Can I be Him?
CHAPTER 26.1

WHILE Lyle is still confused of what is happening around him, he chose to let it slide and just deal with the confusion. Lilipas din naman, iyan ang pinapaniwala niya sa sarili.

Anyway, matapos nilang maglaro, nagpaalam ang apat nilang kasama na tatambay muna sa tindahan. Nagpaiwan si Lyle at si Gian sa court. Dapat, si Gian lang ang maiiwan dahil lilinisin daw muna nito ang kalat na iniwan nila ngunit nagpaiwan na rin siya. Balak niya kasing tulungan si Gian sa paglilinis dahil medyo marami nga naman silang kalat.

Zamiel and Alex also attempted to help, but Zachariel just dragged those two away along with Henry. Wala naman ding kaso ngunit kataka-taka na mayroong pasimpleng ibinulong ang binata sa kakambal at sa dati nilang captain. Hindi niya nalang din iniisip dahil baka gusto lang na mang-asar ng mga ito.

"Sigurado ka bang 'di ka pa susunod sa kanila?" Biglang tanong ni Gian.

Natigilan si Lyle sa paglalagay ng hinangin na plastik ng boy bawang sa hawak niyang asul na plastic bag nang marinig ang boses ni Gian. Pero ginawa niya muna ang dapat na gawin bago ito pasadahan ng tingin.

Nakayukyok ang binata sa semento at pinupulot din ang iilan pa nilang kalat. Kung bakit ganito karami, nag-away na naman kasi sina Zamiel at Zachariel.

"Oo naman. Mukhang maninigarilyo lang naman sila. Ayaw ko rin ng amoy ng usok kaya sasamahan nalang muna kita hanggang matapos sila roon," aniya.

Mahinang humimig si Gian. Sa paraang ipinapahiwatig na naiintindihan ang desisyon niya. Pinasadahan niya ng mabilis na tingin ang mga kasama nila. Nakatalikod ang mga ito sa kanila at malinaw niyang naaaninag ang usok na galing sa mga hawak nilang sigarilyo.

"Hindi mo gusto ng naninigarilyo?" Kalauna'y tanong ni Gian kaya muli siyang bumaling dito, ngunit napukaw din ang atensyon niya noong mapansing may balot ng chocnut na natangay ng hangin tungo sa sapatos niya. Yumukod siya para kunin iyon bago sumagot kay Gian.

"Ah, 'di naman sa ganon. Normal lang naman na manigarilyo ang tao lalo na kung stressed e," sagot niya habang ipinapasok sa plastik ang pinulot.

Hindi niya rin alam kung anong pumasok sa isip niya at bukod sa mga kalat nila, nagsimula rin siyang pumulot ng mga tuyong dahon mula sa mga punong malapit sa entablado.

"Wala rin akong problema sa usok ng sigarilyo. Nag-aalala lang ako sa second hand smoking."

"Mahina ang lungs mo tulad ni Ridge?"

Lyle's forehead creased. Hindi niya alam na mahina ang lungs ni Ridge? Pero siguro dahil hindi rin naman ito naglalabas ng mga personal na impormasyon sa sarili kaya hindi niya nalaman.

"Hindi naman. 'Di ko lang gusto na nauusukan. Bakit Gian, naninigarilyo ka ba?"

Nang bumaling ulit siya sa binata, natagpuan niya ang mga mata nitong mataman siyang pinagmamasdan. Namilog ang mga iyon nang marinig ang tanong niya. His lips also protruded before shaking his head.

"Umiinom lang pero 'di ako naninigarilyo," mahinang sagot nito bago nag-iwas ng tingin, "n-naranasan ko namang subukan pero 'di ko gusto iyong lasa. H-hindi rin ako kumportable sa usok na dadaan pa sa lalamunan ko." Napangisi siya at tumango. Okay, noted. Hindi naninigarilyo si Gian pero umiinom.

Nginitian niya si Gian. "Naglalasing ka? 'Tsaka ga'no ka kadalas na uminom?"

"H-huh?" Napamaang ang binata. "Di naman sa naglalasing. Um, u-umiinom lang ako 'pag merong event. Tulad noong kasal ng kuya ni Ridge 'tsaka t'wing stressed lang ako sa paglalaro ng video games."

Lyle fell silent upon hearing Gian's response and a lot of thoughts- ungodly thoughts - visited his head.

