Esta Guerra (Tagalog Version) -
Chapter 9:Pissed off
Ang kanyang mga unan niyang gianamit ay nakasalansan ng maayos sa may pader. Before I finally got up from my bed. I stretched my body.
Nang lumapat ang aking paa sa sahig I just realize that I don't have any slippers. Nakalimutan kong magdala ng tsinelas na panloob. Baka magkaroon ng kalyo itong paa ko. Damn! Ang hirap pa namang tanggalin ang isang yon. Nasa may patuto pa lamang ako ng pintuan ay amoy ko na agad ang kape na mula sa kusina. It smells so aromatic na para bang hinahalina akong uminom nito. But I have to refuse dahil alam ko'y nahawa iyon sa balat.
Si Abel na nagsasalin ng tubig mula sa takore ay nakangiting tumingin sa akin. Nagmwestra siyang inalok ako ngunit pag iling lamang ang sinagot ko.
No to coffee! Ang hirap pa naman makatulog sa gabi bukod sa nahawa iyon sa balat.
Nilibot ko ang aking mga mata ng tuluyan akong nakalabas sa kwarto ngunit wala si Letty.
"Where's Letty? I thought we we're going to somewhere", si Abel na ngayon ay tapos ng magtimpla ng kape ay pinaupo ako sa kawayang upuan.
"Gusto mo bang manood?", alok nito. Tumayo naman ako para lumabas at doon umupo.
The air from the outside is refreshing while the view of the sunset is waving at me. Para bang namamaalam iyon sa akin habang pinagmamasdan ko.
"Hindi ka na ginising ni Letty. Wag kang mag alala Piper na-repair ko na yung ref namin kaya may malamig na tubig ka ng maiinom", sabi nito habang patuloy na sumisimsim sa mainit nitong kape.
"I wanted to stroll around. Can you please join me?", muntik niya pang maibuga ang iniinom nito. Halatang nagmamadali siya dahil diretso niyang ininom ang kape niya at dali-daling hinugusan ang tasa saka nilagay sa tama nitong lagayan. Umuna na kong lumabas sa kanya at naglakad-lakad. Napapikit pa ko habang dinadama ang hangin. Nasabay ang mahaba at itim kong buhok sa bawat pag samyo nito sa aking mukha.
Kahit dapit hapon ay may iilan pa rin na mga batang naglalaro sa kalsada. Hindi nila ininda ang gabok ng kalsada.
Umupo ako sa kahoy na upuan sa ilalim ng isang malaking puno. Masaya ko silang pinagmamasdan habang iniintay si Abel. Masyado yatang naging mabilis ang paglalakad ko kaya hindi siya nakasunod agad.
"What's taking him so long? It's been five minutes simula ng lumakad ako", napakamot akong bahagya sa aking noo ng tinignan ko ang aking wrist watch.
Binalik ko ang atensyon ko sa mga batang naglalaro ay isa-isa silang pumulas. Ang ibang mga matatandang naglalakad ay kanya-kanyang takbuhan.
"Magsitago kayo! Dalian ninyo!", babala ng isang matandang lalaki na halos puti na ang lahat ng hibla ng buhok nito. Akma niya pang hahampasin ng patpat ang mga batang hindi siya sinusunod.
Kakatayo ko pa lamang sa aking pwesto ay may mga armado akong lalaking natatanaw sa hindi kalayuan.
Abot kaba ang naramdaman ko. Ano na lang ang gagawin ko?
Lumakad ako ng dahan-dahan ng may biglang...
"Shhh!", sobrang lapit ng mukha niya sa akin dahil sa pagpulupot ng kamay niya sa aking bewang. Ang paghinga niya ay ramdam ko sa aking mukha.
Pinagmasdan ko ng maigi ang mukha nito. Maganda ang mga mata niyang hindi gaanong bilugan, mas lalong nadepina ang balingusan ng ilong nito dahil sa kaunting pagsilip ng araw ng bago dumilim, at ang labi nitong mapupula na sa bawat pagbigkas niya ng salita ay nanlalambot ako.
