FORGET ME NOT -
Chapter 10 – The truth.
"Don't come home."
"Bakit?"
"Basta."
Hello? As if naman kapag sinabi ng ate niya na 'wag siyang uuwi ay susunod siya. It was the first time na sa halip na pauwiin na siya nito ay don't come home ang sinasabi ni Charity.
Curious tuloy siya. May bisita ba ang ate niya na hindi niya pwedeng makita? Manliligaw kaya?
Napangiti siya sa sarili. She'd been pushing her sister to have a love life. At forty-four, dalaga pa rin si Charity. Maganda naman ito, bukod sa mabait at maalaga. Pero hindi niya maintindihan kung bakit ayaw nitong magpaligaw sa mga nagtangka noong bata-bata pa ito. Some of those ay siya pa nga mismo ang nag-udyok. Ngunit sadyang matigas sa desisyon nitong 'wag ng mag-asawa ang kapatid niya.
Katwiran nito, masaya na ito na napalaki siya nito nang maayos. Hindi na raw nito kailangan ng pamilya dahil 'andiyan naman siya.
"Tell me."
"Sasabihin ko sa'yo kung pwede ka ng umuwi." Charity texted back instead.
Tapos na siya sa trabaho kaya wala na siyang gagawin sa resort. Tumambay siya sa swing habang nagpapatay ng oras.
Kevin had called a while ago. He said he missed her but he needed to spend some time with his mother. Successful ang operation at nasa recovery stage na ang ina nito. "There's something I need to tell you," sabi nito kanina. "But I have to tell it habang kaharap kita."
"Ano 'yon?" Hope asked, base sa tono ni Kevin, medyo balisa ito.
"I'll be there next week," sa halip ay sagot nito.
"Alright."
She looked up at the sky. Gabi na. Summer kaya marami silang guest sa resort. Nao-occupy siya at maganda iyon. Gusto niya kapag wala siyang panahong mag-isip. Mas nakatutulong ang kabusy-han para makalma siya. Iniangat niya ang kamay papunta sa leeg niya para hawakan ang pendat ng kwintas na bigay ni Kevin bago ito umalis para sa surgery ng ina nito. It was a heart pendat.
Sabi ni Kevin, isuot niya iyon bilang tanda na pagmamay-ari niya ang puso nito.
Sweet.
Ang hindi niya maintindihan, hindi niya pa rin magawang maging lubos na masaya. She has Kevin. And yet, her heart still undoubtely belongs to someone else. Someone who hadn't got an interest to own it.
Alam niyang nagdesisyon na siyang sasagutin na niya si Kevin pagbalik nito. Pero hindi pala madaling buksan ulit ang puso lalo na kapag hindi pa nagsasara ang sugat ng pagkabigo.
Sometimes she wondered kung OA na ba siya. Her relationship with Rain didn't even last a year. Pero magtatatlong taon na ay 'di pa rin siya maka-move on nang tuluyan.
Mas madali siguro kung totoong namatay na lang si Rain. But he was alive. At iyon ang masakit, dahil kahit buhay ito, hindi na ito babalik.
"Hindi ko alam kung ilang beses ko ba dapat sabihin sa sarili ko na pakakawalan na kita, Rain... Bago tuluyan akong makalimot. Kumusta ka na? Kasal na ba kayo ni Zoey, Doctor Aragon? Maybe I needed to see that you're already happy before I could completely let you go..." Mapait siyang napangiti sa sarili. "Sa tingin mo ba magiging masaya rin ako kay Kevin? He's a good man. But everytime I look at him, I couldn't help but remember what you always told me, that you know his kind and he's not a sincere person..."
Rain hated Kevin with passion. Iginigiit nito na hindi mapagkakatiwalaan ang lalaki. Pakiramdam daw nito aagawin siya ni Kevin.
Hindi nagkatotoo iyon noon. Hindi pa rin naman ngayon dahil hindi na sila ni Rain. So, wala itong inaagaw.
"I think he's sincere. Masaya ka na ngayon. So siguro, panahon na rin para pag-aralan kong magmahal ng iba. And Kevin's been waiting for me. I have to give my heart to him just as how he had given his to me... I love you still, Rain... I would forever will..."
