Can I be Him? -
CHAPTER 2.1
MULA noong mangyari ang wirdong engkwentro niya sa café, hindi makalimutan ni Lyle kung gaano siya naaliw kay Gian. He got his name after his friend, who was apparently watching Gian stutter and act clumsy, mentioned his name. Hindi na niya nakalimutan ang pangalan nito mula noon.
However, despite Gian delivering him happiness, he is not really the highlight of Lyle's day today.
Ilang linggo na rin ang lumipas. Araw na ng hinihintay nilang fashion event. Pakiramdam niya, para siyang nananaginip ng gising. Animo'y hindi makatotohanan ang mga nangyayari sa kanya. Tila inaasar lang ng tadhana pero sa tuwing kumukurap siya, matatanto niyang totoo ang lahat.
"Okay ka lang ba, Lyle?"
Napapitlag siya nang marinig ang isang pamilyar na boses. Nanindig ang mga balahibo niya at hindi niya maipaliwanag kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya nang rumehistro sa kanya ang nagma-may ari ng boses na kumausap sa kanya. Dahan-dahan siyang lumingon upang kumpirmahin ang hinala, ngunit kahit alam niya kung sino ang nasa likuran niya, nagulantang pa rin siya lalo na nang makitang hubad si Ridge at tanging boxers lang ang suot! Hoy, hindi siya handa! Grabe ang pa-surprise!
Despite almost mentally hyperventilating, Lyle cannot help it but to glance over Ridge's body and intoxicate himself with how well-built the male's figure is. He is kind of slim, but he has all the muscles on the right places. Lyle gulped when he took a short glimpse over Ridge's torso and... abdomen, losing himself through his imagination as he thinks of how would it feel to have the man dominate him.
"Lyle? Huy," tawag ulit nito sa kanya.
Nang rumehistro sa kanya ang pag-aalala sa boses ni Ridge, napatayo siya ng tuwid bago umiwas ng tingin at tumikhim para makasagot.
"Ayos lang ako." Tinakpan niya ang kalahati ng mukha upang itago ang pamumula ng mga pisngi. "Bakit ka pala nakahubad? Kahit madilim dito, nakikita pa rin 'yang katawan mo!"
"E sa walang nag-a-assist sa 'kin. Saka mukhang na-enjoy mo naman 'yong nakikita mo ngayon," pilyong sabi nito bago bumuntong hininga, "nagkakagulo sila ro'n. Nilalamig na nga 'ko, e. Can you talk to your agents?"
"Wait, what?" Naguguluhang tanong niya. Nag-alala rin siya bigla sa damit na inihanda para kay Ridge dahil baka masira iyon! Ibinuhos niya kaya ang oras para tapusin ang damit?!
Napansin ni Ridge pagkabalisa niya kaya muli itong nagsalita. "I think the clothes are fine. Hindi naman nila 'yon hinahawakan. But that's the thing, I can't wear it."
"Ano bang nangyari?"
Humimig si Ridge at ipinikit ang mga mata. Sumandal ito sa pader na malapit sa kanila at hindi napigilan ni Lyle na mapasinghap dahil ang gwapo nito sa pwesto.
He looks too great to be human. Ridge should be a prince and Lyle cannot be convinced otherwise! With that silky jet-black hair, long lashes, beauteous brown eyes, tall nose, luscious lips, sharp jaw, and refined body? He must be some kind of prince!
Idagdag pa ang ugali nito! Despite being languid, Ridge is really gentle.
"I can't really understand anything about their conversation but it's all about me." Itinuro ni Ridge ang direksyon kung nasaan ang mga ito. "Kaya Ly, ayos lang ba kung ikaw na lang mag-assist sa 'kin? Tutal, ikaw ang nag-design noon at sa 'yong brand 'to."
Napapatangang napatitig si Lyle kay Ridge ngunit mabilis din niyang nabawi ang tindig. Despite having the opportunity assist Ridge again, this is not really the time to space out! It is almost Primevère's turn to impress everyone! He has to act quick!
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ng binata. Kumunot din ang noo niya bago ito nginitian.
"Diyan ka lang, kukunin ko iyong damit." Pagkatapos niyang magpaalam, hinanap niya ang mga assistant na siyang dapat na tutulong kay Ridge sa pagbibihis.
Hindi sapat na dahilan na panghuli si Ridge sa mga modelo niya para magmabagal. Alam niyang may labing siyam pang modelo ang rarampa bago ito pero ang oras ay ginto-literal!
He also a mental note to scold his employees. Hindi porket kilala si Ridge sa larangan ng pagmomodelo ay magiging dahilan ito upang mawala sila sa pokus. Hindi iyon ang gusto nilang mangyari ngayon!
Bago pa man makarating sa kinaroroonan ng mga assistant, natanaw na niya si Kaleb na abalang sinisermonan ang mga ito. Naunahan na pala siya. Porket ang bilis daw na nawala ng isip ng mga ito sa tunay nilang agenda at nauubos na ang oras pero pinag-awayan pa nila si Ridge.
