Esta Guerra (Tagalog Version) -
Chapter 33: Ngiting Hindi Makakalimutan
Abalang naglalaro sina Papa kasama sina Donya Luisita at Don Casio. Ako naman ay naiwang kasama si Arrow habang namamasyal sa kabuuan ng El Roshan Country Club.
Bukod sa kinukulit ako ni Mama na makipagdate ng totoo sa kung sinong magustuhan kong lalaki. Pinagpipilitan niyang magkaroon ng namamagitan sa amin ni Arrow. Kaya heto ako at sasamahan ko siya sa isa mga magagandang guest houses dito.
Kung nandito lang sana ang dalawa niyang nakababatang kapatid ay hindi ako mag tiya-tiyagang samahan siya.
Si Lois kasi ay mamaya pa darating dahil may gala raw ito kasama ang kanyang kaibigan. Kasama niya kaya si Mara?
Eh. Ano bang pakialam ko sa kanya?
Ang bunsong kapatid naman nitong si Siege ay hindi maintindihan kung nasaan. Mahabang oras na nakabusangot ang mukha ni Donya Luisita kung hindi lang siya niyaya ni Mama mag golf ay baka sumabog na ito sa galit. Siege can't be reached kaya para bang puputok ang ugat sa ulo ng kanyang mga magulang. Hindi ko akalain na ang batang bulinggit noon ay magiging black sheep ng pamilya.
Kung sabagay sino bang matino sa kanila? Hindi naman pwedeng si Arrow dahil may kasamaan ang ugali nito. Si Lois siguro pero ayaw sa kanya ni Abel. Alam kong hindi mapili si Abel sa kaibigan kaya walang white sheep sa kanilang magkakapatid. Paitiman sila ng budhi.
I frowned as I heard Aria's voice in my head.
Coming from you, Piper. Ang linis mo ha. Daig mo pang nyebe sa sobrang pure mo.
Bakit ba ang hilig niya makisingit kahit wala naman siya sa tabi ko? Maybe it's a sign that I really missed her.
"What are you doing with the gusgusin boy yesterday?", napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang salitang gusgusin.
Hinarap ko siya at matamnan ang tingin ko sa kanyang mga matang tsokolate. Magandang lalaki sana itong si Arrow kung hindi lang matalas ang dila. With that curly thick black hair and skin as white as snow then his nose is really pointed. Akala mo'y Amerikanonh hilaw ang isang ito.
Kung hindi ko lang gusto ang ugali niya ay malaki ang tsansang magustuhan ko siya.
I remember what Aria's said to me.
Okay ng masamang ugali basta't gwapo. Dahil kapag ugali nababago pa yan. Pero kapag sa panget pahirapan. Nanalaytay na sa genes nila yan. Kahit ilang retoke pa ang gawin nila ay maipapasa pa rin ito sa susunod nilang henerasyon That's one of her principle and teachings in life that I 'really need' to apply. That's what she said when we're in highschool.
Nakatuon pa rin ang mga mata ko kay Arrow. Siguro ay dapat Spear ang pangalan ni Siege para isisibat ko siya sa Kuya niya. "Bakit hindi mo ko isumbong?", hamon ko sa kanya while grinning.
Taka naman ako dahil ngumiti lang siya saka umunang maglakad. Habang sinusundan siya ay mabagal ang paglakad ko. I missed this place. Ito yung isa sa pinaka sakit na country club sa bansa. Syempre hindi lang dahil sulit itong pang pamilya.
The nature can help you relax and relieve your stress from the cruel world. Mula sa kinatatayuan namin ay makakita ang halos kabuuan ng country club. Ang damo nitong manipis ay berde dahil alagang-alaga ito. Ang mga landscapes ng mga halaman ay talaga namang pinagplanuhan.
Hindi lang yon. Mula dito ay tanaw ang iilang bisita na nangangabayo habang naglilibot sa buong lugar. Idagdag pa ang huni ng mga dayong ibon.
Bahagyang tumaas ang saya ng aking bestida ng sandaling humangin. Nagawi ang tingin ko sa mga punong pinaliligaran ang kabuuan ng aming dinadaan. Ang iilang dahon kasi ay nahulog at dumikit sa aking damit. Dahilan din kaya huminto ako sa paglalakad.
