Flaws and All
Chapter 29- Around

Sinantabi ko ang mga bulaklak at napainom nalang ng tubig. Hindi na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha kahit habang tumitikim ng mga sineserve. Hindi ko tuloy alam kung okay ba yung mga pagkain. "Zarette, okay ba?" I finally had the guts to ask. Tumango lang sya at nagpunas ng bibig.

"Ako, hindi mo ba ako tatanungin kung okay ako?" tanong nya nang ihatid nya ako sa opisina ko, kanina pa sya tahimik, tango lang ang sinasagot nya sa mga sinasabi ko kanina sa baba. "Then... are you okay?"

"Hindi." sabay sandal sa pinto ng opisina ko at humalukipkip doon. "I've never been this jealous, I've never been this insecure."

Hinila nya ang kamay ko at maya maya ay nasa pagitan na nya ako at ng pintuan. He sniffed my hair and planted a soft kiss on my head.

"I still love you even if it hurts." humalik pa sya sa pisngi ko bago ako pinatabi at lumabas ng opisina.

I was left there stunned.

Napaupo nalang ako sa akong table at doon pasimpleng sinilip ang pagsakay nya sa kanyang sasakyan.

My heart constricted when he looked at my direction. Mas lalong sumikip ang dibdib ko nang paulit ulit na nagplay sa utak ko ang sinabi nya. "I still love you even if it hurts"

Paano ba magmahal ng wala dapat masasaktan? Wala namang ganon, kapag nagmahal ka kasama na doon pati ang sakit. Its like a package deal. Mahal nya parin ako kahit masakit na.

And that's Love. I guess.

"So ano na beshy? Di pa rin kayo nagkakaayos ng Mister Serious Black of your life mo? Balita ko kay manang andito sya kanina" sabay kagat sa hawak nyang mansanas. "Hay nako Bree."

"Ikaw rin beshy, kakatakbo mo at kakahabol nya sayo maiba sya ng liko mapunta sa iba. Ikaw rin" pananakot sakin ni Bree, I tried to shrug it off but it bothered me. "Nasan na ba yung dalawa?" pag iiba ko ng usapan, she smirked bago nginuso ang dalawang paparating at may hawak na tray na may lamang cupcakes. Pagkalapag na pagkalapag ng hawak nilang tray ay inusisa agad ni Prim ang brown envelope na nasa harap ko.

"Ay, alam ko kung anong laman nito" she flashed a smug smile before showing Aveline the envelope.

"Ako rin." napangiti nalang din ng malawak si Aveline.

"Ano laman nyan?" usisa ko.

"Kaya ibinigay sayo para malaman mo" bored na sagot ni Bree.

"So alam nyong lahat kung ano to?" tanong ko, sabay sabay silang tumango.

"Hindi ko talaga alam kung bakit takot na takot ka sa katotohanan girl, the truth will set you and Zarette free." tinapik ni Aveline ang braso ko, it sent chills down to my spine.

"Sabi ko nga sakanya kakatakbo nya maiba ng liko si Zarette sa ibang babae mapunta. We all know that you're still into her Madox, and the feeling is mutual. Gusto mo bang makuha ng ibang babae ang Serious Black ng buhay mo?" Nagkibit balikat ako dahil hindi ko sigurado ang isasagot sa tanong na iyon.

"Hindi habang buhay maghahabol sayo yung tao. The clock is ticking my dear friend, isa pa ang daming nakapila sa lalaking yon naghihintay na mapalitan ka sa trono"

"Kayong dalawa Aveline at Bree ha, ano ako maghahabol eh ako nga yung naloko." Pagdepensa ko sa aking sarili.

"Kaya nga binigay yang envelope na yan sayo para kahit papaano malaman mo na hindi ka niloko ng kapatid ko" nakataas ang kilay na sabi ni Prim.

"Eto ah, alam ko nasaktan ka ng kapatid ko at alam ko ring nasaktan din sya. Might as well heal each other diba? Ayan na nga oh Madox nasa harap mo na"

Nanginig ako nang hawakan ang envelope. Iniisip kung bubuksan ko ba ito o hindi.

"I-i can't. Hindi pa ngayon" we all sighed heavily.

