Esta Guerra (Tagalog Version) -
Chapter 35: Trusted
I'm in the kitchen helping my mother in preparing. Ang tawanan ni Papa kasama ang mga Vitale ay naghari sa loob ng bahay.
"So tell me? Is there something going on between you two?", masayang sabi ni Mama habang inaayos ang mga kubyertos.
Napagdesisyunan nila Mama na dito maghapunan kasama sila Arrow. Ito ay yung guest house kung saan ko sinamahan ang isang iyon. Ang gusto ni Mama ay siya ang magluto ngayon kaya hindi siya pinakialaman ni Papa. Matagal siyang nag aral magluto ng afritada at adobo. For me it's basic. Hindi man ako gaanong maalam magluto but I can cook adobo.
"Ma ang bilis naman. Saka isa pa Arrow's not my type", muntik kong mabitiwan ang basong hawak ko dahil sa mahinang paghampas niya sa kamay ko.
"Why? Isn't he perfect? Anak, kung hindi makahanap ng lalaking para sayo ay ako na gagawa", she looks desperate.
I sighed. I felt uncomfortable because of this conversation. Bigla akong nakaramdam ng takot. Baka bigla kong masabi na may nagugustuhan ako at hindi iyon si Arrow. Hindi siya mayamang lalaki. Lalong hindi pasok sa kanilang pamantayan. "Ma pwede bang itigil muna natin ang ganitong usapan? Just for once please", magaan kong hinaplos ang magkabilang braso nito. She looks convinced so I sighed in relief.
"Thank you, Ma", sandaling dumapo ang labi ko sa kanyang noo.
Tumunog ang cellphone ko ngunit mahina lang iyon. Kahit hindi ko tignan kung sino ang tumawag alam kong si Cade iyon.
"I'll go outside lang, Ma. I need to take this call baka si Pixie", pagdadahilan ko. Hindi naman siya nagtaka bagkus ay pinagbuksan niya pa ko ng pintuan sa likod.
Mabuti na lamang at gumana ang palusot ko. Hindi naman ako tatawagan ni Pixie dahil may tampo ang isang iyon sa akin. Alam ko namang mawawala din iyon once na makita niya ko. Kailangan niya munang magpahinga. "Liyag", pagod ang boses nito. Narinig ko ang pagbagsak ng notebook sa sahig.
"Ano yun? Baka importante", sabi ko.
"Nadali ko yung lesson plan. Pero wag mo ng intindihin yun", sabi nito.
Humanap ako ng pwesto kung saan may upuan at malayo ng bahagya sa bahay na iyon. Hindi naman ako nabigo ng ilang beses akong humakbang patungo sa puno ng santol. Makinis ang malapad na upuang kahoy.
Pinahinga ko ang aking likod habang pinagmamasdan sila. Dahil sa malaking kurtinang nakaharang ang nais kong makita tanging anino lamang nila ang aking nakikita. Si Mama ay nakidagdag na rin sa kanila. Batay sa kilos ng kanyang kamay ay inaaya niya ang mga Vitale na pumunta sa kusina upang kumain.
"How's your day?", tanong ko habang pinagmamasdan pa rin ang mga tao sa loob.
"Ayos naman. Maganda ang reprenstasyon ng mga bata. Si Siege ba anong oras umuwi ang isang iyon?", nabigla ako sa kanyang tanong. Paano niya nalaman na... "Estudyante mo ba si Siege?"
"Hm.. hm..", maikli nitong sagot. Small world!
"Akala ng mga magulang niya ay kung saan na naman nagpunta ang isang iyon", paliwanag ko.
"Nandito si Siege kanina. Magaling siya. Maayos siyang umakto", meron kayang problema ang mga Vitale kaya hindi nag o-open si Siege sa kanila?
"Wag kang mag alala. Nakauwi naman si Siege matapos ng tanghalian", paliwanag ko.
