Can I be Him?
CHAPTER 22.3

Ang unang stop ni Lyle noon ay ang gym kung saan nagta-trabaho si Keegan. Dahil kilala na siya rito, hinayaan na siyang pumasok. Hinanap lang din niya ang kaibigan saka ito naabutan na kasama si Ridge. And the sight of him made Lyle press his lips together while taking his time to walk towards his friend and his... first love. Pinakiramdaman niya rin ang sarili at ganoon pa rin naman ang reaksyon ng katawan niya sa paligid ni Ridge. Walang nagbago, sinabayan lang ni Gian.

"Ah. Long time, no see Lyle," bati sa kanya ni Ridge na noon ay nakaupo sa isa sa mga weights, may bitbit na maliit dumbbell sa kanang kamay at marahan iyong itinataas baba. His eyes instantly focused on Ridge's biceps. Kinailangan pang palagitikin ni Keegan ang mga daliri bago siya mahimasmasan at sumagot dito.

"A-ah, long time no see rin, Ridge," kalauna'y sagot niya. Dahilan upang pasimpleng bumuntong hininga si Keegan.

Tila ba nilukob ng tuwa ang dibdib niya nang ngitian siya nito. And despite his sweat racing down his forehead, cheeks, and neck, Ridge still looked handsome. His current look just made him manlier, too, despite that it was just the typical sporty wear.

"Gusto mo siya, gusto mo rin 'yong kaibigan," bulong ni Keegan. Sapat lang para marinig niya pero imposible na sa distansya ni Ridge, "mali 'yan, Lyle. Make up your mind."

Namamangha niyang pinasadahan ng tingin si Keegan pero pasimple pa ring ibinalik ang mga mata kay Ridge.

"I already made up my mind, Kee."

Umikot ang mga mata ni Keegan. "Ulul, seryoso ba 'yan?"

"Oo, seryoso." Bumuntong hininga siya bago ipinagkrus ang mga braso. "Nga pala, 'di pa ba tapos 'yong shift mo rito? Nag-aaya ka na kakain sa labas tapos, 'di ka pa nakahanda?"

"Sandali, mamaya," anito bago ibinalik ang mga mata kay Ridge, "hoy Ridge, nasaan na 'yong kasama mo? Baka iniwan ka rito. Ibibilin ka sa 'kin tapos 'di ka babalikan?"

Kumunot ang noo ni Lyle habang nagpapabalik-balik ang tingin kay Keegan at kay Ridge. Tumigil nga lang siya sa ginagawa at natulala na naman sa binata nang tumawa ito. It has been a while since he heard Ridge's voice, after all. Masisisi pa ba siya na ganito ang reaksyon ng sistema niya?

But at the back of his mind, he feels guilty. This feels like... cheating, to be honest. Napaismid siya kalaunan. Cheating, though. Kanino naman?

"Matagal talaga si Zamiel sa banyo 'pag tinatawag ng kalikasan. Baka nasa hard mode kaya nagtagal," sagot nito na siyang nakapagpatigil na naman sa kanya. Pero noong pagkakataong iyon, hindi na sumikdo ang puso niya. Sa halip, piniga ng mariin.

Kumunot ang noo ni Lyle. "Kasama mo si Zamiel?"

Ridge looked back at him and smiled. "Madalas na rin dito. Sinasamahan ako nang masiguro raw na nag-eexercise talaga ako." "Dahil madalas ka mag-cheat!" Sabad naman ni Keegan saka itinuro si Ridge. "Bitiwan mo na nga 'yan! Aalis kami ni Lyle-" Umangat ang mga kilay ni Ridge. "Magdi-date kayo?"

"Tanga! Anong date na naman?!"

"Joke lang, sige, mauna ka na. Hintayin ko lang si Zamiel tapos aalis naman na rin kami. Salamat sa pagsama sa 'kin, Kee." Halos maningkit ang mga mata ni Ridge dahil sa pagkakangiti bago bumaling sa kanya. "Ingat kayo, Lyle."

