Flaws and All -
Chapter 13- Last Dance
"Xochitl, anak? Try this one" rinig kong sabi ni Mommy sa labas ng fitting room, I wiped away my tears saka ko inabot ang binibigay nyang dress.
"I'll just pay for these, hija. You can check the nearby stalls, i'll text you nalang." ngumiti lang ako kay mommy at nagsimulang mag lakad lakad para maghanap ng ibang fashion stalls. Pumasok ako sa isang sneaker stall, may nakita kasi akong maganda shoes.
Tumingkayad ako para abutin ang sapatos, napaatras ako ng may umabot doon at inabot sa akin.
"Alone?" si Daevon.
"Uy, hindi kasama ko si Mommy. Ikaw?" ngumiti sya at kinagat ng bahagya ang kanyang labi.
"Yeah, I'm alone. Bumibili lang ako ng ibibigay para sa prom date ko." aniya.
"May prom date ka na? Kelangan ba meron?" tanong ko, he shook his head. Sumenyas ako sa isang sales lady at sinabi ang size na para sa akin.
"Wala pa nga, hindi naman kelangan pero iba parin pag may kadate. Kung wala ka pang kadate eh di tayo nalang? Promise, I will be good this time. Sasayaw lang naman eh" napa-sige nalang ako tutal ay wala naman akong kadate. Pagkatapos magbayad ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Sinundan ko na si mommy sa second floor dahil doon daw kami kakain.
"I called someone to help me with your hair and make up, hija. Kulang pala ang gamit ko."
"It's okay ma, para less hassle na rin po sainyo." nakaharap ako sa vanity mirror habang nakikinig sa music.
"And one more thing hija, I didn't like the dress that you bought yesterday. Kaya I asked my friends to provide you some of their designer gowns, okay lang naman sayo hija, diba?" "Okay lang po, alam ko naman po na mas may alam kayo sa fashion kesa sa akin"
Mga ilang minuto lamang ay dumating na ang stylist friend ni Mommy, may mga dala itong gown at sinabit nya ito sa gilid para aking pagpilian.
Itinuro ko ang isang white gown, nagustuhan ko talaga ito unang kita ko palang. Matatakpan nito ang braso ko.
Light make up lang ang inilagay ni mommy sa mukha ko, mas gusto ko iyon kesa makapal. Light lang rin ang lipstick.
Normal na hair do lang ang ginawa sa buhok ko, nakatali lang ito pataas at medyo kulot ang dulo. Inayos rin ang bangs ko. All in all, I like my hair and make up.
Isinuot ko na ang gown na napili ko, it is a white and red haltered, floor length gown. Off shoulder ito and kita rin ang likod. But I feel so comfortable with this gown, gusto ko talaga ito. Napapalakpak si mommy at ang mga kasama nito pagkalabas ko ng aking kwarto, nahihiya akong napangiti at sinipat ang aking gown.
Sinigurado kong makapal ang takong ng aking heels, kahit nagbawas ako ng timbang ay natatakot akong baka bumigay ito sa akin.
"My baby girl, dalagang dalaga ka na anak" my eyes began to water while she's checking on me. Ngayon lang ako inayusan at inasikaso ni Mommy ng ganito sa harap ng mga amiga nya. "Bagay mo ang pagpayat anak, unting push pa" nakangiti akong tumango saka nya ako bineso.
Late ako ng limang minuto, nakapaglakad na silang lahat. Kaya sa gilid na ako pumasok, hinanap ko kung nasaan si Prim. Nakita ko syang katabi si Ely at Ryan.
Sinenyasan ko si Prim, napangiti sya nang makita ako. Agad syang lumapit sa akin at bumeso.
"Woah! Ikaw ba talaga yan? Ikaw ba talaga yung bestfriend ko? Ilabas mo si Xochitl!" aniya, napahalakhak ako sa sinabi nya.
She's wearing a pink floral dress na may slit sa gilid. I'm not good with fashion terms. Nakaflower crown rin sya at nagmukha syang diwata.
"Anyway, halika na. I reserved a seat for you."
"Uy iba! Ang ganda mo ngayon ah? Muntik na kitang di makilala, pautograph naman po!" biro ni Ryan, inabot nya pa sa akin ang isang tissue at ang ballpen nya. I crumpled the tissue at binato iyon sa kanya, humalakhak lamang sya.
"Grabe, crush na kita" sabi ni Ely.
