Esta Guerra (Tagalog Version) -
Chapter 18:Ligtas
"Inaantok na ko Kuya. Anong oras ba tayo uuwi?"
Panay kaming namamahinga matapos ng ilang beses na pagsasayaw. Ilang beses ng nangungulit si Letty sa Kuya nitong walang kapaguran sa pagsayaw.
"Sandali na lang. Limang tugtog pa", nakakailang hakbang pa lamang si Abel mula sa aming mesa ay isang babae ang nabangga nito.
She's wearing a simple fitted yellow dress. Ang suot niya ang nagdepina kung gaano kaganda ang katawan nito. She looks familiar. Bakit ba ang mga tao dito ay mukhang pamilyar sa akin? "What a coincidence loser?", even her sweet voice parang narinig ko na iyon.
"Arte mo. Bakit ka nandito Ms. Magna Cum Laude?", nanlaki ng bahagya ang mata ko.
Hindi naman sa nakikinig kaming tatlo nila Letty at Cade sa usapan nila malakas lang talaga ang boses ng mga ito.
"Oh. How sweet? Finally, you accepted that you're a certified loser", sayang naman ang isang ito. Maldita nga lang.
Narinig ko ang simpleng pagtawa ni Cade sa aking tabi. Napansin kong ang magaling kong kaibigan ay kumukuhang muli ng pagkain nito.
"Lorey Isabelle Vitale, may araw ka sa akin", matigas na sinabi ni Abel bago tuluyang iwan ang babae sa kinatatayuan nito.
She smiled devilishly.
She's Lois Vitale? Hindi ko akalain na ang cute na bata ay ganito magiging kaganda. Hindi ko manlang siya namukha. Kung sabagay ay dahil sa maskara nito.
Pa simple akong nagtago sa likod ni Cade baka makilala ako ng isang ito.
"Bakit nagtatago?", tanong ni Cade.
"I'm afraid that she'll recognize me", sagot ko habang nakatingin pa rin sa babaeng ngayon ay nakikipagtawanan sa grupo ng mga matatandang babae.
She looks humble naman. Sa palagay ko ay trip lang nila ni Abel ang isa't-isa.
"Halata ka masyado. Kung sabagay yung nararamdaman mo nga hirap kang itago sa akin yun", humalakhak siya sa sarili nitong sinabi.
Hinampas ko siya ng ilang beses at sinanggahan niya iyon gamit ang gamit.
"Nagloloko lang ako", sabi nito na natawa pa rin.
Kahit natawa siya ay gwapo pa rin siyang tignan. Ang perkpekto ng jawline nito. He's so manly.
Ito na naman ang isip ko. Kainis. Hindi ko mapigilan.
Biglang natigil ang pagtitigin ko sa lalaking mala Adonis ang mukha dahil sa pagputok ng baril.
"Tumakbo na kayo!!!", palahayaw ng isa sa mga matatanda doon.
Ilang sandali lamang ay napaltan ang kasiyahan ng purong takot at sigawan. Ang pagputok ng baril ay sunod-sunod na para bang kahit saan ka pumunta ay wala kang kawala.
Hindi alintana ng mga tao kung may mabangga man sila. Ang mahalaga ay makatakbo sila para isalba ang sarili nilang buhay. Ang ilang matatanda doon na pinaka mahihina ay tinulungan kong makatayo at inakay sila isa-isa. Ilang beses pang pumutok ang baril at puro iyakan na ang maririnig sa paligid. Ang pangangatog ng tuhod ko ay mas lalo kong naramdaman pero hindi ko na inisip iyon.
May isang matanda pang naiwan sa gitna ng takbuhan. Sugatan siya at hindi makatayo. Niisa sa mga tumatakbo ay hindi siya magawang tulungan.
"Salamat, Ineng!", sabi nito ng mailayo ko siya sa doon.
"Walang anuman po iyon", ngumiti ako. Ngunit iniisip ko ay ang kapakanan niya. Hindi ko alam kung paano ko siya maihahatid sa kanila.
