Flaws and All
Chapter 27-Meeting

"Napakamalas na araw" bulong ko sa sarili ko, pabagsak akong humiga sa kama ditonsa guest room. "Pasok" sigaw ko ng may kumatok sa pinto.

"Oh hija? Dito ka matutulog?" tumango naman ako kay manang. "Malinis na ang kwarto ko, doon ka nalang" umiling lang ako kay Manang.

"Dito na ho, nakahiga na ho ako eh. Kayo, magpahinga na kayo ako na bahala mag ayos dito bukas"

"O sya sige" isasarado nya na ang pinto nang dumungaw sya ulit at nagsalita "Sya nga pala galing dito si..."

"Wag nyo na ituloy manang. Hayaan nyo na. Sa susunod wag nyo nang papasukin" tumango lamang ito at sinara na ang pinto. I sighed deeply and massaged my temple.

Ilang beses akong nag mura sa isip ko habang inaalis sa isip ko ang ala-ala ng nakaraan. Ala-alang ayoko ng balikan.

Sunday is a "me" day. I need to de-stress. Isang linggo na ako dito sa Pilipinas at hinahanap ko parin ang malamig na klima ng Las Vegas.

Dagdag mo pa na lagi akong babad sa computer dahil sa mga inventory. Madami na namang dumating na stocks at kung ano pa na para sa kusina.

Massage, legs waxing at facial ang pinaservice ko. I spent two hours or more at the spa, nakatulog nga yata ako dahil naenjoy ko talaga, nagising lang ako dahil kailangan kong dumapa para sa waxing at massage.

"Miss how much for the half legs wax, diamond peel facial and whole body massage?" nilapag ko ang card ko habang naghihintay ng aking bill.

"It's already paid ma'am" saka ito ngumiti sa akin.

"Paid?" nakakunot kong sabi, hindi ko kasi maalala kung kelan ako nagbayad.

"Yes ma'am. Your boyfriend paid for all the service ma'am. Hintay daw po muna kayo dito dahil bumili lang daw po sya ng snacks nyo." I gulped and cleared my throat after, ngumiti ulit ang receptionist, hindi sa akin kundi sa taong kapapasok lang.

And because I am facing a mirror behind the receptionist kitang kita ko kung sino iyong pumasok. Ilang beses akong napalunok bago kumalma.

"Pero all in all miss magkano yung service ko?" tanong ko ulit.

"Five thousand seven hundred sixty ma'am" basa ng receptionist sa computer nya. I sighed and reached for my cheque book, wala akong dalang bills dahil loaded ang cards ko.

Sinulat ko ang six thousand pesos sa cheque at inabot sa taong nasa likod ko, hindi ko na sya tinignan pa and stormed out of the salon.

"Madox" tawag nya ulit, ilang beses akong napamura dahil malapit na sya at di pa nagsasara ang elevator.

"Fucking elevator" mura nya nang makapasok sa elevator, napamura rin ako nang aktong lalabas ako ay sumara ang elevator.

Great.

Fucking great.

Lumandas ang kamay nya sa kamay ko agad akong lumayo at sumandal sa gilid. Pinanood nya lang ako at sumandal rin sya sa kabilang dulo.

"Sabi ko na nga ba uuwi ka" he stated. Kahit sabihin kong wala akong pake ay nakikinig parin ako sakanya.

"I opened your e-mail and saw a copy of your flight itinerary" pumikit ako at minasahe ang noo ko.

"Just continue acting as if I am not here. Gusto lang naman kitang makita, and I want to remind you of our meeting." napatigil ako sa pagmamasahe sa aking noo pero hindi ko pinahalata ang gulat. Meeting? For what?

"I invested in your restaurant years ago, wala akong planong mag franchise ng branch noon, gusto ko lang mag invest." aniya.

"Pero nakabili ako ng lupa malapit sa main branch ng kumpanya nila daddy, actually sa gilid lang ng building na iyon. Gusto ko sanang mag tayo ng branch doon, for my employees, para na rin sa ilang events." "If your father haven't informed you yet, sa tuesday ang meeting natin. I will call your secretary for the details."

