Finding Mommy -
Chapter 37: Move on
Lindsey POV
Nagising Ako sa isang silid na puro puti. Tiningnan ko Ang buong paligid. Nasa hospital ako? Anong nangyari sa akin?
"Hi, gising ka na. Kumusta Ang pakiramdam mo?" Tanong Ng Isang may katandaan na babae.
"Nakita ka Namin nawalan ng malay sa kalsada kaya dinala ka Namin Dito sa hospital." Malumanay nitong sabi
Bumangon Ako para umupo. Inalalayan Naman Niya ako.
"Maraming Salamat Po" nahihiya Kong Sabi. Mabuti nalang may nakakita sa akin.
"Wala yon iha. Ako nga pala si Lena" nakangiti nitong pakilala
"Ako Po si Shey. Maraming salamat po talaga sa pagtulong niyo Po sa akin. Napagod lang Po siguro Ako kaya ako hinimatay" hindi siguro kinaya Ng katawan ko ang sakit at pagod.
"Yes, Isa din yon sa dahilan but Sabi Ng doctor the main reason is because your 3 weeks pregnant. Congrats iha" masayang Balita niya sa akin
"Po?" nagulantang Ako sa sinabi niya. Tama ba yong narinig ko? Buntis ako?
"Yes. Hindi mo pa alam? Anyway may pupunta dito na OB para i-check ka then baka pwede ka na lumabas."
Nakatitig lang Ako sa kanya habang tumutulo Ang luha sa mata ko. Hindi ko alam paano iproseso Ang sinabi nito. O God, Anong gagawin ko.
"Okay ka lang ba iha?" nag aalala nitong sabi
"O-opo, okay lang po ako" ayaw ko naman ipaalam dito Ang totoong nararamdaman ko. Masyado ko na itong naabala.
"Anyway iha, hinintay lang talaga kitang magising. Hinahanap na kasi ako ng anak ko. Ok lang ba sayong maiwan Dito o may matawagan ka na magbabantay sayo Dito?"
"Opo kaya ko na Po. Tatawagan ko nalang yong kaibigan ko para sunduin ako."
"Here's my calling card, call me if you need anything. By the way, I paid your bills already"
"Naku po, maraming salamat po talaga Maam" naiiyak Kong sambit. Meron pa Rin talagang mababait at matulungin na tao.
"Your welcome Iha. Basta ingatan mo Ang baby mo iha. It's a blessing" bilin niya pa
"Makakaasa Po kayo ma'am. Iingatan at mamahalin ko po ang anak ko." Nakangiti Kong saad sa kanya habang hinihimas Ang maliit Kong tiyan. Itataguyod kita anak kahit mag Isa lang Ako. Simula Ngayon kakalimutan ko na Ang ama mo. Pipilitin Kong kalimutan Ang masasakit na pinagdaanan ko para Hindi ka maapektuhan anak.
Maya Maya humahangos na dumating Ang kaibigan ko at si Kuya Yael. Tinawagan ko agad si bhest pagkaalis ni Ma'am Lena Kanina.
"Oh my God bhest, Anong nangyari Sayo? Okay ka lang ba. Bakit ba Hindi ka nagsasabi na masama na Pala Ang pakiramdam mo❞ umiiyak nitong sambit
"Relax bhest. Hindi pa ako mamamatay" biro ko sa kanya para tumahan siya. Nakakairita Kasi Ang iyak Niya.
"Nakuha mo pang magbiro, bruha ka." Nahampas pa tuloy ako.
"Bhest Naman. Mapanakit ka. Pasyente Ako oh" maktol ko sa kanya.
"Sorry Naman. Ikaw Kasi eh" nakasimangot niyang Sabi.
"Kuya, bat Ang tahimik mo?" puna ko Kay Kuya Yael. Kanina pa kasi siya tahimik.
"Okay ka ba talaga?" ngumiti Ako sa kaniya pero Hindi abot sa mata ko. Alam Kong ramdam na kuya na Hindi Ako okay.
