Esta Guerra (Tagalog Version) -
Chapter 15:Maria Clara
"Ikaw pala Mara", tama siya si Mara yung kaibigan ni Lois na sinaktan ang kaibigan ko.
Hindi ko maalala kung paano ko siya nakilala basta't ang alam ko ay nakipagkamay siya sa akin ng minsan makita ako sa labas ng kanilang eskwelahan. Parehas kami ng kinuhang kurso. Yun nga lang ay mas nauna siyang nagtapos ng pag aaral sa akin dalawang taon na ang nakakalipas.
"Yes. Ako nga your one and only", lumapit siya ng bahagya upang lumiit ang distansya naming dalawa.
Hindi ko alam kung saan siya nakakuha ng lakas ng loob para sabihin niya iyon.
Umuna na kong maglakad sa kanya. Ayokong maiskandalo lalo't nasa loob kami ng eskwelahan.
"Sige na, Mara. Mas mabuting magturo ka na lang sa klase mo ngayon", tumakbo na ko upang hindi niya maabutan.
Bungad pa lamang ng eskwelahan ay agad namang tumambad sa akin ang samu't-saring papel na ginusumot. Natamaan pa ko sa mukha dahil sa pagbabatuhan nila.
"Grade 10 Del Pilar", pagbanggit ko sa maawtoridad na boses.
Pinaglinis ko sila ng silid at nang natapos na ay agad akong tumayo sa unahan. Magtatanong pa lamang ako kung sino ang nauna pero nagturuan ang tatlong bata nakatayo. Kagaya ng kinagawian nasanay na kong isa sa kanila ang pasaway sa klase.
Si Siege Vitale, ang pinuno ng mga batang bullies sa eskwelahan. Kahit na matigas ang ulo nito ay hindi maipagkakailang matalino ang siya. Pero hindi siya katulad ng mga kapatid niya. Madalas ay wala siyang pakialam basta't masaya siya. Nakaturo siya ngayon sa pangalawang suspek ng panggugulo sa klase. Si Ravoir Abarquez, matinik sa history ang batang ito pero madalas matulog sa aking klase. Mas may gana pa siyang maglaro kaysa mag aral. Pero maingay din ang isang ito paminsan-minsan.
Ang huli naman ang nakaturo kay Siege, si Luxos Costano, ang pinsan ni Piper. Isa siyang bastardong anak sa labas ng kanyang ina. Pinaghalong ugali ng dalawa niyang kaaway na si Siege at Ravoir. Hindi ko alam kung magkakilala ba sila ni Piper dahil tiyak na magkakasundo ang dalawang ito.
"Wag kang makaturo dyan, Luxos!", sabi ni Siege na ngayon ay umupo sa kanyang kinatatayuan.
"Wag na kayong magturuan. Dahil hindi kayo sinuway ng mga class officers lahat kayo damay", ang hawak kong eraser ay ginamit ko upang burahin ang kanilang sulat sa una nilang klase.
Kahit na nakatalikod ako ay rinig ko kung paanong nagsisihan ang aking mga estudyante. Dapat nilang malaman sa murang edad pa lamang na may pananagutan sila sa isa't-isa. Mas mabuting matandaan nila ito ng mas maaga.
Kaya hindi nila masuway ang tatlo dahil makapangyarihan ang kanilang pamilya. Dapat malaman ng aking mga estudyante na lahat ng tao ay pantay-pantay. Walang exception sa parusa. Nang humarap na ko sa kanila ay pinatayo ko ang kanilang presidente.
"Bakit hindi mo manlang sinuway ang mga kaklase mo? Hindi ba't sabi ko sa inyo ituring niyong parang isang bansa ang silid na ito. Kaya ikaw na presidente ay hindi dapat palampasin ang ganitong bagay", yumuko ang batang lalaki sa aking sinabi. Tila maamo siyang tupa.
"Sir, hindi ko po sila madisplina. Si Luxos po kasi at kaibigan ko. Samantalang si Siege naman ay baka isumbong ako sa kanyang pamilya. Ka-sosyo po namin sila sa negosyo. Si Ravoir naman po ay kaibigan ng kapatid ko", katwiran nito. Nakuha ko ang kanyang punto pero hindi ko na pinaliwanag ang dapat kong ipaliwanag sa kanila.
"Umupo na kayong apat. Pero hindi pa rin magbabago ang isip ko", tamad silang kumuha ng notebook ng nagsimula na kong magsulat sa board.
"Kung gusto niyong mag martsa sa moving up niyo ay gawin niyo ito bilang parusa at final requirement niyo", laglag ang panga nila matapos basahin iyon.