Once at the scenario, he immediately Kaleb for taking initiative in his stead. Maaasahan talaga ito.
Noong humupa na rin ang pressure at gulo, roon pa lamang nabalikan ni Lyle si Ridge. Halos yakap na nito ang sarili at mukhang inaantok na! Kailangan niya tuloy na mag-double time sa pag-a-assist dito!
"Ah, how comfortable. I could sleep while wearing this," komento ni Ridge at saka humikab, "para akong nakasuot ng pajama, kama nalang kulang."
Bumilis ang pintig ng puso ni Lyle nang marinig ang sinabi nito. Kinikilig siya dahil nakatanggap siya ng papuri mula kay Ridge! Ngunit syempre, hindi niya nakalimutang makipagbirian sa binata. "Wag kang matutulog habang rumarampa, a," paalala niya.
Nakangiti siyang nilingon ng binata. "Ba't mo alam na may balak akong matumba bigla sa runway?"
"Hoy! 'Wag namang gano'n! Mas okay pa na taguan mo na lang ako, e!"
"Huh. Nagbagong buhay na 'ko. 'Di na 'ko nagtatago." Ngumuso ang binata bago naghalukipkip. "Sinumbong ako ng manager ko kay Zamiel, nasermonan ako ng walang tigil. Pinataob na nanay ko sa pagratrat."
Boom. Parang itinapon bigla ang tuwa't kilig ni Lyle nang magsimulang magkwento si Ridge tungkol sa kasintahan. Nanikip ang dibdib niya at napalitan ng sakit ang saya. That was totally uncalled for! Kung alam niya lang, hindi na sana siya nagsalita.
Tila nalunok ni Lyle ang sariling dila. Hindi niya alam kung anong sasabihin. Ayaw niyang puriin ang relasyon nila ni Zamiel sapagkat... mahal niya rin si Ridge.
Unti ang paglukob ng kalungkutan sa puso niya. Para siyang sinampal ng katotohanan ngayon na kahit nasa harap niya ngayon si Ridge, mayroon pa ring linyang naghihiwalay sa kanila. Biglang binawi iyong tuwa, e.
Kung hindi lang din siguro tinawag ang mga modelo ng Primivère na lumabas, baka kinailangan pa niyang manatili sa ganoon ka-awkward na sitwasyon.
"Tinatawag na kami." Tinapik ni Ridge ang balikat niya bago bumulong sa tenga niya. "I promise that I'm not disappointing you here."
Pilit siyang ngumiti ngumiti ngumiti. Kahit paano, napanatag sa sinabi ni Ridge.
"Ikaw na bahala sa brand ko, Ridge," aniya.
Humalakhak si Ridge at naglakad na paalis. Tahimik naman niyang sinundan ng paningin ang likuran nitong unti-unting nilalamon ng liwanag mula sa entablado.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
And as Ridge disappears from his sight, he felt a tight clutch on his heart.
"Sir," tawag sa kanya ni Kaleb noong malapitan siya, "okay ka lang ba? Ba't parang bigla kang nalungkot?"
Nahigit siya mula sa kalaliman ng iniisip nang marinig ang malalim na boses ng katrabaho. Ipinihit niya ang ulo paharap dito bago tipid na ngumiti at humawak sa sariling batok. Nag-iwas ng tingin si Lyle mula rito bago bumuntong hininga at pagak na natawa.
"Ah, may naalala lang ako. Magiging okay din ako maya-maya," sagot niya.
Kumunot ang noo ni Kaleb at hindi rin nais na bitawan ang dapat na magiging usapan. Ngunit sa huli, nagpakumbaba ito at pinalitan ang usapan.
Masuyong ngumiti ang binata at tinapik ang balikat niya. "Good job nga pala, sir Lyle. Tingin ko, Primivère ang magdo-dominate ng event na 'to ngayon."
Dahil hindi ito pumunta sa direksyong ayaw niyang pag-usapan, nakaramdam ng pagkaginhawa si Lyle. Tuluyan ding kumurba ang isang ngiti sa mga labi niya.
"Hm? Great job to all of you, too. Wala naman tayo rito kung 'di tayo nagtulungan, e."
Mahinang tumawa si Kaleb at sumang-ayon. Sandali rin nitong naikwento ang iilan sa mga 'fails' nila sa pag-aasikaso ng design na ginawa niya noong matigilan ito at mukhang may naalala.
"Oo nga pala," hindi kaagad na itinuloy ni Kaleb ang sasabihin. Sa halip, tumikhim muna ito, "anong nangyari noong isang linggo sa café, sir? No'ng nag-o-order ka." Kumunot ang noo ni Lyle at naguluhan. Ano iyong tinutukoy ni Kaleb? "Sa café? Anong nangyari ro'n?"
