Finding Mommy -
Chapter 47: Takbo
Lindsey POV
Ipinagluluto ko Ngayon Sila Mamita ng pagkain. Natutuwa Ako na nagugustuhan nila Ang mga luto ko kaya nagpresenta na Ako Ang magluluto. Pinapayagan Naman ako ni Mamita pero pinapaalalayan niya Ako baka daw mapagod ako dahil sa pinagbubuntis ko.
Sobra sobra Ang pasasalamat ko sa kanila dahil sa pagliligtas nila sa akin. Hindi lang Isang beses kundi dalawang beses. Flashback:
Nagising Ako sa Isang hindi familiar na room. Tiningnan ko Ang kabuuan Ng silid. Maganda at maayos ito. Nasaan kaya Ako? Naalala ko Naman Ang nangyaring pagtakas ko kaya napabalikwas Ako Ng bangon. Pero napangiwi Ako Ng maramdaman Ang sakit sa kamay ko. Nakita ko Ang suero sa kamay ko. May mga sugat din sa kamay at paa ko.
Narinig ko Ang pagbukas Ng pinto kaya nataranta Ako.
"Gising ka na pala iha? Kumusta? Anong nararamdaman mo? May masakit ba Sayo?" sunod sunod na Tanong nito. Bakas sa mukha nito Ang pag aalala. Pero nakatitig lang Ako sa kanya. Mukha Kasi Siyang familiar sa akin pero Hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.
"Nakita ka namin sa kalsada na humihingi Ng tulong." Sambit nito habang lumalapit sa akin. Umupo ito sa gilid Ng kama at hinawakan Ang kamay ko.
"Dito ka na Namin dinala sa Bahay dahil Sabi mo may humahabol Sayo Bago ka hinimatay. Baka masundan ka Nila kung sa hospital ka namin dinala. At least Dito safe ka dahil Hindi Basta Basta makakapasok dito sa hacienda Ang taga labas na walang pahintulot sa Amin. Nagpatawag nalang ako Ng doctor para mapatingnan ka at magamot na Rin Ang mga sugat mo." Malumanay nitong paliwanang sa akin.
Pero nakatitig pa Rin ako sa kanya pilit na inalala kung saan ko Siya Nakita. Naalala ko naman ang nangyari noong nahospital ako. Siya Rin yong tumulong sa akin noon.
"Ma'am Lena?" sambit ko nang maalala ko na Siya. Ngumiti Naman ito sa akin. Pero Bigla din akong nataranta nang maalala ko Ang anak ko.
"Ang anak ko po. Anong nangyari sa anak ko?" umiiyak Kong sambit
"Don't worry Iha. Okay lang Ang anak mo. Mabuti nalang makapit ito. Pero kailangan mo pa Rin magpahinga" Para naman akong nabunutan Ng tinik nang marinig ko ang sinabi nito. Pero patuloy pa rin ako sa pag iyak nang maalala ko ang ginawa sa amin ni Liam. Nanganib Ang Buhay ng anak ko dahil sa kanya.
"Iha, alam kong mahirap Ang pinagdaanan mo. Pero Hindi makakabuti Kay baby Ang palagi mong pag iyak. Safe kayo dito. Wala Ng mananakit sa Inyo dito. Tutulungan ka namin iha na makalimutan Ang masamang nararanasan mo. Pwede ka rin magstay dito kung kailan mo gusto." Masuyong Saad nito habang pinapatahan ako. Kaya napatingin Ako sa kanya na Ngayon ay maluha luha na rin.
"Maraming Salamat Po talaga Ma'am. Sa pangalawang pagkakataon iniligtas niyo ulit kami ng anak ko. Hindi ko po alam kung paano ko po kayo mababayaran❞ Kung hindi Nila Ako tinulungan baka may masamang nangyari na sa Amin. "Wala yon iha. Nagkataon na nandon kami nong mga panahon na kailangan mo ng tulong. At Masaya kami na tulungan ka. Kaya wag mo ng isipin Ang kabayaran. Hindi kami maniningil. Ang gusto lang namin ay gumaling Kang tuluyan at ingatan Ang anak mo."
"Maraming Salamat po talaga Ma'am" kahit araw arawin ko ang paghingi sa kanila ng pasasalamat hindi Ako magsasawa.