Hindi na siya umiiyak ngayon sa tuwing maaalala ang dating kasintahan. Perhaps it was a good sign. That she's starting to get less and less affected by the thoughts of him.
Naiinip na si Hope. It's getting late. Mapupuyat na siya nang husto kung 'di pa siya uuwi.
Hindi pa rin nagtetext si Charity kaya nagpasya na siyang umuwi. Bahala na kung anong mabuking niya na kalokohan ng ate niya. Matanda na ito para hindi malaman ang tama sa mali. So she trusts na wala itong ginagawang kahihiyan.
*****
THE front door was slightly ajar. Maingat siyang sumilip para tignan muna ang nasa loob. Wala namang kakaiba. Except that may magandang babae na nakaupo sa sofa nila habang paroo't parito naman sa paglalakad sa harapan nito ang ate niya.
Charity looked troubled and nervous. Hindi tuloy mapigilan ni Hope ang magtaka. Inaano ba ito ng babae? Mataman niyang pinagmasdan ang bisita ng kapatid. She was young pero umaapaw ang self confidence nito. Naka-cross arms ito habang pinapanood ang hindi mapakaling si Charity.
"Is she coming home yet?" Parang naiinip ng tanong ng babae.
"Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa 'yo na hindi ko alam ang sinasabi mo?" Charity answered.
"Tita Jacque, kahit buong magdamag tayong magpaulit-ulit dito, walang problema sa akin. Now, tell me, where is Isabella?"
Ano raw? Hope felt lost. What did she call her sister? Jacque?
"Charity," pagtatama ng kapatid niya. "Umalis ka na. Wala rito ang mga taong hinahanap mo."
"You changed your names. That's why Uncle James wasn't able to find you."
"Walang katotohanan iyan."
"Then why don't you want your daughter to come home?"
"Wala akong anak!"
Daughter? May anak ba ang ate niya? Isabella ba pangalan ng anak nito? Why didn't she have any knowledge of it?
"Tita Jacque, cut the pretense. I know you already. I have documents here that would prove my claim."
"I don't care about your documents. Umalis ka na."
"I'm not leaving," determinadong saad ng babae.
"Tatawag ako ng pulis," banta ni Charity.
"Go ahead," kampante nitong tugon. "All I want is very simple, Tita Jacque. Just tell Hope her real identity and let her come with me to meet her family." WTH?
Hope's hand automatically flew to her ears to check if she was hearing right.
"Tell her that she's Isabella Fontanilla and not Hope Ferreira. You owe her the truth, Tita Jacque!" Patuloy ng babae.
Hope was shocked. Totoo ba? But why would her sister let her live a lie? Charity couldn't be her mother!
"Patay na si Isabella!" Biglang umiyak si Charity.
"No! You took the money and changed your names!"
"Kinuha ko ang pera dahil kailangan iyon ng anak ko. Hindi dahil mukha akong pera.!"
"I didn't say you are... Even Uncle James didn't believe that you left him for money..."
Sukat sa sinabing iyon ng babae ay mas napaiyak si Charity.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"Pero wala na si Isabella. Please, umalis ka na. Pabayaan n'yo na ako. Tahimik na ang buhay ko. Hindi ko na gustong magkaroon pa ng ugnayan sa mga Fontanilla."
"You don't understand, Tita Jacque. Uncle James is dead."
"A-ano?"
"He died of cancer last year. Until his last breath, he had wanted to see you and Isabella. Kaso hindi namin kayo mahanap," kwento nito. "Tita, it's Uncle's wish to leave half of his wealth to Isabella. And don't worry, this time, no Fontanilla is going to hinder Isabella from getting her inheritance. In fact, lahat kami sa pamilya, gustong makilala ang kaisa-isang anak ni Uncle James..."
"Kaisa-isa?" Humihikbi pa rin si Charity. "H-hindi ba siya---"
"He had a wife. Tita Sandra. But she was unable to bear him a child." Tumayo ang babae at nilapitan si Charity to comfort her. "I'm sorry if I had to come and tell you all about it this way. But, I'm just so excited to meet my cousin. Would you--- allow that to happen?"
