Desire Love -
Chapter 24: Another Work
CHAPTER 24
Aleighn's POV
Mula ng lumabas si sir Craige ay hindi kaagad siya bumalik bagay na ikinatuwa ko, dahil kahit paano walang pang gulo sa akin sa mga oras na ito.
Alam kong nakakahiya sa mag asawang kausap niya na hindi ako sumabay sa pagkain gayong inimbitahan naman nila ako, kaya lang ay hindi ko gusto ang ideyang kasama ang amo kong si Lucifer the second sa hapag, baka gumawa kasi siya ng bagay na ikaka inis ko at hindi ako makapag pigil na hindi siya patulan.
Minabuti kong kainin ang instant noodless at biscuits na baon ko, binili ko pa ang mag ito mula sa natirang pera galing sa binayad sa akin ng matandang tindera ng isda sa palengke na tinulungan ko, binili ko ang mga iyon ng utusan ako ni sir Craige na ibili siya ng kape noong may ka meeting siya sa lobby lang ng hotel na tinutuluyan namin.
Mahigit tatlong oras ang lumipas mula ng lumabas si sir Craige ng marinig kong tumunog ang pintuan ng kuwartong tinutuluyan namin, sensyales na bumalik na siya kaya naman dali-dali akong tumayo para salubingin siya. "Hello sir may iuutos ka ba?" tanong ko sa masiglang boses
Nagtama ang mga tingin namin saktong pag harap niya sa akin kung saan pansin ko ang iritasyong bumabalot sa kabuuan ng mukha niya. May naging problema kaya siya sa kausap niyang mag asawa kanina?
"Magpapahinga na ako so do what ever you want todo, just stop pestering me!" galit niyang usal saka ako mabilis na tinalikuran
Anong pestering sinasabi noon, samantalang nagtanong lang naman ako kung may iuutos ba siya sa akin. Hirap talaga kay sir Craige kapag mainit ang ulo sa iba ibinubunton ang galit! Tsk, tsk bad attitude talaga kahit kailan, kaya sayang pagiging gwapo eh, hindi marunong ngumiti.
Matapos niyang sabihin na magpa pahinga siya ay kaagad siyang nagtungo sa silid kung saan siya matutulog, habang ako naman ay naiwang naka tunganga lang at nagtatanong sa sarili ko kung ano na naman kaya ang maari kong gawin sa lugar na ito.
Gusto ko sanang tawagan ang anak kong si Ravi kaya lang ay nawalan ako ng load kahapon pa, mabuti na nga lang ay tinawagan ako ni Aling Choleng kahapon para sabihing maayos ang lagay ng anak ko.
'Ang boring dito sa totoo lang' untag ko sa sarili bago tinungo ang balcony para tignan ang kabuuan ng dagat na tanaw na tanaw ko lamang.
Mukhang papalubog na ang araw dahil unti-unti ng nagkukulay kahel ang ulap, tinignan ko ang orasan kong pambisig para tignan ang oras at ng makita kong maga ala sais na ng hapon ay dali-dali akong lumabas para pumunta sa tabing dagat at doon manood sa pag lubog ng araw. Bahala si sir Craige sa buhay niya tutal ay sinabi niyang gawin ko ang gusto kong gawin ng hindi siya pine peste.
Nang tuluyan akong makarating sa tabing dagat ay ninamnam ko ang preskong hangin na yumayakap sa akin at ang magandang tanawin na nagbibigay aliwalas para sa akin.
Naupo ako malapit sa dagat kung saan tanaw na tanaw ko ang maliliit na alon mula sa dagat, saka ako tahimik na nanood sa pag lubog ng kalmanteng araw.
Nagtagal pa ako ng ilang sandali sa pag upo sa puting buhangin bago ko tuluyang naisip na tumayo at bumalik sa kuwarto namin, baka gising na rin ang amo ko at hinahanap ako, baka sa mga oras nga na ito ay tumatawag na siya sa akin, hindi ko pa naman dinala ang cellphone ko. Baka nagngi ngitngit na iyon sa galit panigurado.
