Finding Mommy
Chapter 5: Sagot

(Lindsey POV)

Kinaumagahan nagising Ako na sobrang sakit Ang ulo.

"Sh*t, Ang sakit ng ulo ko. Uhgh" daing ko. Sinubsob ko Ang Ulo ko sa unan na akala mawawala Ang sakit dahil Doon ngunit nandun pa Rin Ang sakit. Tumingin Ako sa alarm clock. Bumalikwas Ako Ng bangon ng Makita ko ang Oras. "Sh*t, sh*t yong interview ko." Nagmamadali akong pumunta ng cr para maligo. Wala pang limang minuto ay natapos na ako. Nagbihis Naman Ako agad, mabuti nakaprepare na Ang mga gamit ko. Hindi ko na inayos Ang hitsura ko. Kumuha lang Ako Ng tinapay at patakbong lumabas Ng aking kuarto habang subo-subo pa Ang tinapay. Tinawag pa Ako ni Nay Perla

"Pasensya na Po nay, may hinahabol Po ako" sigaw ko sa kanya

Mabuti nalang nakakuha Ako agad ng taxi. Habang nasa loob ng taxi pasulyap-sulyap Naman sa akin si manong driver kaya tiningnan ko Ang ayos ko. Napatampal Naman ako sa aking noo. Hindi ko pa Pala naayos Ang hitsura ko. Habang inaayos Ang Sarili ko Panay usal Naman ako Ng dasal na sana makaabot pa ako sa interview kahit alam kong napaka impossible. Alas otso Ang interview ko at past ten na Ngayon. Mabuti nalang Walang traffic at nakarating Naman Ako agad. Pagbaba ko sa taxi tumakbo Ako agad sa kompanyang inapplyan ko. Humahangos akong nakarating sa Information Area.

"Excuse me Ma'am. Nandito Po Ako para sa job interview." Sabi ko sa receptionist

Nagtaka naman itong tumingin sa akin. "anong Oras Po ba Ang interview niyo, Kasi kakatapos lang Po Ng interview Ng mga applicants." Tanong Niya

"Sobrang late ko na nga Po. Nagbabakasakali lang ako na makaabot. Baka Po pwede niyong ipaalam kung pwede po akong mainterview." Pakiusap ko sa receptionist. Alam kong malabo yon pero sinubukan ko pa Rin.

"Sige Po. Wait lang Po tatawag lang Ako sa HR."

"Salamat Po Ma'am." Nakangiti Ako sa kanya habang tinitingnan Ang ginawa nito.

"Pasensya na po Ma'am. Tapos na daw po ang interview at may nakuha na Sila. Magre apply nalang daw Po kayo for another position." Saad nito matapos makipag usap sa telephone.

"Ganon ba. Sige Po Ma'am, maraming salamat" paalam ko dito.

Laglag Ang balikat Kong lumabas sa kompanyang iyon. Hindi ko maiwasan na maging malungkot. Bihira na nga lang yong mga nagreresponse na kompanya sa mga inapplyan ko tapos ganito pa Ang ginawa ko. Kung Hindi lang ako naglasing kagabi hindi Sana Ako nalate. Hindi ko maiwasang manghinayang.

Bigla Naman nagring Ang phone ko. Dali-dali ko itong kinuha sa bag. Si mama Ang tumatawag.

"Hello ma" sagot ko

"Hello ding, kumusta ka na dyan?" Tanong ni mama

"Ok lang Naman Po ako Dito ma.. ito po naghahanap pa rin Ng trabaho. Kayo po kumusta? Si papa? Ok na ba yong operasyon Niya?" Tanong ko

"Ok Naman si papa mo ding, medyo nakarecover na" sagot nito. Pero ramdam ko sa boses ni Mama na parang malungkot ito.

Naoperahan si papa sa gallbladder noong nakaraang linggo.

"Mabuti Naman Po ma. May problema Po ba kaya kayo napatawag?" Tanong Kong may paghinala.

"Yon na nga Kasi ding, yong inutangan natin na ginamit natin sa pag opera Kay papa mo pinuntahan kami kahapon. Kailangan na daw Ang Pera dahil nagkaroon Ng problema yong anak niya na nasa abroad. Gusto na nga ibenta ni papa mo ang sakahan para pambayad kaso lang anak Hindi naman Ganon kadali ibenta yon." Mahabang paliwanag ni mama.

