Can I be Him? -
CHAPTER 18.2
"PUMUNTA ka ba sa cafe ni Abellardo?" Pag-uusisa sa kanya ni Keegan noong bumisita siya sa apartment nito para magmiryenda.
Weekends. Nasa kalagitnaan pa naman noon ng pagkain si Lyle ng boy bawang na sinawsaw niya sa suka nang matigilan siya dahil sa tanong ng kaibigan. Naguguluhan niya itong pinagmasdan bago niya ipinilig ang ulo ngunit hindi man lang siya magawang pasadahan nito ng tingin dahil abala ito sa paglalaro sa cellphone. Genshin na naman yata ang nilalaro at nagiging pamilyar na siya sa voice overs na naririnig niya. Hindi naman kasi minu-mute ni Keegan ang nilalaro tuwing magkasama sila.
"Pumunta ako this week ng dalawang beses. Nagka-free time na kasi ako sa wakas," aniya matapos niyang hayaan ang katahimikang mamutawi ng ilang segundo.
Mukhang wala rin kasing balak magsalita si Keegan kung hindi niya sasagutin ang tanong nito. Mahinang humimig ang binata noong marinig ang sagot niya bago ito marahang tumango-tango. "Anong sinabi niya?"
Kumunot ang noo ni Lyle. "Anong anong sinabi ni Gian? May dapat ba siyang sabihin?"
"Di, gago. Bigla ka kasing 'di pumunta pagkatapos mong magparamdam ng isang araw mula no'ng pinanood niyo kamo 'yong video clip ng fashion event na pinuntahan mo. Isang araw lang tapos poof, 'di ka nakapagparamdam." Oh. So, he is talking about those days where he was unable to pay Gian a visit because he was busy with work.
Nagbaba ng tingin si Lyle sa kinakain at nagpatuloy sa pagkain ng boy bawang. Ang isip niya, bumalik sa araw na pumunta siya sa cafe nito noong nakaraan. Kumikirot pa rin ang puso niya tuwing naaalala niyang umiiwas si Gian sa kanya noong araw na iyon. Akala niya, napaano ang binata hanggang sa mabanggit nitong nagtatampo ito sa kanya dala ng hindi niya pagpaparamdam ng ilang araw.
"Nagtampo raw si Gian sa 'kin," mahina at wala sa sarili niyang sinabi na siyang nakapagpahimig ulit kay Keegan.
Kalaunan, nagpakawala ito ng marahas na hininga. "E ba't kasi 'di ka nagpaalam? Baka akala no'n, nailang ka dahil umamin sa 'yo."
"'Di naman siya umamin sa 'kin." Kunot noo niyang sinipat ng tingin ang kaibigan bago siya umiling. "Nagtanong lang naman si Gian sa 'kin no'n."
"Gano'n din 'yon."
Napangiwi siya. Anong ganoon din iyon? Batukan kaya niya itong si Gian? Kung hindi lang siguro itong mukhang pressured sa nilalaro at mas mabilis ang pagpindot sa skrin ng cellphone, ginawa na niya talaga ang iniisip. Kaso, mukhang nasaktuhang mayroong kalaban itong kausap niya, e.
Nalaman lamang ni Lyle na tapos na itong maglaro noong ibaba nito ang cellphone at magpakawala ito ng malalim na buntong hininga. Tila ba guminhawa ang pakiramdam niya noong matapos ang nilalaro.
"O ano, tapos ka na ba? Pwede ka na bang makausap ng mas maayos?"
"Oo, g na. Ano ngang pinag-uusapan natin?"
"Yong pagpunta ko sa cafe ni Gian nitong nakaraan."
Mataman siyang pinagmasdan ng binata bago kumunot ang noo nito. Tila ba kinukumpirma rin sa sarili kung saan naputol ang usapan nilang dalawa. Wala pa talaga siyang tiwala, a.
"Okay," kalauna'y pagsuko nito nang mukhang pumalyang alalahanin ang pinag-uusapan nila. Lihim siyang napailing bago bumuntong hininga. Kampanteng hindi na naalala ng binata na iyong pag-amin kuno raw ni Gian ang pinag-uusapan nila, "may sinabi ba si Abellardo sa 'yo? 'Di ka naman siguro sinumbatan. Baka nag-panic 'yon."
"Alam ko naman. Kasalanan ko rin."
E mukha siyang umiwas matapos nitong magtanong. Ang labas, nailang siya kaya hindi siya nagpakita ng ilang araw, pero ipinaliwanag naman niya kay Gian na hindi ganoon ang kaso.
"Nagtampo siya, mabanggit ko na ba?" Dugtong niya na dahilan para ismiran siya ng kaibigan, "kinabahan ako no'ng sinabi niyang nagtampo siya. Namali pa nga siya ng sabi no'ng una. Galit daw siya, iyon pala, nagkamali lang siya ng dinig sa tanong ko."
