Flaws and All
Chapter 7- His smile

It's a Saturday, feel ko ang mag bake o gumawa ng something sweet ngayon.

Graham cake kaya?

Tama! Iyon ang paborito ko, paborito rin ng masungit na si Chairman. Yun nalang! Saka ko sya bibigyan.

Kumuha ako ng graham sa cracker storage, condensed milk at nestle cream. Dumurog rin ako graham para sa toppings.

"Manang, wala ba tayong sweet mangoes?" iyon din sana ay maganda toppings, kaso wala naman akong makitang laman ng ref.

"Naku, yun ang wala. Sakto at mamamalengke ako, pakisulat nalang dyan sa listahan para di ko makakalimutan." saka inabot sa akin ang isang listahan ng kanilang bibilhin. Sinulat ko ang sweet mangoes at iba pang ingredients para sa gagawin ko pang cookies.

Tuwing sabado kasi ay ang aking cheat day! Yehey!

Nilinya ko ang mga grahams sa dalawang tupperware, saka ko nilagay ang pinaghalo kong Cream at condensed milk.

Nilinyahan ko ulit at at nilagayan ko ulit hanggang sa mapuno. Hindi ko muna nilagay ang ilang natitirang mixture at ang powdered graham dahil hinihintay ko pa ang sweet mangoes. "Oh eto na iha, para saan ba iyang ginagawa mo? Pumapayat ka na nga anak, tuloy tuloy mo na"

"Eh manang kila Prim naman to, idadala ko" nakangiti kong sagot.

"Baka sa kambal nya kamo, yung noong isang gabi? Nililigawan ka ba non?

" tinapunan nya pa ako ng malisyosong tingin. Hay nako manang.

"Ang gwapo gwapo nun manang tapos sa akin papatol? Imposible" napailing nalang ako.

"Sinong nagsabing imposible aber? Sa pag-ibig kahit sino ka pa, kahit ano ka pa kung mahal ka talaga ay tatanggapin at mamahalin ka parin."

Napangisi ako habang humihiwa ng mga bagong hugas na mangga "Si Manang may hugot oh. Iba na ho kasi ngayon manang, masyadong mataas ang standards ng mga tao"

"Pag nagmahal ka iha, ang standards na yan lulunukin mo nalang. Mahal mo eh, tatanggapin mo o mawawala sya sayo dahil sa kaartehan mo?"

"May pinaglalaban talaga kayo manang" humalakhak nalang ako at nanahimik nalang. May punto naman si Manang, tama naman iyon. Pero para kasi sa akin sobrang imposible. Sayang naman ang kagwapuhan nya kung sa akin sya babagsak diba?

Pero sige, pag sexy ko pwede. Hehe

Hinayaan ko muna sa freezer ang cake na gawa ko, mamayang tanghali balak ko iyong idala. Okay na siguro na i-ref ko iyon ng tatlong oras.

"Ting!" tunog ng oven, luto na ang isinalang ko na cookies. Dahan dahan kong inalis iyon at nilapag sa mesa.

"Hmm, ang bango" sininghot singhot ko pa ang amoy ng bagong lutong cookies.

Sana magustuhan to ni Prim saka ni Zarette!

Saka ko lang naalala hindi nga pala kumakain si Zarette ng hindi luto sa bahay nila o ng chef nila. Paano na? Sana tanggapin nya pa rin no!

Naalala ko tukoy si Ate girl sa field, yung lumapit kay Zarette at nagabot ng graham cake pero hindi nya tinanggap. Sana naman ay hindi nya gawin yun sa akin. Made with effort to no! Major effort!

Kung ayaw nya naman ay for sure magugustuhan ito nila Zephryne, Zades at Prim. Pero sana magustuhan nya.

"Good Afternoon po Tita Penelope, sila Prim po?" bebeso sana ako pero pinigilan nya ako.

"Madumi ako iha, nasa entertainment room. Pasok ka nalang, mukhang may dala ka" she even giggled nang sabihin nyang madumi sya, pero wala namang syang dumi. Naggagarden sya at may hawak pang maliit na pot ng rosas.