Nanuyo ang lalamunan ko at gulong gulo ang utak ko.

Damn it! May hindi sinabi sa akin si Daddy!

"Dad" I said in a low warning tone, I heard him groan on the other line narinig ko rin ang pag tawag sakanya ni Mommy.

"He called just last week anak, nasa ere ka noon at papasok kami ng eroplano kaya nakalimutan ko ng itawag sayo"

"Sige na anak, nasa honeymoon kami ng mommy mo ano ba? Ingat anak, be good to-- "Why would I be dad? Bye, kayo ang dapat mag behave. Love you"

"Damn it" I tossed my phone to the bed and got undressed. Parang mas na-stress ako sa de-stressing day ko.

Nakaidlip ako saglit sa bathtub, nag subside na rin ang ilang bula mula sa paborito kong bubble bath. Nagpatuyo at nag bihis pagkatapos.

I opened my laptop changed my e-mail password, and check some e-mails.

Actually, hindi ko naman ino-open ang e-mail na ito. E-mail ng business ang binubuksan ko.

Kaka-scroll ko ay napansin ko ang isang e-mail mula sa kanya. It was sent last year.

Tumitig lang ako sa monitor ng laptop ko at paulit ulit binasa ang e-mail address nya.

Madoxxxx_ZEObrien@icloud.org

I sighed heavily, hindi ko alam kung babasahin ko ba yon o hindi. Hindi ko gustong basahin, siguro bubulukin ko nalang ito dito sa inbox ko. Siguro dapat wala na akong pake sa kung ano mang meron dito sa e-mail na to.

Pinatay ko na ang laptop at humiga sa kama. Nasa guest room parin ako at wala nang balak na lumipat pa sa aking kwarto, I have everything I need here on my luggage.

Pag pikit ay naisip ko ang itsura nya kanina, ang daming nag bago sakanya. Sya yung tipong pang CEO, tumangkad at parang naging mas masculine ang itsura nya. I brushed him off of my mind and tried to sleep.

Tuesday. Doomsday. I'm wearing jeans and white off shoulder top. Ganito lang naman kasi ako sa office, I don't have any dress code, sa mga empleyado lamang meron. Three storey building ang main branch at sa third floor ang office ko, nasa floor na din na yon ang event hall namin.

Ako, si Veron at ilang empleyado na in charge sa stocks ang kasama ko sa floor, tatlong office lamang ang nandon. Ang nasa gitna ay ang akin.

Doon din sila nagkakaroon ng meeting, ibig sabihin dito ko ime-meet si Mr. Name that I should forget. Tama, that's the right term.

"Maam, andito na po si Mr -- "Let him in." pagputol ko sakanya. God, I hate this. I fanned myself with a folder before facing him.

He's sitting at the opposite side of my very table. Babatiin nya sana ako pero inangat ko ang isang daliri ko para patahimikin sya. It's not a Good morning.

"Do you often do that to your inverstors?" He said, eyes squinted, arms crossed.

"So what's this meeting all about?" malamig kong tanong sakanya.

The meeting went on smoothly, same old professional Mister. Wala syang isiningit na iba pang topic sa usapang business.

Kaya nga lang bawat magsasalita sya ay tumitingin sya sa akin at hinuhuli ang mga mata ko, I would just look away and avoid those eyes.

He offered a handshake after but I just smiled and focus on my laptop. Hinintay ko syang mag ayos ng mga folder at ilang gamit na kanina ay nilapag nya sa table, hanggang sa napansin kong binabagalan nya ang pag aayos ng gamit nya. "I can see you're doing great" aniya. Lumunok ako at huminga ng malalim.

"Wala akong rason para hindi maging okay. Masaya ako ngayon"

"Hmm. Boyfriend?" jlhhas

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"No personal questions, mister." tipid akong ngumiti sakanya at tumipa sa aking laptop... Pero wala naman akong balak itype.