Inasikaso muna ni Keegan ang cellphone niya. Mayroon itong kinalikot doon bago nito iyon inilapag sa lamesa at umusog palapit sa mini table na pinapalibutan nilang dalawa. Kumuha rin muna ito ng miryenda, sumubo, at saka nagsalita habang ngumunguya.
Wala talaga itong pakialam sa manners, ano?
"Kung ako rin, bigla mong 'di pinakiramdaman, sasapakin kita e."
Nao-offend niya itong pinagmasdan. "Ipinanganak ka lang talaga para maging bayolente 'no?"
"Oo." Humagalpak ng tawa ang kaibigan. "Pero hindi nga, seryoso, 'wag kang ganyan. Kaya ako napagkakamalang siga sa kanto, e."
Mahina rin siyang natawa nang ma-imagine kung anong itsura nito kung sakaling naging tambay nga sa kanto. E, bagay naman nito.
"Mabalik nga, sinasadya mo yatang ilihis iyong usapan e."
Inismiran niya ang kaibigan. "At ako pa talaga ang naglihis? Ikaw 'yong nagsabing kung ikaw si Gian, sinapak mo na 'ko dahil 'di mo 'ko nakita ng ilang araw e."
Imbes na sagutin siya ay mahinang tumawa ang binata.
"Wala tayong mapag-usapan a," puna nito noong mapansing unti-unti na silang nilalamon ng katahimikan, "'di ba kayo nag-away ni Gian?"
Lyle stared at his friend incredulously. "Ba't naman kami mag-aaway? Hibang ka ba?"
"Huh, 'di kayo nag-away? Boring niyo naman pala. Kung ako kay Gian talaga, isusumbat ko rin sa 'yo 'yong hindi mo pagpunta, e. Ba't ka umiiwas?" "Hindi nga ako umiiwas!"
Muli na naman sana silang magtatalo hanggang sa maramdaman ni Lyle na mag-vibrate ang cellphone mula sa bulsa. Pinasadahan niya ng tingin iyon bago niya pinunasan ang kamay sa dulo ng t-shirt - dugyot pero tinatamad siyang humanap ng tissue- at saka kinuha ang cellphone. Akala niya, mayroong tumatawag dahil medyo matagal ding nag-vibrate iyong cellphone niya, ngunit laking gulat ni Lyle noong dalawang mensahe lang pala iyon mula kay Gian. Nila-lang niya, ano.
Dahil nakatuon ang atensyon sa skrin ng cellphone, hindi napansin ni Lyle na inoobserbahan pala siya ni Keegan. Maging ang bahagyang pagkunot ng noo niya, mukhang nino-note pa nitong kaibigan niya. "Ano 'yan?" Pag-uusisa nito.
Sinipat niya ng mabilis na tingin ang kaibigan. "Ah, wala. May nag-text lang."
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Hindi niya sinasadyang itago na si Gian ang nag-text sa kanya pero wala sa isip niyang sabihin pa iyon kay Keegan. Binuksan niya ang mensahe nito at saka binasa ang mga sinend nito sa kanya. Gian: Lyle, pupunta kaba sa cafe sa lunes?
Ah wag mo ko intindihin may itatanong lang kasi sana ako tsaka ibabalik ko yung CD na pinahirap mo sakin. Nakalimutan mo kunin nung isang araw (0-0;)0
Awtomatikong natakpan ni Lyle ang bibig para pigilan ang tawang nais kumawala sa mga labi niya. Ang cute talaga nitong si Gian, ano? Anong taon na pero gumagamit pa rin ng Kaomoji. Mahina siyang natawa noong muli niyang binasa ang mensahe ng binata..
Samantala, nagpahalumbaba si Keegan at hindi na napigilang punahin ang wirdo niyang reaksyon sa mensaheng natanggap.
"Ano 'yan? Kilig na kilig, a. Tinext ka ba ni Gonzales?"
Pinasadahan niya ng mabilis na tingin ang kaibigan bago marahang umiling. Nagpatuloy din muna siya sa pagtawa at hinayaan iyong dahan-dahang pawiin ng oras nang sa ganoon e masagot ang tanong nitong kaibigan niya. "Sandali lang, Keegan. Ang cute kasi talaga ng text ni Gian, e."
Humimig si ang binata. May kung ano sa tono ng boses nito pero masyado siyang abala para mapansin iyon.
"Kaya pala kilig na kilig ka riyan."
"Ha?" Mabilis niyang ipinilig ang ulo paharap sa direksyon ng binata, namamangha at walang masabi, "may sinabi ka ba?"
"Wala, ang sabi ko, si Abellardo pala kaya ang saya mo!"
Malamang masaya siya. E sa ang cute nitong format ng text ni Gian, sino ba ang hindi matutuwa? Tinanong nito kung pupunta ba siya sa cafe nito, tila ba naninigurong magkikita ulit silang dalawa ngayong linggo. Tapos iyong kaomoji, nai- imagine niyang ganoon nga ang itsura nito. Tipong naka-anime na chibi pa.
