Flaws and All
Chapter 42- Superstition

Gown fitting ko ngayon. Si Zarette nasa kabila at kinukuha ang measurements nya para sa kanyang suit. Hindi namin sinama pa ang mga bata, andun naman sila Prim para bantayan sila.

Ilang buwan na rin ang nakakaraan. Ilang buwan nalang ikakasal na kami ni Zarette. Ilang buwan na rin simula nung huli naming kita kay Amaryllis. Ilang buwan. Isa? Dalawa? Tatlo.

I want to stay unbothered but I feel like there's something wrong with her silence. Tila ba nagpaplano ito at pailalim na gumagalaw.

Tinignan ko ang aking sarili sa aking repleksyon, dalawa ang gown na pinagpipilian ko.

A gown embellished with swarovski crystals and an intricately patterned gown.

Suot suot ko ngayon ang swarovski crystal gown ko ng may marahang humawi sa kurtina at sumilip si Zarette.

"Uy ano ba? Bakit ka nandito? Bawal mahal" pinanlakihan ko pa sya ng mata at pilit syang tinataboy. He chuckled and reached for my hand.

"Bakit sana bawal? Superstitions? Come on mahal, hindi yan" aniya. Hinila nya ako at inikot habang tinitignan nya ang bawat detalye ng gown ko.

"Zarette" I leaned to the mirror and crossed arms. "Sabi nila hindi daw matutuloy yung kasal" I pouted but he smiled.

"And what made you think that I will let anyone stop our wedding? Madox magkakamatayan muna bago matigil yung kasal" diin nya. He crossed his arms too at tinaas pa ang isa nyang kilay. Sungit!

I covered his lips and sighed. "Wag kang ganyan, Mahal."

He cupped my face and planted a soft kiss on my forehead. "I love you and no one can stop me from loving you. Okay?"

My eye teared up and I can't help but to smile. He kissed my head saka sya nagpaalam para tignan rin ang suit nya.

"Ay ano ba yan Madox, sabi ko sayo wag mo isusuot ang gown masama yan!" Eksaheradang sabi ng designer ng gown ko. Si Lana. "Ha? E sabi mo tignan ko?"

"Tignan lang. Hindi sukat" she rolled her eyes bago pinitik ang braso ko. "But anyways mga makalumang paniniwala lang naman" "But you still believe. Why?" Nagtatakang tanong ko.

"Because I've been to that phase. I designed my own wedding dress" kwento nya habang binababa ang zipper ng gown na suot ko. "To my excitement sinukat ko ang gown. Kung narinig mo lang ang galit ng mga tita at mommy ko nung pinakita ko sa kanilang suot ko ang gown, matatawa ka" she chuckled but I saw how her smile faded through her reflection from the mirror.

"Yung pamahiin na yan naging bangungot ko. Hindi sumipot yung groom ko eh" my heart sank at ginapangan rin ako ng kaba. What if...

"Leche kasing pamahiin yan. Pero alam mo baka nagkataon lang. Malandi kasi yung bestfriend ko eh. Yaan mo na" she chuckled

"Bestfriend mo?" Tanong ko. She nodded her head and plastered a faint smile. "Yup. They get married after a month of our supposed to be wedding. Akala ko sakin sya eh. Mas matagal pala sila, sabagay she was his first girlfriend" "Naging magkaibigan lang kami kasi nga nakilala ko yung ex nya which is ex ko na din, akala ko kasi wala ng sila e. Yun pala habang nasa america ako at nag woworkshop for designing nabuo ulit sila. Sana sinabi nila diba? Para di gumastos para sa kasal" she rolled her eyes and made a face.

"Pero okay din yun, after that heartbreak kapalit nun ang pagsikat ng business ko. Pero Madox ha, alam ko naman na you won't let anyone stop the wedding even a petty superstition. Kaya kembot nyo lang yang kasal"

Lana is a friend of Bree, sya ang nagsuggest samin na si Lana ang kuning designer.

Ayaw ko mang mag isip isip ng kung ano ay hindi ko maiwasang kabahan sa sinabi ni Lana. May mga pagkakataon din kasi na nangyayari ang mga pamahiin. But I don't want to think negative thoughts about our wedding. Gusto ko puro saya lang sa kasal namin. Puro pagmamahal.

"Zarette, anong mas gusto mong gown?" pauwi na kami, sya ang nagmamaneho at hawak ng isang kamay nya ang kamay ko.

"Anything. Bagay naman sayo yung suot mo kanina. Lahat naman bagay sayo hal" he said smiling.

"Bolero ka!"

"You're asking for my opinion misis" natatawa nyang sabi. "Even when you're wearing a plastic bag you'd still be the prettiest my Madox."