Abala ako sa pag obserba sa paligid habang naglalakad ako ng makita ko ang ginang na kaninang sumalubong sa amin ni sir Craige ng dumating kami rito sa resort, nasa malayo palang ako ayginawaran niya agad ako ng matamis na ngiti. "Magandang gabi Madame," sambit ko ng tuluyan akong maka lapit sakanya
"Magandang gabi rin hija, hindi mo ata kasama ang alaga mo?" tugon nito sa pagbati ko
"Natutulog po siya, kaya naglibot ako sandali," untag ko
"Hija I know Craige is a hard to deal kind of person kaya kung sakali mang mahirapan ka sakanya, you can leave him at mauunawaan ko iyon," seryosong untag ng ginang sa akim sa namumungay na mata Mahirap po talaga siyang kasama, pagkausap ko sa sarili ko
"Mahirap po siyang pakisamahan totoo iyon at mukhang alam ng marami ang ugali niyang iyon, pero sa tingin ko po kaya ko naman siyang ihandle bukod po kasi sa kailangan ko ng trabaho may utang na loob ako sakanya, utang na loob na parati kong ipagpa pasalamat po," nakangiti kong usal sa ginang na bakas ang tuwa sa sinabi ko
Mukhang hindi lang basta business partners ni sir Craige ang mag asawang ito, dahil base sa obserbasyon ko mula kanina ng makita ko sila, mukhang malapit sakanila ang amo ko at may alam sila sa ugali ni sir Craige.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"How long are you working with him hija?" kuryosong tanong ng ginang matapos akong tignan mula ulo hanggang paa.
"Anim na buwan po Mam," nakangiti kong tugon
"I'm wondering tumagal ka ng ganyan sakanya huh, congratulations hija mukhang ikaw na ang puputol at susuwag sa ugali niyang hindi maganda," natatawang untag niya ulit sa akin, habang ako naman ay napa pantastikuhan sa sinabi niya "I'm his aunt that's why I know him too much," naka ngiti ulit niyang untag
"Ay hehehe kaya po pala," tanging sambit ko
Matapos ng ilan pang paalala mula sa ginang ay tuluyan na siyang nagpa alam sa akin dahil hinahanap na raw aiya ng asawa niya, kaya naman agad na rin akong nag tungo pabalik sa kuwartong tinutuluyan namin
At ganoon nalang ang gulat ko ng makita si sir Craige na prenteng nakaupo sa couch habang naka de kuwatro ang binti at masama ang tingin sa akin.
"Hindi ako humanap ng lalaking lalandiin dito sir Craige wag kang mag alala," untag ko ng tuluyan akong makapasok
"Tsk! Youre phone is noisy!" galit niyang untag
Agad ko namang kinuha ang telepono kong iniwan ko lamg sa coffe table malapit kung saan siya nakaupo, saka ko nakitang ilang beses palang tumatawag si Aling Choleng sa akin. Malamang ay nagising siya sa tunog ng cellphone ko kaya naka simangot
Dahil wala akong load ay hindi ko matawagan pabalik ang matanda para sana kamustahin sila, buti na lang ay may iniwan siyang text message kumg saan sinabi niyang maayos ang lagay nilang dalawa ng anak ko. "We're going back to manila tomorrow, so expect a lots of works when we're back," walang emosyong sabi ni sir Craige sabay simsim sa kape niya
Expect a lot of works daw! Malamang alilang malala niya na naman ako sa opisina niya kapag bumalik na kami ng maynila. Daig ko pa ang sekretarya niyang halos nakaupo nalang, dahil ako ang abala sa mga trabaho niya dapat. "Okay sir," maikling tugon ko sabay upo sa isang couch malapit sakanya
"Pagbalik natin ng maynila bukod sa pagiging katulong sa mansion ko, isa kana sa magiging sekretarya ko opisina at gagawin mo lahat ng ipag uutos ko ng hindi dapat nagrereklamo!" seryoso niyang untag dahilan para mapalingon ako ng masama sakanya
"At paano ko gagawin yun ng sabay sir?" kunot noong tanong ko sakanya
"I don't know and I don't care basta magta trabaho ka n sa akin, mula umaga hanggang gabi."
"Pero may trabaho ako sa bar sir Craige!" katwiran ko
"You will be working on me! mula umaga hanggang gabi, sa opisina at sa mansion ko. Tapos ang usapan!" mayabang niyang sabi saka mabilis akong tinalikuran
Kung may ibabayad lang talaga ako sa utang na loob na meron ako sa taong ito, magbabayad talaga ako may kasama pang sobra!
Paano ang trabaho ko sa bar hindi ko pwedeng bitawan iyon, dahil doon lang ako kumukuha ng pang tustos sa araw-araw namin ni Ravi.
Sigurado akong pahihirapan lang ako ng lalaking ito ng sobra kaya niya gagawin sa akin ang bagay na ito!
Impyerno malala ito sigurado kaya sana may mahaba akong pasensya para sakanya.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report