindi ito umalis na walang pahabol na pang-aasar. Ha, kung alam lang talaga ng isang iyon na tinext naman siya ni Lyle, gusto lang talaga niya malaman sino ang kasabwat ni Ridge noong araw na iyon.
Itong si Anna, medyo ano e.
Bumuntong hininga si Gian noong sa wakas e mawala na sa paningin niya si Anna. Hindi naman sa napikon siya o ano, pero slight. Tinext kaya siya. Hindi pa nga nila inasahan parehong ang numerong maiti-text ni Lyle e iyong sa kanya. Naaalala niya kung paano silang nagulantang pareho, grabe iyon! Legit iyong gulat nila nang magpakilala siya.
Anyway, just as when he was about to go back to work, he was startled when he heard his phone ring and felt it vibrate in his pocket.
Mahina siyang napadasal. Bakit nasa bulsa niya ang cellphone at wala sa opisina? At bakit naka-set din ito ng ganito? Dapat naka-Do Not Disturb, e. Aatakihin siya sa puso kung ganito ang naka-set na profile setting.
Moreover, he fished the device from his pocket and checked what notification did he receive. His lips pursed when he saw that it was from Lyle, and feeling as though it is an emergency message or it may really be one, he immediately opened his inbox-only to have his shoulders fall upon reading the message.
Lyle:
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Hey Gi? Di ako makakapunta sa cafe ngayon, I have lots of workload to do. Kelangan mag prepare for an upcoming fashion event sa LA, I'll see you when it's over.
'Oh. He is not coming over today,' was the sole internal monologue that dominated his mind for minutes. Ah, who would have thought that he will feel disappointed after having to spend a day without Lyle?
Despite these thoughts clouding his mind, Gian urged himself to type a reply. Okay lang naman na wala si Lyle ngayon, trabaho ang dahilan kung bakit hindi sila sabay na manananghalian. Isa pa, siguradong matagal ding hinintay ng binata ang event na tinutukoy nito rito sa mensaheng ipinadala sa kanya. He wishes him good luck. He does not know if fashion events are like contests or something, but if anything, he wishes for Lyle and Primivère's success!
Me:
Ayos lang! Good luck sa trabaho, Ly! Balitaan moko a
Masyado yatang fixated ang atensyon niya sa cellphone dahil hindi niya na nagawang bigyan ng pansin ang mga pumapasok sa café niya. Hindi na niya nabati kahit na nasa counter lang naman siya at mabilis lang sumigaw ng 'welcome!', pero ayun nga. Hindi namalayan ni Gian ang pagkalunod niya sa maiksing usapan nila ni Lyle sa text, ni hindi niya napansin ang pagdating ng pamilyar na bisita.
Kaya nga laking gulat niya noong bigla na lang ibagsak ng kung sinumang ito ang mga kamay nila sa island counter! Hindi malakas para pumukaw ng maraming atensyon, pero sapat para mapatalon si Gian at halos mabitawan pa ang hawak na cellphone! Mabuti na lang kamo at nasalo niya pa rin.
"How clumsy," sabi noong bisita niyang kampon yata ni Satanas.
Napapantastikuhang nilingon ni Gian ang binata at saka siya natigilan noong mapagtantong si Zamiel pala iyon. Kaya naman pala ganito bumati.
"Uy, kailangan ba talagang manggulat kapag babati?"
Zamiel arched a brow. "It's not my fault that you're too immersed staring at your phone that you forgot that you have a customer right in front of you." Hindi nakasagot si Gian. Kumibot lang ang isang kilay niya bago siya nag-iwas ng tingin mula sa binata, tumikhim, at muling ibinalik ang cellphone sa bulsa. Sorry na agad.
"Anyway, I'm here for a different reason," dugtong ni Zamiel.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! Awtomatiko ang pag-angat ng mga kilay ni Gian sa narinig. "Anong ibig mong sabihin?"
"I just remembered that you've been calling me last time so I came to see how things went for you."
Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon. Ilang araw na kaya ang lumipas magmula noong pag-usapan nila ni Zachariel ang problema niya. And of course, he still was not able to solve the puzzle, but that is not the point! Zamiel is days late. Gusto niyang maiyak, ano pa ang silbi ng pagbisita nito ngayon e hindi na nga niya naiisip iyong bumabagabag sa kanya? Ngayon na lang ulit.
"Zam, tapos na," namamaos niyang sabi.
But that does not seem to bother Zamiel. "So? I want to hear what happened exactly. My brother's a shit, he won't let me sip the tea."
"Kaya ka ba nandito para lang sa tsaa?"
"My baby's also curious about how things are progressing. Before that though, pa-order muna ako ng kape."
Ayaw na sanang i-entertain ni Gian ang oder ni Zamiel pero noong ipagkrus na nito ang mga braso, tumiklop na si Gian. Alam naman niyang wala siyang choice, e. Hindi niya pwedeng ipagtabuyan si Zamiel, baka siya ang biglang ipatalsik sa sarili niyang café.
"O sige na nga, pero..." Gian trailed off before he scratched his cheek lightly, "wala ka namang maabutan na kwento sa 'kin dahil wala na sa isip ko 'yong bumabagabag sa 'kin no'ng isang araw."
Even though that was what he said, his friend does not seem to be convinced. Therefore, the male smirked at him.
"I don't think so. The storm may calm down for now but that does not mean that it's over," banta nito sa kanya na siyang nakapagpakunot ng noo niya.
Napalunok si Gian sa banta nito. "Wag mo nga 'kong takutin, 'di naman big deal 'yong tinanong ko kay Zach noong isang araw."
"You can't fool me. Anyway, black coffee and let's talk in your office, I know that you don't want anyone to hear your dilemma about Lyle. What a sucker. Ass-whipped."
Napapantastikuhang pinagmasdan ni Gian ang kaibigan habang tuluy-tuloy itong nagsalita tungkol sa pagiging "in love" raw niya kay Lyle. Walang preno, hanggang nga sa ilapag nito ang bayad sa in-order, talikuran siya at humanap ng temporary na mauupuan, parang armalite ang bunganga ni Zamiel.
Iyong totoo? Parang makakarinig siya ng matinding yawyaw, a.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report