Esta Guerra (Tagalog Version)
Chapter 12:Kasintahan

Maaga kaming pinatapos ni Mang Gracio sa bukid dahil dumating ang asawa nito kasama si Don Emilio.

Nagkunwari pa siyang nagtatanim sa ilalim ng sikat ng araw kaya't tuwang-tuwa naman sa kanya ang gobernardor.

Nang makauwi kasama ang aking bunsong kapatid ay agad kong napansin si Cazue. Kitang-kita ang pagpatak ng butil ng pawis mula sa kanyang buhok pati na rin ang iilang tuyong dahon na dumikit sa kanyang buhok. Halatang bagong dating ang isang ito dahil hindi pa siya nakakapag ayos ng buhok. Kahit ang suot nitong sira-sirang damit at pantalon pang bundok ay hindi pa napapalitan. "Panabay lang tayo, Kuya", sabi niya ng makita akong pumasok sa loob kasama ni Dero.

"Kumain na kayo?", tanong ko sa kanya na ngayon ay tumayo mula sa kanyang inuupuan para lumabas ng terasa.

"Oo. Si Inay nasa likod bahay napakakulit. Nagluluto pa kahit na sugatan siya", sabi nito na ngayon ay sumisipol upang magtawag ng hangin.

Gamit niya ang saklob galing sa ulo nito bilang pamaypay.

Binaba ko naman ang aking gamit sa kahoy na mesa.

Tama nga si Cazue abalang nagluluto si Inay sa likod bahay at amoy ko kung ano ang kanyang niluluto. Ang paborito nilang kainin ni Itay. Sinukmani.

Patakbong lumapit si Dero sa naghahalong si Inay.

Nakapamewang siya habang ginagawa iyon at kung minsan ay natigil sa paghahalo dahil sa usok na nagmula sa gatong.

"Cade, wala na pala tayong palapa ng saging. Humingi ka nga muna kila Abel", pagkautos niya sa akin ay uminom muna ako ng malamig na tubig.

Nang nasa labas na ko ng gate nila Abel ay nakailang tawag ako.

"Abel!", paulit-ulit kong tawag sa pangalan nito. Ngunit parang wala na namang naririnig ang magaling kong kaibigan.

Marahil ay malakas ang volume ng TV nila kaya hindi ako mahimigan. Siguro ay nanonood na naman iyon ng paborito niyang palabas. Yung kay Fernando Poe. Mahilig yun sa mga sinaunang pelikula na puno ng bakbakan.

Kagaya ng kinagawain ay pumasok na ko ng kanilang bahay ng hindi nagpapaalam. Hindi naman ako iba sa kanila at ganon din sila sa akin.

Nang tinunton ang mismong loob nito ay napansin kong tatlo silang nag uusap sa loob. Maingay sila at nag aasaran ang magkapatid kagaya ng kinagawian nila para silang aso't-pusa kung minsan. Pero natitiyak ko naman na mahal nila ang isa't-isa. Sa katunayan ayaw ni Abel na may ibang nang aaway kay Letty. Gusto niyang siya lang ang mang iinis sa kanyang kapatid.

Napatitig ako sandali ng makitang mukhang pamilyar kung paano maupo ang babaeng nakatalikod sa akin pati ang suot nitong bestida.

"Abel. Pwede bang makahingi sa inyo ng dahon ng saging?", singit ko sa kanilang pagkukulitan.

Tumigil sila sa kanilang ginagawa ng makitang nakatayo ako malapit sa kanila. Lumingon din ang babaeng kasama nila. Sandaling namilog ang mga mata nito at nalaglag ang kutsara.

"Mawalang galang sa pag kain niyo. Pumasok na ko sa loob para kasing walang nakakarinig sa akin sa labas", napakamot ako sa sarili kong ulo.

Kita ko kung paanong pinunasan ni Letty ng piece towel ang mukha ng babae.

"Sige, Pre. Kumuha ka na lang dyan sa may bakuran", tatalikod palang ako ng muling nagsalita si Abel.

Lalong hindi maapuhap ng babae ang kanyang sarili. Gusto kong matuwa dahil sa wakas ay may epekto na ko sa kanya.

"Si Piper alala mo pa?", hindi ako sumagot sa tanong ng sarili kong kaibigan.