She's so pretty, napakasimple at napakaganda. Sakanya nagmana si Prim at Zephryne. Mga matang nangungusap at laging kumikislap.

Pumanhik na ako paitaas habang hawak ang paperbag ko na laman ang mga ginawa kong sweets.

Nananalangin pa rin na sana magustuhan ni Chairman tong mga dala ko. Kahit tikim lang, solve na ako.

Isa pa ginawa ko talaga to para sakanya, pa-thank you sa pag save nya sa akin sa mall nung isang araw. Saka para na din dun sa bagong slippers na bigay nya. Kumatok muna ako bago pumasok, bumungad sa akin ang ingay mula sa Ps4 at computer. Andito sila Kiko, Ely at Ryan na naglalaro yata ng DOTA sa computers.

"Xochit!!!" tawag sa akin ni Prim. Ngumiti lang ako at tumabi sakanya.

"Busy kayo ah? Play time?" tanong ko, kumuha sya ng tissue at pinunas sa noo nya

"Yup, pero ako katatapos ko lang mag work out. Naka isang game palang kami ni Zades."

"Hi ate Madox!" tawag sa akin ni Zades, ngumiti lang ako sakanya.

"ZADES!" May tono ng inis sa boses ni Chairman, inaano sya ng bata?

"Uh-oh." ngumisi lang ang bata at bumalik sa paglalaro nya ng guitar hero.

"Init init ng ulo oh. Panalo naman." sabi ni Ely saka tumayo at umupo sa tapat ni Prim.

"Ah, oo pala I have my photoshoot for today! AlexRus!" masiglang sabi ni Prim. AlexRus, clothing line ni Tita Alexis at Tito Jairus.

Modelo ng AlexRus si Prim mula pa pagkabata, si Tita Alexis ay isang sikat na fashion designer. Business man naman si Tito Jairus.

"I have to go Xochitl, play ka muna with Zades and Zephryne pwede? I'll be back in an hour or two"

Tumango lang ako, ganon naman sya lagi kapag may photoshoots sya ay hinihintay ko nalang sya dito. Nakikilaro na lamang ako kasama ang kambal.

"Xochitl, ano tong dala mo?" tanong ni Kiko rinig ko ang "Welcome to Mobile Legends" mula sa cellphone nya kaya napangiti ako, simula nang isuggest ko ay yun na ang nilalaro nya.

"Oo pala, cookies saka graham cake. Kay Prim, sa kambal at kay Chairman yung graham." parinig ko sa kakaupong Zarette sa tabi ko.

"Alright. Di naman to kakainin ni Zarette kaya akin nalang" mapanuksong sabi ni Kiko.

"She said that's mine dude, keep your hands off of it" straight english na sagot ni Chairman kay Kiko saka nya pa inilapit sa tabi nya ang gawa kong graham cake.

Tila ba nagkaroon ng rainbow sa paligid at lumiwanag, kinuha nya ang graham na gawa ko!

"Pero dude diba 'not eating unless its our chef who made it." pangaasar rin ni Ely.

"pag gawa ni Madox.. "Don't call her Madox, you shit" iritadong sabi ni Chairman, humalakhak lamang ang tatlo.

"Ano ka ba, may mga bata tapos nagmumura ka. Hindi naman big deal kung ganon rin ang tawag nila sa akin" inirapan nya lang ako saka sya pumikit.

"Big deal sa akin kaya hindi pwede" mahina nyang sabi, yung para bang kami lang ang pwedeng makarinig.

Naginit ang pisngi ko at parang may tumambol sa dibdib ko.

"Tara sa kitchen" saka nya hinigit ang kamay ko, magkahawak kamay parin kami hanggang sa kusina.

Yung kamay ko, yung kamay nya! Magkahawak kamay kami! Hindi mapakali yung nasa tyan ko.

Kilig ba to o gutom?

Umupo ako sa isang high chair habang kumukuha sya ng dessert plates at spoons.

"You made this?" nagsasalin na sya sa kanyang plato.

