Esta Guerra (Tagalog Version)
Chapter 28:Panlasa sa lalaki

Hinintay ko lang matapos ang selebrasyon ng graduation nila Cazue at Abel. Papaalis na rin ako ngayong araw.

Nasa may puno kami ng mangga ni Cade kung saan kami nagtago noon. Nakaupo kaming pareho habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro.

"Kailan ka babalik dito?", tanong nito.

Nilaro ko naman ang mga paa ko habang kausap ko siya.

"I don't know yet", maikli kong sagor saka kinagat ang ibaba kong labi. Ngayon ko lang pinaalam sa kanya na aalis ako upang i-welcome ang pagdating ni Arrow kasama ang pamilya nito.

Sa daldal ni Abel ay nauna pang malaman ni Cade ang tungkol dito bago ko sabihin. Pero mabuti naman ang kinalabasan kaya malaking salamat sa kanya. Hindi ko rin kasi alam kung paano ko sasabihin kay Cade kaya ngayong araw ko mismo sinabi.

"Ihahatid kita sa inyo", napatigil ako sa aking ginagawa at tumingin sa kanya.

"Bakit parang ayaw mo?", tanong niya. Looking into his black eyes directly makes me melt inside.

Humugot ako ng paghinga.

"Mamaya ay uuwi si Mang Ben para sunduin ako ng Van. Wag kang mag aalala. But if you want to go with me it's okay. I'll talk with Mang Ben", nakangiti kong sinabi.

Hinalikan niya ako sa noo.

"Hindi kaya kapag nakita ako ng mga magulang mo ay magalit sila?", kunot-noo akong nagtaka sa sinabi nito.

"Why? Is there any reason?", umiling naman siya. Hindi naman siguro magagalit sina Mama at Papa after all ipapakilala ko siya bilang kaibigan. Hindi bilang manliligaw. I'm sure hindi sila pabor sa panliligaw sa akin ni Cade. Katulad ng sinabi nila dapat ay may gintong kutsara ang manliligaw sa akin. Hindi kagaya ng dati ay pabor pa ko sa kagustuhan nila pero ngayon ay nag iba na ang ihip ng hangin. Wala iyon sa estado sa buhay. Posible naman talagang magkagusto ang mayaman sa mahirap.

Hindi ko pa naman mahal si Cade dahil nasa getting-to-know each othee stage palang kami. Halos isang buwan ko palang siyang nakikilala at nakakasama pwera yung pa yung dati na binigyan niya ko ng bouquet ng palay. Kapag naalala ko iyon ay natatawa ako. Kasi it's korni. Saka bata pa kami non. I have proper hygiene na dapat time pero si Cade ay hindi pa yata nausuhan ng ganong bagay.

"Wala naman. May hiling sana ako bago ka umuwi", sandali kaming nagkakatigan bago ako sumagot.

"Anything basta yung kaya kong gawin", tumikhim siya. Sandaling tumingin sa mga bata saka muling binalik ang tingin sa akin.

"Gusto ko sanang makasama kang mamasyal. Susulitin ko yung huling araw na kasama kita", sandali naman akong natawa sa sinabi niya.

Kung hindi siguro ako suplada at maarte noon ay matagal na sigurong kami. Ayaw ko rin naman kasi ng mahirap. I mean...

Basta...

Hindi ko alam kung anong ginawa niya sa akin at nagustuhan ko siya. Pero mabait siyang tao. Gustong-gusto ko iyon. Idagdag pang masipag siya, family-oriented at maganda ang prinsipyo niya sa buhay. Hindi ko iyon nakita noon dahil masyado akong silaw sa mga bagay katulad ng hindi pantay ang pagtingin ko sa mga tao noon.

"Mas okay siguro kung bukas na lang ako ng umaga uuwi", para bang nagdalawang-isip ang tingin nito sa akin.

Gusto kong sulitin ang araw na ito para makasama siya. Bitin kasi kung ilang oras lang kami magkakasama.

"Hindi ba't importante ang lakad mo bukas?", siguro ang tinutukoy niya ay yung sa mga Vitale. Before lunch pa naman ang lakad na iyon at hindi masyadong maaga kaya't makakahabol pa ko. Mabilis naman magdrive si Mang Ben saka malapit lang naman ang mansyon dito.

"Yup. But you don't need to worry I can handle this", pagkakuwan ay tumayo na ko. Sumunod na rin naman siya sa akin ng naglakad ako.

Saka lang siya umuwi ng makitang nakapasok na ko sa mismong loob ng bahay nila Abel.

