Dominant Passion
Chapter Eleven — Goodbye

Namamawis ang aking noo habang paulit-ulit na shine-shake ang pregnancy test. Mabilis ang tibok ng aking puso sa bawat taas at baba ng aking kamay rito. Patuloy kong hinihiling na sana hindi ito magpositive. Matagal na akong sinasabihan nila mama na mag-asawa na ako dahil gusto na nila ni papa ng apo. Malapit na rin daw kasing umatras sa kalendaryo ang edad namin kaya iyon ang gusto nilang gawin ko. Noon pa man ay sinabi ko na hindi ako mag-aasawa kailanman. Lalo na kaya pag magkaroon ng anak?

Iilang linggo, araw at gabi pa lang ang pinagsasamahan namin ni Brelenn bilang mag-nobyo't nobya. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari pag nakita ko ang dalawang linya nito. Lalo na't paalis na ng Pilipinas ngayong araw. Ngayon ko pang naisipan na magpregnancy test.

Parang bumagsak ang mundo ko nang makita ko ang dalawang linya roon. Nagsimulang manginig ang aking dalawang kamay habang nakatitig doon.

B... Buntis ako?

Napatakip ako ng aking bibig habang tahimik na umiiyak. Halo halo ang aking nararamdaman. Nagsimulang magsilabasan ang mga posibleng mangyari sa aking isipan.

Paano na lang kung tanggihan ito ni Brelenn? Alam ko na, hindi ko sasabihin. Paano ko ito sasabihin sa mga magulang ko kahit na natitiyak kong matutuwa sila? Ano ang sasabihin ko sa kanila? Nabuntis ako ng bestfriend ko na hindi nila alam, ngayon ay nobyo ko na?

Napaupo ako sa sahig habang dala ang isipin.

Malaki ang posibilidad na ang unang araw na nagtalik kaming dalawa ni Brelenn ay doon ito nagawa. Maaaring nagkaroon ng butas ang condom kaya ito nakalusot.

Kabadong kabado ako nang lumabas ako ng pinto. Nanginginig pa nga aking kamay noong pinihit ko ang busol. Inilagay ko sa aking bulsa ang pregnancy test para kung pumasok siya sa cr ay hindi na niya ito makita pam

"Hey," nahanap agad ng aking mga mata si Brelenn na nagpupunas ng kanyang basang buhok gamit ang putting twalya. Wala rin itong saplot pang itaas. "You look pale. Are you sick?" Hinawakan niya ang ulo't leeg ko. Nagsalubong ang kilay niya.

"I'm not sick," walang ganang sabi ko at napaupo sa sofa. Hinilot ko ang aking sintido habang nakatulala sa harapan.

"What's wrong?"

"I should go with you to the airport." Binalingan ko siya. "Gusto kong sumama."

"Are you sure about that? I don't want to see you cry while I'm leaving. Baka hindi na ako tumuloy pa eh..." Bumuntong hininga na lang siya at hindi na nakipagtalo pa. Hindi na niya hinintay ang sagot ko at tumango na lang. Walang ekspresyon ang aking mukha. Balisa pa rin ako hanggang sa nasa sasakyan niya na kami papunta sa airport.

"You're not okay," he glanced at me while his hands are on the wheel. "I should've not take you here with me... I'll call Erin instead." Kukunin na sana niya ang kanyang cellphone nang pigilan ko siya.

"Okay lang ako!"

Tatawagan niya sana si Erin Arcajante na asawa ng kaibigan niyang si Cadmus Arcajante Jr. Kaibigan din ni Renice si Erin at schoolmate namin noong highschool kaya medyo close kami. Nakakahiya lang dahil honeymoon pa ng mag-asawa, baka sabihin dinidisturbo namin sila!