"Kailan daw po ba kailangan Ang Pera ma?" Tanong ko

"Kung maari daw ding next week na." rinig ko ang pagbuntong hininga ni mama.

"Sige Po ma. Hahanap po ako ng paraan dito." Saad ko. Kahit Hindi ko alam kung paano ko gagawin yon.

"Pasensya ka na ding, Ikaw lang talaga Ang maaasahan Namin" malungkot na Sabi ni mama

"Ok lang po ma, naiintindihan ko Naman Po. Sige ma, tawagan nalang Po kita. May gagawin pa ako." Paalam ko

"Sige ding. Mag ingat ka Dyan" pinatay Naman Niya Ang tawag

Bumuntong hininga Ako pagkatapos naming mag usap.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Anong gagawin ko Ngayon?" Problemadong Tanong ko SA sarili.

Meron akong konting ipon sa part time ko ngunit Hindi pa Rin ito sapat sa utang Namin. Malaki din Ang nagastos sa pagpapaopera Ng papa ko. Nakampante Ako na mababayaran Namin yong utang kada buwan dahil yon Naman Ang napagkasunduan. Tumingala Ako sa langit.

"Lord, pwede bang magbaksak ka ngayon din Ng trabaho sa harapan ko mismo?" frustrated Kong sambit.

"Kailangan mo ng trabaho Miss?" Tanong Ng Isang lalaki

Nagpalinga linga pa Ako para masigurado kung ako ba Ang tinatanong nya.

"Malamang Ikaw, nakatingin nga Sayo oh" kastigo Ng utak ko

"Pasensiya na, dumaan Kasi ako sa harap mo at narinig kita na nagbanggit Ng trabaho kaya tinanong kita." Paliwanag Ng lalaki

Tiningnan ko naman ito Mula ulo hanggang paa. Mukha Naman itong desente.

"Hindi kaya scammer ito?" Sa isip-isip ko

"Miss Hindi ako masamang tao kung Yan Ang iniisip mo. Nagkataon Kasi na naghahanap Ang boss ko. Kaya baka gusto mo mag apply. Ayan lang Ang building na pinagtatrabahuan ko oh." Turo Niya sa malaking building sa tapat Sumilay Naman Ang ngiti ko sa sinabi Niya. Parang nabuhayan ako Ng loob.

"Talaga Po?" paninigurado ko pa

"Sumama ka sa akin. May Dala ka namang resume?" Tanong Niya

"Opo. Opo" taranta ko Naman itong kinuha at binigay sa kanya

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"By the way, I'm Melvin, secretary Ako Ng boss ko." Sabay tingin sa resume ko

"So Miss Llano, let's go?" Aya into

"Ok Po Sir" masayang sagot ko

Pagpasok Namin Ng building namangha Naman Ako sa loob. Napanganga ako habang tinitingnan Ang buong paligid.

"Good morning Sec" rinig Kong bati Ng mga taong nakakasalubong Namin sa lalaking Kasama ko.

"Sec, deretcho ka daw sa conference room Sabi ni Sir." Sabi Ng Isang receptionist Doon

"Ok. Thank you Rose" sagot Niya sa receptionist

Pumasok na kami sa loob ng elevator at pinindot Niya Ang no. 25 at 28.

"Wow, Ang Taas Pala Ng building na ito." Manghang sambit ko sa sarili

Bumaling Naman Ang lalaking secretary sa akin.

"Sa 25th floor lang Ako dahil may meeting si boss at kelangan Niya ako don. Derecho ka sa 28th floor. Tapos may makikita Kang office doon may nakalagay CEO Office, pasok ka Doon at mag antay ka lang. May meeting pa Kasi si boss. Siya kasi mismo Ang mag interview Sayo." Mahabang paliwanag Niya

"Ok Po Sir" sagot ko na may kasamang tango.

Habang tinutungo Ang 28th floor, diko Naman maiwasang Hindi mapaisip.

"Sana ito na nga Ang inaasam-asam Kong trabaho. Sana ito na Ang sagot sa panalangin ko."

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report