Can I be Him?
CHAPTER 28.2

"YOU know for yourself that you've fallen hard for Gian, right?" Ridge asked.

Nanlalaki ang mga matang tumigil siya sa paghinga. Bagamat sandali lang, pakiramdam niya pa rin e nakalimutan niya kung paano bumawi. He also has a lot to say, but no words escaped his mouth after the sudden slap of reality he received. "I- I know..." mahinang aniya.

Tumango si Ridge. "Then why tell me this? Kanina ko pa iniisip kung bakit, pero 'di ko pa rin malaman kung ano bang gusto mong makamtan sa ginagawa mo ngayon."

Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya. "Closure lang, Ridge. Closure talaga ang gusto ko kaya kita inaya ngayon."

Nang sabihin niya ang totoong pakay, si Ridge naman ang nawindang at nagulat. Ipinilig nito ang ulo ngunit kalaunan ay naghalumbaba. Isinasabalewala ang pamahiin at nais nalang na makinig sa dahilan niya.

They never dated, yes, but Lyle thinks that his younger self deserved to have this closure to end what he has toward Ridge...

"Mahal kita Ridge," ulit niya pero sa pagkakataong ito, mas malakas na ang loob niya dahil alam niyang wala naman na siyang katatakutan pa.

He's just here for the closure his heart needed and to be honest, he is relieved that Ridge is aware of his blossoming feelings towards Gian. Hindi niya alam kung paano nito nalaman, pero baka talagang itinapon niya iyong clue sa mga damit na idinidisenyo niya.

"Mula noong unang beses mo 'kong kausapin noong high school tayo, alam kong mahal na kita."

Pagak siyang natawa noong maramdaman ang pag-init ng sulok ng mga mata. Hindi niya maintindihan kung bakit siya naiiyak. It's weird. He probably looks so miserable right now, confessing his love towards Ridge while knowing that he's already fallen hard for Gian.

"Ikaw 'yong nagligtas sa 'kin noong lugmok na lugmok ako dahil ang lupit ng tadhana sa 'kin nang mag-out of the closet ako. 'Yong nagsilbing liwanag at pag-asa ko dahil kahit kailan, 'di ko binitawan iyong mga salitang sinabi mo sa 'kin noon," paliwanag niya.

"What did I even tell you?" Nagtatakang tanong ni Ridge.

Tumawa si Lyle sa kabila ng pamumuo ng mga luha sa gild ng mga mata niya. Of course. Of course Ridge does not remember because it has been a long time...

Anyway, he replied, "na magiging ayos lang ang lahat para sa 'kin. Makakahanap ako ng ibang kaibigan na tatanggapin kung sino ako at 'di hadlang ang kasarian ko sa kung anuman ang gusto kong abutin sa buhay."

Hindi nakasagot si Ridge nang sagutin niya ang tanong nito. Mukhang hindi na naaalala ang mga sinabi noon pero ayos lang iyon! Natural lang na makakalimutan iyon ni Ridge. Siya lang talaga ang tumanda noon dahil doon din nagsimulang umusbong ang nararamdaman niya para sa binata.

"Ikaw 'yong naging inspirasyon ko, Ridge. Iyong mga sinabi mo sa 'kin noon ang nagsilbing sandalan ko sa t'wing hindi umaayon sa 'kin ang buhay. Dahil sa 'yo, naririto ako sa kung nasaan ako pero sa kabila ng pagmamahal ko sa 'yo, 'di naman ako bobo para malamang kahit kailan, 'di ako ang pipiliin mo. Noong una, wala iyong kaso sa 'kin kaya ibinaba ko ang pangarap ko. Kahit pagkakaibigan lang, Ridge... kahit maging magkaibigan tayo."

Ah, he looks like a mess. Especially when his tears just came falling down his eyes when he tried so hard to prevent them from ruining this moment. Samantalang hindi naman siya nasasaktan sa sinasabi. Sa halip, gumagaan pa ang pakiramdam niya.

"But Lyle..." Ridge trailed off, taking the opportunity to speak when he paused, "ang akala ko, high school pa lang tayo, magkaibigan na tayo? Noong nakita kita sa math garden at inapakan mo pa ang likuran ko."

Natigilan siya noong banggitin ni Ridge ang naging gatilyo para magkakilala silang dalawa. Detalyado pa. Mula sa pagpunta niya sa math garden at gawin niyang hagdan ang likuran nito. Dahil hindi niya alam kung anong magiging reaksyon, kaagad niyang tinakpan ang kalahati nang mukha nang mapagtantong baka lumobo pa ang sipon niya.

Nakakahiya na nga ang kalagayan niya ngayon tapos mas mapapahiya pa siya ng itsura? Mali iyon. "Ah, wait."

