Can I be Him?
CHAPTER 23.2

Noong ipakita niya sa pamilya ang carrot cake at sabihin na ipinapabigay iyon ni Gian, halos magpa-fiesta ang mga magulang niya dahil sa tuwa. Maging ang kapatid niya na alam na alam na may gusto pa rin siya kay Ridge, tila ba na-reset ang isipan at botong-boto rin kay Gian. Sinabi pa na nami-miss na nito ang "future" brother-in-law nito samantalang wala namang ganon!

Moreover, he also figured out that night that Gian has bombarded with him texts. Sobra yata itong nag-alala na hinayaan siyang bumyahe na mag-isa. Hence, Lyle decided to call him.

Pagka-dial niya sa numero nito, halos hindi man lang natapos ang isang ring nang marinig niya ang boses ng binata. It took him aback because Gian's response to his call was really quick. Inaabangan ba nito ang pagtawag niya? "Hello? Nasa bahay ka na ba?" Ganoon kaagad ang bati sa kanya ni Gian nang sagutin nito ang tawag. Ni hindi man lang siya hinayaang mag-hello muna, but that isn't a problem. He just likes the feeling that Gian's worrying for him. It makes him feel warm and loved - kahit hindi siya ang gusto nito.

... alright, does he really have to add that? Parang ang sad boy niyang pakinggan.

Tumango siya kahit hindi naman makikita ni Gian ang ginawa niya. He also let out a short hum.

"Pasensya na kung 'di ako nagre-reply kanina. Nasa kalsada pa 'ko non. Matagal din akong nakauwi dahil traffic pauwi."

"A-ah! 'Wag kang mag-sorry. A-alam ko rin naman na palaging traffic diyan banda sa lugar ninyo dahil intersection ang kalsada," Gian stammered before he cleared his throat, "gusto ko lang talaga masiguro na nakauwi ka ng ma-maayos. Sorry kung binaha ka ng texts ko."

"Oh, it's okay. Natutuwa nga 'ko na nag-aalala ka para sa 'kin. Tapos puro stickers pa ang sini-send mo," natatawa niyang puna nang maalala na bukod sa aktwal na mga mensahe, puro sticker na kung anu-ano ang natanggap niya galing Telegram. Hindi niya alam kung may hidden meaning ba ang mga iyon... pero, umaasa lang naman siya na baka mayroon nga.

"H-hindi ko napigilan!" Gian stammered again which made the male clear his throat once more. Natawa naman si Lyle at at ease na rin dahil nakikita niya sa isip ang itsura nito. Huh, recently, he's more comfortable to talk to Gian through calls instead of talking to him in person.

After all, everything about Gian is making his heart flutter that he might explode. The little gestures are making him crazy. Especially when he knew that it's just him, giving meanings to Gian's good deeds. He's naturally kind, after all. "Ang cute kasi ng mga stickers 'tsaka... pakiramdam ko mas nai-eexpress ko sarili ko 'pag gumagamit ako ng stickers," dagdag nito.

Napahimig naman siya. "Alam mo Gian, dati ko pa 'to napapansin pero ang cute talaga ng personality mo 'no? You're too pure for this world."

Mahina siyang natawa nang mahinang sumigaw si Gian. He can imagine the male's flushed red cheeks and his eyes looking all around his room as if he's still trying to avoid eye contact to no one. Nai-imagine lang naman niya. Kung ganoon talaga ang itsura nito real time, mabibilib nalang siya sa sarili dahil ibig sabihin...

Gustung-gusto niya si Gian to the point na alam na alam na niya ang magiging reaksyon nito sa mga bagay-bagay.

Lihim siyang ngumiwi bago ibinagsak ang sarili sa kama. Bakit ba siya ganito sa tuwing may nagugustuhan siya? Hindi sa hobby niya na kilalanin ang taong iyon pero kusa nalang ding dumarating siya sa punto na inaalam niya lahat ng gusto nito. And that's creepy to a certain extent.

Mukhang narinig naman ni Gian ang pag-ingit ng kinahihigaan niya kaya napatanong ito kung matutulog na ba siya.

"Matutulog ka na ba?" Gian asked.

"Hindi pa, humiga lang ako."

This conversation is making him feel the deja vu but Lyle ignored it. Maybe the question occured more than once during his and Gian's past conversations since it is the most commonly asked question out there.

Si Gian naman ang napahimig. "Kumain ka na ba, Lyle?"

"Nakapagluto na si mama pero mamaya na 'ko bababa. Ikaw ba, Gian?"

"O-oh, 30 minutes pa 'ko rito sa trabaho. Baka nga tumagal pa dahil maagang nag-out ang isa sa mga trabahador ko. May kailangan kasing puntahan. Hm, tutulong ako sa paglilinis."

Nang marinig ang sagot ng binata, inalis ni Lyle ang cellphone mula sa tenga para tignan kung anong oras na. It turns out that it's around 7:35 pm. Alas otso naman ng gabi nagsasara ang café ni Gian.

Is that too late for a cafe schedule? No. Ang Starbucks nga sa SM, hanggang alas nuebe ng gabi ang operation. Kaya ano ang nakakagulat sa 8 pm na closing time? Sa kabila ng iniisip, nakagat ni Lyle ang mga labi. He should have spent more time with Gian tonight. Kahit sandali pa sana, kaso dala ng mga iniisip niya, at iyong senaryong nakita niya kanina, hindi niya kayang manatili kasama si Gian ngayon.