"I'm just asking, miss.. is. Para alam ko kung may kelangan ba akong sipain paalis sa buhay mo. I've to go" hindi ko naintindihan yung ibang bahagi ng sinabi nya, tumango nalang ako at nagpakawala ng buntong hinga nang makaalis sya. "Galing daw dito si kuya? Anong meron?" tanong ni Prim, nagdala sila ng shawarma at ice cream dito sa office. Marami silang free time.

"Yup. Para sa pagpapatayo nya ng branch ng restaurant sa tabi ng building nyo. Yun lang" sabay kagat sa pizza slice na hawak ko. Nagkibit balikat nalang sya, pati sila Aveline at Bree ay nagkibit balikat rin.

"So you'll meet him again?" tanong ni Bree.

Tumango lang ako at nilunok ang pagkain ko.

Of course I have to meet him again, it's our business that he's franchising.

"What if he's trying to win you back? What if lang naman" Aveline blurted out, binaba ko ang aking baso at huminga.

"Why would he want me back?" pagbabalik ko ng tanong.

"Kasi... uhm, he didn't want you out of his life in the first place?" sabad ni Bree. I faked a smile.

"But he pushed me away, girls. Stop na"

"Pero hindi nya ginusto na maging..." Prim stopped and sighed when I covered my ears, I don't want to hear anything. Not now.

Kahit gustong i-explain ni Prim ang alam nyang nangyari sa kuya nya hindi nya magawa dahil ayaw nya namang pwersahin ang kaibigan nyang makinig.

Alam nilang tatlo ang nangyari, maging sila ay nasaktan sa paghihiwalay ng dalawa. At mas nasaktan sila nang umalis si Madox ng walang paalam, ni ha o ni ho wala silang narinig nalaman nalang nila na wala na sya nang isang linggo na siyang hindi nagpapakita.

For them it's unfair, but leaving was the best choice for her to forget. Lahat ng nasaktan gustong magpakalayo layo, thinking that the distance or whatever it is can mend their broken hearts.

Unfair because she didn't even let him explain his side.

"For me lang ha girl, you deserve the truth and Zarette deserves to be forgiven too" I squinted an eye when Aveline mentioned his name.

"I'm not saying shit because I want you guys back together, I just think you should hear another side of the story too. May mga dapat kang malaman, maraming dapat itama"

"Aveline, that won't change the fact na nasaktan na ako, at wala na kami."

"But that would change your perspective about everything, Xochitl" singit ni Bree. Pakiramdam ko ay pinagtutulungan ako ng tatlong ito.

"Hindi lang ikaw ang nasaktan at naagrabyado, Madox" my heart started to thump harder when Prim called me by that name, I didn't hear her voice but I heard his, the way that he calls me by that name. "Mahal ka parin ng kambal ko hanggang ngayon, Madox. Alam na alam kong hindi ka na makakatakas ulit ngayon"

Pagkatapos nang sinabi ni Prim sa akin noong isang linggo ilang meetings at tawag ni Zarette ang dinecline ko.

Ilang beses ko ring tinanong ang sarili ko kung tama bang andito ako sa Pilipinas, gusto ko ng bumalik sa las vegas ulit at doon nalang mamuhay ng tahimik.

Kumulo ang tyan ko dahil sa gutom, nakaligtaan ko pang mag breakfast kakamadali ko. Sinipat ko ang orasan at nakitang alas dose na pala ng tanghali.

Kita mula sa labas ng aking office ang tirik na tirik na araw, naisip ko tuloy na magpadelivery nalang ng pagkain.

Pero gusto ko rin namang mag try na sumubok ng ibang pagkain sa labas.

Nakarinig ako ng tatlong katok, si Veron siguro kaya sinabihan ko nang pumasok.

Pero si Zarette ang niluwa ng pinto at nakakunot ang noo nya sa akin pag pasok.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"What's with cancelling meetings and ignoring my calls, Ms. Bloom?" napalunok ako lalo na at maawtoridad ang boses nya at tinawag nya ako sa aking apelyido.