Ah, Lyle can imagine several cans of beer beside Gian while he's playing some video games. His cheeks instantly flushed pink when he found that hot. Especially if the room's dark and the only luminance that serves as Gian's light is the television or his pc and it reflects on his irides.

What more if Gian's forehead was creased and his teeth was already gnashing due to frustration while he's in the middle of something? Lyle can only imagine. And yes, he isn't exactly unaware that Gian might be dominant too... despite how he usually acts like a small puppy.

"Earth to Lyle?" Dinig niyang sabi ni Gian.

Napakurap-kurap naman siya at kaagad na nahila pabalik sa huwisyo. Medyo nawindang pa noong mapagtantong kung anu-ano ang iniisip niya bago siya napatayo ng tuwid!

Ha! Anong ginawa niya? Ano iyong mga naisip niya at bakit ang linaw noon sa isip niya?! Tapos, sa harap pa talaga ni Gian mismo!

Old habits die hard.

"Pero naranasan mo nang malasing?" Kalauna'y tanong niya, binabalikan ang usapan.

"O-oo. Noong kolehiyo." Mahina itong tumawa at halos maningkit ang mga mata nito sa ginawa. "Pero iyon lang noong nanalo institute namin sa event saka... noong pumasa ako sa thesis." Napahimig siya. "I wonder what you're like when you're drunk. Siguro, ibang-iba ugali mo."

"A-ah... 'wag... 'wag mo nang isipin! Nakakahiya kung malalaman mo pa!" Kinakabahang sagot ni Gian at mabilis pang iwinagayway ang dalawang kamay, "o-oo nga pala, um... may dala ka ring halaman ngayon 'di ba?"

Awtomatikong ngumiwi si Lyle nang maalala na mayroon nga. Nasa motor niya. Sana hindi pa ninanakaw dahil kanina pa niya hindi pinagtutuunan ng pansin. Hindi ba niya alam sa nanay niya at noong malaman na pupuntahan niya si Gian, kaagad na naglagay ng fortune plant sa GB box niya nang hindi niya nalalaman! Ipinatali pa sa ama niya nang masigurong hindi iyon mahuhulog!

Hindi niya naiwasan ang mapahilamos ng mukha sa naalala. Hindi rin niya tuloy napansin na umahon na pala si Gian mula sa pagkakayukyok at naglahad ng kamay sa kanya para tulungan siyang tumayo. "Gusto mo bang pumunta sa bahay?" Kalauna'y anito.

Mabilis pa tuloy sa ala singko na nilingon niya si Gian. Only to be surprised when he saw him standing in front of him while offering a hand. Hindi niya tuloy alam ang unang gagawin! Aabutin pa ang kamay nito o magugulat muna sa alok ni Gian!

"Sa bahay niyo...?" Lyle trailed off before reaching for Gian's hand.

Ayaw naman kasi niyang hayaan na manatili iyong ganon ng matagal. Also, he wants to feel the warmth of Gian's hand on his. Saka may oportunidad, bakit hindi niya kukunin? Sayang ang alok ni Lord.

Tumango si Gian bago siya hinila patayo. "Oo, kung gusto mo lang naman. Um... tu-tutal nagdala ka rin naman ng halaman para kay mama. Kung ako lang kasi mag-isa magdadala, siguradong ma-madidismaya 'yon na hindi kita dinala sa bahay."

He does not know what to say. Especially when they're holding hands like this. Hindi na naman kasi bumitaw si Gian sa kanya matapos siyang tulungan na tumayo! He tried pointing it out but Gian just held his hand tighter so he internally exploded and let things slide.

Alright. Moving on...

"'Di ba 'ko makakaabala?" Lyle managed to ask, despite almost choking in his own spit.

Ipinilig ni Gian ang ulo. "Hindi. Ba't mo naman naisip na makakaabala ka? Kami nga yata dahil... nagdala ka pa ng halaman para kay mama."

"H-hindi naman sa ganon! Ipinadala lang din ni mama para raw doon sa orchid na dinala mo noong huli."

Halos takpan ni Lyle ang mukha sa hiya noong ngumiti si Gian. Halos daigin pa nito ang araw sa sobrang pagkakasilaw ng ngiting iyon. At kung wala lang siyang hawak na plastik ng basura sa isang kamay... at kung hindi lang hawak ni Gian ang isa pa niyang kamay, talagang magtatakip siya ng mukha!

