Can I be Him?
CHAPTER 16.2

IN the end, they settled to watch the video in Gian's office. Natatawa pa siya noong igiya siya ng binata patungo sa opisina nito dahil para na itong robot kung kumilos. Ang tigas, parang kalkulado pa ang bawat galaw, tipong kahit hindi niya ugali ang mang-asar o mampuna, sa pagkakataong ito e hindi niya mapigilan!

"Baka madapa ka sa ginagawa mo, Gian. Calm down, will you?"

"I can't," Gian stammered, "kakain tayo sa opisina ko, e. I haven't really brought anyone there aside from my circle of friends."

Oh. Is he talking about Ridge and his other friends?

"Oo nga pero ano naman? May makikita ba 'kong 'di ko dapat makita? 'Wag mo sabihin sa 'king may altar diyan sa opisina mo at ako 'yong santo," pilyo niyang sabi.

"Huh?!"

Napalingon sa kanya ang binata at halos idikit nito ang likod sa pinto ng opisina. Tila ba mayroong pinoprotektahan doon kung kaya naman maging siya, natigilan at nagulat dala ng reaksyon nitong hindi niya mawari.

"May altar ka riyan na ako ang santo?" Hindi niya napigilang itanong muli. Sa pagkakataong ito, tila ba nagdadalawang isip na siyang pumasok sa loob!

Bakit ba magtatago ng ganoon si Gian kung sakali?

Mabilis na umiling ang binata. "Wala, 'no! 'Di ako aabot sa ganong punto, Lyle!"

What?

Bago pa man niya ibuka ang bibig upang magtanong, mabilis ding tumayo ng tuwid si Gian para dugtungan ang sinasabi. Tila ba maging ito, napagtanto kung anonang lumabas sa bibig.

"Um, a. Ang ibig kong sabihin, imposibleng gawan kita ng altar sa o- opisina ko!"

Ah, iyon pala. Akala naman niya, gumawa nga ito ng altar para sa kanya. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya kung may ganoon nga itong gawin!

Nang mabuksan na ni Gian ang pinto ng opisina at nagkaroon ng maliit na siwang, kaagad na ipinilig ni Lyle ang ulo upang masilip ang lugar. Because as far as Lyle knows Gian, he assumes that the inside of his office may emit warmth and it can be aesthetically pleasing as well. Kahit hindi pa man niya nakikita ang kabuuan ng lugar, iyon na rin mismo ang impresyon ni Lyle sa opisina ng binata.

Apparently, Lyle caught a glimpse of a fortune plant and a frame placed on a wall shelf beside the window. Also, he did not miss the harbor gray walls.

Natuwa pa siya nang buksan na nga ng tuluyan ni Gian ang lugar. Hindi niya napigilang mapangiti at mamangha dahil totoo ngang malinis ang lugar at masarap din talaga sa mata. Parang gusto niyang i-renovate ang sariling opisina nang maging ganito rin ang itsura?

Matching offices? Weh, Lyle.

"Pasensya ka na kung marumi opisina ko," ani Gian na siyang dahilan upang magtaka si Lyle.

Malawak nitong binuksan ang pinto ng opisina at tumabi sa gilid, iniimbitahan na siyang pumasok. Iyon lang, wala roon ang huwisyo ni Lyle kung hindi sa kabuuan ng kwarto. Bukod sa kagandahan ng lugar, napansin kaagad ni Lyle ang iilang papel na nakakalat sa lamesa ni Gian.

Hindi naman sobrang kalat dahil mangilan-ngilan lang iyon. Bahagyang kumunot ang noo niya. Ito na ba iyong kalat na sinasabi ng kaibigan? E, malinis pa ito sa paningin niya. "Makalat na ba 'to?"

Hindi niya napigilang mapaismid bago humarap kay Gian para ngitian ito. Napahalakhak din siya nang ipilig nito ang ulo marahil dala ng pagtataka sa reaksyon niya. "Alam mo, kung makita mo lang 'yong opisina ko, Gi? Iyon talaga ang makalat! Maraming telang nakatimbuwang sa sahig."

Napasinghap ang binata at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanya at sa sariling opisina. Napahagikhik siya kahit na nais malaman kung anong tumatakbo sa isipan ng kaibigan. Moreover, he entered Gian's office almost immediately after conversing since he did not want anyone else to see this boyish aesthetic. Parang gusto niyang angkinin ngayon lang, weird. Siguro dahil ang laki ng gap ng disenyo nitong opisina ni Gian sa personalidad ng binata. Matigas, kung tutuusin. "But gray, huh," mahinang komento niya bago marahang naglakad tungo sa isa sa mga upuan sa harap ng table ni Gian. Narinig niya ang pagsara ng pinto sa opisina ng binata pero hindi na niya iyon binigyang pansin pa. Ang pinansin niya, iyong paghimig ni Gian.