Bago pa man siya makasagot, hinila na siya ni Keegan na sumama rito. Nginitian nalang din tuloy niya si Ridge at tinalikuran na mabigat ang loob. Kasama niya si Zamiel. Ano pa rin bang aasahan ni Lyle? Na habang buhay e mag-isa itong aattend ng gym?

"Wag kang sumimangot diyan. Sinabihan ka nang mag-move on, nagpapaka-martyr ka kay Ridge." Dinig niyang sambit ni Keegan habang nagbibihis ito ng kaswal na kasuotan.

Katatapos lang nito na maligo sa shower ng gym nila at ngayon, nasa isang tabi siya't halos panoorin ang binata na magbihis. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan na hilain din siya hanggang dito samantalang pupwede naman siyang mag-abang sa labas.

Umasim tuloy ang mukha ni Lyle habang pinanonood si Keegan na mag-struggle sa pagsusuot ng pantalon.

"Araw araw kang nandito, lumalaki rin katawan mo. 'Di na tuloy kasya sa 'yo 'yang pantalon mo."

Namamanghang lumingon si Keegan sa kanya. "Talagang kailangan mong i-point out?! Pero magandang klase naman ng paglaki 'yang sinasabi mo. Isa pa, kasya ko pa 'to!"

"Not when I can see you struggling." Bumuntong hininga siya bago ipinagkrus ang mga binti. Isinandal niya rin ang likod sa malamig na konkreto. "Ba't pala 'di nalang ako naghintay sa labas? Pwede namang doon nalang ako." Narinig niyang sumagitsit si Keegan bago nito ikinawag ang beywang nang sa wakas e maisuot na ang pantalon. He chuckled at that. Halos kumuha pa siya ng video dahil ang cute ng pag-wiggle nito. Kung hindi lang din talaga marumi ang isip ng iba, e.

"Sus!" Kalauna'y anito, "makikita mo lang si Ridge saka si Chastain na sabay lalabas ng gym. Hawak kamay tapos maglalandian sa harap ng publiko. Baka pagbaba ko, umiiyak ka na. Sira pa ang tanghali natin pareho." Mahina siyang natawa. He likes the concern, to be honest. But seriously, he already grew accustomed to what they are typically doing. Hasang-hasa na dahil noon din namang high school sila, ganito na rin ang dalawa! "Kahit naman 'di ko sila makita, ganon pa rin. Mabigat pa rin ang loob ko."

Planning your weekend reading? Ensure you're on 005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Ewan ko ba sa 'yo. Sabi nang mas may tsansa ka pa kay Gian dahil mukhang 'di pa sila nong babaeng tinutukoy pero kakapit ka pa kay Ridge?"

"Pag-uusapan na naman ba natin 'to, Kee?" Balik niya sa kaibigan. Kaagad naman itong nahulog sa hindi maipaliwanag na katahimikan, kaya hinayaan niya. "Baka mamaya, infatuation lang 'to. Kung ibuhos ko ang oras ko kay Gian, magkakasakitan lang kami."

Mabigat ang buntong hininga na pinakawalan ni Keegan. Nilingon din siya nito na may ngiwing nakapinta sa mukha.

"Hirap maging ikaw, 'no? Kung ako kasi ang nasa ganyan na sitwasyon, hahayaan kong anurin ako ng nararamdaman ko para kay Gian. Wala naman kasi akong pag-asa kay Ridge! Edi walang nasaktan."

Napangisi siya. "Edi sana, ako ikaw nang 'di ako parang tanga na pinipili pa rin si Ridge."

"Wala, e." Nagkibit balikat ito at saka mabilis na nag-iwas ng tingin. "Abnormal ka."

Hindi siya makapaniwalang napatitig sa kaibigan. Namimilog ang mga mata at nakaawang ang bibig. Dahil din yata sa itsura niya ngayon, bumulahaw ito sa pagtawa.

Ang lakas mang-insulto! Ang sakit naman nito magsalita!

Ilang minuto pa ang lumipas at nagpatuloy sila sa pagtatalo. Pero hindi nagtagal, dumiretso rin sila sa karinderya na madalas nilang pagkainan noon pa mang kolehiyo sila. Malapit lang iyon sa gym na pinagtatrabahuan ni Keegan at naaalala rin niya, sa tuwing maaga ang uwi nila, rito kaagad ang diretso nilang dalawa para kumain.