"Yep, try mo nga kung masarap? Hindi ko kasi tinikman eh." pinanuod ko lamang syang magslice at maglagay sa kanyang plato.

Bakit kaya nya naisipang kainin tong gawa ko? Nasapian ba sya? Nasa good mood ba sya?

And he's freaking smiling! Sa buong sampong taon namin magkasama ilang beses ko lang sya nakitang ngumiti!

I grabbed my phone from my pocket and secretly captured his smile. Sarap gawing wallpaper!

I can't help but smile too, saka ko inayos ang setting para gawin iyon na wallpaper ko. Wala lang, kasi its a precious moment.

Bihira lang ang pag ngiti nya. Mahal ang ngiti nya, ano ba. Hihi

Nilagyan nya rin ang plato ko saka nya iyon tinakpan at nilagay sa ref. Umupo na sya sa high chair at humawak kutsara.

Sana masarapan sya, sana magustuhan nya! Fingers crossed!

"Let's eat. Drop the stares" aniya. Pero hindi no, tititig ako!

"Kain lang, tell me how it tasted ha? Honest dapat." tumango lang sya at sumubo. Hanggang sa nasundan ng nasundan ang kanyang subo.

Omg, nagustuhan nya kaya? Anong lasa? Napainom pa ako ng tubig sa kaba.

"Kamusta? Okay ba?" but he answered me with a smile. Omg, wait pwede picturan ko ulit ang ngiti?

"Balanced. It's all I can say. Masarap. It's good. You too should eat now" aniya at bahagyang tinulak sa harap ko ang plato.

I smiled from ear to eat saka ko inumpisahang kumain. It's really good. Tama nga sya, balanse lamang ang lasa kaya masarap.

Pero teka, mas matamis kasi yung smile nya pwedeng paulit? Kinikilig ako!

My graham cake made him smile!

Ang sarap maging graham cake ngayon, hihi.

"Dito ka lang muna, I will just change my shirt. I smell awful" nagbadminton kasi sila dito sa likod ng bahay, ako nanuod lang habang nilalaro rin sila Zades.

"Bango naman ah" sabay singhot ko sa braso nya, pati yata pawis nya ay may pabango. I felt him stiffened, parang napatigil sya.

"Pero sige, pawis pawis ka na. Go ahead and change" hinaplos nya ang buhok ko, parang may humaplos ulit sa puso ko.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Don't talk to those three little dimwits, alright? I'll be back" paalala nya, kita mo to friends nya sila Ely pero dimwits ang tawag.

Paakyat na sya ng hagdan pero bumalik ulit sya at hinila ako patayo.

"They will bug the shit out of you, tara nalang sa taas" aniya. Kami? Sa taas?

Sa kwarto nya?

Oh my.

Hindi ako makaimik, dumadagundong sa kaba ang puso ko. Rinig ko ang kantyaw ng tatlo sa labas. Parang mga sira bakit naman nila kami kakantyawan aber? Hindi kaya alam nila na crush ko si Zarette? Oh my God!

Binuksan nya ang pinto at sumalubong ang amoy ng kanyang pabang, this room smells so good tila ba ayaw mo ng lumabas ng kwarto.

"Stay here" aniya at pinaupo ako sa malambot nyang kama.

His bed is covered with a thick black and white comforter. Maging ang unan nya ay puti at itim rin. His walls are painted with mint green with a touch of black and gold. Dim lights at tamang timpla lang ng lamig.

May computer sa gilid at may book shelf na may laman ng mga volumes of dictionaries and some stuffs. Flat screen tv at sa tabi ay ang speakers.

Sa left side ay may way papunta sa banyo at sa right kung saan sya pumasok ay batid kong papunta sa walk in closet.

Lumabas syang nakabathrobe lang. Parang uminit yata at kailangan ko na ng tubig. Water please!

"Watch tv if you want or play with my phone" sabi nya saka pumasok sa banyo, kahit gusto kong pakielaman ang kanyang phone ay mas pinili ko nalang na manuod ng tv.

Pero a curios part of me wants to browse his phone, gusto ko lang makita ang gallery baka kasi may picture ang kanyang girlfriend or what doon.