"Please... Bigyan mo ako ng pagkakataon na pag-isipan ito." Napasapo ito sa ulo. But one thing was for sure. She was no longer denying that she's Jacque.
Hope didn't know what to feel. Siya ba si Isabella?
Naramdaman niyang may namuong luha sa kanyang mga mata. She had always wanted to see her mother. Gaya ng isang normal na bata noon, gusto niya rin ng nanay at tatay. But Charity told her they have none at silang magkapatid lang ang magdadamayan habambuhay. Kahit ang birth certificate niya, ang mga pangalan ng magulang nila na 'andoon ay hindi niya nakilala pa.
She believed her. Even when she cared for her like how a mother would to her child, ni minsan hindi sumagi sa isipan niya na ina niya ang kinikilala niyang ate.
Hindi niya naisip na ang eighteen years na pagitan nila ay pwedeng maging batayan ng pagiging mag-ina nila. Even their so obvious similarity didn't occur to her na dahil iyon sa dugo nito ang nananalaytay sa ugat niya. Magkapatid sila so she thought it was normal to look so much like her sister.
Never did it occur to her that the mother she'd been longing to have all this time has always been by her side from the very beginning.
"I'll come back tomorrow..." Kinuha na ng babae ang bag nito kaya umalis na siya sa pinto. "And, Tita Jacque, never ever try to hide again. You're under surveillance this time."
Tumango lang si Charity.
Hope hid behind the plants. Pinanood niyang umalis ang bisita at hinintay na itext siya ni Charity na pwede na siyang umuwi.
She did thirty minutes later. Pero hindi pa siya pumasok agad. Kailangan niyang lagyan ng oras ang kunwari niyang travel time mula sa resort.
Hope decided that she would pretend she didn't know. Hindi niya pa rin kasi alam kung paano niya tatanggapin ang natuklasan. Isa lang ang gusto niyang gawin ngayon, yakapin nang mahigpit si Charity...
*****
IT WAS already dawn pero hindi pa rin siya dalawin ng antok. Hope got up from her bed at pinuntahan sa silid nito si Charity. Tulog na tulog ito but she didn't miss the traces of dried tears on her face. Ilang saglit niya ring tinitigan ang mukha ni Charity. And while doing that, hindi niya mapigilang mapaluha.
This woman whom she just treated as a sister for as long as she lives is actually her mother... Bakit hinayaan nitong lumaki siya sa paniniwalang magkapatid lang sila? She should've told her sooner.
Humiga siya sa tabi nito at niyakap ito nang mahigpit. Whatever her reason was for hiding the truth, alam ni Hope na ginawa nito iyon sa pag-aakalang iyon ang makabubuti sa kanilang dalawa. She would never blame her. She would choose to understand.
"Mama," she whispered and the word sounded so good against her lips... She had always wanted to call someone like that. "Hope?" Naalimpungatan si Charity. "B-bakit ka andito?" Babangon sana ito pero pinipigil ito ng yakap niya. "Bakit ka umiiyak?" "May napanaginipan kasi ako..." She lied. "Natatakot ako matulog mag-isa." Sumubsob siya sa likod nito.
"Naku namang bata ka, ang laki laki mo na, matatakutin ka pa rin." Kinalas nito ang yakap niya para humarap sa kaniya. That's when she saw Charity's own tears. At nang yakapin siya nito, she felt her fear. "Hindi ka pwedeng ganito lagi. Hindi habang panahon, nasa tabi mo ako."
"Tsk..." Maikli siyang tumawa para bigyan ng ibang atmosphere ang drama na namumuo sa pagitan nila. "Kahit mag-asawa ako, isasama kita, ate. Kaya wala kang palusot para umalis sa tabi ko."
"Sinasabi mo lang 'yan ngayon."
"Hindi ah. Pangako ate. Hindi tayo maghihiwalay." She somehow needed to let her know that.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
Nararamdaman niya ang takot nito. Siguro iniisip ni Charity na magagalit siya at iiwanan ito kapag nalaman na niya ang totoo.
