Can I be Him? -
CHAPTER 27.3
"ANG bilis ng meet and greet the parents stage niyo? 'Di naman kayo saka 'di ba? Si Ridge ang pinili mo," Keegan commented while sipping from his can of coke.
Naniningkit ang mga matang pinasadahan niya ng tingin ang kaibigan, pero hindi ito pinatulan. Sa halip, ibinalik nalang ang mga mata sa nilalakaran.
Lunes noon ng hapon nang mag-aya si Keegan na mag-SM daw sila sa San Fernando. Change of scenery dahil lumang-luma na ang SMC sa kanila. Paulit-ulit nalang ang nakikita nila at wala namang bagong stores na mabibisita. Pumayag din si Lyle dahil wala siyang ginagawa.
Well, he is supposed to spend the afternoon with Gian but Keegan texted him to hang out. Hindi naman niya matanggihan ang kaibigan dahil matagal-tagal na rin mula noong huli silang magkausap at magkita. And alright, maybe this really a better thing because he and Gian did spend the rest of the day yesterday in his room.
Wala lang, nanood lang sila ng Netflix.
"Bawal na bang kilalanin ang magulang ng isa't isa? Magkaibigan naman kami ni Gian," aniya.
Keegan, on the other hand, let out a trill. "Ulol, magkaibigan din tayo pero kahit kailan, hindi mo 'ko inuwi sa inyo dahil baka mapagkamalan akong jowa mo ng mga magulang mo! Ang favoritism mo, Villariza!"
"Edi pumunta ka rin kasi sa bahay," pagsuko niya, napapailing nalang din at ayaw makipagtalo sa binata, "'di ka naman na pagkakamalang jowa dahil una sa lahat, 'di tayo talo."
"Aba, talaga. May girlfriend na 'ko."
"Ah, sana all."
Siya kasi, iyong bagong lalaki na gusto niya, iba rin ang gusto. Parang naulit lang iyong kay Ridge talaga. Mag-iiba lang talaga siya ng pangalan na babanggitin.
"Sana all, sana all. Ewan ko ba sa 'yo." Sumipol si Keegan bago inilagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo. "Magkakagusto ka nalang, doon pa sa mga may ibang gusto. Type mo talaga ng ganon, 'no? Trip mo talagang nasasaktan." Nawindang siya sa pang-aakusa ng kaibigan kaya hindi siya makapaniwalang napatitig dito. Dapat ang balik sagot niya rito e, "how dare you think that I'm like that?" E kaso, ganon nga yata talaga ang tipo niya sa lalaki! Iyong mga may ibang gusto o hindi kaya, straight.
Hindi naman din siya ganito kamalas sa lalaki noon. He has been with a few men who had been serious about dating him and that, he really liked. Pero ayun nga lang, mababaw ang nararamdaman niya para sa kanila. Hindi kasinglalim tulad ng para kay Ridge... o singlala ng katulad ng nararamdaman niya para kay Gian ngayon.
"Ang cute nga pala ng mga baby pictures ni Gian noong bata siya. Mas kamukha niya iyong tatay niya kahit may hawig sa nanay," pag-iiba niya ng usapan. Inaalala ang mga litratong nakita noong isang gabi.
Napaismid si Keegan. "Lakas mo magkwento ng tungkol kay Gian ngayon, paano 'pag nakita mo na ulit si Ridge sa Miyerkules? Si Ridge naman ang pakikinggan kong ikinukwento mo?"
Tumigil siya sa pagsasalita at bahagyang sumimangot. Hindi rin siguro. Lalo na at alam niya kung anong kailangan niya kay Ridge ngayon. Mas malinaw na sa kanya kung anong gusto niya. Iyong closure lang. Iyon lang. "Closure nalang naman, Keegan," mahinang aniya bago bumagal din sa paglalakad.
Nauna tuloy ng ilang hakbang ang kaibigan mula sa kanya bago binagalan din ang sariling lakad. Tapos, ipinilig nito ang ulo sa kanya. Tinitignan siya na may bahid ng pagtatanong sa mga mata. "Closure nalang?"