Malungkot lang talaga ako dahil wala akong magagawa kung hindi itago ito kay Brelenn dahil alam kong hindi siya aalis pag nalaman niya 'to. Iyon ang ayaw kong mangyari. Alam kong matagal niya na pinapangarap maging doctor. Ganoon din ang pangarap ng kanyang ina para sa kanya kaya hindi ko 'yon puputulin.

Nai-imagine ko pa lang ang reaksyon niya, pagbalik niya ay may anak na siya!

"Baby... I don't want to leave." Kuminang muli ang kanyang mga mata pero ngayon ay alam kong nagbabadya na ang luha niya habang nakatingin sa akin.

Nang tiningnan ko ang harapan namin ay malapit na kami sa airport.

"You need to leave." Iniwas ko ang aking tingin papunta sa bintana dahil nararamdaman ko rin na pabagsak na ang luha ko.

"Let's go?" Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Tumango na lamang ako at binuksan na ang pinto ng kotse sa direksyon ko. Ayaw kong makita niyang malungkot ako.

Kinuha niya ang mga gamit niya sa car garage. Nakatulala lamang ako.

Parang noong nakaraang linggo lang ay pumupunta pa kami sa carnivals, park, nagd-date at nagpipicture sa photobooths. Ngayon ay aalis na siya. Sinisisi ko ang panahon kung bakit tila kay bilis ng takbo nito kaya maghihiwalay na kaming dalawa ngayon ni Brelenn.

Nang may isang patak ng luhang nakatakas sa akin ay mabilis ko itong pinunasan. Tahimik akong suminghot.

Natigilan ako nang maramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bewang.

Ang nobyo kong nasa tabi ko ngayon ay nakasuot ng hoodie jacket at grey pants. Natural na nakataas din ang kanyang buhok sa ere. Naka-anti radiation din siya na salamin.

"Tara na," ngumiti siya at hinalikan ako sa labi.

Walang pinagbago, mabilis pa rin ang tibok ng aking puso.

How I wish I could freeze that moment.

Buhat niya ang kanyang bagahe sa kanyang kamay pero sa kabilang kamay niya ay nananatiling nakahawak sa bewang ko.

Tanaw ko na ang mga malisyosong tingin sa amin ng mga tao. Inasahan ko na puro pilipino ito dahil alam kong maraming marites sa Pilipinas pero hindi lang pala sila ang ganoon tumingin sa amin, maging ang mga foreigner ay malalim ang tingin sa aming dalawa ni Brelenn.

Napatingin ako sa suot kong navy blue jeans at simpleng itim na tank top na pinatungan ng putting cardigan. Wala namang masama sa suot ko, ah?

"Don't mind them," rinig kong bulong ng boyfriend ko kaya napunta sa kanya ang atensyon ko. Tumango na lamang ako sabay ngiti sa kanya. Pagkapasok namin sa loob ay sari-saring ingay ang sumalubong sa amin. Mula sa speaker at sa mga taong nag-uusap.

Napagdesisyonan naming kumain muna dahil maaga kaming umalis kanina. Wala kaming kinain kaya walang laman ang tiyan naming pareho.

Hindi ako makagalaw dahil sa stress kaya siya ang nagpapakain sa akin. Napapaisip na lang ako kapag nagkaroon ako ng cravings habang ako'y nagbubuntis o kaya'y nahihirapan akong tumayo tapos wala siya.

"Don't be sad," hinimas niya ang aking pisngi gamit ang kanyang hinlalaki sabay ngiti at halik sa aking noo. "Magiging mabilis din ang lahat. Mabilis lang ang oras. Pagbalik ko, ikakasal na tayo agad!" Masaya niyang sabi tsaka niyakap ako. Nasubsob muli ang mukha ko sa kanyang dibdib.

Tahimik lang akong kumain samantalang si Brelenn ay nababahala pa habang nakatingin sa akin. I smiled to him to assure him it's okay. It will be okay, at least.

