Esta Guerra (Tagalog Version) -
Chapter 70: Pinabayaan
Apong's POV
"Gracio, nahihibang ka na ba!? Parang wala kayong pinagsamahan ni Presigo" galit kong sabi sa kanya ng makita siyang sinasaktan nito si Cazue. Kilala ko ang mga taong may kauganayan kay Presigo. Alam ko kung anong klase siyang tao.
"Himala at nagpakita ka ulit, Apong?" aniya nito sa natatawang boses.
Kasalukuyan kaming nasa bahay niya. Alam kong mapagkakatiwalaan siya kahit nagbago ang pakikitungo nito sa halos lahat ng magsasaka.
Kitang-kita kung gaano binago ni Don Emilio ang buhay niya mula sa sahig hanggang sa kasuluk-sulukan ng bahay na ito.
"Hindi naman ako mamatay tao kahit taga sunod ako ng gobernador. Alam ko ang limitasyon ko. Magtiwala ka" sinindihan niya ang sigarilyong hawak.
Hinagis niya sa akin ang kaha na galing sa sarili niyang bulsa.
"Ewan ko ba sayo bakit ka nag rebelde. Kung ako sayo, makipanig ka na lang sa amin"
Nagpakawala siya ng usok. Para bang sobrang gaan ng ginawa niyang desisyon.
"Isa kang walang utak! Kasama sa mga pinatay nila ang magulang mo!"
Kitang-kita iyon ng mga mata ko. Nag pro-protesta kami sa mansyon ng mga Roshan hanggang sa dumami ang tao. Sa sobrang dami ay hindi makaya ng body guards nila kaya naglabas sila ng baril. Ilang beses silang nagpaputok pero walang natitinag.
"BIGAS! ANG GUSTO NAMIN! HINDI BALA"
"NASAAN ANG TINANIM NAMING PALAY!"
"NASAAN ANG AMING LUPA!"
"ANONG MANGYAYARI SA TATLONG PISONG SWELDO KADA ARAW!"
"IPAGLABAN KARAPATAN NG MAGSASAKA!"
"IPAGLABAN! IPAGLABAN!"
"IPAGLABAN! IPAGLABAN!"
Hindi raw sinasadyang matamaan ng bala ang ilang nandoon pero kitang-kita naman kung paano nila tinututok ang baril sa nangunguna ng protesta.
"Matatakluban ba talaga ng pera ang hustisya ng Inay mo?" kumuyom ang kamao ko. i
Nagsalin siya ng alak. Akala niya yata ang madadaan niya ko sa ganito. Kapansin-pansin din ang pangingintab ng singsing sa daliri nito.
"Sa tingin mo may magagawa ang pagiging rebelde mo? Ilang taon ka na nga ulit dyan? Pero nagugutom ka pa rin hindi ba?"
Natatawa nitong sinabi. Para bang iniinis ako nito.
Sinakal ko siya pero hindi gaanong mariin.
"Pagsisihan mo ang desisyon mo"
"Kumalma ka lang, Apong. Wala ka bang alam? Ang anak ni Presigo na si Cade ay malapit ng makamit ang hustisya"
Nilaro niya ang yelo habang iniikot ang baso. Muli siyang nagsalin ng panibagong alak saka iyon ininom.
"Gracio!"
Tawag iyon ng hindi ko kilalang boses.
"Magtago ka!"
Nagpalinga-linga ako hanggang sa banyo ako nakapagtago.
"O, napasyal po kayo Donya Leonora"
Ang babaeng iyon. Gusto ko man pakinggan ang usapan ngunit mahina iyon. Hikbi lang ni Donya Leonora ang naririnig ko. Maalam din palang umiyak ang isang iyon. Akala ko ay bato na ang puso niya. "Magbabayad ang batang iyon!" singhal nito saka lumagabag ang pinto dahil sa pagkakasara.
Ilang minuto bago ako lumabas.
"Nakatunog si Donya Leonora sa ginagawa ni Cade. Malamang alam na iyon ni Don Emilio bago pa malaman ng Donya. Kaya kung ako sa'yo..."
Tinapon niya ang upos ng sigarilyo matapos na mawala ang sindi nito.
"Puntahan mo na ang pamilya Paez ng sa ganon maligtas mo sila. Sigurado akong kahit kay Cade lang may galit ang mga Roshan tiyak na lahat sila damay"
Ginawa ko ang sinabi niya. Pagkarating ko doon nadatnan ko si Isabella na nagtatahi habang nakaupo. Ang anak niya naman na si Dero ay nagbabasa ng libro sa sahig.
"Teresa!"
Gulat siya ng makita ako kaya tinago nito si Dero sa likuran niya. Si Cazue naman na pangalawang anak nito ay lumabas mula sa kwarto.
"Anong kailangan mo!?" sabi nito. Katulad siya ng kanyang Itay na matapang pero hindi niya ako kilala.
"Kailangan niyo ng tumakas, Teresa!"
Kapag sumama sila sa akin bukod sa magiging ligtas sila sigurado akong matutuloy ko ang matagal ko ng balak. Uunahan ko si Cade sa gusto niya. Hindi dapat binibigyan ng karapatan mabuhay ang gano'ng klaseng tao.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Nag aalinlangan siya.
"Apong, tahimik ang buhay namin. Wala kaming dapat takasan!"
"Teresa! Makinig ka sa akin! Damay kayo dahil napag alaman ng mga Roshan ang ginagawang hakbang ni Cade!"
Kung hindi pa siya makikinig ay iiwan ko sila. Nagdalawang isip pa siya bago magbalot ng gamit.
"Dalian niyo!"
Matapos nito ay sumakay kami sa tricycle.