Well, she already knew. At wala siyang balak magalit o layasan ito. Charity had done more than a mother's job to raise her into who she was now. Sa dahilan pa lang na iyon, this woman in her arms deserve all the love and respect she could give.
*****
NAPAKAAGA pa ay bumalik na ang babaeng kausap ni Charity kagabi. This time, si Hope ang nakapagbukas dito ng pinto.
"Good morning!" Masiglang bati nito na napaka-vibrant ng ngiti.
"Good morning," pormal niyang ganting bati.
"C-can I hug you?" The lady's confident smile turned into an unsure one as tears started flowing from her eyes.
Napakunot-noo siya pero bago pa siya makasagot ay niyakap na siya nito.
"Isabella!" She exclaimed. Hope was caught off guard. Hindi niya ito nagawang itulak. "I'm your cousin." Hinawakan siya nito sa magkabilang braso when she broke the hug. "My name is Kassey!"
"I'm Hope... Not Isabella. I'm sorry," akma niyang tatanggalin na ang mga kamay nitong nakakapit sa kanya when Charity came out in the living room. "Hope. Kailangan nating mag-usap."
She braced herself. This was it. And she wasn't sure if she wanted to hear the truth from Charity herself.
Charity's real name was Jacqueline, orphaned at five and fell in love at the young age of seventeen to a rich twenty-five years old James Fontanilla. As expected, hindi siya natanggap ng pamilya ng kasintahan bukod pa sa menor de edad siya. The two eloped. Jacqueline got pregnant and delivered a baby girl, Isabella. Natunton sila ng mga magulang ni James. They threathened Jacque na kapag 'di niya hiniwalayan ang anak ng mga ito, sila mismo ang sisira sa binata hanggang sa gumagapang itong babalik at hihingi ng tawad. Pero kapag nakipaghiwalay siya, tatanggapin nila uli si James at kakalimutang sumuway ito.
Jacque knew how James grew up having a luxurious life. Kapag naghirap ito dahil sa kanya, hindi niya mapapatawad ang sarili niya. Inalok siya ng malaking halaga para magpakalayo-layo at 'wag ng magpapakita pa ulit. Tinanggap niya iyon. Mas makabubuti na kamuhian siya ni James sa pag-aakalang ipinagpalit niya ito sa pera kaysa sa kamuhian siya nito habambuhay dahil maghihirap ito. Jacque took Isabella with her na sa ano mang kadahilanan ay gusto ng mga Fontanilla na iwanan niya. Hindi siya sumunod sa usapan. Naglaho silang mag-ina.
"Isabella, come with me and meet your family..." Sabi ni Kassey.
Napatingin siya kay Kassey. Her eyes were hopeful.
"Hindi ako interesado," walang emosyong sagot niya. She would want to come. Gusto niyang malaman ang pinagmulan niya. But she could see the fear in Charity's eyes. At hindi niya kayang durugin ito lalo by agreeing to come with Kassey. "You don't understand... It took twenty-six long years to finally find you. Hindi pwedeng hindi mo gusto Isabella..." Giit nito.
"I don't care."
"Hope..." Charity held her hand. "It's about time. Sorry sa nagawa ko, anak!"
'Anak...' Charity called her anak.
Naramdaman na lang ni Hope na tumutulo na ang luha niya. Charity hugged her tight.
"Patawarin mo ako! Ang selfish ko! Akala ko tama ang ginawa ko," she cried.
*****
CHARITY persuaded her to go with Kassey. But without her promising first na babalik siya kaagad.
Hope agreed. Pero para lang matapos na ang problema ng mga Fontanilla sa iniwang kayamanan umano ng 'di niya nakilalang ama. Nabanggit kasi ni Kassey na hindi makuha ng naiwang asawa ng tatay niya ang mana nito unless she shows up. Kaya siya nagdesisyong sumama.
Gusto niya lang silang makilala to complete herself. And then she wouldn't accept her inheritance. Hindi niya iyon kailangan. Babalik siya sa San Gabriel at isasara na agad ang parte ng mga ito sa buhay niya. Babalik siya sa kanyang ina at hindi ito iiwanan kailanman.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report