Ilang minuto pa kong nag isip habang kabado ang matandang nakaupo sa tabi ko. Pinagmamasdan namin ang mga tao. Ang paligid ay puno ng gabok dahil sa nagaganap. "La!", laking luwag ng dibdib ko ng niyakap siya ng batang halos kasing tangkad ni Cazue.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Apo! Bakit ka nandito?", tanong ng matanda na ngayon ay pilit tumayo.
"Susunduin ko na po kayo. Nataon naman po na nagkakagulo ngayon", paliwanag nito habang naghahabol ng hininga.
Tinignan niya ko saka ngumiti.
"Ate! Salamat po!", halos mangiyak-ngiyak siya.
"Sumabay na po kayo sa tricycle namin. Baka kung anong mangyari sa inyong masama", alok nito sa akin.
Gustuhin ko man pero hindi ko magawang tumango.
"Hindi pwede. Hindi ko pwedeng iwan ang mga kasama ko. Sige na, umuna na kayo. Ang mahalaga ay ligtas kayo", ilang segundo nila akong tinitigan bago tuluyang umalis. Nang masigurado kong wala na sila ay sinimulan ko ng bumalik sa pwesto kung saan ko iniwan si Cade.
"Cade! Letty! Abel! Nasaan na kayo!?", ilang beses kong tawag sa kanila. Halos mapatid ang lalamunan ko ngunit hindi pa rin nila ako naririnig.
May namumuong bigik sa lalamunan ko.
"Cade! Letty! Abel! Please! Nasaan na kayo?, nanghihina kong tawag.
Mas naunti na ang mga tao sa paligid. Tanaw ko na ang mga armadong lalaki kaya't ilang besed akong nadapa sa pagtakbo makalayo lamang.
Mas lumakas pa ang putukan ng baril. Kumpara kanina ay ilang minuto bago masundan ang putok ngunit ngayon ay segundo na lamang ang bibilangin.
"Sige! Magkasiyahan pa kayo!", nang makita kung sino ang nagsalita ay mas lalong namuo ang takot kong nararamdaman.
Mas bibilisan ko pa sana ang aking pagtakbo ng may humigit sa akin sa mula isa sa mga sira-sirang bahay.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Cade?", hindi ko na alintana kung gaano siya kalapit sa akin ngunit ang makita siya ay ikakagaan ng loob ko.
Pinunasan niya ang mukha ko gamit ang sarili nitong mga daliri.
"Shhh... Wag kang matakot. Sumunod ka sa akin", pumasok kami ng dahan-dahan sa bahay na iyon saka nagtago sa isa sa mga aparador.
Tahimik kaming nakikinig sa bakas ng mga paa ng mga armadong lalaki. Ang biglaang pagbukas ng pintuan ay umaalingaw-ngaw sa tenga ko.
Ilang segundong naghari ang katahimikan tanging mga yabag lang ng paa nila ang maririnig.
"Mukhang bakanteng bahay to ", sabi ng isa sa kanila.
"Walang pagkain", sabi ng isa sa mga iyon. Sa palagay ko ay binuksan niya ang isa sa mga cabinet ng kusina dahil sa tunog na nilikha nito.
Si Cade naman ay nakatakip sa bibig ko. Nakikiramdam din siya sa mga lalaking iyon.
"Eh di dun tayo sa mahihingian natin ng pagkain. Dalian ninyo!", siguro siya ang pinaka lider dahil maawtoridad ang tono ng pananalita nito.
It's almost 15 minutes ng nakatago kami sa may aparador. Pasalamat na lang ako at nagkasya kaming dalawa.
Dahan-dahan lumabas si Cade upang siguruhin na wala ang mga iyon.
"Wala na sila", pagkasabi niya ay hindi ko siya napigilang yakapin.
Nanginginig ang mga kamay ko habang mahigpit na nakayakap sa kanya.
"Shhhh. Wag kang mag alala. Hangga't nandito ako ay sisiguraduhin kong ligtas ka kapalit man ng buhay ko", pabulong nitong sinabi habang sinusuklay ang buhok ko.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report