"Dry kasi magiging dating ng opisina ko kung gingerbread din ang theme color ng pader dito sa opisina ko..."

Napatango siya. "Oo nga. 'Di ko lang inaasahan na ganito pala ang tipo ng kulay mo. I actually pegged you as the type to prefer pastel colors."

As absurd as it may seem, but that is the truth. Buong akala talaga niya ay pastel yellow ang kulay ng opisina ni Gian dahil halos ganoon din ang kulay ng buhok ng binata. Para bang ternuhan na lang ng kulay? "Ah? Masyadong lively ang dating kung pastel at kulay yellow pa. E, 'di naman ako energetic."

Namamangha niyang nilingon si Gian. Kunot noo at nakangiwi. "Baka akala mo lang, hindi? You're pretty lively to me. Lalo na 'pag gusto mo 'yong pinag-uusapan. Para kang tuta na inayang mamamasyal. Kawag ng kawag iyong buntot mo." "Wala naman akong buntot!" Namilog ang mga mata nito at halos maidikit ang likod sa pinto. "Saka, hindi ako parang aso, 'no!"

"Sinasabi mo lang 'yan at 'di mo pa nakita sarili mong makipag-usap sa iba! But you're like a puppy to me."

Masyado siyang natuwa sa usapan nila tungkol sa pagiging parang tuta ni Gian. It was just so cute when the male denies how he really looked like when excited. Bago pa man tuluyang makalimutan ni Lyle ang totoong pakay niya, ibinalik na niya ang usapan tungkol sa CD na ibinaon niya.

Sa ngayon, abala na si Gian habang isini-set up ang mga kakailanganin: telebisyon, cd player, at iyong mismong disko na dala ni Lyle. Habang abala rin ito, dumating na ang tanghalian nilang dalawa at siya na ang nag-asikaso bago pa man siya pigilan ng kaibigan.

"Ako na, ayusin mo muna 'yan," aniya noong tumigil si Gian sa pagse-set up ng mga gamit. Iyon lang nga, bago pa niya maasikaso ang mga dapat na gawin, inunahan siya ng binata. At talagang tumakbo ito para lang hindi siya ang mag- asikaso ng pananghalian nila, a!

Planning your weekend reading? Ensure you're on 00005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Hindi talaga nagpapigil," bulong niya pero dahil hindi kalakihan ang opisina nito, narinig pa rin ni Gian ang sinabi niya. Mabuti na nga lang at hindi pala nito naintindihan.

"E? Lyle, may sinabi ka na?" Tanong nito. Nakapilig ang ulo at kumikislap ang berdeng mga mata dala ng kainosentehan.

Mabilis tuloy siyang napailing. "Wala, wala. Sabi ko lang, mainit pa 'yong pagkain natin. Bagong luto palang talaga. Patapos ka na ba riyan?"

Gian clasped and rubbed his hands before slowly nodding. Naglakad na rin ito palapit sa swivel chair at mayroong kinalkal sa drawers ng lamesa nito - remote. Samantala, inaayos ni Lyle ang kakainin niya at isino-sort out kung ano ang uunahing lantakan. He busied himself sorting out his food until he realized that Gian was staring intently at him.

Umangat ang mga kilay niya. "May problema ba?"

Nang marinig ang tanong niya, mabilis na namula ang mga pisngi ni Gian. Nag-iwas ito ng tingin at ilang beses ibinuka ang bibig para magsalita, balak na ipaliwanag kung bakit ito nakatitig sa kanya, ngunit wala ni isang salita ang lumabas sa bibig nito hanggang sa napalunok ito at tumikhim.

"Ipi-play ko na ba?" May pag-aalinlangan sa boses ng binata ng ibalik nito ang paningin sa kanya. Lumawak lang ang mga ngiti sa labi ni Lyle noon bago siya marahang tumango.

"Gusto mo ba muna ng disclaimer?"

Ipinilig nito ang ulo. "Disclaimer para saan?"

Mahina siyang natawa bago ikinaway ang isang kamay. Okay, he thinks that he should dismiss the disclaimer thing. Naisip lang naman niya iyon at napaka-impromptu noon. Baka mamaya rin, malaman pa ni Gian kung anong ipapakita niya rito. "I-play mo na," kalauna'y utos niya. Sinunod naman siya ng binata at sinimulan na nito ang video.

