Esta Guerra (Tagalog Version) -
Chapter 62: Sino Sila
"Isasama mo talaga ako sa party?" may nginunguya pa siyang pagkain habang nagsasalita.
Naka de kwatro siyang nakaupo sa sofa habang hawak ang bowl ng coco crunch.
"Oo. Alam ko naman na hindi ka tatanggi"
"Yan! Yan! Ganyan! Idakdak mo!" kinuha ko ang remote sa tabi niya saka pinatay ang pinapanood nito.
"Finals na Piper!" nanonood siyang basketball na hindi naman ako interesado.
"Hindi mo kasi pinapansin" ngumuso ako.
Binaba nito ang hawak niya saka inagaw ang remote sa kamay ko.
"Pinansin kita. Ang sabi ko sasama ako" binuksan niyang muli ang TV.
Nagpatuloy siya sa pagkain habang nanonood. Tawa siya ng tawa habang kung anu-anong sinasabi.
Kunot-noo akong pinapanood siya habang inaaliw ang sarili niya sa palabas.
"Kaninong party ba iyon? Bibili akong damit pag nandon si Latrelle!" galak niyang sambit. Tumayo saka sandaling kumuha ng pagkain sa kusina. Inabutan niya kong cereals at gatas. Hindi ko naman tinanggihan dahil minsan iyon ang aking umagahan pag tinatamad akong kumain ng kanin. "Debut ng anak ni Direk Della"
Hindi ko naman close ang anak niya pero inimbita pa rin ako kaya nagpasalamat na rin ako. Pero sa pagkakatanda ko ay bumida iyon sa isang teleserye. Baguhan palang pero bumenta agad sa tao. Matagal-tagal na rin na hindi ako nakikihalubilo sa iba pang artista.
"Nako ha! Baka nandon yung mga kaaway mo!" halos tumilos ang nguso nito. Hindi naman maiiwasan na meron nga akong kunong kaaway. Hindi naman iyon ang turing ko sa kanila. They hate me for who I am.
Hindi nila matanggap na ako ang reyna. Ayaw pa nilang sila ang aking prinsesa. Maybe they'll fit to be my servant. Taga punas ng sapatos to be exact.
"I don't really mind" sabi ko.
"Maligo ka na. Mamaya ay nandito na yung mga mag a-apply!" akala mo naman talaga araw-araw naliligo ang isang ito.
Tinignan ko siyang nakangisi saka tumawa.
"Yeah. Half bath lang ang ginawa ko" hindi naman awkward ang ganitong usapan para sa aming dalawa. Dahil sanay na kami sa amoy ng isa't-isa. Kung hindi man siya maligo ay hindi ganon kasakit sa ilong ang amoy nito. "I'll going to take a bath. Ikaw ng mamili ng damit natin. Tanungin mo din si Pixie kung magpapabili siya sayo o sasamahan ka"
Malaki ang tiwala ko pagdating kay Aria sa damit dahil sa taste of fashion nito. Halos parehas sila ni Lois na talaga namang nakakasabay sa trend at kahit hindi trend ang isang damit ay nagagawa nilang pang agaw iyon ng atensyon. Naka roba ako ng binuksan ang bintana. May matandang babaeng naka bestida. Hindi ko kita ang mukha nito dahil nakasuot siyang saklob.
Tatawagin ko palang si Mang Ben ng binuksan niya iyon. Mukhang may tinanong pa si Mang Ben bago tuluyang papasukin ang babae.
I usually do interviews sa mga aplikante ko. Ayoko kasing kung sino lang ang pwede kong papasukin dito lalo na at delikado ang panahon ngayon. Sinisingit ko ito sa schedule ko para lang isa-isa ilang masiyasat.
Nagbihis ako ng simpleng bestida saka nag lotion bago bumaba. May towel pang nakaikot sa basa kong buhok.
Hinanap ng mata ko yung babaeng nakita ko. Nasa may terrace siya. Nakatalikod mula sa pwesto ko at nagpapaypay gamit ang saklob.
Umuna ang ibang babae sa interview hanggang siya na lang ang natira. Malamig dahil sa binubuga ng aircon pero nagpapawis pa rin ako. Nanunuyo ang lalamunan ko habang nanginigig ang aking kamay.
"Dignacia Suello"
"Ako nga iyon" ang maugat niyang kamay ay nanginginig na tinago niya sa kanyang likuran.
"Hindi ko na po kayo tatanungin tungkol sa maraming bagay dahil base po sa inyong edad at itsura ay mapagkakatiwaalan kayo. Sanay din sa trabaho"
Hindi ko alam kung paanong nasabi ko iyon kaagad. Pamilyar kasi ang pangalan nito.
"Wag niyo po sanang masamain pero kaya niyo pa po ba ang trabaho sa ganyang edad?"
