Can I be Him?
CHAPTER 17.2

MAGMULA noong napag-usapan nila ni Gian ang rhetorical nitong tanong, hindi na iyon naalis sa isipan ni Lyle. Hindi naman dapat siya mabagabag o ano, pero malikot ang isipan niya. Noong marinig niya iyong tanong at ang posibilidad na magustuhan siya ng binata, parang pinagtataksilan siya ng utak niya. Pinupuno ng imahe ni Gian ang isipan niya imbes na mga isiping tungkol kay Ridge. Minsan, napanaginipan pa niya si Gian.

Nababaliw na yata siya. Kailan pa siya naging ganito? Pakiramdam niya, iyong mga kasalanan niya sa Diyos e trumiple noong ma-imagine niya na may gusto sa kanya si Gian.

Well, because of all these thoughts haunting him even in his wakefulness, Lyle yearned to seek for guidance, and where did he run off to? Of course, Keegan Chavez.

"What?! You rejected Gian?!" Bakas ang pagkagulat sa boses ni Keegan.

Napabuntong hininga rin siya nang mapasinghap ito at tignan siya na para bang may ginawa siyang malaking kasalanan. Iyong tipong parang jinx o hindi kaya e taboo ang isinagot niya sa retorikal na tanong ng kaibigan noong isang araw. "Why?! Gian's a great guy!" Dagdag pa nito.

Matapos ang ilang araw mula nang magkausap sila ni Gian tungkol sa "retorikal" nitong tanong, doon pa lamang sila nagkaroon ng pagkakataon na magkita ulit ni Keegan. Hapon na noon. At tulad ng pareho nilang nakasanayan, halos kadi- dismiss lang mula sa trabaho kung kaya sa pinaka malapit na milktea shop sila nagpahinga.

Naikwento niya rin iyong pinag-usapan nila ni Gian kay Keegan bilang pinagkakatiwalaan niya ito. Pero ngayon, hindi na niya alam kung sino ba ang totoo nitong kaibigan. Siya pa ba o si Gian? Nagkalaro raw kasi ang dalawa ng ilang beses sa iilang video game at naging magkalapit. Iba rin talaga kapag hardcore, e 'no?

Napailing si Lyle nang ilang beses ding pumalatak si Keegan.

"Nagsasayang ka ng biyaya! Jackpot ka rin naman doon kay Abellardo, a! May negosyo, gwapo, mukha lang submissive pero pakiramdam ko, iyon ang magiging giver sa inyong dalawa!"

Giver? Anong giver? Batukan kaya niya itong si Keegan? Mas malayo na pala ang narating ng imahinasyon kaysa sa kanya!

Napahilot siya ng sentido. "Di naman siya umamin sa 'kin, Kee."

Kumunot naman ang noo nito. "Anong 'di umamin? Sabi mo, ang sabi sa 'yo ni Abellardo e gusto ka niya!"

"Rhetorical question nga lang galing sa kanya," pilit na pagpapaliwanag niya, "inasar ko kasi. Nag-backfire sa 'kin at inasar ako pabalik. But it turned into a rhetorical question."

Hindi niya alam ang magiging reaksyon nang titigan siya ng masama ni Keegan. In fact, he looked like that one meme with a woman asking what the fuck is wrong with him. Ganoon. Kamukhang-kamukha nito ang meme na iyon. "Okay, rhetorical." Nagkibit balikat ito. "Pwe, 'di ko naman magawang bilhin 'yan. Baka mamaya, indirect pala talagang umamin sa 'yo."

Umiling siya. "Kala ko ba, kilala mo na si Gian?"

"Kilala ko nga! Pero magkaiba tayo ng persepsyon sa pagkatao niya!" Ipinahinga nito ang likod sa backrest ng upuan bago bumuntong hininga. "Sige, retorikal na kwestyon. Tapos binasted mo si Gian?" Marahan siyang tumango. "We both know that I am in love with Ridge."