Tumango siya. "Aamin na 'ko sa kanya, Kee. Iyon lang kasi ang kailangan ko. Palagay ko rin, mas madali kong matatanggap na wala akong pag-asa kung diretso kong maririnig iyong sagot niya." Matapos na magsabi, nagulat siya nang hindi mag-react na parang bwisit sa buhay ang binata. Sa halip, tinapik nito ang likuran niya at doon niya napagtanto muli kung gaano siya kaswerte sa kaibigan.
Keegan had listened to his rants about Ridge for years. He endured and chose to stay despite how stupid he was for loving the model blindly. Ngayong nauntog na siya, nandito pa rin ito at matiim na nakikinig. "Mas mainam ngang gawin mo na 'yan. 'Wag mo na i-delay. May iba ka nang nagugustuhan, e. Mahahati lang ang atensyon mo, Lyle."
Napatulala siya kay Keegan bago natawa. "Oo nga, but still, that does not change the fact that Gian's interested in me. Kaya mukhang makikinig ka ulit sa parehas na set ng rants. Iba lang ang pangalan." "Sus, come at me! Sanay na sanay na 'kong makinig sa mga drama mo, pre. Kahit mag-iba pa ulit ang pangalan niyan at magpakatanga ka ulit, makikinig pa rin ako sa 'yo!"
And after that conversation, Lyle steeled himself for the big day to come. Sa Miyerkules, darating si Ridge sa Primivére. Kung magkakaroon siya ng tsansa na umamin sa oras na iyon, ititigil na rin niya ang kahibangan. Ang paghahabol, at magfo-focus sa nararamdaman niya para kay Gian... kahit na wala ring kasiguraduhan doon.
Medyo na-distract siya sa balak na umamin nang mag-text nga si Gian sa kanya. Nagtatanong lang ito kung magkasama pa ba sila ni Keegan kaya sinubukan niyang asarin kung miss na ba siya - but Gian just diverted the conversation which disappointed him.
Ah, but what should he expect? It's not like he can mess up with Gian nor the male would ever retort something like, he does miss Lyle? He should give it up.
*
When Wednesday came, Lyle became a mess.
RIDGE is in his company, Ridge is in his company - this was what he had been chanting inside his head.
Apparently, the male is strolling around his building like a free man and it's making him nervous. And it's not just him, his workers had also been staring intensely at Ridge, nervous of what he would say about the place and the clothes that are displayed. They were also working with their hearts filled with tension.
"Pasensya ka na Mr Villariza kung malikot 'yong alaga ko. Parang ngayon lang nakapunta sa building ng mga fashion designer e," ani Wade na nakatayo sa tabi niya.
Mahina siyang tumawa bago tumango. "Ayos lang. Baka ganyan lang din talaga si Ridge dahil magkakilala kaming dalawa."
"Ah, oo nga pala. Ridge once mentioned that you know each other," ani manager nito.
Gusto niyang sabihin na kaibigan pero hindi naman siya sigurado kung ganoon din ba ang tingin nito sa kanya. Kaya nga ilang taon na ang lumipas pero pinu-pursue pa rin niya ang atensyon nito. Kahit maging kaibigan lang siya nito, masaya na siya.
Well of course, back then he would say this through gritting teeth because he definitely did not want to remain friends with Ridge, but as time passed by? He realized that it is better to be his friend.
Hindi nagtagal, siinapo ni Wade ang noo bago bumuga ng marahas na buntong hininga. Ngunit sa kabila ng reaksyon nito, pareho pa rin nilang pinanonood si Ridge na mamangha at kausapin ang iilan sa mga nagtatrabaho sa kanya. Even they were surprised because Ridge is a well-known model!
"Ridge!" Tawag ni Wade sa modelo, "pumunta ka na rito! Nang-aabala ka na ng nagtatrabaho riyan."
"Huh? But why? Mamaya pa namang alas dos ng hapon iyong photoshoot ko sa ibang magazine, a?" Tanong ni Ridge ngunit hinatak na rin nito ang sarili palapit sa kanila. Nanatili ang mga mata ni Lyle sa binata hanggang sa wakas e mahimasmasan.
