Can I be Him? -
CHAPTER 3.1
NANG mag-aya siyang mag-order ulit, halos hindi maipinta ang naging itsura ni Keegan. Hindi niya tuloy naiwasan ang bahagyang matawa sapagkat ang asim nitong tignan. Animo'y mauubusan na ng pera sa isa pang dessert na bibilhin. "Itsura mo naman. 'Kala ko ba, gusto mo pa ng isa pang macha cake?"
Hindi napigilan ni Lyle na matawa nang umingos ang kaibigan. Lalong lumakas ang tawa niya noong tumalim ang mga tinging ibinabato sa kanya ni Keegan. Aliw na aliw siya, paano ba naman kasi e parang pangarap ni Keegan na ipatalsik siya.
"Gusto ko nga pero mukha ba 'kong singyaman mo, Villariza? Awit naman sa 'yo!" Singhal nito ngunit kinukuha pa rin naman ang wallet mula sa sariling bulsa, "hoy, 'di ba may lunch set? Magkano 'yon? Nakakatakam tignan." Halos hindi na makahinga si Lyle kakatawa nang magtanong pa ito tungkol sa lunch set. "Tignan mo 'tong isang 'to. Nagagalit kang inaaya kitang mag-order pero nagtatanong ka tungkol sa lunch set? 'Yong totoo, Kee, wala ka ba talagang pera?"
"Syempre, wala. Gym instructor lang ako. Tingin mo ba, magkano sahod ko? 'Di rin naman ako madalas rumaket sa banda, ano."
Tinakpan niya ang bibig bago bumuntong hininga upang sa wakas ay mapakalma ang sarili. Pumalya ang ngiti ni Lyle nang hindi niya napigilan ang pagkibot ng isang sulok ng labi niya. Laking pasasalamat niya lang sapagkat hindi iyon napansin ni Keegan. Kung hindi, sigurado siyang magagalit ito at pagsasabihan siya.
"Sinasabi mo 'yan pero ang totoo niyan, mayroon ka lang pinagkagastusan 'no?" Tanong niya habang pinapalagatik ang mga daliri, inaalala ang sinasabi nitong laro kamakailan. "Doon na naman ba sa larong 'yon? Magkano gastos mo ro'n?" "Hoy, 'wag ako! Dalawang daan lang gastos ko ro'n dahil promo ang binibili ko!"
Tumango-tango lamang si Lyle para magkunwaring naiintindihan niya ito nang halos ihagis ni Keegan ang perang pambayad sa kanya. Napapitlag siya at umaktong sasaluhin sana iyon ngunit binitin sa ere ni Keegan ang ginawa, tapos maayos na inabot sa kanya ang pera kaya natameme siya at napatulala.
"Anong sinasapo mo?" Pilyong tanong ni Keegan dahilan para siya naman ang bumusangot. "Saka oy, may pera naman sana ako kung wala lang akong bibit na mga dumb bell sa bahay, ano."
Napaismid lamang si Lyle at humimig. "Oo nga pala. Sabi ko naman sa 'yo, pagsabihan mo na e."
"Ha! Anong pagsabihan? Kakalag na kamo ako, walang pami-pamilya!"
"Ewan ko ba sa mga kasama mo sa bahay. Gumawa lang ng pamilya pero wala namang mga trabaho? Ayaw mo ba talagang kausapin kuya mo?"
Keegan blew out a loud breath. "Kinakausap ko pero mas ayos sana kung 'di lang isusuksok sa isang tenga tapos isusuka sa kabila 'yong sinabi ko, e. Kawawa asawa't anak niya."
Nang hindi kunin ni Lyle ang perang iniaabot ni Keegan, sumagitsit ito at inilapag na lamang sa harap niya ang sariling pera. Noong mapansing handa nang mag-order ang kaibigan, saka pa lang din kasi nangalkal si Lyle ng pera sa sariling wallet.
Namutawi ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Sumandal si Keegan sa backrest ng upuan bago ipinilig ang ulo upang tumitig sa labas.
"Ano na? Pag-uusapan pa rin ba natin si Ridge niyan? Ba't ba kasi 'di mo na lang gawan ng paraan 'yang gusto mo? Makiapid ka!"
"Tanga!" Ingos niya rito at halos murahin pa sana ang kaibigan kung hindi lamang naalalang nasa pampublikong lugar sila. "Anong pinagsasasabi mo? 'Di ko pinangarap maging kabit!"