Naenjoy ko ang pagnuod ng Ella Enchanted, I hrew up watching this cinderella like movie. Si Ella ay mula sa Frell, binigyan sya ng gift of Obedience ng kanyang fairy god mother na si Lucinda. She grew up as a fine lady, but since she received the gift of obedience she have no other choice but to do what she is asked to do.

Kumbaga kahit anong iutos ay wala syang choice.

Favorite part ko ay yong kumanta sya ng 'Somebody to Love', sakto namang paglabas ni Zarette sa banyo.

I gulped upon glancing on him, beads of water dripping from his body. Yung init kaninang nakabathrobe sya ay naulit pero tila mas uminit.

Sira yata yung aircon?

Saka ko napagtanto, ano bang ginagawa ko dito sa kanyang kwarto?!

"Ahh ehh, pwede na ba akong lumabas?" awkward kong tanong, I don't belong here. Hindi ako dapat narito. Magkakasala ako!

"Nope. Just stay there, I'm almost done" huminga lang ako ng malalim at inenjoy ang palabas.

Suminghot singhot pa ako para makumpirma na pabango nya ang naaamoy ko. Ang sexy ng amoy, yung gusto mong maglipbite dahil amoy palang ulam na? Nagkakasala na talaga ako. I can't resist his perfume!

Napapitlag ako ng nasa harap ko na sya, sa sobrang enjoy ko sa pagsinghot napapikit na pala ako.

He's wearing a black shirt and a jersey short. Kahit pambahay talaga ay puro itim. Sabagay ilang beses ko palang sya nakitang nagsuot ng puti o iba pang kulay. Kung hindi itim ay puti ang t-shirt nya.

"You really like my perfume" he said smirking, tumango lang ako no need for me to deny it. Totoo naman.

I took a deep breath again and let his scent enter my bloodstream.

"I will give you a bottle of it soon"

"Ha?" kakasinghot ko ay parang nasabaw ang utak ko.

"Bibigyan kita ng pabango ko" lumapit pa sya kaya ngayon ay nakatingala na talaga ako sakanya.

He will give me his perfume? Bakit?

"No need to do that" mas gusto ko na singhutin nalang iyon sayo Chairman. Nagpipigil lamang ako ng ngiti, eto na naman ang landi hormones ko.

"But I will. To make you feel that I am always around" napasinghap ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ang lala, lalo na yung pakiramdam sa tyan ko.

It's like the whole zoo invaded my system.

"Let's go" he extended his hand infront of me, tumitig muna ako doon at napalunok bago humawak. Parang ang paghawak ko doon ay ang pagsuko ko ng pagkatao ko sakanya. Lahat ng to ay parang bitag.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Bitag na ang kababagsakan ay diretso sakanya.

He intertwined our fingers together habang palabas ng kwarto nya, pati pagbaba ng hagdan ay magkahawak kamay kami.

Nagwawala pa rin ang mga kung ano sa tyan at dibdib ko. Namumula na rin ang pisngi ko sa init na nararamdaman ko sa aking dibdib.

I tried to pull my hand out from his grip when we entered the living room, naghahalakhakan ang tatlo nyang kaibigan at rinig pa ang pinapanuod nila sa tv.

Nahihiya ako, baka kasi kung anong isipin nila pag nakita nilang magkahawak kamay kami.

Baka isipin nila kami ni Chairman! Ay, nakakakilig isipin. Sige isipin nyo para sa ikakatuwa ko. Hihi.

But he didn't budge, wala syang pakialam. Kahit natahimik na silang lahat at nakatingin na sila sa magkahawak naming kamay.

Pinaupo nya ako saka sya umupo sa armrest ng inuupuan kong sofa chair. Ang dami namang upuan, ano kayang trip nito at dyan pa?

"Ehem damoves ehem" ubo ni Kiko, kita mo to umuubo na nga magsasalita pa hindi ko tukoy naintindihan yung sinabi nya.

"Xochitl, pulang pula ah? Pagod ba?" mapanuksong sabi nito, mas lalo yata akong pumula sa sinabi nya.

