Esta Guerra (Tagalog Version) -
Chapter 50: Masakit na nararamdaman
Pinaghila ako ni Arrow ng upuan sa tabi niya. Pinagsandon niya ko ng kanin at ulam. Nang tinikman ko iyon ay lasang luto ni Adora ang family chef ng aming pamilya. Nakabalik na pala siya galing bakasyon mula. Ang alam ko ay isang buwan siyang nawala dito.
"We'll go to visit your doctor or siya na lamang ang pumunta dito", suhestiyon ni Arrow. Nang lumabas ako mula sa kotse ay iyon agad ang napansin niya.
"Arrow's right. Siguro ay magpapaschedule na lang tayo kay Dr. Mondal", sabi ni Mama habang hinihiwa ang steak.
"Piper! Anak!", si Papa iyon na naka barong Tagalog. Ang mukha niyang pagod ay napalitan ng pag aalala. Akala ko ay mamaya pa siya darating dahil malayo ang Cebu dito. Ilang oras din ang biyahe.
"Alam mo bang hindi tumigil ang Papa mo sa paghahanap sayo? Nagsabi kami sa mga pulis. Pero masyadong mabagal ang pag kilos nila", ani Mama.
Umupo si Papa sa kanyang pwesto. Siguro ay hindi niya naisip na magpalit muna dahil sa nangyari.
"Hindi ka na pwedeng gumala kahit saan ng wala kang body guards na kasama", sabi nito habang pinagsasandok siya ni Mama ng pagkain.
Napatitig na lang ako sa pagkain habang may sinasabi siyang hindi ko maintindihan. Kapag sa kanya ng galing ay hindi iyon pwedeng labagin. Minsan lang magaling si Papa kaya mas matindi iyon.
Ang palitan nila ng usapan nila Arrow ay hindi ko inintindi. Occupied ang isip ko kung paano kami magkikita ni Cade at kung totoo nga ba ang sinabi ng mga rebelde tungkol sa kanila. "Are you listening Piper?", while pouring juice in my father's glass.
"Opo, naiintindihan ko", kahit hindi naman malinaw sa akin ang kanilang sinabi. Mabagal ang naging pagkain ko. Nagtatalo ang isip ko kung dapat ko bang itanong sa kanila iyon. "Dalawang araw na lang ay birthday mo na. Si Lois nga pala ang namahala sa theme ng party mo", paliwanag ni Mama.
"You'll love it! Magaling sa ganong bagay ang kapatid ko", abot langit ang ngiti sa akin. Kung ano man iyon ay wala akong pakialam. Sila lang naman ang mag e-enjoy hindi ako.
"Do you have any suggestions or demands, Anak?", napansin yata ni Papa ang paglipad ng isip ko dahil hinawakan niya ang kamay ko.
"Wala naman, Pa. I'm not feeling well", ayoko sanang tapusin ang pagkain pero nakakabastos kung iyon ang gagawin ko.
Sila ang nag usap na tatlo tungkol sa kaganapang iyon habang tahimik lang akong nakikinig at tumatango ako bilang sagot.
Biglang sumagi sa isip ko sina Sandra at Betong.
"Ma, where's Sandra?", kita ang repleksyon ng mga mata niya sa kintab ng wine glass. Pinunasan niya ang sariling labi gamit ang napkin.
"I fired her", she said in a plain tone. Para bang hindi kami pinagsilbihan ni Sandra sa loob ng mahabang taon.
"Hindi mo dapat ginawa iyon, Ma. Beside it's my fault. Ako itong nagpumilit"
Palihim na hinawakan ni Arrow ang kamay ko. Kinurot niya iyon sandali. I'm not adding fuel to the fire. I just wanted to tell the truth.
"Whether you're reason is valid or not I dont care", matigas nitong sambit saka pinagpatuloy ang pagkain.
Tumingin ako kay Papa ng nakalabi pero maging siya ay binalewala ako. Tahimik ang ilang minutong hapunan hanggang sa pumunta ako ng kwarto at si Arrow ay sumunod.