"Pinapadaan ka ni Gian sa café niya ngayon?" Ulit ni Keegan nang maikwento niya rito ang tungkol sa hindi niya inaasahang pagti-text kay Gian, "sigurado kang kaya mong harapin? Nai-text mo nga ng 'di mo alam. Baka mamaya, halikan mo rin unconsciously."

Pinukulan niya ng masamang tingin si Keegan. Kung anu-ano ang iniisip. Ginawa pa siyang "hoe!"

"Tingin mo naman, mahahalikan ko si Gian?!" Hindi niya makapaniwalang tanong, dahilan upang humagalpak ng tawa ang isa. "Di naman ako ganon! Ni 'di nga 'ko ang lumalapit sa mga ex ko, e!"

"Alam ko naman 'yon! Pero ang hilarious imagine-in na kakainin mo lahat ng sinabi mo sa 'kin noong isang araw!"

Napasinghap siya at hindi nagtagal, napaisip. "Di naman ako nagsalita ng tapos noon, 'di ba?"

Mabilis na nag-angat ng tingin sa kanya si Keegan bago malawak na ngumisi. Sumandal din ito sa kinauupuan bago inabot ang baso ng tubig para inumin. Noong nahimasmasan, saka palang ito sumagot. "Aba, malay ko? Pero noong isang araw, parang siguradong-sigurado ka na kay Ridge na buong puso mo, e."

Ipinikit ni Lyle ang mga mata para pakalmahin ang sarili. Ayaw niyang pakaisipin ang sinasabi ni Keegan dahil napupuno ng kalokohan ang utak niya. All the cringe-y and corny posts that he saw from Facebook keeps creeping on inside his head. Bukod sa hindi maganda, nakakadiri kung isasaboses pa.

"Anong oras mo pala pupuntahan si Gian mamaya?"

Mahina siyang sumagitsit. "Nagdadalawang isip nga ako, e."

"Bakit ka nagdadalawang isip?! Alam naman nating pareho na gusto mo siyang makita!"

Panic washed through all over his face as soon as he heard Keegan's accusation. Napatalon siya mula sa kinauupuan bagamat walang dahilan para gawin iyon at halos tawirin niya ang distansyang naghihiwalay sa kanilang dalawa, matakpan lang ang bibig ng binata. His eyes were wide then, he bit his lower lip and his face was seriously pale out there. Beads of sweat instantly formed all over his forehead, which was not surprising.

"O, tapos magpa-panic ka ngayon!"

Lyle immediately put his index finger on his mouth to hush Keegan. "Sh! Sh! Manahimik ka nga. Baka may makarinig sa 'yo, isiping love sick ako!"

"Love sick ka naman talaga, Lyle!" Anito sa mas malakas na boses, dahilan para makapukaw sila ng atensyon at mag-panic siya lalo.

"Keegan! Baka mamaya may makarinig sa 'yo na kaibigan ni Gian or kasama sa trabaho!" Suway niya sa binata at inabot ang mukha nito para lang takpan ang bibig niya, kaso mabilis na umiwas si Keegan e. Bad trip.

It took them a while before their childish bantering finished. Halos hingalin si Lyle habang nakikipagsagutan kay Keegan at kahit labag sa loob niya, hindi niya napapansin minsan ang paglakas ng boses. Kapag mapapansin niya iyon, awtomatikong liliit at hihina ang boses niya dala ng hiya. He knows he is getting extremely defensive and he's just feeding Keegan with amusement.

But cannot help it but to deny everything about his feelings for Gian!

"Ay nako, Lyle!" Kalauna'y pagsuko pa ni Keegan nang matahimik silang pareho, "sinasabi ko talaga sa 'yo, susuotan kita ng clown na wig 'pag si Gian din inuwian mo sa huli."

Lyle huffed. "As if naman!"

"O sige, a. 'Wag mong pupuntahan si Abellardo mamaya."

Determinado niyang pinagmasdan si Keegan bago siya tipid na tumango. Deal. Iyon lang pala e.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report