"Okay then, buksan mo nalang yan kapag napagod na ang kapatid ko na maghabol sayo"

"Nakakapagod maghabol, Mad. Wag kang iiyak kapag nakahanap na sya ng iba dyan sa pagiging pakipot mo ha" banta ni Aveline. Napapikit nalang ako at napahimas sa batok ko.

Natatakot ako.

Natakot ako bigla.

Natatakot ako kasi may posibilidad na baka nga mapagod sya sa kakahabol sakin.

Takot na takot din akong maipamukha sa akin na mali lahat ng desisyon ko, na nasaktan ako sa wala, na iniwan ko sya dahil hindi ako nakinig sa mga paliwanag nya.

I left him when he wants to prove me wrong, when he needed me the most.

For almost three years pinanindigan ko na ako ang nasaktan kaya ako ang nangiwan. Itong envelope na nasa harap ko ang mananampal sa akin na mali ako, na mali na iniwan ko si Zarette.

Maling hindi ko sya pinaglaban dahil nasaktan ako sa mga bagay na akala ko totoo.

I gave him reasons to give up on me but he's till holding on, pero lahat may hangganan. Paano kung isang araw handa na ako tapos sya... Bumitaw na pala.

"Oh tama na pag iisip, kumain na tayo" tinapik ako ni Prim pero batok yata ang kailangan ko. Nanatili lang ako doon na nakaupo at nakatulala sa kawalan.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon, I'm scared and confused at the same time. Hindi ko dapat ito nararamdaman, dapat wala akong pakialam kung maghanap sya ng iba.

But somehow it pains me to hear those words, to hear that someone will eventually take my place in his heart.

Ano ba Madox?! Get your shits together. Mahal mo pa and that's a fact that you can't deny.

And you need him. Hindi lang para sayo.

Mag dadalawang linggo na rin simula nang masimulan ang branch na pinapatayo nila. Tatlong araw ko nang hindi nakikita so Zarette, sekretarya nya lamang ang humaharap sa akin dahil busy sa meetings ang boss nya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa rason na iyon o iisiping iniiwasan nya ako.

Paano pala kung ito na yung sinasabi nila Bree, Aveline at Prim na pagod na syang maghabol sa akin?

"Maam?" hinawakan pa ako sa braso ng sekretarya nya. "Maam are you okay po? Kinakausap po kayo ni engineer"

Napabalik naman ako sa wisyo at humingi nalang ng paumanhin, nagdahilan akong dahil sa gutom kaya ako natutulala.

"Tulala ah" napatili ako nang tusukin ni Daevon ang tagiliran ko. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Napadaan lang, and I saw you kanina pa nga kita kinakawayan di mo ako pinapansin. Unfriended" kinurot nya ang pisngi ko, agad ko rin naman syang ginantihan.

"I should've stayed in my office" napalingon ako at nakita si Zarette na nakatayo sa likod ko. Sinuot nya ang kanyang eyeglasses at mabilis na naglakad papasok sa building nila. My heart sank.

Hinila ako ni Daevon at niyakap, he's rubbing circles at my back too.

"Nagselos yata, lambingin mo kasi" bulong nya sa akin. Hinampas ko sya sa braso at kumalas sa yakap nya.

"So kelan ka babalik sa Vegas?" umupo sya sa gilid ko at umakbay sa back rest ng upuan ko.

"Hindi ko alam. I miss love. Matagal pa ang dating nila mommy eh"

Natahimik kami habang inaaral nya ang blueprint na kanina ay hawak ko.

"So, hindi pa kayo ayos ng love love mo?" he asked, hinampas ko sya pero tinawanan nya lang ako.

"Tumigil ka nga." saway ko sakanya.

"Oh come on Madox. You're not getting any younger. Well unless ako ang gusto mo sa end game ng love story mo" umirap lang ako.

Yes, he courted me two years ago sa Las Vegas. Pero hindi naging kami, naglaho na ang pagkacrush ko sakanya.

Pero yung feelings ko kay Zarette hindi pa.

"Alam naman nating mahal mo parin si Zarette, and vice versa. Alam mo kung anong nakapagitan sainyong dalawa?" Umiling ako.