Naputol lang ang pag-uusap nila nang bumalik na ang mga kasama nila. Kaagad pa nga siyang bumitaw noong marinig ang boses ni Zachariel na nagsasaya. Hindi dahil nakita nitong maghawak ang mga kamay nila kung hindi dahil sa wakas daw ay maipapatayo na niya ang third branch ng restaurant.

Pero hindi ibig sabihin noon, hindi ito mamimisti.

Bago pa tuluyang makalapit ang mga kasama nila, mabilis na nagbitaw ng kamay sina Gian at Lyle. Of course, he already misses the warmth of Gian's hand but he does not really know how he'd react if Gian's circle sees them together... like that.

"O, mukhang ang lakas ng sexual tension sa pagitan ninyo ni Lyle, Gian a!" Ani Zachariel nang mapansin ang postura nila ni Gian.

Hindi na sila magkahawak kamay at hindi rin naman sila magkaharapan ngayon ng binata! Pero kung anu-ano na naman ang lumalabas sa bibig nito!

Napaatras si Gian bago sininghalan si Zachariel. "U-umayos ka nga, Zach! Kanina ka pa, wala kang pahinga!"

"He's just stating facts," kampi naman ni Zamiel sa kakambal.

In the end, Lyle decided to go with Gian. Lalo na noong tumanggi ito na kunin ang halaman noong pinipilit niyang ibigay. Talagang gusto nitong makilala siya ng ina nito at maghapunan na rin sa kanila. Nahihiya tuloy siya dahil... iba ang dating ng lahat sa kanya! Samantalang, hindi naman ganito ang naisip niya noong ayain niya si Gian sa bahay nila!

Well, it's probably because Lyle was not really aware of his feelings toward Gian back then. But now's different! He thinks that he is already meeting Gian's mother for a different meaning.

"Malapit lang ba ang sa inyo?" Tanong ni Lyle habang isinusuot ang helmet.

"Malapit lang. Sa kabilang kanto lang naman, e."

Bumuntong hininga siya. "Dapat pala, hindi na 'ko nag-helmet."

"U-uy, 'di. Mag-helmet ka pa rin. Baka maaksidente tayo sa daan."

Napasinghap siya at hindi makapaniwalang tumitig kay Gian. Iyon nga ang punto. Dapat hindi siya ang magsusuot nito dahil kung sakaling maaksidente sila at masaktan si Gian, baka sadyain niyang pilayin ang sariling kamay! Napag-usapan din nila na iaangkas niya ang kaibigan, pero dahil isa lang ang dalang helmet, inalok niya ito sa binata. Iyon lang ay tinanggihan nito dahil siya naman daw ang magda-drive.

But that was not just the problem.

Kinailangan pa niyang ipunin lahat ng lakas ng loob mula sa bawat sulok ng katawan dahil ang isiping nasa likuran niya si Gian mamaya at hahawak ito sa beywang niya, baka maging sanhi pa ng pagkakaaksidente nila! Pero nakakahiya naman kung ganoon ang kaso, hindi ba? Ano iyon? Naaksidente sila at nakalimutan niyang mag-brake sa may humps dahil lang humawak si Gian sa beywang niya? Baka maging katatawanan pa siya rito. "Naks naman, paangkas angkas nalang! Sana all, Gian!" Puna ni Zachariel noong nagkaroon na naman ito ng pagkakataon.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Halos kabababa lang ng binata mula sa court. Naglaro pa kasi sandali dahil daw nasisiphayo nitong nakaraan si Zamiel. Para raw makapag-vent out ba.

Kumunot ang noo ni Gian bago sumagitsit. "Nandito ka na naman! Mang-aasar ka na naman, Zach! Umalis ka nga!"

"Lulin! Bawal!" Natatawang balik nito saka inihagis ang bolang dala sa binata. Kaagad naman iyong nasalo ni Gian, "balik ko na. Idadaan ko nalang sana sa inyo mamaya kaso ayaw na raw maglaro ni Miel. Ingat kayo sa pag-uwi!" "O-oo. Kayo rin. Pakisabi kay Zamiel, pasensya na..."

Napahalakhak ito bago bahagyang ipinihit ang katawan nang makatalikod sa kanila. "Sus, ayos lang. Naiintindihan naman non."

Pinasadahan ni Zachariel ng mabilis na tingin si Lyle na noon e halos kasasakay lang din sa sariling motor. Nang mapansin nito ang pagkakatitig ng binata sa kanya, nag-angat siya ng tingin saka ito napangiti. "Pakiingatan si Gian, Lyle! Bawal magkagasgas at bebe boi ng barkada 'yan. Bebe bunsoy!" Bilin ni Zachariel sa kanya.