"Pero sa 'yo rin mismo nanggaling na wala ka namang pag-asa sa isa! Sus. 'Di mo man lang binigyan ng oras para pag-isipan iyong retorikal na tanong ni Abellardo! I even think that he's a good match for you!"

Gee, thanks. But that's not really his point. Kaya lang, hindi naman niya masabi iyon ng harap-harapan kay Keegan dahil masyado itong "worked up" sa sinabi niya. Porket kino-contradict lang daw ni Lyle ang mga sinasabi niya at magkakaproblema rin siya kung ganito siya ka-chaotic.

"Pero Keegan, isipin mo. 'Di ba false hope lang din naman ang ibibigay ko kay Gian kung sakali mang sagutin ko siya na ayos lang...?"

Keegan sighed exasperatedly. "Pero 'di ba, ayos lang naman talaga sa 'yo? 'Di mo naman ayaw si Gian, mukhang ayos ka lang din naman sa ideya na magkagusto siya sa 'yo at i-pursue ka nga!"

Napasinghap siya. "Sa'n mo naman nakuha 'yang mga detalyeng 'yan?! Wala akong sinabing ganyan!"

"Wala! Nasa mukha mo lang na ayos lang sa 'yo! Sus, baka nga natuwa ka pa sa ideya, 'di mo lang maamin sa sarili mo!"

Planning your weekend reading? Ensure you're on 00005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"No. That's not it!" Napasapo siya ng mukha at muli na namang hinilot ang sentido. "Ayos ka, a. Don't twist my reactions into something that will satisfy you."

"Sinasabi ko lang naman ang napapansin ko!" Muli itong pagalit na bumuntong hininga. "Pero sige, seryoso na. Makikinig na 'ko sa kwento mo ng maayos. Nakakapanghinayang lang na ikaw 'tong nagsabing walang pag-asa kay Ridge tapos-" "I just want him to look at me," agap niya sa binata. Hindi pa rin tumitigil sa paghilot ng sentido dahil sumasakit ang ulo niya kay Keegan. "Sabi ko naman sa 'yo, kahit 'di na sa paraang gusto ko. Basta ba magkapapel din ako sa buhay niya." Bumuntong hininga siya kalaunan.

"Kaya nga ayaw kong bigyan ng tsansa si Gian kung sakali mang mangyari iyong retorikal niyang tanong, e. Ang pangit sa paningin na ginagawa ko lahat para mapansin ni Ridge... tapos hahayaan ko pa siyang mahalin ako. 'Di ba masakit 'yon?"

*

'AH, I messed up.' These are the words that Gian kept on chanting inside his head the day that he asked his rhetorical question in disguise for his indirect confession. 'I really messed up things, I want to cry. Ah, where's my tissue?' Bakit ba kasi niya tinanong ng ganoon si Lyle? Iyong retorikal niyang tanong na wala namang saysay. Naaalala niya kung paanong manlaki ang mga mata nito at kung gaano kabilis na tinakasan ng kulay ang mukha ng binata. Palagi siyang hina-haunt noon hanggang sa panaginip. Samantalang, hindi naman niya masisi si Lyle kung ganoon ang realsyon nito. Kung anu-ano ba naman ang lumalabas sa bibig niya, e. Kamo, hindi lang niya isang beses na itinanong- binalikan pa talaga niya iyong usapan noong halos lumipas na sana at tangayin na ng hangin!

Ano iyon? Naniniguro siyang may pag-asa? Malamang, wala! Ano bang pumapasok sa kokote niya?

May gusto si Lyle kay Ridge, ano ba ang inaasahan niya at sino ba ang niloloko niya? Sino rin siya para maisip ni Lyle na i-entertain siya samantalang kaibigan lang ang turing nito sa kanya. Extra lang, ganoon. Iyong tipo ng side character na maaasahan noong male lead tuwing may problema ito. Wala siyang karapatang pumapel at hindi ba noong araw na magkausap sila ni Zamiel, nabanggit niyang wala siyang balak na manligaw o subukang i-upgrade ang relasyon nila ni Lyle? Gusto niyang panindigan iyong nasa sideline lamang siya at tahimik na panonoorin itong lumago at mahanap ang kasiyahan nito. Tapos, hahayaan niya rin ang hangin na tangayin itong pagkakagusto niya kay Lyle hanggang sa malimutan niyang nangyari pala ang ganito.