"Buang ka!" sabi ko sakanya, tumawa lang rin ito at nakipag apir kay Ryan.
Ginala ko ang mata ko at tinignan ang venue. White and blue ang kulay ng buong venue. May nga ilang helium balloons na nasa gilid at marami ring balloons sa floor. "Excuse me, miss. I think that's my seat" sabi ng babae sa likod ko, nang lingunin ko ay si Amaryllis iyon. Napalunok ako at napatingin kay Prim.
"I reserved that seat for my best friend, excuse me" masungit na sabi ni Prim sakanya. Tumaas ang kilay nito na agad ring binaba ng matanaw si Zarette.
He's wearing a suit, a white polo underneath and a red tie. He sighed nang makita ako.
"Prim, its okay. Pwede naman ako lumipat sa tabi ni Kiko" nasa kabilang table si Kiko at hawak na naman ang cellphone. He's with Aveline, kaya okay lang na doon ako pumwesto.
"Lilipat ng upuan si Crush!" biro ni Ely, ngumisi pa ito kay Zarette. I crumpled another tissue at binato iyon sakanya.
"Remembrance" aniya saka binulsa ang tissue.
Nilagpasan ko si Zarette, pigil hininga akong dumaan sa gilid nya at tinungo ang bakanteng upuan sa tabi ni Aveline.
"Oh! Pak! Uwian na, may nanalo na!" sabi agad ni Aveline habang umuupo ako. Tipid lang akong ngumiti sakanya.
Sa gilid lang ako tumitingin dahil kaharap ko ang table nila Prim, at nakikita ang paguusap ni Zarette at Amaryllis.
Pinaglaruan ko ang hawak kong wine na may lamang red wine. Sumimsim ako ng kaunti at nanuod ulit ng mga sumasayaw. May lumapit sa aking isang officer at binulungan ako.
"Ay no, hindi ako pwede. Wala akong napractice ngayon" umiling ako sakanya. They are asking me to perform!
"Sige na, kahit duet nalang kasama si Daevon. Please? He's waiting" aniya, hinanap ko ang tinuro nya at nakitang nakaupo na si Daevon sa harap ng piano.
Napasulyap ako sa table nila Zarette at nakitang nagtatawanan silang dalawa, inubos ko ang laman ng baso ko at sumama na sa officer na kumausap sa akin. "Wow, you look so beautiful" sinipat ako ni Daevon mula ulo hanggang paa, namula ako at tumabi na sakanya.
"So what are we going to sing?" tanong nya. "This is for you" aniya at binigay sa akin ang tatlong rosas na kanina ay nakapatong sa piano.
"Uhm, we don't talk anymore. Yung kay Selena at Charlie" sagot ko. Ngumisi sya "Well, we'll talk again soon." nakangiti nyang sabi bago tinipa ang piano. Nakatingin sya sa akin habang kinakanta ang linya nya. He look so dapper tonight, maayos rin ang kanyang buhok.
I just heard you found the one, you've been looking
You've been looking for
I wish I would have known that wasn't me
Cause even after all this time
I still wonder
Why I can't move on
Just the way you did so easily
Habang kumakanta sya ay nanunuod ako ng ilang sumasayaw sa gitna ng dance floor, pasimple rin akong tumitingin sa table nila Zarette.
They are thing laughing at each others joke. Its so easy for her to make him laugh, to make him smile.
Habang ako, laging nakakunot ang noo nya sa akin. Kung hindi naman laging seryoso.
Don't wanna know
Kind of dress you're wearing tonight
If he's holdin' onto you so tight
The way I did before
I overdosed
Should've known your love was a game
Now I can't get you out of my brain
Oh, it's such a shame
Tumingin ulit ako kay Daevon at inenjoy ang maganda nyang boses, isa pa ito sa nagustuhan ko sakanya dati. He can sing well.
I just hope you're lying next to somebody
Who knows how to love you like me
There must be a good reason that you're gone
Every now and then I think you might want me to
Come show up at your door
But I'm just too afraid that I'll be wrong
Pikit mata kong kinakanta ang bawat linya ko, remembering every scene kapag nakikita ko silang magkasama.
Iyong lalapit na sana ako pero makikita ko silang dalawa at magtatawanan. Mali nga ako, hindi ako ang kelangan nya.