Salubong ang kilay ko ng makitang wala ng anino sa may sala. Baka nagsisimula na silang kumain.
"Ikaw? Anong nangyari sayo maghapon?", tanong nito na para bang hindi ako kinausap kaninang tanghali.
Nagkwento ako sa kanya hanggang sa nakaramdam kami parehas ng gutom.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Goodnight, Cade. See you soon", tumayo na ko sa aking kinauupuan.
Ang pintuan sa likod bahay ay bumakas. Nagpalinga-linga si Mama kaya't kumaway ako. Nag mwestra siyang pumasok na ko at tapusin na ang tawag. Nag thumbs up naman ako bilang pag sang ayon. "Hindi ba tayo mag uusap mamaya bago ka matulog?", tumibok ng mariin ang puso ko. Gusto niyang makatulugan ako kagaya nung dati naming pag uusap!
That it'll be sweet!
"Yeah! Sure. Mag uusap. Yun ay kung tapos ka na sa ginagawa mo", kinagat ko ang aking ibabang labi.
"Tatapusin ko ito Liyag. Kung hindi ako makatawag ay baka nakatulugan ko na ito"
"Sige. Naiintindihan ko", ilang hakbang na lang ay malapit na ang distansya ko sa bahay ng muli siyang magsalita.
"Liyag, tignan mo ang mga bituin sa langit", sinunod ko ang sinabi niya.
"Ang ganda...", sabi ko habang tinitignan ang mga iyon kung paanong kumislap at magbigay ng liwanag katulad ng buwan.
"Sa dami ng bituin ikaw ang pinaka gusto ko sa lahat", it sounds corny pero kinilig ako.
"Pero liyag mas gusto kong ikaw ang aking buwan at ako ang araw na nagbibigay liwanag sayo"
Muntik akong sumigaw ng maramdaman kong may humaplos sa aking braso. Si Siege iyon na halos kasing tangkad ko.
"Ate. Tara na", ang batang noon ay maliit palang ay mas matangkad pa sa akin. He looks way more handsome than his Kuya. The moon's light give effect on his pointed nose. Kita ko ang repleksyon ng ilaw ng gabi sa kanyang mga mata. "I need to hang up. I'll text you later", hindi ko na hinintay ang sagot niya. Agad kong nilagay ang cellphone sa aking bulsa.
Tahimik akong nakasunod sa kanya. Tinitigan kung gaano kalapad ang balikat nito na dati'y kasing nipis lang ng aking katawan.
Tumigil siya kaya't napatigil din ako. Nagtatawanan ang mga tao sa loob at kahit ang usapan nila ay talagang maririnig. Minsan ko lamang marinig ang ganong tawa ng aking mga magulang kaya kahit inis ako sa presensya ni Arrow ay nagpapasalamat pa rin ako. Dahil nagpapatawa ang aking mga magulang ng mga Vitale.
"I know what you're thinking", seryoso nitong sabi habang nakapamulsa. I'm breathing heavily.
I have this feeling that he knew about us. Hindi kaya naidaldal iyon ni Abel kaya Lois? Tapos nalaman ni Siege.
No! No! Kahit madaldal si Abel ay alam niya naman kung hanggang saan lang siya.
"What are you talking about?", maangmaangan ko. Umuna akong maglakad sa kanya ngunit sadyang may dating siyang naging sanhi ng aking kaba.
"I saw you with him. Kahit noon pa ay alam ko kung gaano ka kagusto ni Sir Cade", umuna siyang pumasok sa loob.
Napako ang mga paa ko sa aking kinatatayuan. Ilang segundo ay nagbalik ako sa aking wisyo. Pumasok din ako at malapit na siya sa kusina ng hinigit ko siya.
"Siege", tawag ko habang nanginginig ang aking boses.
"I won't tell anyone trust me. Even Ate Lois knows about this", kusang bumitaw ang kamay kong nakahawak sa kanya dahil sa panghihina.
How will I know that they should be trusted?
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report