"Lyle, baka natutulog ka na riyan? Naiistorbo ba kita? Papatayin ko na 'tong tawag," sunud-sunod na sabi ni Gian noong hindi siya nagsasalita.

Mahina siyang humimig. "Mayroon lang akong iniisip ulit. Sorry if I spaced out, 'tsaka maaga pa. Marami pa 'kong pwedeng gawin for the rest of the night."

"Oh. Tama ka. Makakapag-sketch ka pa ng designs mo, 'no?"

Imbes na sagutin si Gian e dinama ni Lyle ang ngiti sa mga labi niya. Lumalawak, e. Ang saklap lang ng kalagayan niya. Pinili-pili niya si Ridge noong huli silang nag-usap ni Keegan pero heto siya ngayon, ngiting-ngiti na kausap si Gian sa telepono.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Ako ba, naiistorbo ba kita? May ginagawa ka ba ngayon diyan?" Tanong niya pabalik nang matahimik ang kabilang linya at tanging background noises na lamang ang naririnig niya.

Isang buntong hininga ang kumawala sa mga labi ni Lyle bago tuluyang tumitig sa kisame niya. Itinaas niya rin ang isang kamay at umaktong mayroong inaabot. Dati rati, si Ridge ang iniisip niyang aabutin pero ngayon, dalawa na sila. And he's aware that Gian's much closer to him. They get to talk and interact everyday, after all. Kung siguro wala lang konsensya si Lyle, baka nag-lean talaga siua sa kakarampot ding posibilidad kay Gian. But he knows better. It really is a good thing that he knows much better.

Mali ito lalo na at darating ang panahon na siya rin naman ang masasaktan. Hindi siya ang pipiliin ni Ridge dahil si Zamiel ang mahal nito. Hindi rin siya pipiliin ni Gian dahil may iba itong gusto. Kaunti nalang, maniniwala na siya kay Keegan na baka tipo niya talaga iyong mga taong may ibang gusto.

"Wala akong ginagawa," Gian soon replied in a hushed manner. Mabilis noong napukaw ang atensyon niya dahil sobrang lumanay ng boses nito, "Lyle, may tanong ako." "Ano 'yon?"

"Ni... ni minsan ba, naisip mo nang umamin kay Ridge?"

Natigilan si Lyle. Hindi rin nakasagot dahil nabigla siya sa random na tanong ni Gian.

"H-hindi." Lyle almost choked when he replied. "I don't want to risk it. Masasaktan lang ako lalo dahil kahit hindi niya pa malaman na gusto ko siya, alam kong iba naman ang gusto niya. I'm... I'm trying to preserve my heart." Pero preserving pa ba talaga ang tawag kung ganito kagulo ang puso't isipan niya?

"Ganon ba... ako rin kasi, e."

Narinig niyang bumuntong hininga si Gian sa kabilang linya.

"Di ako manghihinayang sa effort ng pag-amin pero... bukod sa alam kong hindi ako ang gusto niya, natatakot akong bigla siyang lumayo sa 'kin." Umawang ang bibig ni Lyle habang nakikinig siya sa sagot ni Gian. Lalo na nang nakuha pa nito ang mahinang tumawa.

Planning your weekend reading? Ensure you're on

05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Sa totoo lang kasi Ly, 'di ko na makita iyong sarili ko na wala siya. 'Di ko lang talaga siya maangkin dahil one-sided lang din 'tong nararamdaman ko. Pasensya ka na, a. Sinapian lang ulit ako ng kawirduhan," Gian explained. Bagamat ang daming sinabi ng binata, tila ba wala ni isa sa mga salitang lumabas sa bibig nito ang nag-sink in sa utak niya. Mas naituon ni Lyle ang buong atensyon sa mga naunang narinig.

Hindi gusto si Gian ng taong nagugustuhan niya?

Wow, he wanted to scoff at that person and probably smack their head with some sense. Seriously! Gian's a catch, he's handsome, rich, gentle, kind and all sorts of positive adjectives Lyle could muster. He's a package, at that! They don't know what and who they're wasting!

"Lyle?"

Natigilan si Lyle mula sa pag-iisip noong marinig ang malambing na boses ni Gian. He was taken aback and his posture straightened. Tapos ay ilang beses siyang umubo para lang makapagsalita ulit. "S-sorry. May sinasabi ka ba, Gi?"

"Ah, wa-wala. Natahimik ka kasi kaya... iniisip ko na baka busy ka. Um, k-kung gusto mo pwede namang bukas na tayo mag-usap ulit."

Huh. Bukas pa ulit? Kunot noo niyang tanong sa sarili ngunit nang mapagtanto ang tumatakbo sa isipan, mabilis na nag-isang linya ang mga labi niya. Ganito na ba siya ka-attach kay Gian?! What am I thinking?! Ngayon, ang pula na ng mga pisngi niya! Ilang beses siyang umiling para ipunin ang natitirang confidence sa sarili ngunit tila ba may butas sa kung saan sa pagkatao niya't unti-unting kumakawala iyon.

"I'm... fine! I'm fine, Gi! 'Wag mong papatayin. Gusto pa kitang kausap. Sasabihan naman kita 'pag kakain na kami. Ikaw ba? Wala kang gagawin?"

The relief which Gian expressed through a sigh made Lyle smile.

"Wala pa kaming gagawin ngayon pe pero! Pwede naman tayo mag-usap habang tumutulong ako sa pagliligpit ng café."

Lyle nodded even though he perfectly knew that Gian won't see the huge smile and enthusiasm painted on his face. "Alright. Let's do that then."

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report