I giggled trying to hold my kilig. Baka kasi sa sobrang kilig ko ay masapak ko sya ng wala sa oras at mabunggo kami.

"Ewan ko sayo"

"Mommy! Daddy!" Salubong sa amin ng mga bata pagkapasok ko ng bahay. I kneeled down para salubungin ang tumatakbong si Nyx.

"Be careful baby" sabi naman ni Zarette na ngayon ay buhat buhat na ang madungis na si Kiel. Icing icing ang mukha ng dalawa.

"What are you two eating?" tanong ni Zarette. "Cake, daddy!" masayang sagot ni Kiel.

"Nag bake ako" sabi ni Prim. Bumeso ako sa kanya pati na rin kila Aveline at Bree.

"Tataba ka na naman baby" kiniliti ko ang tyan ni Kiel na ikinatawa nito. I pinched it cheeks at humalik sa pisngi nito. Gumanti naman ito at hinawakan ang ilong ko gamit ang maliit nyang kamay. "Mommy, I want lipstick. Just like Tita Byi" bulol nitong sabi. I glared at Bree, saka ko lang napansin na may eye shadow ang mata ni Nyx at may blush ang pisngi nito. "Breana"

"What? Para pag dalaga fashionistang katulad ko" aniya. I sighed and rolled my eyes.

"Okay mommy will buy you a lipstick" pumalakpak ang bata na tila tuwang tuwa sa narinig "I want nude" aniya. Natawa na lang ako na alam nya na ang shade ng lipstick na gusto nya. "Mommy ako din yipstick" Natawa kaming lahat sa sinabi ni Kiel. "No baby, for girls only" Kiel pouted.

"Daddy will buy you a toy car instead. Okay?" tumango ang bata kay Zarette. Napailing nalang ako, our Daddy likes spoiling our babies.

"Saan nga pala sila Kiko?" Ngumuso pataas si Aveline. "Nasa taas, DOTA night daw" aniya.

"Can I play hal?" napangisi ako, my Zarette is still the same Zarette who loves playing DoTA.

"Okay. Ako na muna bahala sa mga bata" He smiled at me and kissed my head. "Sama ko si Kiel" agad akong umiling.

"No, Zarette. Hindi pwedeng marinig ng bata yung trashtalk nyo habang naglalaro" nakataas kilay kong sabi sa kanya. Ngumisi lamang sya at pinisil ang pisngi ko.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Okay, I love you" he whispered and kissed my head.

"I love you way more"

Nagluluto ako ng pang umagahan nang tumunog ang doorbell. Sinipat ko ang orasan at nagtaka dahil alas sais palang ng umaga at may bisita agad?

Kung si Mang yan ay di na naman na niya kailangan pang mag door bell.

"Sino naman kaya yan?" Tanong ko sa sarili. Dito kasi natulog sila Kiko at sila Prim. Imposibleng sila Mommy din yan dahil magtetext muna sila sa akin bago pupunta rito? "Good morning, maam" bati ng aming driver. "Ako na titingin manong. Good morning din ho" bati ko pabalik.

A cold breeze sent shivers down to my spine. Tila ako kinabahan sa hindi nalalamang dahilan.

Napahiyaw ako ng may makitang kahon na may ahas sa harap ng aming gate. Agad akong humakbang patalikod at muling napasigaw nang may maatrasan ako. Nakasilip pa ang ahas sa akin na tila ba naghahanda itong manuklaw! "Ano yan mahal?" Si Zarette.

"M-may a-has" kabado kong sabi. He wrapped his arm around my waist at sinilip ang kahon sa labas. "Pasok na sa loob mahal, ako na bahala dito" aniya, sumenyas sya kay Manong na nakasalubong ko pagpasok. "Pero Zarette..." He pressed his finger on my lips para pigilan ako sa sasabihin ko. Gusto ko lang naman sumama para masiguradong okay sya.

Hinintay nya akong makapasok ng bahay bago nya sinara ang pinto.

Hindi ako mapakali, sampong minuto na at hindi pa din bumabalik si Zarette at si Manong. Napatayo ako agad nang bumukas ang pinto at pumazok si Zarette.

Tinakbo ko ang distansya sa pagitan naming dalawa at yumakap sa kanya ng mahigpit. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso nya at ang bigat ng pag hinga nya.

"Nasaktan ka ba?" He asked. Tumingala ako at pinunasan ang dumi sa pisngi nya habang umiiling. "I'm okay. Ikaw? Bakit natagalan ka?"

"Hindi pwedeng itapon iyon dito lang, isa pa bukas yung lalagyan kaya nahirapan kaming hawakan yung kahon nya."