"Your pride." napaiwas ako ng tingin at huminga ng malalim. His words were like a dagger that pierced into my heart.

"Amaryllis Contreras is just around. Baka maunahan ka and he might give her the chance for being so persistent. I mean ever since naman."

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Gumapang ang kaba at selos sa pagkatao ko. Siya na naman? Siya na sumira sa aming dalawa? Bakit ba laging sya?

"You should do your move, Madox. Hindi laging si Zarette ang gagalaw para maayos kayo, he will grew tired too."

"Yan nalang laging sinasabi nyo sa akin" may halong nerbyos kong sabi. Natatakot ako, I faked a smile and fanned my self.

One day he'll wake up and he'll realize that he's tired of chasing me. And that will fuck me up.

"The clock is-- "I know Daevon, the clock is ticking. But I can't let go of what happened years ago"

"And you'll let yourself get stucked on that phase?"

"Tama na, naprepressure na ako"

"Claim your place Madox, don't let someone steal your place again." I nodded my hand and fanned my self with my fingers. "Bakit ba ako ang dapat magayos sa aming dalawa? Ako ba yung nagkamali?"

"Hindi naman, sadyang ikaw lang yung ayaw magbaba ng pride para bigyan ng chance yung isa na ayusin kayong dalawa"

"You know, kilala ko si Zarette ever since high school, someone who will never chase after girls, someone who will never lower his self for a girl. Pero dalawang taon na Madox, and he's still chasing after you. Hindi mo ba naiisip si--" "Alright." I sighed in defeat. "I will try. Again."

Hinila nya ako at niyakap bago humalik sa buhok ko.

"That's my girl! Alam ko na hindi ka sakin sasaya kaya itinutulak kita sa kanya, its my way to make you happy. Go for it! Para kay love love!"

Two weeks and I heard nothing from him. Kaya kahit anong attempt ko makipag usap sakanya ay napupunta sa wala. Tatlong araw na din akong di pumupunta sa site, si Veron na ang tumitingin doon.

Hindi ko parin tinitignan ang laman ng envelope na ibinigay nya sa akin, nasa lamesa lamang iyon sa guest room.

Ilang beses ng sinilip silip nila Prim iyon sabay titingin sakin na parang nagsasabing tignan ko na ang nasa loob. Pero wala pa rin akong tapang para tignan ni ang isa sa laman non.

"Andito kami sa Vegas anak. Nako ang lilikot ng mga bata dito, andito kasi ang mga pinsan mo. Tuwang tuwa ako sa mga bata" nag babasa ako ng mga financial reports habang nakikinig sa kwinekwento ni mommy.

"Glama open open!" rinig kong sabi mula sa skype call, napatigil nalang ako at napangiti.

"Kamusta naman kayo ni Zarette hija?" napangiti ako at sinarado na ang folder na binabasa ko.

"Kayo, lahat kayo sya ang kinakamusta sa akin. We're okay naman mommy"

"Okay as in you two are together again?" umiling ako.

"Mom, ano ba kailangan kong gawin? naguguluhan na ako ng sobra." sabi ko pagkatapos kong magpakawalanng malakas na buntong hinga.

My heart says its time to give us another chance but my brain says no.

"Ang dami kasing what if mommy, what if mag fail ulit? What if masaktan ako ulit?"

"Nasaktan rin ako, may karapatan akong magtaas ng pride. Hindi ba pwedeng humingi muna sakin ng tawad?"

"Paano hihingi ng tawad kung magmamatigas ka anak? I know, may karapatan kang magtaas ng pride pero paano maaayos kung hindi mo bubuksan ang sarili mo para makinig? Magpatawad?"

"You keep on sending him away, its your time to open your arms wide open and hug him, listen, open your heart and soul. Accept that everything that happened is all in the past. Its time to face what your future hold. Its time to move on na anak."

"And your what ifs? Paano masasagot kung hindi mo pa nasusubukan? You're attracting too much negativity anak. Paano kapag huli na ang lahat? Your biggest what if will be 'what if we tried again? And we made things work?' gusto mo ba umabot sa point na yun? Yung huli na talaga ang lahat?"

I sighed in defeat. All this time ngayon ko lang narealize na sarili ko ang isa sa pinaka kalaban ko. Ang sarili ko lang naman ang pumipigil sa akin na makinig.