Bukas ay balak kong lumuwas papunta sa bahay nila mama para sabihin na buntis ako. Kahit kinakabahan ako sa lahat ng posibleng mangyari, ang simpleng yakap niya ay nakakabuo ng lakas ko.

Magkahawak kami ng kamay habang magkatabi't nakaupo sa waiting area kung saan kami tatawagin kapag dumating na ang oras ng flight nila. Hindi nawawala ang tingin sa akin ni Brelenn, tila tinatantsa niya ang aking reaksyon. "Take care, okay?" Aniya. "Don't forget to call me everyday. Update me in everything. We will get through this together, baby... I promise you that." Tinadtad niya ng halik ang aking mukha. Mabuti na lang at wala pang masyadong tao kaya walang nagrereklamo sa kanyang ginagawa.

Tango lamang ang sinagot ko sabay ngiti. Alam ko naman na babalik siya at hindi niya ako iiwan. I just have to wait for him while I'm taking care of our baby.

Nagkatinginan kaming dalawa nang marinig namin ang anunsyo ng babaeng nagsasalita sa speaker. Senyales na aalis na sila. Hinihintay niya lang akong magsalita habang nakahawak siya sa aking kamay.

"Do you want me to leave?" Tanong niya sa akin.

"No," mabilis na sagot ko.

"Then I won't leave---"

"I don't want you to leave but you need to. Pangarap mo 'to, Brelenn. Pangalan niyo ni Mrs. Raedwald at ito rin ang pangarap ko para sa 'yo," tuluyang tumulo ang aking luha habang nagsasalita. "I want you to make me proud and tell me you will take care there. I want you to assure me that you will update me everyday or at least once a week so I know what's happening. Tell me when you're down, don't keep it yourself, okay?" Pumiyok na ang boses ko sa huling salita na aking sinabi.

Sunod-sunod siyang tumango bago ako sinugod ng yakap. Iilang minuto kaming nanatili sa pwestong ganoon bago niya ako hinalikan sa noo, sa tungki ng ilong, pisngi at sa labi.

"I love you,"

"I love you," I said it back then smiled.

"Let's take a picture, at least?" Tumulo na rin ang luha sa kanyang mata kahit pa nakangiti siya sa akin. Pinunasan ko agad 'yon at tumango.

Umupo ulit kami sa upuan bago ako magpose na hinahalikan siya sa pisngi habang siya'y nakangiti sa camera. Magpipicture din sana kami sa cellphone ko nang biglang may bumagsak sa bulsa ko.

Pakiramdam ko ay huminto ang lahat nang maalala ko ang tungkol sa pregnancy test.

"May nahulog," he extended his hands to take what is it pero inunahan ko siya.

Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong ballpen ko lang ang nahulog. Naalala ko rin na nasa ibang damit ko 'yon nilagay kaya hindi iyon mapupunta rito.

Nagpatuloy kami sa pagpose. Inis ko sanang ita-tap ang back button sa screen dahil bigla na lang naging video ang dapat ay picture taking namin. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang may sumundot sa aking pisngi. "Gago?" Tarantang tanong ko habang nanlalaki ang mga mata.

Isang singsing ang ihinarap niya sa akin.

"Marry me once I come back, Jani," ngumiti siya habang kumikinang pa rin ang mga mata dahil sa nagbabadyang luha.

Napatakip ako ng bibig habang sunod sunod na tumango. Mabuti na lang at nakuhanan iyon ng video! Mangiyak ngiyak ko siyang niyakap, hindi pa rin hinihinto ang video.

"Y-Yes, I will marry you," masaya kong sabi.

Mas lumapad ang kanyang ngiti habang pinapasok ang singsing sa aking daliri. Isang yakap at mabilisang halik sa labi muli ang aming ginawa bago kami nagpaalam sa isa't isa. "I'll make you proud, Jani," his tears fell.

"Make yourself proud of your own. When you do, that's when I'm going to say that I'm proud of you." My tears fell too.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report