"M-may iba kang schedule?" Tanong niya noong oras na sa wakas e naipon na muli ang tindig.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Bumaling sa kanya si Ridge bago marahang tumango. Tumigil din ito sa harap nila at nagpameywang bago hinawakan ang likod ng ulo.
"Pinagpahinga nila ako ng isang linggo e, tapos biglang ipinagsiksikan schedule ko ngayon," reklamo ng binata.
Kumunot naman ang noo ni Wade bago malakas na tumawa. Samantalang ang modelo naman e inilabas lang ang dila saka sinubukang tudyuhin ang manager na para bang bata.
"Ang sasama ng ugali ninyo. 'Kala ko naman, dadahan-dahanin ako. Gusto ko pa namang magtagal dito, titignan kung paano ba magtahi," dagdag nito.
"Hindi pwede! Sigurado akong habang abala sa trabaho itong si Lyle, kakausapin mo ng kakausapin at hindi mo pa titigilan!"
Napailing si Wade bago bumaling kay Lyle. Nabigla naman siya at halos mapatalon pa sa kinatatayuan dahil hindi niya maiwasan ang ma-intimidate rito. Well, isn't this the cade for most model managers? They all look scary. "Ah, nakapamili na ba pala ang JWI ng mga damit na isusuot ni Ridge sa magazine?"
Tumango si Lyle. "They specifically chose five clothes from my last collection. Ipapakita ko muna sa inyo bago kuhanan ng measurements si Ridge."
Iginiya ni Lyle ang dalawa tungo sa parte ng building niya kung saan niya inilagay ang mga damit. Wala rin sana siya na ilabas iyon sa opisina niya pero hindi siya handang papasukin si Ridge sa pribadong espasyo niya. Kung kaya naman inilagay niya iyon sa ibang kwarto kasama ang iilan pang damit galing sa mga dati niyang koleksyon.
"So, these are the clothes?" Tanong ni Ridge habang ineeksamina ang mga iyon.
Muli na naman itong kumilos ng hindi naaayon sa utos ni Wade pero hindi naman na ito pinigilan pa ng manager sa pagkakataong iyon.
Ngumiti si Lyle bago inilipat ang mga mata sa damit na tinitignan nito. Kahit talaga ilang beses niyang tignan ang mga iyon, palaging pumapasok sa isipan niya si Gian - which is totally normal because he made these for him. Ang gusto niya rin sana na unang magsukat ay si Gian pero ni hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataon na ayain ito sa opisina niya.
Abala silang dalawa, lalo na nitong nakaraan.
Come to think of it, alam niyang nagpunta sa reunion si Gian at nakapagkita pa sila nitong weekend pero ano kaya ang balita sa Princess na ex nito? He had forgotten to ask that day because he was so focused on Gian. Stressed din kasi ang binata noong dumalaw sa kanila. Mukhang hindi talaga nagustuhan ang oras na ginugol sa reinion.
Naputol ang tren ng iniisip ni Lyle nang marinig ang susunod na sinabi ni Ridge.
"I like them. They're beautifully-made. Alam mong pinaglaanan ng oras at pagod kaya lang," tumigil ito sa pagsasalita para matiim siyang titigan. Matapos iyon, napangisi ang binata, "parang tinahi para isuot lang ng isang tao. Hm... are these dedicated for someone?"
Lyle stood still when Ridge immediately noticed that the clothes seemed to be specifically made for someone. His breathing hitched when he saw the glint of mischief on the other male's eyes. Meanwhile, Wade also noticed how naughty his "son" is, hence, he took a glance over Lyle to make sure that Ridge isn't affecting him.
"Ayos lang ba na ako ang magsuot nito, Lyle?" Dagdag pa ng binata.
He almost choked in his own spit. Hindi. Hindi gusto ni Lyle na si Ridge ang unang magsusuot ng mga damit na iyon pero ano bang magagawa niya? Ni minsan, hindi sumagi sa isip niya na papuntahin si Gian dito sa kumpanya niya at kumbinsihin itong isuot ang mga damit para sa kanya.
