Dominant Passion
Chapter Ten — Promise (Part One)

Magkahawak lang ang kamay naming dalawa ni Brelenn. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagsasalita dahil iniisip ko pa rin ang pangyayari sa parke. Ramdam na ramdam ko ang pag-aalala niya hanggang sa ngayon. Pinisil niya pa ang ko. "I think you need to rest for now. Let's go to the carnivals later," hinalikan niya ang noo ko.

kamay

Nasa harap kami ng aking condo.

Umiling ako agad. Ayaw kong umalis siya. Hindi porket wala ako sa mood ay gugustuhin ko na siyang umalis, lalo na't nalalapit na ang flight niya papuntang abroad.

"No, please s-stay..." Hirap pang magsalita ang boses kong namaos na kakaiyak ko kahapon. Naramdaman ko ang yakap niya sa akin at tuloy tuloy na tumango. Pumasok kami sa loob. Nakakapit pa rin ang kamay at braso ko sa kanya dahil nahihirapan akong i-balanse ang aking sarili.

I remember their words...

"Tandaan mo 'yan, balang araw, maka-karma ka sa ginagawa mo! Malandi kang babae ka, pokpok!"

"Maka-karma ka rin sa ginagawa mo!"

Masakit iyon, pero totoo naman na talagang gamitin ang katawan ko lalo na noong nasa healing stage pa lang ako. Ganoon ako magcope up. Ganoon din si Brelenn...

"Do you believe in karma?" Bigla kong tanong sa kanya. Nakaupo na kami ngayon sa sofa. Ang mga mata ko'y walang tinitingnan, lumulutang lang ang aking paningin. Tsaka lang ako nagising nang maramdaman ko ang mainit niyang kamay sa akin.

"Yes," sagot niya agad.

"Does our body count matter?"

Kunot noo niya akong tiningnan. "Does that matter? Virginity is just made up word. It doesn't define your value... We are all equal." Seryoso niyang sabi. "Well yeah, if someone's religious maybe they believe having an intercourse with someone whom you're not married with is a sin but at least we never did them wrong. But karma... It's still possible, to be honest." Bumuntong hininga siya. "You haven't told me what really happened yesterday. I'm worried. How are you?" Umiling na lang ako, wala pa ring balak magsalita. Hindi ko rin malaman sa sarili ko. Pinangarap ko rin na huwag nang alalahanin pa ang ino-overthink ko dahil paalis na naman na si Brelenn. Pero anong magagawa ko? Unti unti nitong nilalamon ang aking isipan.

Tanging yakap na lang ang sinagot ko sa kanya. Ilang minuto kaming nakaganoon at walang nagsasalita sa amin hanggang sa bigla ko na lang naramdaman na tumaas baba ang kanyang dibdib. Malalim ang kanyang paghinga. Nagsimula siyang kumanta.

"Lift your head, baby, don't be scared

Of the things that could go wrong along the way.... You'll get by with a smile... You can't win at everything, but you can try..." kanta niya.

> Baby, you don't have to worry >

'Cause there ain't no need to hurry >

No one ever said that there's an easy way >

> When they're closing all their doors >

And they don't want you anymore >

This sounds funny, but I'll say it anyway >

♪ Girl, I'll stay through the bad times >

Even if I have to fetch you everyday>

>We'll get by with a smile >

> You can never be too happy in this life

Maluha-luha ko siyang hinalikan sa pisngi. Hanggang sa ngayon ay naaalala niya pa ang paborito kong kanta! Ang kanta rin na 'yan ng Eraserheads na 'With a smile' ay ang kinanta niya noong nasali siya sa pageant noong highschool. Nakatingin pa siya sa akin habang kumakanta siya noon.

"Don't cry," pinunasan niya ang naglalandas na luha sa aking pisngi. "If my baby's sad then I'm sad too..." Niyakap niya rin ako.

Tango ako nang tango. Kahit na nalulungkot pa ako nang kaunti ay pinilit ko na magsalita at ngumiti sa kanya. "I-I'm not sad anymore... Thank you, love..." Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang bibig.

Malapit na maggabi nang makapunta kami sa peryaan. Magkasiklop ang aming kamay pero hindi katulad kanina na sobrang tahimik ko. Ngayon ay kahit na tahimik ako ay nakakasagot ako pag may tinatanong siya hindi katulad kanina na wala talaga akong imik kahit na magtanong pa siya.

Napatingin ako sa spiral potato chip at sa nagtitinda ng sorbetes. Kahapon kasi ay hindi ko na nakain ang ice cream dahil iyak ako nang iyak na parang bata. Kaya ayun, natunaw na. Hindi ko lang alam kung iniwan ni Brelenn sa refrigerator ko. Naglakad si Brelenn papunta roon, napasama ako sa kanya dahil nga magkasiklop pa rin ang aming kamay. Alam niya agad ang gusto ko kahit na hindi ako magsalita.

Binilhan niya ako noon. Sunod ay nakakita ako ng burger at chocolate juice. Hindi ko pa man nasisimulang kainin 'yung spiral potato at sorbetes ay may gusto ulit ako. At syempre, binili niya ulit ako noon. "What else?" Tanong niya.

Umiling ako. Baka sabihin niya pineperahan ko siya at puro na lang ako pagkain. Pero totoo naman na puro ako pagkain, gusto ko lang talagang i-deny.

Natulala siya sa akin nang makita ang ginagawa ko.

Nang malasahan ko kasi ang magkasabay na pagkain ng spiral potato at ice cream ay nasarapan ako kaya pinuputol ko ang spirals noon para i-dip sa ice cream tsaka ko kakainin. Pagkatapos ay nilagay ko ang ham ng burger dito sa loob. Ang mga gulay naman sa loob ng burger ay hinulog ko sa chocolate drink bago ko ito ininom.

"Babe... Seriously, are you okay?" Sa wakas ay nausal niya.

Napangisi na lang ako. Sa wakas nga ay nagawa ko rin 'yon matapos ng ilang try.

I don't know either. Am I okay?

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report