"Ah, 'di ba. Ano, buhay na lang natin pag-usapan natin? Mga rants para ma-distract ka."
"Lalo lang akong maii-stress diyan sa suggestion mo, e." Muli siyang bumuntong hininga. "Mag-o-order na nga ako, sigurado ka ba sa lunch set mo?"
"Oo naman. Mukha ba 'kong nagjo-joke?"
Bahagyang napahalakhak si Lyle. O kung halakhak nga ba talaga iyon dahil imbes na tawa e para lang siyang umismid-ang bitin kasi ng tawa niya? Isang mabilis na 'ha' lang.
Nevertheless, Lyle got his money. Noong nasa mga kamay na niya ang mga pambayad nila, itinulak niya ang sarili upang umahon mula sa kinauupuan. Siya namang paghalumbaba ni Keegan at pag-aangat ng paningin. "Ly, 'yong may burger, a. Baka kuha ka lang ng kuha ng lunch set do'n, e."
Naiiling na napaismid si Lyle. "Oo na. Hilig mo sa mamantika, check mo nga kung high blood ka na."
Namamanghang ngumiwi si Keegan. Naaliw naman si Lyle noong makita niya ang pagbabago sa itsura ng kaibigan. Ang mga kilay nito, marahang naghiwalay. Samantalang ang pagkakanguso naman ng binata, umatras at naging pilit na ngiti kung saan mas angat ang isang sulok ng labi.
"Final question na ba 'yan? Tingin mo ba, magkaka-high blood pa 'ko kung halos tumira na 'ko sa gym? Lyle naman! Ang hina." Doon unti-unting napalitan ang ngiwi ni Keegan ng isang ngiti. "Ako nga kamo ang nag-aalala sa 'yo at puro ka kain ng matamis 'pag nandito ka!"
Muling kumunot ang noo ni Lyle at hindi mapigilang iikot ang mga mata paitaas. May punto pero ang kay Lyle kasi, bumabawi siya sa pagkain ng maasim pagkatapos kumain ng matamis iniisip na magiging balanse ang katawan sa ganoong paraan.
Pero syempre, hindi naman siya doktor. Ano bang malay niya kung totoo iyong mindset niya? Amen.
"Oo nga pala. Nag-usap ba kamo kayo ni Ridge no'ng magkasama kayo?"
Lyle let out a trill and gestured Keegan to shut up. Ano ba iyon? Iniba nila iyong usapan para balikan si Ridge?
"Wala, may tinanong lang siya sa 'kin. Mukhang nag-survey para ma-improve relasyon nila ni Ridge."
Nanatili ang mga mata ni Keegan sa kanya. Parang halos manuot pa nga ang pagtingin nito sa kanya. Animo'y inaalisa ang mga sinasabi niya.
"Tungkol sa?"
Planning your weekend reading? Ensure you're on 00005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Tumango siya. "Kung nagkaroon na ba 'ko ng karelasyon noon, at kung anong love language ko. He looks so amazed while he was asking, I almost cried during the event." "Okay, pero isi-set na natin 'yan aside. Nag-enjoy ka naman bang makita si Ridge na hubad? Ripped ba? Ako gym instructor no'n kaya kahit tamad siyang mag-exercise, wala siyang choice." Tila pinamulahan ng mga pisngi si Lyle. Umawang din ang mga labi niya at nangangapa ng pupwedeng sabihin. Sandali lang, masyado siyang namangha na ewan sa choice of words nito! "Binalikan ba natin si Ridge para lang i-flex mo sa 'kin kung pa'no mo pinapahirapan 'yon."
Humalakhak si Keegan at tumango. "Ano pa ba? Umalis ka na nga. Mag-order ka na ro'n. Gutom na 'ko, Lyle! Ang bagal!"
Tignan mo itong demanding na ito. Mag-o-order na nga sana siya e kaso binalikan lang nilang pag-usapan si Ridge. Medyo naudlot pa tuloy iyong pagbili nila ng second round ng makakain.
Sa kabila noon, mabilis na nabawi ni Lyle ang tindig. Huminga siya ng malalim at pinukulan ng masamang tingin si Keegan bago umusog nang makapunta na sa counter. Itinuro niya rin ito habang pagilid na humahakbang upang makarating sa daraanan at akmang pagsasabihan nang may mabunggo siya.
Nabigla si Lyle nang may tumalsik na salamin sa harapan niya. At bago pa man siya makayuko upang abutin iyon, narinig niya si Gian.
