Esta Guerra (Tagalog Version)
Chapter 53: Isa sa mga biktima

Agad na sinundo si Piper ni Donya Leonora ng malaman na nakila Abel siya. Pinasabi ko kaagad iyon kay Letty para hindi siya mag alala. Saka para na rin sa ikabubuti ni Piper.

Nang gabing iyon ay tumawag siya. Tanging iyak lang ang sagot niya sa tuwing tinatanong ko kung anong nangyari. Si Letty naman na hindi pa nauwi sa mansyon ay tinanong ko tungkol dito. Wala din siyang alam sa kalagayan ni Piper ngayon. Ang hinala niya ay baka may naging pagtatalo ang kanyang mga magulang at siya na dinamdam nito.

Kung hindi pa ko likutin ni Dero sa higaan ay hindi ako maalimputangan. Si Cazue ay nadatnan kong nagluluto ng pang tanghalian. Madaling araw na ng nakatulog ako. Kakaisip kung anong nangyari kay Piper.

Ilang beses akong nagpadala ng mensahe para mapagaan ang loob nito. Tinignan ko ang social media accounts niya pero sa mga posts niya naman ay ayos naman siya. Sa Instagram account nito ay pinost niya ang tahimik na gabi ng El Preve. Ilang beses ko siyang tinawagan bago ako maligo pero niisa don ay hindi niya sinagot.

Hahayaan muna kitang makapag isip. Mamaya na lang tayo mag usap. Pupunta lang ako sa bayan ng Gurabo.

-Sent

Inintay ko ang reply niya pero hindi sumagot kaya nag voice message ako sa messenger. Nag react siyang heart pero wala pa rin reply. Ngayon ay nakumbisni ako ng aking sarili na dapat ko muna siyang hayaan.

Nag jeep ako papunta ng bayan ng Gurabo. Mabuti nga't kahit malayo iyon ay isang sakay lang. Pagbaba ko ng jeep ay iba ito kaysa sa El Preve. Ang mga tao don ay puno ng ngiti galing simbahan. May iilan na tindera sa harap nito. May mga manghuhula din na nakahalera doon.

Bumili ako ng Sampaguita at kandila saka sinindihan iyon para kay Itay. Sa bandang unahan ng upuan nagdarasal ang isang matandang pulubi. Pinahid niya ang sariling luha sa dulo ng kanyang damit. Gulo ang manipis nitong puting buhok. Ang mukha niya ay puro uling habang ang damit at shorts naman niya ay gula-gulanit.

Sa gitna ng aking pagdarasal ay hindi ko mapigilan ang hindi pagpansin sa kanya.

Naglalakad siyang walang sapin sa paa kaya't mas lalo akong naawa sa kanya. Nanunuyot ang lalamunan ko dahil hindi ko alam kung paano ko siya tatawagin. "Lolo?", tawag ko sa kanya ng lumampas siya sa aking pwesto.

Tumigil siya sa paglalakad.

"Iho, hindi ako boss", sabi nito na pilit ngumiti.

"Ayos lang po ba kayo?", humagulgol siya kaya iginaya ko siyang umupo.

Ang ilan sa mga nagdarasal doon ay napatingin sa amin.

"Wag na po kayong umiyak. Kumain na po ba kayo?", imbis na tumahan siya ay mas lalo pa itong humagulgol.

Hinagod ko ang likod niya para patahanin.

"Tara po, Lo. Baka po may alam kayong malapit na kainan"

Ang ilang minuto ng paglalakad sa initan ay nakarating kami sa malaking bahay kubo. Kokonti ang kumakain idagdag pang pinaliligiran ito ng puno kaya't mapresko tignan.

Walang alinlangan na um-order si Lolo. Habang ako naman ay pinagmamasdan siyang kumain. Para bang nilulunok niya lang ang pagkain sa bilis nito. Ilang beses ko siyang inabutan ng tubig upang hindi mahirinan. "Kung hindi niyo po mamasamain. Gusto ko pong malaman kung anong nangyari sa inyo"

Dumighay siya habang hinihimas ang tiyan nito.

"Wala na kong pamilya", matipid nitong sagot saka huminga ng isang basong tubig sa serbidora.

"Ano pong nangyari sa kanila?", tumayo siya saka naunang lumabas.

Mabilis akong sumunod. "Pasensya na po"

Ngumiti siya. "Kung hindi mo rin mamasamain. Baka pwedeng makahingi kahit isang daan pang kain ko mamaya"

Kinapa ko ang aking wallet sa bulsa. Nang makitang sobra ang dala ko ay binigay ko sa kanya ang hinihingi nito.

"Salamat, Iho. Sana ay mapatawad ako"

Agad siyang sumakay ng tricycle bago ko pa siya mahabol. Nagtungo ako sa simbahan upang hanapin siya pero ni-anino nito ay wala.

Isang madre ang lumapit sa akin ng mapansin akong ilang beses nag inikot sa loob at labas ng simbahan.

"May hinahanap ka, Iho?", ang kilay at pilikmata nito ay makapal habang ang mata niya'y bilugan.

"Kilala niyo po ba yung matandang pulubi?"

"Hindi ko alam ang pangalan niya pero madalas siya dito"

Lumapit ang isa pang madre sa amin. Sa palagay ko ay mas matanda siya kaysa sa nauna.

"May problema ba?", tanong naman nito.

"Hinahanap niya kasi yung matandang pulubi", sagot ng naunang madre.

"Madalas siya dito para magdasal. Ilang beses nga iyon nangumpisal kay Father. Pero niisa isang beses ay hindi namin naitanong ang pangalan niya"

Nang lumabas akong simbahan ay agad bumalik sa isip ko kung sinong pakay ko sa bayan na ito. Pero sa isang banda nito ay gusto kong malaman kung sino ang pulubing iyon kaya ginugugol ko ang kalhating oras ko sa pagtatanong. Hanggang sa isang manghuhula ang nakatulong sa akin.