"Call me Mamita Iha. At tigilan mo na Rin ang kapapasalamat" ngumiti ito sa akin at pinahid ang luha ko. "Pag magaling ka na ipapasyal ka namin dito sa buong hacienda. Pwede ka rin naman lumabas habang nagpapagaling ka para makalanghap ka Ng sariwang hangin. Papasamahan nalang kita." Dagdag pa nito. Kaya napangiti na ako. Buong Buhay Kong tatanawin na utang na loob sa kanila ang pagligtas nila sa akin.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Lumipas na Ang Araw, linggo at tuluyan na nga akong gumaling. Sobra akong nag eenjoy sa pamamalagi ko dito sa hacienda. Naging close ko na Rin Ang mga tauhan Dito. Nalaman ko din sa mga tauhan dito na may mga apo Pala Sila mamita pero nasa Maynila. Bihira lang din daw ito pumupunta Dito sa hacienda. Wala din akong makitang mga larawan Ng mga ito sa mansion maliban don sa picture nila mamita Kasama Ang dalawang Bata.
Habang tumatagal nahihiya na Rin ako dito dahil Hindi ako pinapayagan ni Mamita na tumulong sa mga gawaing Bahay. Ayaw ni Mamita na mapagod Ako dahil buntis Ako. Alam na Rin Ng mga kasama namin kahit Hindi pa halata Ang tiyan ko. Mababait Naman Ang mga tao Dito pero Hindi ko pa Rin maiwasan Ang mahiya. Kaya nakiusap Ako Kay Mamita na tumulong Ako sa pagluluto. Mabuti Naman at pinayagan Ako Basta lang may Kasama Ako sa pagluluto. At buti nalang din Hindi ako maselan sa pagbubuntis.
End of Flashback:
Bumalik Ang diwa ko nang marinig ko Ang tawag ni Ate Ana. Siya Ang palagi Kong katulong sa pagluluto.
"Shey, Ako na magtapos Dito para makaligo ka na para makasabay ka sa kina Ma'am sa pagkain" untag nito sa akin. Shey Ang tawag nila sa akin pero si Mamita at Lolo, Linlin Ang tawag sa akin.
"Sigurado ka ate kaya mo na dito?" panigurado ko.
"Oo Naman. Ihahain ko lang Naman Ang mga ito. Sige na. Ako na bahala dito." Kaya tinanggal ko na Ang Apron ko at umakyat sa kuarto. Dito Ako sa Isang guest room pinag stay ni Mamita. Nagpahinga Muna Ako sa terrace bago maligo. Palagi Ako tumatambay Dito dahil kita Mula Dito Ang kabuuan Ng hacienda. Ang sarap talaga Dito. Nakakarelax. Ang Ganda Ng tanawin at sariwa pa Ang hangin.
Napansin ko Naman Ang paparating na sasakyan. May bisita siguro Sila Mamita. Kaya nagmamadali na akong nagtungo sa banyo para makaligo para makatulong na Rin Ako sa pag asikaso Ng bisita nila.
Saktong natapos akong maligo nang may marinig akong katok.
"Shey, pinapatawag ka ni Ma'am para makasabay ka daw sa kanila. At nandito Rin Ang apo nila" kinikilig pa nitong sabi pagkabukas ko png pinto.
"Sige ate. Magbihis lang Ako. Susunod na Rin Ako" Saad ko. Umalis Naman ito agad. Nagmamadali akong nagbihis. Nakakahiya Naman na pag antayin ko pa Sila.
Bumaba Ako kaagad pagkatapos ko magbihis. Nakita ko si Mamita at Lolo na may kasamang lalaki sa hapagkainan. Nakatalikod Ang lalaki sa akin kaya Hindi ko Nakita Ang mukha nito.
"Mamita, sorry Po natagalan Ako" hinging paumanhin ko sa kanila.
"Okay lang iha. Mabuti Naman at nandito ka na para mapakilala kita sa apo ko." Nakangiti nitong Saad Kaya ngumiti na rin ako.
Tumingin Ako sa gawi Ng lalaki na lumingon Rin pala sa akin. Biglang nawala Ang ngiti ko nang makilala ang lalaki. Bigla Naman akong nilukob Ng takot. Paano Niya Ako natunton Dito? Pero bakit parang nagulat din ito nang Makita niya ako? Narinig ko Ang pagsambit Niya Ng pangalan ko kaya until unti akong umatras. Nagsimula na ring maglaglagan Ang mga luha ko. Kumakalabog na Rin Ang puso ko dahil sa Kaba.
Lalapitan na Niya sana Ako kaya tumakbo Ako. Kailangan kong makaalis Dito baka mapahamak na Naman kami ng anak ko. Panay na Ang tulo Ng mga luha ko. Akala ko safe kami dito. Pero bakit nangyari na Naman ito. Kailan ba ito matatapos. Pagod na Ako. Bakit ba nila ito ginagawa sa akin. Wala Naman akong ginawang masama sa kanila.
Patuloy pa rin Ako sa page takbo. Hindi ko alam saan Ako papunta. Gusto ko lang makalayo Dito. Napasigaw ako nang may humablot sa kamay ko.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report