"I can stand you ignoring my personal questions, but I need your answers regarding our partnership. Gusto mo bang masira ang business na tinayo at inalagaan ng mga magulang mo? Atleast show me professionalism"

Todo ang pagkalabog ng puso ko, para akong batang pinapagalitan ng magulang dahil ayokong basahin ang mga librong binili para sakin, o dahil ayokong pumasok at magpaiwan sa school.

Napakagat nalang ako sa pang ibaba kong labi at yumuko.

"H-indi ko lang maisingit sa schedule ko." palusot ko.

"Bullshit!" mura nya, naginit ang sulok ng mga mata ko kaya napaiwas ako ng tingin at binalik ang atensyon sa aking computer.

Ni minsan ay hindi nya ako minura. Pakiramdam ko tuloy ay tila nasagad ko ang pasensya nya.

"I-im sorry, I won't let it happen again" matabang kong sabi.

Isinuklay ko ang daliri ko sa aking buhok at kunwari ay may tinitignan sa aking computer.

Narinig ko ang pagbuntong hinga nya, walang sabi sabi ay umupo sya sa katabi kong swivel chair. Halos atakehin ako nang hawakan nya ang kamay ko at pinagsaklop ang mga daliri namin.

"Ilang beses mo na akong tinakasan Madox, hanggang ngayon tumatakbo ka parin. Nakalimutan mo na ba yung sinabi ko? Kahit anong takbo mo ako parin ang nasa dulo ng finish line." he kissed the back of my hand giving me a chilling sensation down to my spine.

Pinilit kong bawiin ang kamay ko sakanya pero ayaw nya itong bitawan. Todo na ang paghuhurumentado ng dibdib ko dahil sa hawak nyang iyon.

"Sinugurado ko na, kahit kalabanin ko pa si Kupido, lahat ng santo at ang Lumikha, sakin ka lang."

Tumayo na sya at inayos ang pagkakatiklop ng kanyang sleeves. Hindi ko maalis ang tingin ko sakanya habang kalabog ng kalabog ang puso ko. I can always run, but I can't break free from him.

Kahit anong liko, kahit ilang beses umiwas, tila ang finish line ko ay laging sakanya.

Sakanya lang lagi.

Sakanya parin.

Sakanya lamang.

Gutom na gutom na ako, pero hindi ako makaalis, hindi parin sya umaalis. Busy sya sa laptop nya habang ako busy busyhan kunwari.

Sinilip ko ang ginagawa nya at nakita kong namimili sya ng mga furnitures para sa restaurant.

Tila nahanap ko ang kapayapaan kahit alam kong katabi ko sya, katabi ko ang dahilan kung bakit ba ako umalis ng Pilipinas at pilit tumakas sa sakit.

He extended his arm to my back rest, tila pasimpleng pag akbay habang tutok ang mata nya sa kanyang laptop.

"Lunch?" aniya.

"Busog pa ako" pero traydor ang tyan ko dahil bigla itong tumunog na para bang nagkakaroon na ng gyera sa loob nito. Walang pakisama!

"But that sound says otherwise. Halika na, we'll eat" nakangisi nyang sabi, sabay suot ng kanyang sunglass.

Hinila nya pa ako patayo, tumitig sya sa akin at ganon rin ako sakanya. Ano bang nangyayari sa akin? It felt like I am enthralled by him.

Ipinatong nya sa balikat ko ang kanyang coat.

"Umaambon sa labas, sa gilid ako nagpark." napatango nalang ako at tinungo ang pinto. Bubuksan ko na nang isara nyang muli, hinapit ako sa bewang at lumandas ang labi nya sa gilid ng aking labi. "I'm sorry if I scared you and sorry for cursing."

Hindi ko alam, tila huminto ang mundo ko, parang hinugot lahat ng sakit, parang gustong magmahal ulit lalo na nang...

"Namiss kita, mahal"

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report