Esta Guerra (Tagalog Version) -
Chapter 66: Magtago
Cade's POV
Sa maghapon kong paghahapon sa bayan ng Gurabo ni-anino ni Mang Hermano ay hindi ko makita. Wala pa rin balita na galing kay Abel. Gusto niya rin tumulong sa paghahanap kaya nagsabi ako ng ilang detalye. Pero uugatin na yata ako sa paghihintay ng tawag galing sa kanya.
Dumiretso ako ng pamilihang bayan pumasok kasi sa isip ko na wala ng pagkain sa bahay. Hindi kasi makapamili ang Inay dahil sa rayuma nito. Ilang araw na rin siyang hindi nagsasaka kaya kami ni Cazue ang palaging nasa palayan. Samu't-saring amoy ang tumambay sa aking ilong habang namimili.
"Bili ka na pogi" sabi ng isa sa mga iyon. Nagpupunas siya ng pawis habang nakangiti sa akin. Matandang babae na halos kasing edad ni Inay.
"Kahit hindi po ako bumili. Gwapo pa rin ako"
Awtomatikong nagtinginan ang ilang mamimili sa akin. Natawa naman ako sa reaksyon nila.
"Pilosopong bata!" aniya Manang na nag aalok sa akin.
Tinignan ko ang tinda niyang karne. Malarosas ang kulay nito. Akalain mo nga naman may sariwa pa kahit hapon na.
"Bibili po ako, Manang. Magkano ba ang kilo?"
Napamewang siya. "One-twenty na lang, Iho. Tutal gwapong bata ka naman"
"Ay. Sus! Si Manang ng bola pa"
Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Hindi iyon bola. Nako! Bumili ka na!"
Tinignan ko kung magkano pa ang pera sa wallet ko.
"Kalhati kilo lang po" bibili pa ko ng isda para kay Inay. Tilapia ang paborito niya. Sana ay meron pa.
Matapos kilohin ay binayaran ko kaagad. Sakto ang pera kong binigay kaya walang sukli. Naglibot ako sa buong palengke pero wala na ang paborito ni Inay.
Dumiretso akong sakayan. Natanaw ko ang lalaking nagsisigarilyo habang nakatago sa isang pader.
Sumenyas siya sa akin na lumapit. Hindi sana ako susunod pero ng makikala ko kung sino siya nagkusa ang mga paa kong lumakad. "Apong!" bulalas ko.
Sumenyas naman siyang wag akong masyadong maingay.
"Nabalitaan kong nangangalap ka daw ng ebidensya"
Wala naman akong pinagsabihan bukod sa pamilya ko.
"Hindi mo ba alam? Kanina lang ay umalis ang Inay mo kasama sina Dero at Cazue"
Naguguluhan ako sa sinabi niya.
"Nakatunog si Don Emilio sa ginagawa mo", dugtong pa nito. Pinanood ko siyang magsindi ng sigarilyo gamit ang lighter.
"Mabuti 'yang ginagawa mo bata. Sigurado akong nahanap mo na si Hermano kaya nagpanting ang tenga sayo ng gobernador"
Hindi ko alam kung pagkakatiwalaan ko siya sa ganitong bagay. Ang isipin na pinatay niya si Loel ay sapat na upang masabing agresibo siya.
Pinatong niya ang kamay sa balikat ko. "Bakit parang ayaw mo yata akong pagkatiwalaan?"
Alam kong magkakaibigan sila ni Itay pero hindi iyon sapat para lubos ko siyang pagkatiwalaan. Ang dating siya ay pwede pa. Pero 'yung ngayon ay iba na. Malaki ang tsansang ilagay lang niya ang batas sa kamay nito. Ayaw din naman ni Itay na sa ganong paraan niya makamit ang hustisya.
"Makikipagtulungan kami sayo sa mabuting paraan. Sa katunayan nga sinama ko sa bahay ang pamilya mo"
Nakatulala ako habang nakasakay kami sa tricycle. Sa may dulo pa rin siya ng El Preve nakatira. Buhay pa pala ang dati niyang bahay. Akala ko ay iniwan niya na ito magbuhat ng naging rebelde siya. May sampung bahay lang ang nakatayo doon.
Hindi katulad sa amin ang mga bata dito ay may hawak na baril. Parang isang kampo ang lugar na ito.