Pumunta ako sa balkonahe at pinagmasdan ang buong nayon. Maliwanag dahil sa buwan at bituin sa langit. Maaliwalas ang kalangitan na mas payapa sa nangyari sa akin. Ang mga alitaptap naman ay dumagdag rin sa kagandahan ng gabi. "You should sleep by now", his voice sounds husky not enough to seduce me.
Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Konsentrado ang mga mata ko sa kanina ko pang tinitignan. Tinatanaw ang bahay ni Cade mula dito.
"You always thought of him", sumandal siya sa pasimano habang pinagmamasdan ang wine na nilalaro niya.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Hindi ko alam kung anong ginawa niya sayo. Pero kailangan mong maniwala sa akin you're fame, money and everything yun ang gusto niya sayo. Gagamitin ka lang niya" Kumuyom ang kamao ko para kalmahin ang sarili.
"You should go home by now. It's late", pag iiba ko. Piper magtimpi ka.
"Mamaya ako uuwi. Gusto kong isipin at intindihin mong mabuti ang sinabi ko", nakatitig ang mga mata niyang nangangalit sa akin. Nagtiim-bagang siya ng ginantihan ko siya ng tingin.
"Hindi siya mabuti para sayo. Your love story is a tragedy. Simula palang iyan. Pero kung sa akin ka maiiba iyon. A love story of us with a happy ending", hinawakan niyang magkabila ang braso ko. Hinaplos niya iyon saka bumaba sa daliri ko. Hahalikan niya sana iyon ngunit binawi kong kaagad.
"I would rather have a love story with a tragic ending"
Nagsukatan kami ng tingin. Walang bumibitiw hanggang sa nag ring ang cellphone niya.
Pumasok siya sa loob mukhang importanteng tawag. Mabuti na lang. Nagpapasalamat ako sa kung sino ang taong iyon.
Ilang minuto ng tawag ay bumalik siya. Naalala ko ang gusto kong sabihin.
"Wala palang ending yung sa amin. Tragedy pero walang ending. Remember that"
Hinapit niya ang bewang ko palapit sa kanya. Mahigpit iyon na para bang mag iiwan ng marka ang mga daliri niya sa aking tagiliran.
"That's infatuation, Piper. You'll soon realize that you're belong to me", ramdam ko ang paghinga niya sa aking mukha. Ang pabango niyang mamahalin ay naamoy ko.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"You're perfume is too expensive for a person like you. Masyado kang cheap", binitiwan niya kong walang pag iingat kaya muntik akong mawalan ng balanse.
"Cheap? Hindi ako ganon, Piper. Alam mo kung sino ang cheap", he said in a confident voice.
"Look who's talking. Para kang asong naghahabol sa akin. Ayoko ng hinahabol ng hindi ko naman gusto"
Hinawakan niyang mahigpit ang baba ko. Pinigilan kong hindi humiyaw dahil sa sakit. May pasa ako doon.
"Malaki ang mawawala sayo kapag siya ang pinili mo. Maraming mangyayaring hindi maganda kapag kayo ang nagsama"
Bumitiw siya habang ako naman ay malaki ang paghinga.
"Anong ibig mong sabihin Arrow? May alam ka ba kung bakit nila ko dinukot?"
Nanlaki ang mga mata niya.
"Ano? Arrow? Meron ba?", inalog ko siya pero parang wala siyang naririnig.
"Pinag utos ng mga magulang mo na patayin ang karamihang magsasaka kasama na don ang tatay ni Cade", nabingi ako sa sinagot nito. Nanlambot ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako sa sahig. Humagulgol ako sa sakit na nararamdaman. Tinakpan ko ang aking mukha gamit ng sariling palad.
"Pa... paano? Paano mo na laman!?", kinagat ko ang aking ibabang labi. Pinipigilan kong humikbi pero hindi ko kaya.
"May kinalaman si Papa sa pagkamatay ng ilan sa mga iyon. Nalaman ko dahil minsan silang nagtalo ni Mama tungkol doon"
Mas lalong sumikip ang dibdib ko. May kampihan pang naganap. Masakit dahil tama ang mga rebelde. Hindi iyon bintang. Mas lalong masakit dahil mga magulang ko ang naging dahilan ng pagkamatay ng Ama ng taong mahal ko.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report