"Piper!", tawag ni Arrow ng tumigil siya sa paglalakad. Lumapit siya sa ngunit hindi ako natinag sa aking kinatatayuan. Pinagmamasdan ko ang bawat pagbagsak ng dahon. Dahil natutuwa ako para bang ito nag sh-shoot ako ng isang napakagandang scene. Romantic scene na kung saan ay naiisip kong kasama ko si Cade.
Natigilan lamang ang iniisip ko ng isa sa mga dahong nalaglag ay dumikit malapit sa aking dibdib.
Hinawi ko ang kamay ni Arrow ng tangkain niyang alisin iyon.
"Ako na", matapang kong sinabi saka inalis iyon. Akala niya naman ay makakasimple siya sa akin.
Umuna akong naglakad sa kanya ngunit nagpantay rin kami dahil sa laki ng hakbang nito.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"What are you doing with the gusgusin boy yesterday? He's really hitting on you huh?", the baritone voice of him sounds pissed.
"And so? I don't need your opinion or concern about it", pagmamataray ko.
Nang malapit na kami sa guest house ay patakbo kong binuksan ang pintuang yari sa matibay na kahoy. Batay sa disenyo nitong anghel na nakaukit sa bakal ay mamahalin itong klase.
Pagpasok ng loob nito ay tatambad ang klasikong disenyo ng bahay mula sa frames na nakadikit sa pader hanggang sa sahig nitong maganda ang pagkakabarnis ng kahoy. Nangingintab pa iyon at mukhang alagang-alaga ng mga taga linis dito.
"This guest house is a new one right?", he asked while exploring it by his eyes.
"Oo. As far as I remember it built two to three years ago", yun din ang panahon na nasa States pa siya upang magtapos ng pag aaral.
"This house can't be compared on what I can give you", pagmamalaki niya. Nakapamulsa siya habang tinitigan ako.
"Di bale na lang", sinundan niya ko sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isa mga kwarto ng bahay na ito.
"Anong gusto mo? Yung galing sa magsasakang iyon? Palay lang ang mabibigay niya. You know what I can give you luxurious things that you want. Expensive clothes, shoes and everything"
If I know that he'll be noisy like this ay nagdala sana ako ng cotton buds dahil pakiramdam ko ay tanggal ang lahat ng ear wax ko.
"Makakain ko ba ang mga yon? Mas kailangan ko ang palay kaysa mamahaling bagay"
Nang makarating na kami ay nauna kong buksan ang bintana. I smell the fresh air that soothes me. Then I open the door that has direct access to the infinity pool.
"Maganda ang kwartong ito kumpara sa iba pa bang kwarto"
Nauna akong lumabas at hinayaan ko siyang titigan ang kabuuang kwarto. I crossed my arms while staring at him.
"Mas gusto kong matulog dito kung kasama ka", lumapit siya sa akin upang halikan ako pero agad akong umiwas.
"Siguro kahit lasingin mo ko ay hindi ako matutulog na kasama ka sa iisang kwarto"
Ngayon naman ay nasa mini library kami ng bahay. Ang mga librong nandon ay nakahanay base sa pamagat at genre nito.
Iniisa-isa kong taluntunin ang mga iyon gamit ang aking mga daliri. Si Arrow naman ay mula sa tagiliran ng aking mga mata ngayon ay nasa harapan ko na. "Siguro ay dapat mo yang sabihin kung ang magsasakang iyon ang kasama mo"
Hindi pa rin pala kami tapos sa ganong usapan. Gusto ko sanang patayin iyon pero binubuhay niya.
"Kahit nasa katinuan ako walang pagtutol na matulog ako katabi si Cade", banggitin lang ang pangalan niya ay talaga namang iba ang tama sa akin. Nakaramdam ako ng bahagyang kakaibang kiliti sa aking katawan.
"Alam kong may respeto siya akin", na kahit minsan ay may kalokohang taglay ang salita niya.
"Do you think that I will slip your fairy tale love story?", ang ngiti niya ay kakaiba na umabot sa kanyang mga mata.
"Hahayaan muna kitang sumaya sa kanya. Dahil labag man sa kalooban mo ay pipiliin mo ko", he added while biting his lower lip.
Hindi bagay sayo.
"Hindi kita pipiliin. Gusto mong bigyan kitang panyo? You know I'm advance thinker. In case lang na umiyak ka", ginawaran ko siya ng ngiting hindi niya makakalimutan.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report