Hindi nagtagal, inabot ni Lyle ang tissue sa gilid ng mesa nila, pero hindi siya nagtagumpay dahil hindi niya makapa kung nasaan ang lalagyan. Sa huli, si Ridge ang kumuha ng tisyu para sa kanya. He thanked him before he wiped his snot.. Suminghot na rin siya nang hindi lumala ang pagkapahiya niya.

"Are you still okay?" Tanong ni Ridge.

Tumango siya. "I'm just... feeling overwhelmed right now. I stupidly called you out here to confess though you knew that I'm into Gian. Also, I am feeling happy that you think that we're already friends." "Because we already are. Nakakatampo naman na ako lang pala ang nag-iisip noon," madrama nitong sabi, dahilan para matawa siya sa kabila ng hindi matapos-tapos na pagpunas ng ilong.

"I'm sorry I guess... I guess I always needed to hear it from you. I needed an assurance that I've already accomplished what I wanted from you despite having my feelings unreciprocated." Ridge grinned before humming. "Edi sana nagtanong ka. Lyle, 'di mo naisip 'yon?"

"Natakot akong magtanong, e."

"Ba't ka naman matatakot sa 'kin? Wala naman akong ginagawa sa 'yo. Masyado akong tamad para suntukin ka."

Sinabayan niya si Ridge noong muli itong humalakhak. Matapos niya ring umamin, iniba na ng binata ang usapan, pero tinanong muna nito kung okay na ba siya. Sinabi niyang oo ayos na dahil matagal na pala niyang nakuha ang gusto. Masyado lang siyang wala sa loob at itinuon ang oras sa isipang hindi sapat lahat ng ginagawa niya.

Kalaunan, nalipat ang usapan kay Gian. Naaliw pa ang binata nang malaman kung paano niya napagtantong gusto niya ang binata. Doon sa may Sky Ranch, noong mayroong umamin dito at siya pa ang ginawang medium para ibigay ang numero nito kay Gian.

"Bata palang kami, habulin na talaga ng babae si Gian," kwento ni Ridge bago napahalakhak, "di niya alam dahil mababa confidence niya at karamihan sa kanila e natu-turn off na sobrang mahiyain si Gian."

Oh, but is his anxiety an obstacle? One can help Gian gain confidence, though. But it's okay, mas maganda nang hindi nila napagtanto na gawin iyon sa binata. Actually, Lyle thinks that if has a chance, he'd help Gian through it. "Right. No'ng una ko ring nakita si Gian, 'kala ko anghel siya o modelo. He's too good-looking to be real?"

"Ah, but he's so real." Nginisian siya ni Ridge at may kung ano roon na hindi nakapagpakumportable sa kanya kaya nag-iwas siya ng tingin. "But he has flaws, I guess that's what makes him more... human? Isipin mo, kung mataas ang confidence ni Gian, baka 'di kayo magkakilala."

"Wag ka namang ganyan! Kahit mataas confidence niya, sana magkakilala pa rin kami."

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Ridge then snickered. "Of course~"

Kalaunan, madramang bumuntong hininga ang binata. Napailing ito matapos sapuin ang sariling noo. Napatawa naman siya at sa pagkakataong ito, magaan na talaga ang loob niya. "Anyway, you should really go get your man, Lyle. Ibulsa mo na si Gian dahil baka maunahan ka pa," Ridge blurted out which almost made him jolt from his seat. Namamangha siyang napatitig kay Ridge bago napailing. "Huh? Ako? E, may gustong iba si Gian."

"Gustong iba?" Kumunot ang noo ni Ridge. Ngunit nang makuha ang punto niya, napahalakhak ito. "So? Hahayaan mo nalang na maagaw noong 'iba' na 'yon, si Gian?" "Uh-huh..." Nag-iwas siya ng tingin kay Ridge bago kinamot ang pisngi. "Mahirap kasing kalaban Ridge, iyong puso e."

"Exactly. Kaya nga nagtataka ako kung ba't gusto mong hayaan si Gian samantalang kung ikukumpara sa 'kin..."

Tumigil sa pananalita si Ridge at sa halip, pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang sa kalahati ng katawan bago ngumisi. Kalaunan, mahina itong tumawa, dahilan para nagtataka niya itong pagmasdan. "Kung ikukumpara sa 'yo? 'Di mo naman siguro ako iniinsulto sa isip mo, Ridge?" Pabirong tanong niya.

Umiling ang binata. "Lyle, noong sa 'kin, 'di mo napigilan 'yong sarili mo. Sinubukan mong pukawin 'yong atensyon ko. Nataon lang na iba ang gusto ko. Ba't kay Gian, parang agad agad e sumusuko ka na? 'Di mo naman alam kung sino ang gusto niya." "Ayun nga. Sa 'yo na mismo galing, may gustong iba si Gian, Ridge. Do you really think that I'd stand a chance?"