Tumango siya. Hindi ako alam kung bakit ang mga nito ay iba habang nakatingin sa akin. Para bang may gusto siyang sabihin.
"Sanay ako sa trabaho, Ineng. Sa katunayan nga ay ayokong tumitigil sa bahay. Gusto ko ng palaging may ginagawa. Maalam akong magluto, maglaba, magsibak at kung ano pang gawain sa bahay" sabi nito. "Tanggap ka na niyan, Aling Digna!" si Mang Ben iyon na may hawak na kape. Nakasandal siya sa pader malapit sa kinauupuan nito.
"Magkakilala kayo Mang Ben?"
Nagkatinginan ang dalawa.
"Oo. Si Digna dating kasambahay ng pamilya niyo. Teka, ilang taon ka nga ulit nanilbihan sa kanila?"
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Sa kung paanong kausapin siya ni Mang Ben ay magkakilala nga sila.
"Halos apat-napung taon. Bata pa lamang ako ay kasambahay na nila ako"
Bumaling ako kay Mang Ben.
"Pwede po bang kausapin ko muna siya ng kaming dalawa? May mga gusto lang akong itanong"
Hindi naman nagdalawang-isip ang matandang lalaki saka lumabas.
"Kilala niyo po ba sina Leonora at Emilio?"
Umubo ang matanda sa hawak nitong panyo.
"Oo. Ang mag asawang parehas na may kapangyarihan"
"Kilala niyo po ba ako?" nangininig ang boses ko.
"Oo. Hindi ba't ikaw si Piper?"
Ilang lunok pa ng laway bago ako muling nagtanong.
"Sino po ba ang totoo kong magulang?"
Sunod-sunod ang naging pag ubo nito kaya inabutan ko kaagad siya ng tubig. Inalalayan ko siya sa pag inom.
"Sina Prescilla at Rafaelo ang totoo mong magulang. Ang mga tinitingila ngayon sa El Preve ang siyang pumatay sa magulang mo. Tinago ka nila. Pinalabas na ampon dahil ayaw ilabas ng mga Roshan ang katotohanan. Si Rafaelo ay walang awang pinagbabaril habang si Prescilla ay namatay ilang araw matapos kang ipanganak. Dinamdam niya ang pagkawala ng kanyang kasintahan"
Umiiyak akong kinuha ang picture na nakasingit sa librong inuwi ko. Mabilis ko itong inabot sa kanya habang nagpapalis ng luha.
"Ito po ba sila? Kapatid po ba talaga ni Mama si Prescilla?"
Tinignan niyang maigi ang larawan.
"Oo. Magkapatid sila. Hindi ka ampon. Tiyahin mo si Leonora. Si Leonora na pinatay sa gamot ang sarili niyang kapatid dahil sa nabigo nitong pag ibig. Sakim siya sa pera! Pinalayas niya ko at sinabing wag nang magpakita!" nangangalit ang mga nito habang ang kamao niya ay namumuo.
Umiyak ako sa kanyang harapan. Para bang ilang punyal ang tumusok sa akin. Ang magulang na kinalakihan ko ang siya palang pumatay sa totoong mga magulang ko.
Sobrang sakit. Hindi ko alam kung gugustuhin ko na lang matulog kaysa harapin ang katotohanang ito. Masakit na halos gusto ko ng maging manhid.
"Si Rafaello po ba? Paano po sila nagkilala ng totoo kong ina"
Kahit na masakit ay gusto ko pa rin malaman kung paano sila umibig sa isa't-isa.
Inalo niya ko habang hindi pa rin natigil sa pag iyak.
"Mahabang kwento iyan, Ineng. Pero ang totoo mong Itay ay isang mabuting magsasaka. Wala siyang hinangad na masama. Palagi siyang tumutulong sa iba kaya nakuha niya ang loob ng iyong Ina" Tumayo ako ng mag ring ang telepono sa kusina.
"Anak, pasensya na kung ilang beses akong hindi nakakatawag"
Tumikhim akong sandali saka kinuyom ang aking kamao.
"Sino sina Prescilla at Rafaelo, Ma? Sino sila!"
Tumahimik ang kabilang linya. Rinig ko pa ang pagbuntong hininga nito.
"I don't know them, Anak. Ano bang nangyayari sayo?"
Mas lalo pang lumagablab ang galit ang sakit na nararamdaman ko.
"Alam ko na ang lahat, Ma! Wag kang makunwari!"
"Piper. Ipapaliwanag ko not now okay? Sa personal natin ito pag usapan"
Problemado ang tono ng boses nito.
"No, Ma! Pag usapan natin bakit hindi niyo sa akin sinabi lahat at bakit niyo sila pinatay!" Ilang sandali pa ay bumuntong hininga siya.
"I'm sorry...", pinatay niya ang tawag habang ako ramdam ko pa rin ang sidhi ng galit.
Paano ko ito tatanggapin?
----#ESTA GUERRA----
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report