"Senyorita bakit hindi pa kayo nagbibihis?", sabi ni Mang Ben na abalang nagsusuklay ng manipis at itim nitong buhok.

"Mang Ben bukas na lang ako uuwi. Ako ng bahala kay Mama at Papa", hindi naman siya nakatanggi sa sinabi ko.

"Bakit parang ang laki ng ngiti mo?", hindi ko napansin si Manang Evy na nag iimis pala ng mga ginamit na muebles kanina.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"May lakad kami ni Cade, Manang. Pero wag niyo na lang sabihin kila Mama", tila ba wala rin siyang nagawa at napilitan pa itong sumang-ayon sa akin.

"O, sige. Ano pa bang magagawa ko hindi ba? Basta't wag lang may makakilala sayo", lumawak ang ngiti ko saka mabilis na yumakap sa kanya.

"Parang kailan lang ayaw mo pa ng manliligaw pero ngayon mukha yatang nawiwili ka", tumawa naman kami ni Mang Ben sa sinabi nito.

There's something that urges me to know more about Cade. Gusto ko siyang mas makilala habang nalipas ang mga araw. Hindi katulad ng mga manliligaw ko I get bored. I mean...

Siguro hindi nila nakuha ang kiliti ko. Inoobserhan ko din kasi kung paano sila makisama sa iba especially to their family. Malaking impact iyon para sa akin.

Mana siguro ako kay Mama. Sometimes I think in advance. Syempre it's for my the sake of my future. I've seen Aria so many times cried because of his ex boyfriends cheating her. Ayoko naman ng ganon. I've cherish my first and especially my last. Kaya siguro pihikan ako sa lalaki.

Ayoko ng puro pa-gwapo lang.

"I have to prepare na, Manang. Maiwan ko na kayo", pumunta ako ng kwarto at sandaling chineck ang messages ko ng lumapat ang pang upo ko sa pagpag na higaan.

Here we go again.

20 missed calls.

40 unread messages.

Ilang segundo akong naghintay para sa muling pagtawag niya.

"Pi... per", humihikbi siya sa kabilang linya.

I rolled my eyes as I answered her.

"Broken?", I felt that my voice is kinda stressed.

"Hm... Hm...", maikling sagot nito pagkatapos niyang suminga.

I really can imagine her face right now. Namumula ang mga mata niya at may hawak na malaking tissue kung minsan pa ay toilet paper.

"Lahat sila manloloko. Kahit anong gawin ko! Kahit sinong magustuhan ko! Niloloko ako", that's the problem with her. Madali siyang maloko kasi she gets attach easily. "Hindi lang maganda ang panlasa mo sa lalaki, Ari. So don't generalize na parang lahat sila naging boyfriend mo", sinimulan ko ng mamili ng damit habang kausap siya. Inipit ko ang cellphone sa aking pisngi ang balikat.

"Anong gagawin ko? Hindi siya nagpaparamdam sa akin! I mean... Hindi ko alam kung na ghost ako o ano. Wala manlang break up kuno?! I caught him at the bar kissing his ex", pasigaw niyang sinabi at walang preno. Ang pagkapos ng hininga niya ay nakakabingi sa aking tenga.

Napatigil ako sa aking ginagawa at nakapamewang habang kausap siya. Napahawak ako sa aking sentido. Pakiramdam ko ay nanlulugon ang buhok ko.

"Giving you an advice is like giving myself a headache. I give you nth times pero kailan ka nakinig? Malaki ka na, Ari. Alam mo na ang dapat mong gawin", madalas siyang tumawag sa akin kapag ganyan ang sitwasyon niya. Hindi naman ako nagtampo sa kanya niisang beses na hindi niya ko maalala kapag nasa cloud nine ang pakikipag relasyon niya.

"I'll call you later. I have to call my Mama, Ari. This is urgent", wala naman siyang nagawa kundi ang huminga ng malalim.

"Okay, then I'll go. Mamaya ay mag usap tayo if you have time", kahit na pag ka-eng-eng siya sa ganitong bagay ay mahal ko pa rin siya. After all she's my realest friend parang si Letty.

"I'll make time with you", pinatay ko ang tawag saka nilagay ang cellphone sa side table para ipagpatuloy ang pagpili ko ng damit.

Tinigan kong sandali ang wrist watch ko. I need to move quickly. Ayokong gabihin kami ni Cade at ayokong madaliin ang sandaling magkasama kami.

Gusto ko na nga siya. Hindi ako ganito sa mga nanligaw sa akin noon. I'm not time conscious at maging sa pananamit ay hindi rin ako mapili.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report