Ayan na ba sinasabi ko eh, baka mamaya iniisip. nilang may ginawa kami sa kwarto nya.

"Wag mo itulad sa mga babae mo, na kapag nasa kwarto mo matic na" saka pa sya sinuntok sa braso ni Zarette, humalakhak lang ito at nakifistbump kila Ely at Ryan.

"Don't mind these retards" sabi nya, tumango lang ako at nanuod na lamang.

"By the way Za, installed na yung mga bagong cctvs lalo na sa areas na madalas tambayan ng mga estudyante. And I have it connected to our office computers already" Ryan the gadget geek strikes again, yan ang hilig nya ang magkalikot ng gadgets.

Hacker din yan ng systems, nahack nya noon ang underground web na accessible lamang ng mga teachers, kapag nakapasok ka ay pwede mong pakitan ang grades maging ang babayarin sa tuition fee.

Maging ang cctv footages ng buong school ay nasa underground web rin, batid ko ay iyon ang puntirya nila.

Wala naman silang problema sa grade lalo na sa bayarin sa tuition.

Tumango lamang si Zarette na nasa tabi ko at nakasandal sa backrest ng aking upuan.

"I changed the password too, the dean and the staffs can access the first cctvs only that they installed. Yung bago tayo lang ang makakamonitor."

"Alright, can you install a security camera on our classroom?"

"I installed one near the whiteboard"

Ohh-kay. Out of place ako sa pinaguusapan nila, clearly they are hacking the system again. Cctvs ngayon, siguro ay para kapag may emergency ay makapagpadala sila ng officers sa area agad. Napahigit ako ng hininga ng maramdaman kong hinahaplos nya ang buhok ko. Marahan lang, iyong nakakaantok.

"Are you guys hungry? Don't worry malapit ng matapos ang niluluto ni Manang" sabi ni Tita na mukhang bagong ligo na ngayon dahil basa pa ang kanyang buhok.

Si Manang Mela ang kanulang house help ang kanilang tagaluto. Sobrang sarap ng luto na ayaw na ni Zarette kumain ng luto ng iba.

"Are you hungry?" bulong nya sa akin habang hinahaplos pa rin ang aking buhok.

"Not yet, but I'm sleepy" sagot ko.

Naramdaman ko ang kamay nya sa kabila kong pisngi at tila pinapasandal ako sa hita nya.

"You can sleep in my room" umiling ako. Baka mamaya ay lagyan na talaga ng malisya nila Kiko ang pagtulog doon.

"Lean on me then" and I did, sumandal muna ako at pumikit. Kahit maaga naman kaming natulog kagabi ay napaaga ako ng gising ngayon.

Gabi gabi ay nakaugalian nya ng tumawag bago matulog, ilalagay ko lang sa gilid ang aking cellphone at nakaloudspeaker at doon na kami matutulog.

I feel like I'm always safe, napapasarap rin ang tulog ko lalo na pag may tawag sya. Pero nako-concious rin, malay ko ba kung humihilik ako pag tulog diba? Pero wala naman akong naririnig na reklamo sakanya kung humihilik man ako.

Napadilat ako ng sabihin ni Manang Mela na luto na ang pagkain. Ala una na ng tanghali, late lunch kumbaga.

"Ako rin Chairman, palagay ng food sa plato" malambing at mapangasar na sabi ni Ely kay Zarette, nilalagyan kasi niya ng pagkain ang aking plato.

"May kamay ka" Ani Zarette. Umirap pa ito at iniwas ang sinasandok nya sa plato ni Ely.

"Xochitl kasi may kamay ka" and he looked at me maliciously, ngumuso lang ako. Ano kayang iniisip ng mga ito?

"Ako na" sabay pilit kuha sa kutsara pero tinapik lang ng isa nyang kamay ang kamay ko.

"Don't mind these retards. Wala lang ma-baby yang mga yan." napatigil ako sa narinig. Tama ba yung narinig ko? Ma-baby?

Bine-baby nya ako? What?

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report