Iyon ang plano. Iyan ang script niya. E bakit muntik na siyang maligaw ng landas?

'Alright, pero gusto ko talagang umiyak e,' pangangausap niya sa sarili. Hindi niya gustong umiyak dahil na-basted siya. Inasahan niya naman iyon. Kahit walang kutub-kutob, talagang alam niyang hindi magbibigay ng sagot si Lyle na ie- entertain siya. Natuwa rin naman si Gian noong tumumpak ang palagay niya. Iyon lang, hiyang-hiya siya sa sarili. 'Tatanong-tanong ako ng gano'n, sa'n ko ba nahugot 'yong lakas ng loob ko?'

Noong mahanap niya ang tissue box niya, kaagad siyang kumuha ng kumpol na nilakumos niya at inilagay iyon sa ilong niya. Nagpeke siya ng singa, pero laking gulat niya dahil may sipon siyang napiga-mukhang naiiyak talaga siya at hindi lang drama-drama lahat, a. Ang hina niya talaga! Nakakasiphayo.

Setting that aside, he was busy calming down and pampering himself when a sudden thought struck his mind.

Nasa gitna pa naman siya noon ng pag-iisip kung ano ang masarap miryendahin dahil nakakagutom din na mapaisip na naman tungkol kay Lyle! Pero ayun nga, la siya! Paano niya haharapin ang binata kinabukasan? "Ah." Natigilan si Gian at napatitig sa kawalan. "Pupunta kaya si Lyle sa café bukas?"

Naalala niya rin bigla na mula nang ibato niya iyong retorikal niya kunong tanong, hindi niya pa ulit nakikita ang isa. Hindi pa ito bumibisita at isa iyon sa mga pinoproblema ni Gian kaya nga pala siya nagda-drama. "What if he's creeped out?" He asked himself while he unconsciously took tissues to crumple and place on his nose.

Noong rumehistro sa kanya ang iniisip niya, bigla siyang nakaramdam ng sense of urgency. Sino?! Sino ang tatanungin niya sa ganitong sitwasyon?! Mag-i-eenie meanie minie mo ba siya sa gc nilang magkakaibigan?! Tapos ipi-pm niya iyong sinwerteng makakarinig ng mainit-init pang tsaa mula sa kanya?

Gian sneezed. "Ayoko na! Baka magtago na lang talaga ako sa bato sa susunod kong makikita si Lyle, e."

Iyan na lang kasi ang naiisip niyang sagot sa mga problema niya.

Sinabihan na rin naman siya ni Zamiel, e. Hindi siya worthy na makaramdam ng ganito dahil nandiyan si Ridge at mahirap na kakumpetisyon iyon. Though, Ridge is already dating Zamiel, he cannot help it but to feel inferior. Kung ikukumpara sa kaibigan, alikabok na lang siya, ano! Kung itatabi siya kay Ridge, para siyang kinulang ng isang libong paligo.

Gian let out a whimper before he plopped to his bed. He stared at the ceiling for a good moment before he began to roll around the mattress. Muntik pa nga siyang mahulog kung hindi lang niya nasuportahan kaagad ang sarili. Kung hindi, makikipaghalikan talaga siya sa sahig. But, ah! These trivial things does not matter. He is still extremely bothered not only by his clumsiness but by also Lyle's absence. Nagsabay, awit.

"Please don't repeat this mistake," Gian muttered to himself, mind is still in chaos and heart is still heavy, "you've waited for years to be his friend, please don't throw this opportunity away because you've realized that you're in love with him." Why is it so problematic to fall in love? Songs.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report