"Kaibigan iyon ng namayapang si Father Kule. May sabi-sabi nga na kaya napadpad dito ang isang iyon ay dahil kay Karlo. Kilala mo ba ang mga yon?"

Tumango ako. Nagbabakasakaling baka alam niya kung saan ang saktong address na tinutuluyan nito.

"Maliit nga naman ang mundo. Naging kaibigan ng bunso kong anak yung matandang pulubi. Ang sabi niya ay nadawit sa isang krimen iyon. Sabi pa nito may koneksyon iyon sa namatay na si Father Kule. Siguro kaya siya nandito para mangumpisal ay dahil don"

Kumalabog ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Isa ang matandang iyon sa kailangan ko. Kung handa siyang tumestigo ay malaki ang laban namin upang makulang ang dalawang Roshan. "Ano pong pangalan niya?"

Inayos niya ang braha sa mesa bago sumagot.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Hermano Gabon", matipid nitong sambit.

"Baka gusto mong magpahula?", saad nito pero tumanggi ako sa ngumiti.

"Saka na lang saka salamat din po. Kung alam niyo saan nakatira si Karlo ay ipagbigay alam niyo sa akin"

Ngumiti siya. "Kapitbahay ko si Karlo. Wag kang maingay"

Bumingis-ngis ang babaeng nasa mid 40's saka sinuklay ang kulot nitong buhok.

"Ano po bang kapalit ng maitutulong niyo sa akin?"

Lumapit siya sa akin saka bumulong.

"Datong na lang, Iho. Halika't sasamahan kita kung saan nandoon si Karlo"

Hindi maalis ang ngiti ko lalo ng makita ko ang isang lalaking pinagbuksan kami ng pinto.

"Mawalang galang na po. Kayo po ba si...", ngunit padabog nitong sinara ang pinto.

"Pag pasensyahan mo na yan si Karlo. Mailap sa tao ang isang ito", ang babaeng manghuhula ang kumatok pero hindi siya pinagbuksan nito.

"Nako, Iho. Ayaw talaga. Wag mo ng pilitin"

Pero kailangan ko siyang mapilit kaya umunahan ako saka muling kumatok.

"Ako po ito si Cade. Cade Paez, anak ni Presigo"

Nakatitig sa akin ang babaeng manghuhula. "Umalis ka na, Iho. Saka na lang---",

"Tumuloy kayo", aniya ng maluwag niyang binukas ang pinto.

"Ako ay aalis na. Mukhang importante ang pag uusapan ninyo"

Tumuloy ako sa loob at ang kisame nito ay halos matanggal sa pagkakapako. Ang dingding naman nito ay puro agiw habang ang sahig ay mababakbak na. Umupo ako sa upuan na halos kainin ako dahil halos mawalan na ito ng spring.

Nang bumalik siya ay binaba niya ang tinapay at juice sa lamesita nitong kahoy.

"Matagal-tagal din simula ng may dumalaw sa akin. Paano mo ko nahanap?", umupo siya sa harap ko saka pinahinga ang parehas na kamay sa upuan.

"Dahil kay Tita Flora. Matagal ko kayong hinanap"

Ang mga mata niyang pilit tinatago ang lungkot at takot ay tumitig sa akin.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Anong sadya mo?", may pagkamasungit ang tono.

"Hindi na ko magpapaligoy pa pero kailangan kitang bilang testigo at ang ebidensyang hawak mo"

Ang kalabog ng dibdib ko dahil sa kaba ay pang abot. Pinapanalangin na sana ay hindi siya tumanggi.

"Paano ka nakakasiguradong mananalo tayo? Na sa mga Roshan ang kapangyarihan. Kaya nilang pabagsakin tayo sa isang iglap. Tignan mo ako. Patago-tago ako dahil kapag nalaman nilang buhay ako ay siguradong papatayin nila ko" Naiintindihan ko ang takot niya. Ang takot na baka hindi hustisya ang manaig. Ang takot na sa huli ay masasayang ang lahat.

"Hindi lang ito para sa atin kundi para sa iba. Ang lupa ng halos lahat ng magsasaka ay Roshan ang nakikinabang kaya humihingi ako ng tulong. Magtiwala ka"

Hinilot niya ang kanyang sentido.

"Hanapin mo si Hermano. Papayag ako sa gusto mo pagnahanap mo siya"

Mas lalong lumakas ang determinasyon ko dahil sa kanyang sinabi.

Nag vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa. Si Piper iyon na tumatawag.

"Liyag", malat ang boses nito.

"O, anong nangyari sayo? May sakit ka ba?", maamo kong tanong.

Pero tumawi siyang bahagya.

"Nandito ako sa may simbahan ng Gurabo", gulat ako sa kanyang sagot.

Si Karlo naman ay takang nakatingin sa akin.

"Bigyan mo ko ng kinse minutos. Wag kang aalis dyan", mabilis kong sambit.

"Sige. Dito lang ako", saka binaba ang tawag.

"Pasensya na kung nakinig ako sa tawag. Na boses ko ang babae", sabi nito.

"Wala iyon", pagsisinungaling ko dahil baka takot akong mawala ang tiwala niya sa akin.

"Siya si Piper hindi ba?", napalunok ako sa tanong nito.

"Minsan ko siyang nakausap noon. Bago palang siya sa pag aartista kaya alam kong siya iyon", paliwanag nito.

"Kawawa ang batang iyan. Isa din siyang biktima. Pinagtakluban ng katotohanan", aniya.

Tumayo ito saka humikab.

"Bumalik ka na lang bukas. Puyat ako kagabi kaya matutulog ako ngayon"

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report