"Madox" he called after a deep sigh. "I love you and no one can stop me. Remember that"

"I know" napanatag ako lalo na nang dampian nya ng halik ang labi ko. "Mahal na mahal din kita. Walang makakapigil" "Even death"

"Ano yun?" but he just smiled at me before claiming my lips again.

"Magandang tanghali ho ma'am" napatigil ako nang may makasalubong ang tatlong bagong guards. Tumango ako kahit nagtataka. "Zarette. May bago tayong guards?" Kalabit ko sa seryosong si Zarette. Nakaharap sya sa kanyang laptop pero wala namang tinatype. "Zarette" tawag ko ulit nang hindi sya sumagot. He's spacing out and its unusual.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Uh... Yeah." Tinapik nya ang espasyo sa tabi nya at hinawakan ang kamay ko. "May problema ba? Kanina ka pa tahimik, kanina ka pa tinatawag ng mga anak natin"

He inhaled deeply before kissing the back of my hand.

"May dapat ba akong malaman?" Umiling lang sya at hinaplos ang ulo ko.

"Prim, may hindi sinasabi sakin ang kakambal mo" ngumuso ako habang inaayos ang laruan ng mga bata.

"Hindi ko din alam. Nag uusap naman sila sa taas, hindi nga daw tayo allowed"

Nagkibit balikat lamang sya habang napabuntong hinga naman ako. Nakita ko ang aming househelp na may iaakyat na beer sa entertainment room. Lumapit ako at nagpresintang ako nalang ang maghahatid ng inumin. "Maam, bilin ho kasi ni Sir Zarette hindi daw po kayo pwedeng pumasok. Saka iiwan ko lang po ito sa harap ng pinto"

"Tss." tanging nai-react ko. Napahalukipkip ako at pabagsak na napaupo sa sofa. Pinanuod ko nalang na naglaro ang kambal kahit na kay Zarette ang utak ko. Ano kayang ginagawa nya? Ano bang problema? Si Amaryllis na naman ba? "Kainis!" Wala sa sariling bulalas ko. Napatigil pa sila Prim at napatingin sa akin, I grabbed a throw pillow and burried my face to it.

Hindi ko na namalayang nakatulog ako. Napakapit nalang ako kay Zarette nang maramdaman kong buhat buhat nya ako at idadala na sa kwarto. Sinilip ko ang orasan at nakitang alas onse na ng gabi. Walong oras akong nakatulog, at ngayon lang din sila natapos sa sinasarili nilang usapan?

"Ibaba mo ako" but he didn't budge. Naramdaman ko nalang ang halik nya sa noo ko at ang pagbaba nya sa akin sa kama.

"Ano ba talagang problema?" naiiyak kong tanong. I tried not to shout at him dahil tulog na ang mga bata.

He kneeled down and cupped my face.

"Just let me handle this, Madox"

"Hindi. Problema mo, problema ko diba? Ano? Babasagin mo yun para maitago lang yan? Are you seeing someone else? May iba ka na? Ano? Just atleast tell me what's going on Zarette." "Alam mong di ko kayang lokohin ka, ngayon pa ba? Ikakasal na tayo"

"Yun na nga eh, ikakasal na tayo yet you're hiding something from me! Paano pa pag kasal na tayo?" bumaling ako kay Kiel na mukhang naistorbo ang tulog dahil sa bahagyang pagtaas ng boses ko.

"Ako ang puno't dulo nito Madox, let me handle this alone"

He bit his lip and looked at me intently. Humawak sya sa batok ko at marahang hinila ang ulo ko pababa, sinalubong ng labi nya ang labi ko. Napahawak ako sa pisngi nya at kumawala sa halik na iyon.

"Hindi mo ako madadaan sa ganyan, O'brien. Kausapin mo nalang ako pag gusto mo ng sabihin yang sinisikreto mo. I am your signifcant other Zarette, I deserve to know." Bumuntong hinga lang sya at umupo sa paanan ko. "I can't believe this."

Humiga ako sa kabilang dulo ng kama at humarap sa pader. Kahit pa gusto kong harapin at yakapin ang mga bata bago ako matulog.

I heaved a sigh and closed my eyes, kung tutuusin ay masyado ko nga yatang pinapalaki ang sitwasyon. Pero ano pa nga ba? Paano kung may kinalaman sa seguridad namin ang tinatago nya? Kapag napahamak kami saka nalang namin malalaman?

Hindi ba mas maganda malaman namin agad para maaksyonan? He doesn't have to face it alone because he got me.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala akong dala dala ang sama ng loob ko sa kanya. He's so unfair!

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report