"Ayos lang. 'Di rin naman ako sigurado kung gusto ba niya na isuot ang mga 'yan," Lyle managed to reply after a moment of silence and he hopes that he wasn't too obvious when he lied. Mabuti nalang, dumating na si Kaleb noon na dala-dala ang mga kailangan niya: medida at iyong notebook saka ballpen niya.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Nang makuha ang mga kailangan, kaagad niyang in-instruct si Ridge na lumapit sa kanya nang masimulan na ang pagkuha ng measurements. Kinausap niya rin si Wade tungkol sa ibang bagay, maging si Ridge kung sakali mang may gusto itong adjustments na gawin sa damit sa araw na ipapasuot ito sa kanya. But the male just replied:
"Wala naman akong arte sa damit. Hangga't mare-retain ang orihinal na disenyo, ayos sa 'kin," sagot nito habang nakapikit ang mga mata at nakataas ang mga kamay patagilid, "and I already stated my concern earlier. Ayos lang ba talaga na ako ang unang magsusuot niyan?"
Tumango si Lyle bago napalunok. "Another model already wore this clothes, Ridge. Ayos lang."
"No, I don't mean it like that though."
Kumunot ang noo ni Lyle bago bumangon mula sa pagkakayukyok. Hawak pa rin niya ang medida at tinatandaan ang measurement ni Ridge. Ngunit habang isinusulat niya iyon sa notebook niya, hindi niya napansin ang paglapit ng binata sa tenga niya.
"... aren't these made for Gian?"
Napapiksi si Lyle mula sa kinatatayuan. Halos masamid din noong mapasinghap at nabitawan pa ang ballpen na hawak. He also almost immediately turned his head to face Ridge. Mabuti nalang e medyo malayo pa rin ang mukha nito kaya hindi nagtama ang mga labi nila.
Ah, but that was not his concern! How did Ridge know? Bago pa man niya ibuka ang bibig para magtanong, naniningkit ang mga matang ngumiti si Ridge sa kanya.
"I know because these clothes scream my friend's name all over. Just like how the clothes you are currently designing and creating for another event screams Gian's name... and how the clothes you once made for me calls me."
Nanlalaki ang mga mata niyang napatitig dito. Nawiwindang siya! To the point na umawang nalang din ang labi niya. Namangha siya nang malaman ni Ridge na ang mga disenyong pinagtatrabahuan nila ng mga co-workers niya ay para pa rin kay Gian. Nag-iba lang ang variant. Pero mas namangha siya noong malaman na alam pala nitong para sa kanya ang mga dating koleksyon na idinisenyo niya!
"Ah, I guessed right." Umatras na si Ridge at inayos ang sariling damit.
Hindi nagtagal, nabawi ni Lyle ang tindig at sa wakas... nasabi rin niya ang gustong itanong ngayon.
"Ridge, are you still free later?"
Nakaismid na ipinikit ng binata ang mga mata bago marahang tumango. "I'll talk to my manager. Importante ba 'yan?"
"O-oo..."
"Okay." Nag-okay sign sa kanya si Ridge para ipahiwatig na ayos lang na mag-usap silang dalawa. "Pagkatapos ba nitong meeting natin o mamayang pagkatapos mo magtrabaho?" "Pagkatapos ng meeting dahil... lunch ko na rin naman."
Nagmulat ng mga mata ang binata saka bumaling sa kanya. "Magpaalam ka kay Gian. Baka magselos 'yon sa 'kin."
"H-huh?"
"Biro lang. Magpaalam ka lang. Hindi ba palagi ka sa café niya? Baka hintayin ka no'n ngayon," anito saka tinapik ang balikat niya bago itinuro ang manager, "kakausapin ko lang si Wade. Sige." Matapos nilang mag-usap, napalunok si Lyle. Saka palang din siya nakahinga ng maluwang noong nakatalikod na ito sa kanya at nakikipag-usap na kay Wade.
Bumaba ang mga mata ni Gian sa notebook at ballpen na hawak. Tinapik-tapik niya rin ang tinta sa papel habang napapaisip. Kalaunan, kinagat niya ang pang-ibabang labi.
Well, here goes nothing... for the closure that he wanted.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report