Natawa si Lyle nang marinig ang term na bebe boi pero tinanguan niya ang binata. Nahihiya namang inasikan ni Gian ang kaibigan pero tumakbo lang ito pabalik sa sariling kakambal. Kaya naman... sumunod na rin itong sumakay sa motor niya nang mapansing naisindi na niya ang makina.

At iyon na nga ba ang ikinakatakot niya. Ang maramdaman ang bigat ni Gian sa likuran ng behikulo. Tapos, maramdaman ang mga kamay nitong unti-unting pumupulupot sa beywang niya. Ilang beses siyang napalunok at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Noong medyo naka-get over na, saka pa lang niya ipinaandar ang motorsiklo.

Tahimik sila sa loob ng dalawang minutong pagbyahe. Itinuro lang ni Gian kung saan banda ang bahay nila tapos tapos na. At habang nagtutulungan nilang iniaalis sa pagkakatali ang halaman na dala ni Lyle, nagkukwento si Gian tungkol sa mga bagay na baka raw gusto niyang malaman kay Ridge.

"Mahilig si Ridge sa maanghang. 'Di siya matakaw pero kung isasama mo siya sa eat all you can, bigla siyang nagiging active! Ta-tapos uh... halimaw siya sa mga laro. Ang sama ng u-ugali niya!" Kwento ni Gian pero lahat ng sinasabi nito, lumalabas na lang sa kabilang tenga ni Lyle.

Huh, kung nag-alok itong magkwento noong si Ridge pa nga ang gusto niya, magugustuhan niya ang sinasabi ni Gian. Pero ngayon kasi, mas interesado na siya sa kaharap. Gusto niya tuloy na ibahin ang usapan pero naalis na nila mula sa pagkakatali ang halaman.

"Sigurado ka ba na gusto mong iwan lang diyan sa harap 'yang motor mo?" Paniniguro ni Gian habang binubuksan ang gate sa bahay nila.

Nakaramdam siya sandali ng konsensya dahil dala nito sa isang kamay ang paso ng halaman. Gamit pa ang binti para suportahan iyon mula sa pagkakatumba. Pero noong marinig ang pagmamalasakit nito, pinasadahan niya ng tingin ang motorsiklo.

Marahan niyang ibinalik ang mga mata kay Gian. "Oo naman. Wala namang nangka-carnap sa inyo, 'di ba?"

"Wala naman... um, pero mas maganda kung wala kang iiwan na gamit sa loob ng carrier mo. Walang carnap pero snatching, meron. Lalo na roon banda sa tapat nina Ridge."

Oh. Malapit lang ang bahay ni Ridge kina Gian? So, magkakapitbahay lang talaga sila? Sounds nice. No wonder na magkakabarkada na raw sila since kindergarten.

Napangiwi siya at mahinang tumawa. Wala namang nanakawin sa loob ng carrier niya liban sa mga pamunas ng motor niya at iilang kagamitan para ayusin ito in case na biglang tumirik. Pero hindi pa naman siya nakaranas ng pagtirik ng sasakyan dahil bago ang behikulo niya.

Hindi nagtagal, nabuksan na ni Gian ang gate at iginiya nito na sumunod na siya sa loob. Nagsabi rin ang binata na walang aso sa kanila at nasa loob. Toy poodle rin daw iyon at sanay sa tao. Wala siyang aalalahanin.

Noong nasa loob na siya ng bahay ng mga Abellardo, kaagad siyang namangha sa interior. Sa labas kasi, parang lumang bahay ang tinitirhan ni Gian pero noong nasa loob na siya, moderno ang itsura ng bahay. Dala rin ng pagkamangha sa tinitirhan ng binata, hindi niya napansin na nasa sala lang din pala ang ina ni Gian.

"Ma, may bisita! Saka may ipinapabigay na halaman para sa 'yo!"

Napapitlag si Lyle nang marinig ang matinis na tili ng ina nito mula sa ibang kwarto. Hindi niya napansin! Medyo nakaramdam lang siya ng pagkagulantang nang sumilip ito mula sa kinaroroonan at nang makita sila, halos tumakbo ang ina ni Gian patungo sa kanila.

Akala niya, didiretso ito sa halaman na dala ng kaibigan pero hindi! Sa kanya! At hindi siya handa!

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report