Captivating my Heart
Chapter 23 Kalisto and Azhia

"Kalisto POV"

Ilang araw ng walang malay si Zeindy at hanggang ngayon hindi pa namin nakikita si Benedict.

"Kal kumain ka muna ako muna dito" sabi ni Zin, tumingin ako sakanya.

"Sa palagay mo saan nagtago ang lalaking yun?"

"Wala din akong alam Kal, sabi ni Cai yung apartment na inuupahan niya wala daw tao dun, bumabalik balik siya pero walang Benedict na umuuwi dun, maski text at tawag sa best friend niya wala din" mahaba niyang paliwanag. "Nagtataka kasi ako"

"Saan Kal?"

"Nakakapag aral siya sa school niyo pero sa apartment lang siya nakatira at nagtratrabaho, hindi biro ang tuition fee at mga projects sa school, sa tingin mo saan siya makakakuha ng pangastos?" "Hindi pa na'tin ganong kakilala si Benedict, pero base sa pinakikita niya totoo siya, ang hindi ko lang alam bakit niya nagawa yun" sabi niya.

"Marami pa tayong hindi alam sakanya, bukod sa pangalan at edad niya wala na" tama si Zin, hindi naman din kasi kami nagtatanong "sige na kumain kana muna ako na bahala dito" tumango ako sakanya at lumabas na ng kwarto, sumakay ako ng elevator, naglalakad ako papunta sa sasakyan ko, mag drive thru nalang ako, kinuha ko ang susi sa bulsa ko at at sinusian ang sasakyan ko tsaka sumakay, inistart ko ang sasakyan at pinaandar na, saan kaya ako kakain, naningkit ako ng mata para maaninag ang babaeng papalapit sakin, si ma'am Zhia yun, pagtapat niya sakin huminto ako tsaka siya binusinahan, binaba ko ang bintana sa gunshot seat para makita siya.

"Ma'am Zhia saan lakad niyo?" Tanong ko.

"Dadaan ako sainyo sa Hospital para ibigay yung mga hahabulin ni Zeindy" sabi niya.

"Sumama ka muna sakin ma'am"

"Saan ka naman pupunta?"

"Bibili lang ng makakain"

"Bakit kailangan kasama pa'ko?"

"Ma'am para sumabay kana sakin pag akyat, wala masyadong tao sa hospital ngayon" sabi ko, medyo padilim na din kasi.

"Buksan mo at sasakay ako" pfft takot Hahahahaha "anong tinatawa tawa mo jan?"

"Takot kayo sa dilim?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Anong nakakatawa dun aber?" Pfft namumula siya. "Wala po ma'am" sabi ko at pinaandar na ang sasakyan.

"By the way nakita niyo na ba si Benedict?" Tanong niya.

"Wala pa din po kaming balita sakanya, hindi nga po namin alam kung saan siya hahanapin"

"Ang pamilya niya?"

"Yun nga po, hindi din namin alam kung may pamilya pa ba siya"

"What do you mean?"

"Nitong grade 12 lang namin siya nakilala, hindi namin alam kung anong background niya, saan siya nakatira, saan siyang pamilya o kung meron pa ba siya no'n"

"Paano mo nasabi yan?"

"Caius investigate him and up until now he's doing his best to find Benedict"

"Anong nakuha niyong ibedensya?" Tanong niya ulit.

"Kung saan siya nakatira at anong work niya"

"Wala kayong ibang lead kung saan siya pwedeng pumunta?" Umiling nalang ako.

"Tahimik na tao si Benedict ma'am, kaya hindi namin alam kung anong tumatakbo sa isip niya, ni hindi nga namin alam kung bakit niya ginawa kay Zeindy ang ganon, samantalang wala namang ginawa si Zeindy sakanya" "Baka naman kasi may ibang dahilan" napakapit ako sa manibela.

"Anong dahilan?" Tinignan ko siya.

"Hindi na'tin alam, pero once na makita niyo siya pakingan niyo muna siya bago kayo gumawa ng hakbang na maaaring ikasira niyo" napangiti ako dahil sa sinabi niya. "Alam mo Zhia tama ka" sabi ko, tumingin siya sakin.

"Zhia?"

"Yes Zhia pangalan mo, Azhia ka kaso mas gusto ko yung Zhia nalang"

"Nasaan ang ma'am ha?"