Matapang nila akong tinignan para bang hindi ako pwede sa lugar nila.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Wag mainit ang ulo mga bata" sabi ni Apong habang iniisa-isa niyang guluhin ang buhok ng mga iyon.
Kahit mga batang paslit ay namulat agad sila sa madahas na pamumuhay. Natatandaan ko pang ilang beses nadawit ang mga ito sa barilan pero hindi sila magawang galawin ng mga pulis Bumati ang ilang kababaihan sa akin. Nakipagkamay ang iba habang ilan ay nakatingin lang. Nanlilisik ang mga mata.
"Masasanay ka rin dito"
Binuksan ni Apong ang pinto. Niyakap kong kaagad si Inay na nag-iiyak habang inaalalo ng dalawa kong kapatid.
"Anong nangyari?!" pinalis ko ang luha ni Inay ng tumabi ako sa kanya. Dahan-dahan kong ginawa iyon gamit ang panyong hawak ko.
"Kuya...", si Cazue na inabot ang hawak kong ulam.
"Sinunog nila ang bahay natin, Cade. Sinunog nila!!!" sigaw ni Inay sa gitna ng pag iyak.
Kinuha siyang tubig ni Apong na pinainom ko naman.
"Mabuti na lang at alam kong gagawin iyon ni Don Emilio. Magpasalamat na lang tayo kay Gracio"
"Si Mang Gracio ang nagsabi?"
Dahan-dahan tumango si Apong ng umupo sa harapan namin.
"Cade! Narinig ko ang sigaw niya. Ang utos niya sa mga tauhan nito na patayin ka! Nandoon din ang batang Vitale!"
Si Arrow iyon. Alam kong siya ang mangunguna sa paghahanap sa akin. Ang isang iyon hindi na naging maganda ang pagiging desperado niya. Alam kong wala naman kinalaman sa lupa ang pakay niya sa akin. Ayaw niya na lang sumuko. Kumirot ang puso ko. Malaki pa ang pag asa niya kay Piper gayon na hindi na kami pwedenf mag usap. Halos lahat ng tao ay pabor sa kanila. Pero kapag nanghina ako sa kakaisip nito ay mas lalo akong masasaktan.
"Hindi ko alam na girlfriend mo yung anak nila" natatawang sabi ni Apong habang naglalagay ng yelo sa lambanog nito.
Inalok niya ko pero tumanggi ako.
"Hindi mo sana dinamay si Piper at kailangan pa talagang patayin si Loel?"
Hinawakan niya ng mahigpit ang kwelyo ko.
"Wala kang karapatan sabihin kung ano ang gusto kong gawin! Traydor ang isang iyon! Parehas kong mamatay sa maling pag ibig!"
"Kailan man hindi iyon naging mali, Apong!"
"Baka gusto mong isunod kita sa kaibigan mo!?" malalim ang mabilis niyang paghinga.
Hinawakan ni Inay ang braso nito.
"Apong pag pasensyahan mo na itong si Cade"
Unti-unting lumuwag ang hawak nito sa akin.
"Magpapahangin lang ako. Pag sabihan mo yang anak mo, Teresa"
Kumalabog ang pinto sa paglabas niya. Ang amoy ng sigarilyo ay nanatiling nasa loob.
Hinawakan ni Inay ang mukha ko. Puno ng takot at pag aalala ang mga mata niya. Gusto ko siyang makitang masaya pero simula ng nawala si Itay ay hindi niya na iyon naibalik.
"Anak, magdahan-dahan na lang tayo sa pagsasalita. May utang na loob pa rin naman tayo sa kanya"
Gustuhin ko man sabihin na doon na lamang kami kila Tita Flora ay hindi pwede. Hindi ko alam kung anong iisipin ni Apong kung sakaling umalis kami dito.
Nag ring ang cellphone sa aking bulsa.
"Nahanap ko na si Hermano Gabon!" bungad ni Abel.
Agad akong tumayo. "Nasaan kayo!?"
"Pasensya na, Pre. Masyadong pasmado ang bibig ko sinabi ko agad sa kanya"
Napahilamos ako ng mukha.
"Sinabi kong pwede ba siyang tumestigo sa ilang magsasaka na namatay"
Pilit siyang tumawa. "Pasensya na, Cade. Pero wag kang mag aalala. Nandito kami sa parke ng Gurabo"
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report