Tumingin lamang ako ng malamig kay Piper. Tama nga. Naalala ko na ang buong pangalan nito. Medyo maarte at sosyal kagaya niya. Pilley Perouzé Roshan. Ayaw niyang tinatawag sa totoo niyang ngalan.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Pilit siyang ngumiti sa akin ngunit pag su-suplado lamang ang ginawad ko.

"Marami pa kong gagawin"

Tuluyan na kong lumabas saka kumuha ng palapa ng saging sa kanilang bakuran. Pwede na kong mapagkamalang baliw dahil natatawa ako. Natatawa akong epektibo ang pag su-suplado ko sa kanya. Ngayon ay alam ko ng may paghanga siya sa akin hindi katulad noon na halos pandirihan niya ko.

Bumalik na ko sa sarili naming bahay ng matapos ang pinag uutos ng aking Inay.

Makalipas ng ilang oras ay natulog muna ako at nagising lang ako ng tinawag ako ni Inay. Inalog niya pa ang paa ko upang magising.

"Dalian mo't dalhin mo ito kila Abel. Nakita kong may espesyal silang panauhin", tinukoy niya si Piper. Alam kong ilang beses niyang gustong makausap ang dalaga sa paniniwalang baka matulungan siya nito. Pero kahit kailan ay hindi iyon nagawa ng aking magulang. Hindi kasi umuuwi si Piper dito. Para bang sinadya ng tadhana na hindi siya umuwi.

Iniabot niya sa akin ang isang plato ng sinukmani.

"Anak, kailangan mong mapalapit sa kanya alang-ala sa Itay mo", ginulo niya ang aking buhok at pinisil ang mukha ko.

Ganito nga ka-desperada ang aking Inay sa pagkamit ng hustisya para kay Itay pati na rin makuha ang sarili naming lupa.

Nang dinala ko kila Abel ang sinukmani ay nakipagkwentuhan pa ako at dumating din si Lecio. Isa sa mga kaibigan ko dito sa aming bayan.

Hindi rin naman ako nagtagal dahil nainis ako sa sinabi ni Abel.

Minsan ay walang preno ang bibig nito sa pagsasalita. Umalis na lamang akong hindi siya pinapansin at mabuti na lamang na tinawag ako ni Cazue. Tinawag ako ni Inay upang ayusin ang nasirang bubong sa may banyo. Makaraan ng kalahating oras ay tumawag si Letty mula sa labas. Habang tinitignan ko pa rin ang bubong ay kita ko kung paanong magtawanan ang aking Ina at si Letty sa labas ng aming terasa.

"Salamat po sa sinukmani!", iniabot ni Letty ang pinggan na sinabi niyang ibabalik nito.

"Sa susunod ulit!", masayang sinabi ng aking Ina.

Dali-dali naman akong bumaba sa bubong bukod sa tinignan kong maigi kung matibay ang pagkakagawa ko ay may nais akong itanong kay Letty.

Papasok ng bahay ang aking Ina ng mapansin ang paghangos ko. Sandali lang siyang tumingin at pagkaganyak ay nagpatuloy sa ginagawa niyang paghuhugas ng pinggan sa lababo naming yari sa kahoy.

"O, Cade? Bakit parang nagmamadali ka?", tanong nito.

"May itatanong lang ako", sabi ko ng makabawi ako ng paghinga.

"Ano yon?", umayos siya ng tindig.

"May kasintahan na ba si Piper? Madalas ko kasing mapanood sa TV na madami siyang nakakadate", sa katunayan nga ay natuto akong magkumpuni ng telebisyon upang mapanood lamang siya. "Wala. Maarte yon", simpleng sagot nito. Tumawa ako sa sinabi niya.

"Mabuti naman kung ganon", tumalikod na ko sa kanya at naiwan siyang nakatayo don.

"Anong sabi mo?", hindi ko alam kung malabo niyang narinig ang sinabi ko pero ayokong ulitin iyon.

"Ang sabi ko mabuti naman at mapili siya para hindi siya masaktan", napahawak ako sa aking labi.

"Baka kasi gusto mo ikaw yung magustuhan niya", humalakhak siya saka lumakad pabalik ng kanilang bahay.

Oo, tama ka Letty. Ibig kong ako ang kanyang magustuhan at wala ng iba.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report