"Naalala ko lang na no'ng ikaw ang nag-order ng lunch natin, medyo nagkaroon yata ng komosyon. 'Di ko na rin maalala ga'no, basta tungkol 'yon sa nasa counter."
Kung hindi binanggit ni Kaleb ang usapan ukol kay Gian, hindi na rin niya maaalala na i-kwento rito ang nangyari. Masyado kasi silang abala noon kung kaya hindi niya naikwento ang nangyari.
"Ah, si Gian!" He snapped his fingers. "Bago tayo sabay na kumain ng lunch, binigyan nila ako ng coffee latte dahil regular customer ako. Nagpasalamat lang ako sa kanya no'ng araw na 'yon, kaso mukhang mailap siya sa tao." Nag-iwas siya ng tingin bago nagkibit balikat. Hm, dahil talaga kay Kaleb, naalala niyang kuryoso rin siya sa binata!
"Ganon ba, 'kala ko anong nangyari no'n. Ang clumsy no'ng kumuha ng order mo, e."
Mahina siyang tumawa. "Ayos lang 'yon. Naaliw din naman ako sa kanya."
Sandaling namutawi ang katahimikan sa pagitan nila hanggang sa muling magbukas ng usapan si Kaleb.
"Sir Lyle, ayaw mo bang panoorin ang pagrampa ng mga modelo sa mini TV?"
Doon siya natigilan at napaisip. Tapos, naalala niya si Ridge sa mga panahong ito, limot na niyang nabanggit nito ang kasintahan.
"Ah, oo nga!" Baka matapos na si Ridge sa pagrampa! Gusto pa naman niyang makita ang binata dahil hinding-hindi siya magsasawang panoorin ito sa entablado!
Nakakatawa siya nang mapaalalahanan ukol sa mini tv lalo na at tinakbo niya iyon makahabol lamang sa nais na panoorin! Nang makalapit na, halos magningning ang mga mata ni Lyle dahil isang modelo na lamang at si Ridge na ang rarampa.
Halos umabot hanggang langit ang mga ngiti niya nang lumabas na ito sa telebisyon. Bagay na bagay sa binata ang damit na idinisenyo niya ngayong nakikita niya ang kabuuan nito, salamat sa maliwanag na stage. Kanina kasi, tanging pigura lamang at anino ang nakikita niya. Ngayon lang ang full view!
"He looks dazzling," komento noong iilan sa mga kasamang nasa tabi at likuran niya.
"Shet, iba talaga si Ridge! Lahat na lang, nadadala!"
"Ang gwapo niya talaga. 'Di nakakasawa iyong mukha! Parang bida sa mga telenobela!"
"Nakakagulat nga na ang tagal niya na sa larangan ng pagmomodelo. Pupwede naman na siyang mag-artista, e!"
Gusto sanang sumabad ni Lyle sa usapan ngunit nahihiya siyang malaman ng mga ito kung gaano niya kamahal si Ridge. Pero oo, pwede ngang mag-artista na ang binata ngunit desisyon nitong iwasan ang nasabing larangan. Ayaw daw nito na umarte at ang kakayahan, hanggang pagmomodelo lamang.
Pero deserba nito ang lahat ng papuring natatanggap. Lalo na, isinakripisyo nito ang pag-aaral para sa pangarap.
Nang matapos na ang unang round ng rampa, agad na nilapitan ni Lyle si Ridge. "Panay flash ng mga camera noong ikaw na lumabas! 'Di ba masakit sa mata?"
Humimig ito. "Masakit, pero sanay na 'ko."
Natigilan siya nang mapansin ang pagbaba ng enerhiya nito. Isang rampa palang, a? Bakit tila pagod na ito at gusto nang matulog?
"Akala ko, wala kang balak matulog? Ba't parang babagsak ka na ngayon?"
Natigilan si Ridge nang marinig ang sinabi niya. Napatingin din ito sa kanya at saka napakurap-kurap, tila ba ngayon lang nahimasmasan at nakaahon sa malalim nitong iniisip.
Kalaunan, tipid na ngumiti ang binata, ngunit bakas ang pagkakuryoso at iba pang emosyon sa kurba sa mga labi nito.
"Okay pa 'ko. May iniisip lang."
Siya naman ang humimig. "Talaga? Piso for your thoughts?"
"Bawal, mahal presyo ng mga iniisip ko," pabiro nitong sagot bago bumuntong hininga. Nanahimik ito sandali hanggang sa ibubuka ang bibig ngunit isasara rin naman. Tipong inaayos pa sa isip ang kung anumang nais nitong sabihin. Samantala, ipinagpatuloy niya lamang ang ginagawa. Ina-assist pa rin si Ridge na isuot ang isang sleeve sa isang braso hanggang sa magsalita itong muli.
"Lyle, have you ever been into a relationship before?"
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report