"Dito ka lang", agad naman siyang bumitaw ng mapansin na malapit ang distansya naming dalawa.
"Bakit anong gagawin mo?", tanong ko.
Imbis na tumingin siya sa akin at sagutin ang tanong ko ay sa iba siya nakatingin. Tinulak ko siya ng bahagya upang makita kung anong tinitignan niya.
Ang grupo ng mga armadong lalaki. Mabuti na lamang at paalis na sila. Pasalamat na lamang ako at nasa likod kami ng punong ito na pinalilibutan ng matataas na damo.
"Wala kong gagawin sayo. Depende na lang kung...", mariin kong tinapakan ang paa niya.
"Aray! Sakit naman non!", malakas na pagdaing niya.
Padabog akong umalis sa aming kinatatayuan. Kundi lamang siya gwapo ay iisipin kong isa sa siya sa mga iyon.
"Magtago ka! Bumalik sila!", pagkasabi niya nito ay agad naman akong nagkandadapa-dapa dahil sa pagmamadaling makabalik sa pwesto kung saan kami nagtago.
Ngunit laking bigo ko ng mapayakap ako sa kanya at napaibabaw ako sa kanya dahil sa pagbagsak namin pareho sa damuhan.
Para bang ilang bultahe ng kuryente ang nabuhay sa aking katawan.
Ang gwapo! Ang bango!
"Wag kang pumikit. Hindi ito ang tamang lugar para sa pagpapantasya mo sa akin!", at natatawa pa ang loko ng sinabi niya iyon sa akin.
"In your dreams! You homicidal maniac", sabi ko ng nakabawi ako ng tayo. Hindi ko manlang siya tinulungan. Bahala nga siya!
Nakasunod naman siya sa akin habang pabalik ako at si Abel na napakabagal ay palabas palang ng gate nila. May pagtataka sa mukha nito dahil sa pagsunod sa akin ng magaling niyang kaibigan. "Ako pa ngayon ang homicidal maniac? Alam mo ba ang ibig sabihin non?", hindi ako umimik sa tanong niya.
Para bang nag inusok ang ilong ko.
"Kung hindi ka pumikit sigurado akong hindi ko naman masasabi iyon", he's over to himself. Oo nga't gwapo. Pero gwapong-gwapo siya. Akala mo naman ay hindi siya naging gusgusin ng bata siya. "Pre, ba't mo naman ginagalit si Senyorita?", singit ni Abel ng makalapit na siya sa amin.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Halatang nag ayos pa ang loko dahil sa bakas ng namumuong polbo sa mukha nito. Inalis iyon ni Cade gamit ang sarili niyang kamay. Siguro ok na silang dalawa.
"Hindi ko alam bakit siya ang nagalit. Eh dapat ako nga itong magalit sa kanya", I glared at him while he's staring at me.
"Mahirap talagang intindihin ang mga babae. Binabaligtad nila ang sitwasyon", half open ang aking bibig dahil sa panggagatong ni Abel.
"Oo nga, Pre. Ang sakit sa ulo. Kung type nila tayo. Magtapat sila sa atin hindi yung kung ano pang ibang bagay ang iniisip", humalakhak silang dalawa ni Abel. Pinagkakaisahan na yata nila ako. I better leave them lalo pa't wala si Letty. Wala akong kakampi.
Nang mapansin ni Cade na hindi na ko namamansin ay pinigilan ako nito.
"Saan ka pupunta?", hindi ko siya sinagot. Pagalit kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin.
"Sa susunod wag kang masyadong pahalata", mas lalong umalingawngaw ang malakas nilang tawanan sa tenga ko.
I'm pissed off! He's making fun at me.
Hindi ako inis dahil trip niya ko.
Kundi dahil kinikilig ako.
Gosh! Piper! Ano ba yang iniisip mo?
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report