Habang nagpi-play iyon, ang mga mata niya e kay Gian lamang nakatuon at hindi sa telebisyon. After all, he already saw how great his own line up was. Ngunit kahit na namamangha pa rin siya sa sariling ginawa, mas interesado siya ngayon sa magiging reaksyon ni Gian. Katunayan, natuwa na siya nang makitang kumunot ang noo ng binata sa kabila ng pagsilip ng pagkislap sa mga mata niya.

"This was..." Gian trailed off. Ang mga mata, nasa telebisyon pa rin. Mukhang manghang-mangha sa mga damit na inilalakad ng mga modelo, "your turn in the previous event you attended to, right?"

Tumango-tango siya. "Yep. What can you say?"

"Your models are stunning..."

Kumunot ang noo niya at halos maningkit din ang mga mata sa narinig. Hindi naman iyon ang gusto niyang pansinin ni Gian pero roon pala nakatuon ang atensyon nito? "Hindi 'yong mga modelo, Gian."

Alam niyang straight ang binata at babae ang tipo nito pero may kung anong medyo mapait sa lalamunan niya. Na-badtrip din siya ng kaunti at iba ang napuna nito. Sa kabila ng pagpuna niya sa binata, hindi siya nito pinansin. Sa halip, kumunot ang noo nito nang may mapansin.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 5s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! Bumuntong hininga siya.

"Gian, please tell me that you didn't found someone you like among those models."

Nabigla siya nang marahan itong umiling at pasadahan siya ng tingin. "I already like someone else, Ly. Wala sa mga 'to 'yon. Um, iyong mga damit ang tinitignan ko ngayon." Oh. Oh. But wait, Lyle is sure that he heard something else before Gian assured him that he was looking at the clothes. Tama ba iyong narinig niya na may nagugustuhan na ito? Gusto niyang i-pause ang video para magtanong ngunit ayaw niyang lumabas na nakikiusyoso. Baka ang isipin ni Gian, nakikisawsaw siya.

"Nagbibinata ka na," ito na lamang ang nasabi niya. Hindi na napansin ang pagtigil ni Gian at ang paglunok nito.

"Ang gaganda ng mga damit na dinesign mo," komento ng binata, halatang iniiba ang usapan.

Dahilan iyon upang matigil siya sa pag-iisip at magbaba ng tingin sa pagkain. Mahina siyang tumawa habang sinisilip din ang pagkamanghang nakapinta sa mukha ni Gian. Hanggang ngayon, sa kabila ng ilang minutong lumipas, hindi pa rin nawawala ang kaninang kislap sa mga mata nito.

Now, he is more flattered. His achievement does not feel empty, as well. Someone is proud at him to the point that their eyes are sparkling in glee.

"Salamat."

"Saan mo pala ibinase 'to, Lyle? Nakakatuwa iyong tema. Malayo roon sa huling ipinakita mo sa 'kin. Iyong para kay Ridge? Ito, simple lang pero kasi malakas ang dating."

'Parang ikaw,' aniya sa isipan. Simple lang pero ang lakas ng dating. Sa una, iisipin mong boring na tao pero habang tumatagal, kainte-interesante lahat ng nagiging reaksyon nito sa mga bagay-bagay. Lyle specifically liked how Gian looks whenever he is flustered. Ang rorosas ng mga pisngi. Pakiramdam niya, kung nakilala man ito ng kapatid niya, maging iyon ay magseselos!

"Ikaw," simpleng sagot niya nang matapos na ring magmuni-muni.

Napangisi siya nang mabilis na ipihit ni Gian ang ulo paharap sa kanya. Nakaawang ang bibig nito at napabayaan nalang ang straw ng iced coffee na umikot ikot sa labi ng basong hawak ni Gian, ngunit hindi iyon nagtagal. Mahirap man para kay Gian, naitikom pa rin niya ang bibig matapos magulantang sa nalaman. Napatawa naman si Lyle dahil mukhang matagal pa bago maka-recover ang binata mula sa sinagot niya.

'Nakakagulat ba talaga?' Napaisip siya. Kung siya ba, biglang gagawan ng ganito ni Gian, hindi ba siya magugulat? Hindi naman kailangang damit din o kahit ano. Siguro kahit inuming sa kanya nakapangalan o hindi naman kaya ay pagkain tapos isi-serve rin dito sa café? Magugulat kaya siya?

"Anong sa 'kin?" Takang pag-uusisa nito nang kahit papaano'y mahimasmasan.

Lalo siyang naaliw. "Ikaw inspirasyon ko riyan. Nagustuhan mo ba?"

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report