"Wala tayo sa school kaya batas ako" ngumisi lang ako at bumalik na sa daan ang tingin.

"Hoy anong batas batas ka jan" natatawa niyang sabi.

"Hahahaha" tawa ko.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

"Nakakatawa ka pala?" Tanong niya sakin.

"Oo naman ano ako robot na walang pakiramdam?" Ngumiti siya.

"Madalas lang kitang makitang nakangiti but never heard your laugh"

"So gusto mo ba lagi akong tumatawa?" Tanong ko.

"Oo" deretso niyang sagot "alam mo ang pagtawa nakakatangal ng stress at nakaka healthy"

"Then lagi na akong tatawa, para naman mawala ang stress ko at masaya din kita"

"Anong sabi mo?"

"Ang sabi ko ang ganda mo" namula siya dahil sa sinabi ko.

"Sira ka talaga"

"Di totoo maganda ka talaga"

"Hay nako napaka bolero mo talaga"

"Hindi ako bolero, siguro oo sira ako, sira ako dahil sayo"

"Sira dahil sakin?"

"Nasira ulo ko dahil sa ganda mo"

"Hay nako Kalisto manahimik ka jan, mag drive kana"

"Yes ma'am" sumaludo ako at nag drive na ng maayos, nakarating kami sa mall. Dito nalang para mahaba haba bonding namin. Nag drive ako papunta sa parking lot, pagkatapos kung iparada ang sasakyan ko bumaba ako at umikot sa pwesto ni Zhia para pagbuksan siya ng pintuan.

"Thank you, iiwan ko muna pala yung mga hahabulin ni Zeindy" sabi niya pagkababa niya.

"Sige lang" sinara ko na ang pintuan "let's go" sabi ko at hinawakan siya sa kamay. Papasok na kami sa mall.

"Kyahhh si Kalisto nandito" napatigil kami, tumingin ako sa paligid ko at nakita yung mga nakakasama kong babae dati, kumaway ako sakanila na mas lalong nagpatili sakanila.

"Kalisto samahan mo naman akong uminom" napangiti ako dahil sa sinabing yun ng isang babae.

"Next time baby" sabi ko at kumindat sakanya, lumakad na ulit kami, hinatak ko nalang siya, nakapasok na kami ng mall, tinignan ko siya dahil kanina pa siya walang imik.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñel5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now! "Ayos ka lang ba?" Tanong ko, nakatingin lang siya sa baba "Zhia?" Tawag pansin ko sakanya.

"Ah bakit" kasabay no'n ang pag angat ng ulo niya.

"Okay ka lang ba" ngumiti siya pero halatang peke.

"Ayos lang ako" hindi ako naniniwala, niyakap ko siya "Kalisto!"

"Hindi kita bibitawan hangat di ka nagsasabi kung bakit ka nagkakaganyan"

"Wala" sagot niya, aba matigas ang isang 'to.

"Hindi yan ang sagot"

"Kalisto nakakahiya, pinagtitinginan na tayo" sabi niya at nagpupumiglas.

"Wala akong paki, kaya pa nga kitang halikan sa harapan nila, pagyakap pa kaya" sabi ko at mas lalo pang hinigpitan ang pagyakap sakanya. "Oo na, oo na, magsasabi na'ko bitawan mo lang ako"

"Ayoko, magsabi kana muna" naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim.

"Oo na nagseselos ako, hindi ko alam kung kailan ko naramdaman 'to, basta paggising ko isang araw gusto na kita" binitawan ko siya at tinignan.

"Talaga?" Namumula siyang tumango, napangiti ako "then manliligaw ako sayo" nag angat siya ng tingin.

"Ayoko Kalisto"

"Sa ayaw at sa gusto mo manliligaw ako"

"Teacher ako Student ka" sabi niya.

"I don't care, basta masaya tayo sa isa't isa"

"Per-shhhh tara na at kumain" hinatak ko na siya ulit "saan mo ba gustong kumain?"

"Kahit saan"

"Meron kayang ganong fast food" sabi ko, narinig ko naman siyang tumawa.

"Sira ka talaga" nagtawanan lang kami, napag desisyunan namin na sa Chowking nalang kumain, pagtapos naming kumain nag gala gala kami saglit pagtapos nito babalik na kami sa hospital, this is the best day ever, nakangiti ko siyang tinignan, ipapakita ko sayo kung paano magmahal ang gaya ko.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report