Kung ang ibang estudyante ay masaya ang iba naman ay tila pinagsakluban ng langit at lupa.
"Sir, hindi po ba masyadong mahirap itong pinapagawa niyo? Meron na lang kaming tatlong linggo para paghandaan yan", giit ng kanilang presidente.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Alin ba ang mas mahirap? Ang paghandaan ito o disiplanahin ang mga kaklase mo?", hindi siya nakaimik sa sinabi ko. Tahimik siyang umupo.
"Kapalit nito ay hindi na ko magdidiskusyon pero kada dalawang araw ay titignan ko kung nausad ba ang ginagawa ninyo"
"Yes, Sir Cade!", sabay-sabay nilang sagot.
"Anong pinapagawa mo sa kanila at kaingay na ang mga estudyante mo?", sumakit yata ang ulo ko ng makita ko si Mara sa pintuan. Kunot-noo siyang nakatitig sa sinulat ko at nakakrus ang kanyang mga braso.
"Gumawa ng bagong bersyon ng Noli Me Tangere kung naisulat ito ngayong 21st Century", pumalakpak siya matapos basahin iyon at unti-unting lumapit sa kinatatayuan ko. "Maganda naman pero mahirap"
Ang mga estudyante ko namang lalaki ay panay ang kindat at thumbs up sa akin. Nang aasar ang mga ito tuwing darating si Mara upang sumingit sa gitna ng aking klase. "Hindi ko naman inoobliga na isang oras ang gawin nila. Sapat na ang kinse minutos", hindi naman kumontra si Mara sa sinabi ko.
"Mabuti kung ganon. Maiba ako may ka-date ka ba mamaya sa plaza?", tinutukoy niya yung sayawan na magaganap mamaya para sa mga magsasaka. Kasama rin ang pasasalamat sa masaganang ani ng mais. Mga Abarquez ang nagpasimula ng ganong kasiyahan. Hindi naman makapalag ang mga Roshan dito kahit na magkalaban ang dalawa sa pulitika.
Nanalo kasing Mayor si Don Mascar. Hindi ko alam anong pinagmulan ng kanilang away. Pero may usap-usapin namin na may kinalaman ang mga Roshan sa pagpatay sa kapatid ni Don Mascar.
"Pwede bang sa labas na lang ng eskwelahan natin pag usapan ito?", tumango naman siya saka malambing na ngumiti bago lumabas.
"Uy!!! Si Sir!", panunukso sa akin ng mga bata.
"Dami mong chix, Sir. Baka pwedeng makahingi ng isa?", pagloloko ni Siege. Akala naman ng isang ito ay makakalimutan ko ang pinapagawa ko sa kanila.
"Tahimik na mga bata. Sa susunod bibigyan kitang sisiw, Siege. Pero sa ngayon ay tatlong grupo kayong mag gagawa niyan", pangiti-ngiti pa ko sa sarili kong sinabi.
"Syempre maiba naman tayo para mas may thrill. Ang tatlong magiging lider ng bawat grupo ay sina Siege, Luxos at Ravoir", patawa-tawa pa ang dalawa hanggang sa mapagtanto nilang sila ang lider.
Maliban kay Luxos na parang walang pakialam sa mundo.
"Malaya kayong mamili kung sinong magiging ka-grupo niyo. Iiwan ko na kayo", ilang hakbang ay palabas na sana ako ng pintuan ng nakuha ni Siege ang atensyon ko.
"Classmates! Dahil pinahirapan tayo ni Sir. May dapat kayong malaman sa kanya", hagikhikan ang mga kaklase niya dahil alam nilang kalokohan iyon.
"Alam niyo ba halos kasing edad lang tayo ni Sir nung binasted siya ng babaeng gusto niya. Idagdag ko na rin binigyan niya pa ng bouquet ng palay yung babae", hindi na ko nagtaka kung kanino nakuha ni Siege ang kwentong iyon. Alam kong walang ibang magkwe-kwento sa kanya nito kundi si Abel.
"Ang swerte naman ng babaeng yon", bulung-bulongan ng ilang babaeng estudyante ko.
"Sir, kung kayo na lang kaya ang pangunahing bida sa gagawin naming Noli Me Tangere?", saad ni Ravoir. Nag apir pa ang dalawa ni Siege.
"Maganda iyon kung papayag ang dalaga na maging Maria Clara ko", tumawa naman sila sa sinabi ko.
Pero hindi sa kathang-isip na kwento lamang ang gusto kong maging Maria Clara si Piper. Kundi sa totoong buhay.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report