Don't wanna know
If you're looking into her eyes
If she's holdin' onto you so tight the way I did before
I overdosed
Should've known your love was a game
Now I can't get you out of my brain
Oh, it's such a shame
Bumigat ang dibdib ko kaya naman hinarap ko si Daevon hanggang sa matapos ang kanta. Matamis ang ngiti nya sa akin saka nya ako hinalikan sa sentido. Hinatid nya ako sa aking upuan at inayos ang aking gown.
I suddenly felt that odd feeling, pakiramdam ko ay may nanunuod sa bawat kilos ko. Ginala ko ang aking paningin at nakitang nakatingin si Zarette sa akin. Iniwasan ko ang tingin nya at uminom ulit sa baso kong ngayon ay may laman ng muli.
Ang kaninang alive na music ay napalitan ng pang slow dancing, mas lalong dumami ang nagsayaw sa gitna ng dance floor.
Prim is dancing with Ryan, Aveline is with Kiko nagulat pa ako ng ayain ni Kiko ang kaibigan ko. Natawa nalang ako ng ngumuso si Aveline at sumunod nalang sa dance floor.
I was left alone, playing with my phone. Hindi ko na rin hinanap pa si Zarette dahil nakita ko na syang hila hila ni Amaryllis kanina.
"Ang ganda ganda tapos nasa sulok lang..." si Daevon. "shall we?" sabay alay nya ng kamay sa akin. Inabot ko iyon at sumama sakanya sa gitna ng dance floor. Napatigil ako nang makitang makakatapat namin sila Zarette. Amaryllis' hand is wrapped around his neck, habang ang kamay nya naman ay nasa bewang nito. Napabuga nalang ako ng hangin at pilit na ngumiti kay Daevon. I placed my hands on his broad shoulder, habang ang kanya ay nasa bewang ko. Sinandal ko ang ulo ko sa kanyang dibdib at doon huminga. I tried to hold back my emotions, dapat ay masaya ako ngayon.
I bit my lip and tried to enjoy the song, na hindi ko alam kung nangaasar ba o ano.
Broken strings by James Morrison ang kanta.
Ngumiti ako kay Daevon bago natapos ang kanta, mabuti nalang ay dim lights at di nya nakita ang mata kong basa.
Sarap paluin sa pwet ng luha ko, ang tigas ng ulo di nakikinig. Sabi ko don lang sila sa mata ko, lumabas parin!
I sniffed at pasimpleng pinunasan ang mata ko. Hinatid nya ako sa upuan pagkatapos ng sayaw at pinanuod syang bumalik sa kanyang upuan.
"Bakit hindi si Chairman ang nagsayaw sayo? Saka bakit iba yung kasayaw nya?" siko sa akin ni Aveline. Nagkibit balikat nalang ako at sumubo sa kakaserve nilang pagkain. "break na ba kayo? Sinong nagloko?" tanong nya ulit, nagkibit balikat ulit ako.
"Walang ganon, hindi nga kami. Tanong mo pa kay Kiko" tumango naman si Kiko habang naglalaro parin ng mobile legends.
I grabbed my phone at naglaro rin ng kahit anong larong mapupusuan.
May mga ilan na nagbigay ng flowers at chocolates sa akin at inaya akong magsayaw, hindi naman ako makatanggi dahil iyon na ang pasasalamat ko sa mga bigay nila.
"Wow daming flowers and chocolates ah" biro ni Prim. "Bigay lang nila, hindi ko rin kakainin yan lahat" nkatayo sya sa gilid ng upuan ko at tinitignan ang mga bulaklak na natanggap ko. "Daming gustong maisayaw ka ah, iba ka na ngayon bestfriend!" aniya.
"Ano ka ba? Mas marami sayo ano, doon ka na nga baka mamaya mangawit ka pa dito kakatayo" humalakhak lang sya at bumalik sa table nila.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"My crush for this night, may I?" sabi ni Ely, natatawa akong hinawakan ang kamay niya at sumama sakanya sa dance floor.
We danced with Boys like Girls' Two is better than one.
Marami syang jokes na binitawan kaya naman habang nagsasayaw kami ay nagtatawanan rin kaming dalawa, hawak nya ang kamay ko at ang isa ay nasa balikat nya. "Ang ganda mo talaga ngayon, autograph ko mamaya ah?" biro nya.
"Sira ka!" natatawa kong sabi.
"Hindi yun pambobola, ang ganda mo talaga ngayon." I thanked him at tinapos na ang sayaw.