"Give it a try, though. You'll never know. Isa pa, wala namang nabanggit si Gian kung sino ba iyong gusto niya. Pa'no kung ikaw pala 'yon?"

No! Ayaw niyang umasa dahil baka dumating sa puntong isipin niyang siya ang matagal na nitong tinutukoy.

Imbes na sagutin o bigyang pansin ang suhestiyon ni Ridge, ipinagpatuloy nalang niya ang pagkukwento. Napahagalpak ng tawa ang binata roon sa parteng nagtampo siya kay Gian noong hindi nito kaagad itinapon ang papel na natanggap mula sa babaeng interesado rito noong nasa SkyRanch sila. Sa halip, ibinulsa pa!

"Ah, mukhang maraming dapat baguhin si Gian sa ugali niya," kalauna'y komento ni Ridge kahit hindi pa rin tumitigil sa pagtawa, "baka bastedin mo kaagad."

Kumunot ang noo ni Lyle. "Bastedin? Ridge, ni 'di nga 'ko gusto ng kaibigan mo."

When he stated the obvious, Ridge began to chuckle once again.

Halos hindi pa ito tumigil kaya bumuntong hininga siya at nagpatuloy sa pagkain. Dito nalang niya ivi-vent out ang problema kay Gian dahil tapos na ang kay Ridge. Magaan na ang loob niya dahil sa wakas, nabigyan din niya ng hustisya ang dating siya na gustung-gusto ang atensyon at hinahangad ang pagmamahal nito.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Pakiramdam niya rin, kaya na niyang tignan ng diretso si Ridge at Zamiel kung sakaling makita niya ulit na magkasama ang dalawa. Wala nang sama ng loob at inggit na lulukob sa puso niya. Napangiti tuloy siya sa ideya kahit na pinagtatawanan pa rin siya ng binata dahil hindi niya raw akalain na ang bilis niyang magselos.

Moreover, both of them talked a lot until Wade texted Ridge. Mayroon daw kasing interview ngayon ang binata at may mabilisan ding photoshoot para maging modelo raw ng isa sa mga kilalang shop ng damit dito sa Pinas. Habang naglalakad silang dalawa palabas ng Yi San (ang korean restaurant na pinagkainan nila), saka palang nagtanong si Ridge ukol sa mga damit na dinisenyo niya. Iyong isusuot daw nito sa JWI sa susunod na buwan. "Lyle, can I ask you a favor?" Tanong ng binata noong palabas na sila sa walking street. Nilingon niya naman ito at nagtataka ring tinitigan. Kaya lang, nanatili ang mga mata ni Ridge sa kalsada.

"Ano 'yon?"

"Tungkol doon sa mga damit na imomodelo ko. I don't want to break it up to you but I'm still contemplating to take the offer despite you already took my measurements." Kumunot ang noo niya. "Pero imposible naman na mag-back out ka kung mayroon ka nang pinirmahan na kontrata sa JWI, 'di ba?"

Nakaramdam ng takot si Lyle noong bigla nalang ngumisi si Ridge.

"Wala ka pang... pinipirmahan?"

"Meron, pero pwede ko naman 'yon iatras basta susundin ko iyong kondisyon nila."

Namamangha siyang napatitig sa binata. Hindi mairehistro ang sinasabi nito. "Ridge, breaking off contracts usually includes money, though? Alam mo ba 'yang sinasabi mo?"

Nagmamalaking tumango ang binata. "Anyway, I originally intended to check the clothes first. Kaya pumunta kami ngayon. Tapos nalaman ko na para kay Gian ang mga iyon. It'd hurt my ego to wear those. I also think that Gian would feel upset if he finds out that I wore those clothes before him."

"Pero para naman iyon sa magazine," aniya.

Mahinang humalakhak si Ridge. Inunahan din siya nito sa paglalakad bago ito umikot para tignan siya. May pilyo pa ring ngisi sa mga labi nito na siyang nakapag-emphasize ng itsura nito.

He still looked like a dark prince that came out of some novel. And with his ebony hair swaying along the gentle gust of wind, Lyle thought that if only he's talking to the male with his heart still beating for him, he would have probably knelt already. "May ilang linggo pa naman bago ang magazine shoot, Ly."

Nag-peace sign ang binata at natigilan siya nang may tumigil na SUV sa likod ng binata. It also turns out that it's Wade's car. Muntik na siyang kabahan dahil aakalain niya sanang kikidnapin si Ridge.

"Ipasuot mo kay Gian iyong mga damit. Kung hindi, 'di ko rin pipirmahan iyong kontrata. The sooner, the better, by the way. Let me know if he already wore those clothes," bilin nito bago binuksan ang pinto ng sasakyan, "I'll see you next time! Good luck!"

And with that, Lyle is left dumbfounded.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report