Lihim siyang tumawa sa takot na mapuna na naman ni Keegan. Ilang sandali pa ang lumipas, saka pa lamang siya nag-reply.
"Ano ba 'yan, Ly! Itago mo nga 'yang saya mo. Kaunti na lang, iisipin kong mas whipped ka kay Abellardo kaysa kay Gonzales!" Singhal ni Keegan sa kanya.
Nginitian niya lamang ang kaibigan. "Ayusin mo nga desisyon mo sa buhay, Keegan."
"At ako pa!"
*
MATAMANG nakikipagtitigan si Gian ngayon kay Leon na kanina pa siya nginingisi-ngisian. Kunot ang noo niya at mariin ang pagkakatikom ng bibig. He also bit the insides of his cheeks, thinking that it could help him ease the blush kept on creeping on his face. Sigurado siyang kaunting kibot lang nitong kaharap niya, titiklop siya e. Hawak pa naman niya ang cellphone niya, kaya ibinaba na muna niya iyon sa glass table.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! "Nai-text mo na?" Tanong nito. May bahid ng panunudyo ang tono at napasinghap si Gian nang matantong nang-aasar itong kaibigan niya.
Tipid lang siyang tumango. "Ba't ba kasi si Lyle ipinapaaya mo sa 'kin? Pwede namang ako na lang tapos ikaw ang mag-Skyrach!"
"Pwe! Ba't tayong dalawa? Pakyu, 'di kita type."
Wala naman siyang sinabing type siya ni Leon o vice-verse! He meant, cannot they go stroll together as 'friends' because that is what they are?! Nasisiphayo niyang pinagmasdan ang barkada pero wala siyang sinabi. "Anyway, at least magkaka-date kayong dalawa," anito bago nagkibit balikat at humiga sa sahig nila.
Nasa sala silang dalawa ngayon, e. Manonood dapat sila ng Marvel pero medyo dahil nag-brown out na lang bigla. Hindi naman malakas ang hangin sa labas, wala rin namang ulan. Mukhang trip lang ng PELCO na patayin iyong ilaw sandali. Wala naman din kasing naka-post na announcement sa FB page nila.
"Pinagsasasabi mong date? Mamamasyal lang kami dahil sinabi mo! Saka, 'di mo na ba talaga gagamitin 'tong mga ticket na 'to?"
Leon tsk-ed. "Wala na 'yang kwenta! Na-realize kong ang pangit ka-bonding no'ng nakasama ko no'ng minsan."
Nagpakawala lamang ng marahas na buntong hininga bago niya pinasadahan ng tingin ang mga ticket na nakalapag sa glass table. Ilang minuto niya iyong pinagmasdan, iniisip kung paano niya aayain si Lyle na lumabas dahil maging siya, manghihinayang din sa mga ito kung sakali. Hindi pa naman niya pera ang ginamit na pambili, iniregalo lang sa kanya.
"Oy pero," Leon trailed off which pulled him back from his reverie. Gumilid ng pagkakahiga ang binata at mapanudyo siyang tinignan, "siguruhin mong makakatsansing ka, a! Sayang ang pogi points kung sakali, Cyrus!" Pinangilabutan siya. "Wag mo nga 'kong tawagin sa second name ko! Saka anong tsansing?! Sabi nang wala nga 'kong gusto kay Lyle."
"Neknek mo. Umikot na 'yong tsismis habang nakatalikod ka, soy. Alam na naming lahat!"
Namamangha niya itong pinagmasdan. "Sinabi ni Zamiel?"
"Sino pa ba?" Humalakhak si Leon bago nito inabot ang malapit na pamaypay dito at pinaypayan ang sarili. "Tang ina, excited din akong magbinata ka e." Nginiwian niya ang kaibigan. Tignan mo ito, kung anu-ano agad ang iniisip, wala naman silang gagawin ni Lyle.
"Mag-holding hands kayo!" Suhestiyon pa nito, ngunit inabot lang ni Gian ang throw pillow na malapit sa kanya at binato iyon sa kaibigan. Malas lang at nasalo pa iyon ni Leon.
"O ba't ka galit?! Ikaw na nga tinutulungan para umisod 'yang love life mo, e!"
"Ayusin mo nga! Wala nga 'kong balak manantsing!" Parang mamamasyal lang, kung anu-ano na ang iniisip nila!
Sumagitsit si Leon at inirapan siya. "Iyan mismo dahilan kung ba't ka magiging single, e. Bahala ka nga! Lugi naman, 'di magho-holding hands." Sa ganitong klase ng mga panahon masarap mambatok pero hindi niya alam bakit niya pinipigilan ang sarili. Basta, makakaisa rin siya kay Leon.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report