"Magiging okay din Ako Kuya" Kailangan Kong maging okay para sa anak ko.
Biglang bumukas Ang pinto at iniluwa Ang Isang doctor.
"Hello Ms. Llano. I'm Dr. Miles Tan, an OB Gyne. How are you?" Nakita ko Naman Ang paglaki Ng mga mata ng dalawa. Binigyan pa ako Ng explain-look ni Ems. "Hello Po Doc" ganting bati ko
"While you are unconscious kanina nagperform ako ng ultrasound dahil naghinala Ang attending physician mo that your pregnant. According to the result, you're 3weeks pregnant. Here is the copy of the sonogram and your Pregnancy Book. As you can see, the small dot on the center is your baby." Tumango tango Naman Ako habang tinitingnan Ang picture. So maging mommy na talaga Ako. Totoo talaga.
"Your schedule for your next check up ay nakasulat na Dyan sa book. This is your first right?
"Opo Doc" sagot ko na may kasama pang tango
"Bring your book everytime you have your check up. You can read also the Guide about pregnancy para magkaroon ka Ng idea. And please avoid stress specially nasa 1st trimester ka. This is the most critical stage. But don't worry Kasi makapit Naman si baby. Basta iwasan mo lang mastress at mapagod. May contact number ako sa book, you can call me if may problem, okay?"
"Okay Po Doc"
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"By the way, pwede ka ng madischarge. That's all. See you on your next check up"
"Maraming Salamat Po Doc" Sabi ko Bago ito lumabas Ng room.
Nakalabas din Ako agad matapos makompleto Ang mga discharge paper na inasikaso ni Kuya Yael. Pauwi na kami Ngayon sa condo ni Ems. Doon Muna ako Ng mga ilang araw para makapagpahinga. Ayaw din Kasi Ako payagan ni Ems umuwi sa boarding house ko dahil mag Isa lang daw ako.
Nauna akong hinatid ni Kuya dahil dumaan pa si Ems sa Supermarket para mag grocery. Babalikan nalang Siya ni Kuya.
"Sigurado Kang okay ka lang dito bhe?" nag aalalang Saad ni kuya
"Yes kuya. Wag mo na ako ihatid sa loob. Kaya ko na. Puntahan mo nalang si bhest" pagtataboy ko kay Kuya.
"Gusto ko lang Naman makasiguro. Alam mo Namang baby sister kita eh" ngumiti Ako dahil sa sinabi Niya. Ang suerte ko talaga sa kanila.
"Thank you kuya" niyakap ko Naman siya. Ginulo pa Niya Ang buhok ko. Kaya napasimangot Ako.
"Basta nandito lang kami nakaalalay Sayo bhe." Madamdamin niyang Sabi.
"Sige na umalis ka na baka namuti na Ang mata ni bhest kahihintay Sayo. Ingat ka kuya" nagwave pa ako Ako sa kanya Bago ito umalis. Napansin ko Ang Isang pamilyar na sasakyan nakapark sa may di kalayuan pero binalewala ko lang ito. Marami namang magkakaparehas Ang ssaakyan. Pumasok nalang Ako sa loob.
Naligo Muna Ako para makapagpahinga Ng maayos. Masyadong nakakapagod Ang araw na ito dahil sa daming nangyari. Hindi ko din maiwasang mamiss at mag alala sa alaga ko Lalo na sa nasaksihan Kong pananakit Ng Ina niya kanina. Hindi ko alam Ang rason nito kung bakit nagawang saktan yong Sarili niyang anak. Sana okay lang Silang lahat Doon.
Hindi ko na dapat Silang isipin. Kailangan ko ng putulin anumang ugnayan ko sa kanila. Kailangan Kong mag move on para sa anak ko. Problema ko pa pala kung paano ko sasabihin sa mga magulang ko. Bahala na. Kailangan ko na rin mag umpisang maghanap Ng trabaho. Dahan dahan ko itong gagawin at uumpisahan ko ito bukas din. Yon Ang mga iniisip ko bago tuluyan hatakin Ng antok.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report