Life is too short to be wondering 'what if?'

"Glama glamaaaa!"

"Oh wag takbo ng takbo" sabay habol sa mga makukulit na bata, sakto namang may kumakatok sa pinto.

"Its open" sigaw ko.

"Glamaaaa! Ouchy ouchy!" nataranta ako dahi sa iyak at sa pagpasok ni Zarette.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Pabagsak kong sinara ang macbook nang pumasok na ng tuluyan si Zarette sa opisina ko.

"Oh, may kausap ka? Nakaistorbo ba ako?" mabilis akong umiling at pinilit ngumiti.

"Nope. Have a sit" umupo naman sya sa upuan na nasa kabilang dulo ng table ko at tinupi ang kanyang sleeves papunta sa kanyang siko.

"So, anong pinunta mo dito?" kaswal kong tanong. Inopen ko ulit ang macbook ko at nag send ng message kay mommy na andito si Zarette kaya pinatay ko ang tawag. "Nothing. I just miss you" pinaglaruan nya ang water bottle na sa lamesa ko. "Akin na to" aniya saka iyon ininuman.

Halos pumalakpak yung tenga ko nang sabihin nyang miss nya ako, I tried to conceal my smile but I failed.

"Why are you smiling?" he's smiling too.

"Wala." natatawa kong sagot.

He's cute. Naiinis ako sa sarili ko, kanina lang prinoproblema ko sya tapos ngayon may pa 'he's cute' pa akong nalalaman.

"Are you hungry?" tanong nya.

"Nope. Kakain ko lang, ikaw? You look tired"

"Yeah galing ako sa tatlong meetings. I forgot to eat breakfast before I left the house"

"Then we should eat, tara sa baba?" aya ko.

"Its too crowded, ayoko ng maingay pagod ang utak ko. Isa pa gusto ko ng alone time with you" inusog ko ang swivel chair ko papalapit sa intercom at sinabi ang gusto nyang pagkain. "Surprisingly kumakain ka na ng hindi luto ng chef mo. Di na maarte tyan mo?" biro ko habang kumakain sya.

"Hindi na, para naman pag ide-date kita hindi sa parehas na restaurant lang"

"And what made you think makikipag date ako sayo Mister?" pagtaas ko ng kilay pero sa loob ko ay natatawa na ang buong pagkatao ko.

"Because you love me and I love you" kaswal nyang sagot.

"Parang sure na sure ka sa sinabi mo ha? Sorry to burst your bubble pero hindi kita love" biro ko sumimangot sya at binitawan ang kubyertos na hawak nya.

"Kumain ka nga. Para kang bata" he pouted his lips and looked away.

"Kain na, dali na."

"Bakit mo ako pinagmamadali? May dadating kang bisita? Okay then"

Nagbago ang mood nya, pagkatapos ng tatlo pang subo ay sinantabi na nya ang pinagkainan nya. Oh no, he's being too sensitive today.

O baka gusto ng lambing? Dito ko na ba gagamitin ang powers ko?

"Hindi naman yun, wala naman akong bisita and I'm not expecting anyone. Kumain ka pa, please"

Fingers crossed, sana gumana pagpapacute ko.

"Sit beside me then?"

"Ikaw tumabi sakin, bakit babae ang lalapit?"

Pabebe! Sigaw ko sa utak ko, pero tama naman kasi ang lalaki ang dapat lumalapit sa babae. Ahihihi.

Umayos sya ng upo sa tabi ko, agad kong sinara ang drawer dahil may mga bagay syang hindi dapat makita. Alanganin akong ngumiti sakanya lalo na nang tignan nya ako na parang may gustong itanong. "Subuan mo ako" utos nya. Umirap ako. Ngumisi sya.

"Galing mo rin ano? Ano ako? Baby sitter mo?"

"But I used to be your baby" he pouted his lips again and made a sad face. "Sige na, limang subo ko nalang yan"

Kunwari ay nag pout rin ako at umirap. Pero inabot ko ang kutsara at tinidor.

"Say ah" utos ko sumunod naman sya at masiglang sinubo ang kutsara na may pagkain.

My baby. My original baby.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report