"Galugarin niyo ang bahay! May mahanap man o wala sunugin niyo!"
Nilingon pa ni Teresa ang bahay nito kahit malayo ay kita namin kung paanong sinilaban iyon hanggang sa lumaki ang apoy. Wala siyang nagawa kung hindi makita na unti-unting maging abo iyon.
Dinala ko sila sa bahay matapos iyon. Gusto niya pa sanang makita kahit saglit ang bahay niya pero pinigilan ko siya dahil nandon pa rin ang tauhan ng mga Roshan.
Pinatuloy sila at doon nag iyak si Teresa ng makita si Cade. Sakto naman ang pagpunta ko ng palengke habang minamanmanan siya.
Kinabukasan sa pagbalik ni Cade ay normal naman ang lahat.
"Inay, binili ko kayong bagong SIM card. Baka kasi malaman ng mga Roshan kung nasaan tayo kaya ayan" sabi nito.
Dapit-hapon ay may tumawag sa kanya. May kausap siyang babae at nahimigan ko kung sino. Napangisi ako ng marinig iyon.
"Inay, pupunta lang ako sa sakayan ng bus" gabi na ng nagpaalam si Cade.
"Gabing-gabi na ano namang gagawin mo doon?" sabi ni Teresa habang natulong sa pagluluto.
"Basta Inay..." ngumiti ito.
"Anak, wag na" aniya Teresa na may bakas ng pag aalala sa mga mata nito.
"Wag po kayong mag alala wala pong mangyayaring hindi maganda" sabi nito.
Mag iisang oras ng sumunod ako doon. Ano kayang gagawin nito dis oras ng gabi?
Dahan-dahan ang pagpunta ko. Gulat sa saya ng makita ko si Don Emilio habang si Piper na anak niya ay nilalayo ng hindi ko kilalang lalaki.
"Dapat ka ng patahimikin bago ka kumanta!" aniya Don Emilio. Sunod-sunod ang pagputok ng baril. Wala akong nagawa kung hindi ang panoorin iyon. Habang anak niyang babae na si Piper ay lumingon na dapat sana ay paalis nila. Namuo ang luha nito sa mga mata. Ako naman ay lumabas sa aking pinagtataguan. Kitang-kita kung paano nagulat ang gobernador. Dapat lang siyang magulat at matakot dahil ito na ang huling segundo niya.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Don Emilio, dapat ka na rin sigurong ma-maalam"
Sa gitna ng kanyang pagtawa ay pinipilit niyang ikubli ang takot. Ngumisi naman ako. "Isa kang hangal. Ikaw ang mamaalam ngayon. Samahan mo ang batang iyan!"
Tinututok niya ang baril sa akin pero bago pa siya makahuma ay naunahan ko siya. Sunod-sunod na pagtama ng bala ang tumagos sa katawan nito.
"Papa!" sabi ni Piper sa nakahandusay niyang Itay na naliligo sa sarili nitong dugo.
"Pa?!" paos ang boses nito. Tumulo ang luha niya ng mahipo nito ang palapulsahan ng kanyang Itay.
Ako naman ay pagod lang na nakatingin. Bubuhatin ko na sana si Cade ng bigla niya kong tinulak.
"Umalis ka sa harap ko!" matapang niyang sabi.
Niyakap niya si Cade at ilang beses na hinalikan ito sa noo. Tinapik niya pa ang pisngi na para bang magigising ito.
Ramdam ko ang sakit sa mga mata niya. Ganoon din ang naramdaman ko ng nawala ang aking asawa. Ganyan-ganyan din iyon. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang mabuhay. Hindi ko alam kung dapat na rin ba kong sumunod. Dahil malaking parte sa buhay ko ang nawala.
"Cade, hindi ba sabay tayong mamatay? Hindi ba iyon ang sabi mo? Hindi ba yun ang gusto mo?" aniya sa gitna ng pag iyak.
Dumating ang mga pulis at ambulansya sa pinangyarihan ng krimen. Hindi na ko nanlaban dahil natupad ko ang matagal ko ng gusto.
Dumating din si Donya Leonora na pinaghahampas ako dahil sa galit. Umiiyak siya habang ginagawa iyon.
"Walanghiya ka!" aniya.
"Mas walanghiya ka. Marami pa kayong napatay kaysa sa akin" aniya ko.
Nilapitan niya si Piper na naghihinagpis. Kanina pang pinipilit siyang hatakin ng mga tao doon para mailagay si Cade sa stretcher pero hindi siya mapilit. "Anak! Hayaan mo na sila" aniya Donya Leonora pero tinulak lang siya nito.
"Hindi ko iiwan si Cade! Sabi niya magkasama kaming mamatay!" sabi nito sa gitna ng paghikbi habang yakap-yakap ang lalaking mahal niya. "Anak please!" pagpupumilit ni Donya Leonora.
Ilan pang tao ang kinailangan para mapaalis siya sa kanyang kinalalagyan. Lumakas ang pag iyak niya sa gitna ng kanyang nararamdaman. "Sakay" aniya ng pulis sa akin.
Habang papalayo at may posas pinagmasdan ko kung paanong magwala si Piper ng tinakluban si Cade ng tela.
Sigurado akong madidismaya sa akin si Presigo. Hindi ko manlang na protektahan ang anak niya. Pinanood ko lang itong barilin ni Don Emilio.
"Ang anak ko, Apong! Bakit mo pinabayaan ang anak ko! Bakit! Bakit mo hinayaan na patayin si Cade!" si Teresa iyon pumunta sa prisinto makaraan ng isang araw. "Patawarin mo ako, Teresa" yumuko ako.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report