"A-ah! Sorry! 'Di ko sinasadya!" Tila hirap at halos manginig ang boses nito dahil sa pagkakabagsak ng salamin.
Nilingon pa ni Lyle ang binata, limot na ang dapat na pagtulong nang makita niya si Gian sa likuran niya. Nagmamadali itong yumukod para kunin ang salamin at halos wala man lang magawa si Lyle dala ng pagkamangha.
Is it just him or Gian smells great? Anyway! Why is he thinking things like these?!
"No, I'm at fault too, I-"
Napakurap-kurap siya hanggang sa maalalang may kasalanan din kaya mabilis din siyang yumukod para abutin ang salamin ng binata. Ngunit bago pa man niya tuluyang maabot iyon bago si Lyle, natigilan siya nang marinig ang isa pang pamilyar na boses na sinundan si Gian.
"The fuck are you crouching for, Gi?"
"Sandali lang, Miel. Nahulog kasi salamin ko no'ng may nakabangga ako-sorry po ulit," ani Gian na napukaw din naman ang atensyon niya kahit paano.
"Nabangga?"
Tila ba kandila na lamang na naitulos si Lyle mula sa kinatatayuan nang marinig ang isa pang pamilyar na boses. Noong lumingon siya, saka pa lamang nag-sink in sa kanya ang lahat-in front of him stands not only Gian who just got his glasses from the floor but there was also Zamiel and Ridge standing behind him.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Magkakrus ang mga braso ni Zamiel habang pinupukulan ng masamang tingin si Gian. Nakaangat din ang isang kilay nito at ipinapamukhang hindi ito natuwa na nagkabungguan sila. Ngunit lumambot iyon kahit paano nang yakapin ito ni Ridge mula sa likuran.
"It's not Gian's fault nor it's the person he collided with. Init naman agad ng ulo mo, e."
"Cause of delay kasi," pangangatwiran ni Zamiel.
Ilang beses na napakurap-kurap muna si Gian bago nilingon ang mga kaibihan. "Ang highblood nga agad ni Miel, nakatulog ba 'yan, Ridge?"
"Do I look like I still sleep?" Sarkastikong tanong ni Zamiel bago itinuro ang sarili. "Fuck sleep. It's only for the weak."
"That's probably why I'm weak," pagsang-ayon ni Ridge bago inilibot ang mga mata hanggang sa magtama ang mga mata nilang dalawa. "Oh, si Lyle naman pala nakabungguan ni Gian e."
Nahigit ang hininga ni Lyle at biglang bumilis ang pintig ng puso niya noong kaagad siyang makilala ni Ridge. Noong i-acknowledge nitong nakatayo siya malapit sa kanila.
"H-ha?!" Kabado namang sabi ni Gian saka tuluyang nataranta nang pasadahan siya ng tingin at matanto na si Lyle nga ang nakabunggo nito. "H-hala! Double sorry! 'Di ko sinasadyang mabangga ka!"
"Ah-no, I... I'm at fault, too," Lyle responded.
Bagamat pinansin niya si Gian, hindi maalis ang atensyon niya kina Ridge at Zamiel. Nag-uusap ang dalawa at hindi kahinaan ang boses ng mga ito para marinig niya-and by the way, Gian knows them? For real? "Masyado kang masungit ngayon. Parang 'di ka naman naaliw na makitang walang salamin si Gian,” dagdag pa nito.
Sinimangutan ito ni Zamiel. "Shut the fuck up, Ridge. I'm gonna smack you."
"Puro tahol, walang kagat. Sana 'pag na-smack ako, sa kama."
"Gago!"
Dahil sila na lamang dalawa ang nag-uusap, namutawi ang katahimikan. Ngunit mabilis lang din naman iyon lalo na nang mapansin ni Keegan ang komosyon at mukhang mahagilap ng mga mata si Ridge na kasama ang kasintahan. "Ridge, ikaw pala!" Anito at saka kinawayan si Ridge na noo'y umayos ng tayo upang makita kung sinong tumawag sa kanya. Habang abala ang mga ito, nahihiya siyang hinarap ni Gian at muli itong yumuko. "Sorry ulit, 'di kita napansin."
Tila ba nahawa si Lyle sa ginawa ng binata at bahagya rin siyang yumuko. "Ah, no, it's okay. Sorry rin ulit."
Noong matanto ang ginawa, kumunot ang noo niya. Wait. Wait, this is weird. Kailangan ba talaga nilang yukuan ang isa't isa?
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report