Masakit na ang paa ko kaya pasimple ko itong minasahe, okay pa naman ako kahit medyo masakit na ang aking talampakan.
Malalim na ang gabi, alas diyes na. Medyo antok na ako, mabuti nalang ay naging alive na ulit ang mga kanta at may ilan na nagintermission number.
May mga ipinalabas rin silang parodies na nagpatawa sa lahat. Nag serve na rin sila ng foods, kumuha lang ako ng fish fillet at kaunting kanin. Kinuhanan rin ako ni Aveline ng smores.
I grabbed my purse and searched for my breath spray, nag spray ako ng tatlong beses at nagsalamin para icheck kung maayos pa ba ang itsura ko. I retouched my lipstick at mukha na naman akong maayos. Alas dose na at tatapusin na ang program, antok na ako at miss ko na ang kama ko.
Dear Bed, wait for me. Long distance relationship be like.
"And now we would like to announce our King and Queen of Hearts for this year's Promenade." rinig kong sabi ng emcee, pumikit muna ako at iniisip ang kama kong naghihintay para sa akin.
I imagined how soft and bouncy my bed is, how fluffy and huggable my pillows are and how my blanket keeps me warm.
"Our King of the night is no other than Zacchaeus Everette O'brien... And our Queen of the night is..." si Amaryllis na yan, yumuko ako at pinagpatuloy ang pagidlip ko.
Hindi ako natinag sa pagidlip kahit narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Sleep is lifer. Baka si Prim lang yon.
Nawala ang antok ko ng may paulit ulit na tumapik sa pisngi ko.
"Aveline, ano ba?" masungit kong sabi, nagangat ako ng ulo at nakita si Zarette sa nakatayo sa gilid ko.
"Bakit?" tanong ko.
"Girl, kayo ang King and Queen of Hearts" rinig kong sabi ni Aveline saka nya tinusok ang tagiliran ko. Ngiting ngiti ito at kilig na kilig.
Ilang beses nya rin akong hinampas!
Is she for real? Umirap ako at yumuko ulit, pero agad rin akong nagangat ng tingin at tinignan ang seryosong si Zarette.
"May we call on Mr. O'brien and Ms. Bloom for the closing last dance" sabi ng emcee, luminga linga pa ako para icheck kung biro ba to o hindi.
"Can I have this dance?" he offered his hand after, ilang segundo ko iyong tinignan at ilang beses rin akong lumunok bago ko iyon inabot. He look so dead serious right now
Nagwala na naman ang sistema ko at lumakas na naman ang tibok ng puso ko.
"Ladies and Gentlemen tonight's King and Queen of Hearts" nagpalakpakan lahat ng tao, singlakas ng kabog ng puso ko.
Cupid by 112 played as we entered the dance floor.
He placed my hands around his neck, and he placed his on my waist. A picture of him and Amaryllis dancing awhile back flashed into my memory. Ganitong ganito ang itsura nila kanina.
He placed his head on my shoulder, kung kanina ay mukha kaming nagsasayaw ngayon ay mukha na kaming magkayakap.
"Yesterday, about the phone call... Hindi ko ibibigay sayo yung huli mong sinabi." I closed my eyes and listened to his heartbeats instead.
"I miss you so bad, Madox. You're killing me" bulong nya. I held back my tears, mas gusto kong manahimik nalang sya, I don't want to hear his words anymore. Ayoko ng mahulog pa.
"Bakit ba ang hilig mong umiwas? Dahil ba alam mong maghahabol ako? O dahil wala ka lang talagang pake sa nararamdaman ko? Come on Madox, just say a simple word and that would be enough"
"I'm tired" iyon lang ang nasabi ko, sakto namang natapos ang kanta. Magisa akong bumalik sa upuan ko at doon yumuko ulit.
Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng bumalik sa dati ang lahat.
Mas gusto ko yung alam kong wala akong pagasa sakanya, yung ako yung naghahabol, yung alam kong langit sya at lupa ako.
Ayoko yung ganito na alam kong may pagasa pero alam kong sobrang imposible. Ako lang naman to, I am only good at eating! Para lang akong nasa panaginip na lahat imposible, pero babalik at babalik sa reyalidad na hindi ito totoo, tapos ako lang rin ang masasaktan sa huli.
Hay saan ko ba to hinuhugot. Bakit ba ganito?
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report