FORGET ME NOT
Chapter 23 – Manipulative monster.

"Sa sobrang antok ko kanina, nauntog ako sa hamba ng pinto," Kaden told Hope nang usisain niya ang sugat sa noo nito.

Alam niyang nakuha nito iyon sa pagpukpok ni Agusto rito ng baril. But Kaden didn't tell her the truth kaya sumasakit ngayon ang puso niya. "Bakit 'di ka nag-iingat?" Napahikbi siya.

"Hey, I'm okay. 'Di pa ako mamamatay." He kissed her eyes. "Don't cry, please?"

"Ayokong nasasaktan ka," it's hurting Hope that Kaden was trying to hide the truth from her.

"Ang sweet naman ng mahal ko." Ikinulong siya ng binata sa isang masuyong yakap. "Wag ka nang mag-alala, okay? Walang masamang nangyari sa akin."

She opened her mouth to say something pero itinikom lang niya ulit iyon nang walang mamutawing salita roon.

Gusto niya sanang tanungin kung nakausap na nito si Zoey. But she couldn't bring herself to ask Kaden. Natatakot siyang aminin nito na may problema at naiipit ito.

"I love you, Kade," sa halip ay sabi niya.

"I love you too, Hopie." Kinabig siya nito at hinalikan sa mga labi.

She could feel his love for her. Gusto niyang maging selfish at tanggapin ang pagmamahal ng binata kahit alam niyang ikakapahamak nito iyon. Mahal na mahal kasi niya ito. Mula pa noong nakilala niya si Kaden bilang si Rain. She always knew na ito ang lalaki para sa kanya.

She already lost him once. Losing him again would mean death to her.

On the other hand, she could forget being a Fontanilla and run away with Kaden. Magpapakalayo-layo sila at mamahalin lang ang isa't isa habambuhay.

Sasama sa kanya si Kaden. Hindi na niya kailangang itanong pa iyon sa binata.

But then what? Hahabulin sila ng lolo niya sa dulo ng mundo. He would destroy Kaden. At siya ang magiging dahilan ng mga magiging pasakit ng mahal niya. Kakayanin ba niya iyon?

"Kumusta ang restaurant, Chef?" Mayamaya ay tanong ni Kaden para baguhin ang usapan.

"Maayos naman," maikli niyang sagot.

Wala na siyang pakialam sa kahit na anong may koneksyon sa pagiging Fontanilla niya. After witnessing how cruel Agusto could be, gusto niyang kasuklaman ang buhay ngayon na meron siya. Charity made the best decision when she raised her away from the Fontanillas.

"Paanong hindi magiging maayos kung isang napakahusay na Chef ang nandoon?"

"Binobola mo naman ako."

"Of course not... In fact, I think I'm hungry. Could you cook for me, Hopie?" Malambing na tanong ni Kaden.

Nasa condo sila at mula pa kanina ay panay na ang yakap at halik nito sa kanya. Nararamdaman niya hindi lang ang pagmamahal nito ngunit maging ang takot na kalakip no'n.

"Silly. You should've just told me para nakakuha ako ng pagkain sa restaurant."

"Ayoko. Gusto ko ipagluluto mo ako. 'Yong sa akin lang ang iluluto mo," patuloy nitong paglalambing.

"Oo na po," nakangiting tumayo siya pero maagap siyang nahigit ni Kaden pahiga sa kama.

"Sandali," he whispered. "Hopie."

"Hmn?"

"I love you. Ikaw lang ang mahal ko. Patawarin mo ako kung kailangan nating magtago. Bigyan mo pa ako ng sapat na panahon para maayos ko ang relasyon natin."

"Kaden." She cupped his face and looked at him lovingly. "Mahal na mahal kita. Pangako, maghihintay ako hanggang sa maging malaya ka."

"Pangako rin, hindi kita paghihintayin nang matagal, Hopie." He kissed her again.

She smiled bago mabilis na tinapos ang halik at tumalikod sa binata bago bumagsak ang luha niya.

"Let me see what I can cook for dinner."

*****

ALAM ni Hope na nangako siya kay Kaden na maghihintay siya. Ang hindi niya alam ay hindi pala madaling tuparin iyon.

"Let's talk."

Pinuntahan siya ni Zoey sa restaurant nang sumunod na araw. As much as Hope didn't want the confrontation, she knew it was bound to happen. "Sandali." Ibinilin muna niya ang maiiwang trabaho bago sumama kay Zoey.

They left the restaurant. Ayaw din naman niyang doon sila mag-uusap dahil siguradong makakarating sa pamilya niya. She didn't want to cause Kaden more trouble.

"Kaden wanted to call the wedding off," umpisa ni Zoey when they were settled in a cafe far from Isabella's.

Napansin ni Hope na matamlay ang dalaga. Namamaga rin ang mga mata nito.

"Hope, inamin niya sa akin na ikaw ang dahilan." Tumulo ang luha nito, right now, she wasn't facing a confident Zoey Jimenez. Isang broken woman ang kaharap niya ngayon. "Nakikiusap ako sa 'yo. Hindi ko kayang mawala sa akin si Kaden..." "Mahal ko rin siya, Zoey. At alam mo na sa akin siya magiging masaya," matapang niyang tugon. Kahit sa ganoong paraan ay maipaglaban niya ang relasyon nila ni Kaden.

"Mas mahal ko siya. Buong buhay ko minahal ko na si Kaden. Hindi pwedeng basta ka na lang darating at kukunin mo siya sa akin!"

"Mahal niya ako, Zoey."

"Alam ko. Pero nakikiusap ako sa'yo, Hope, kailangan ko si Kaden. Hindi ako mabubuhay na wala siya."

"You can't have everything you want."

"Then maybe I should just die," malungkot ang mga matang sabi nito.

"Hindi si Kaden ang buhay mo, Zoey!" Medyo naiinis niyang saad. Pero agad napalitan iyon ng takot nang may ilabas na baril ang babae mula sa bag nito at itutok iyon sa sintido nito. "Zoey!"

"I can't live without him, Hope," umiiyak nitong sabi. "You might say that I am selfish and crazy. But I love Kaden so much, I'd die if he leaves me. Isa pa, nakahanda na ang lahat! Naipadala na ang lahat ng imbitasyon. Mapapahiya ako. Mapapahiya ang pamilya ko."

"Zoey, ibaba mo 'yan!" Hindi niya malaman ang gagawin. It was a good thing na kaunti lang ang customers ng cafe dahil maaga pa. Pero nakuha na nila ang atensyon ng mga kukunting 'andoon at maging ng mga staff at pamunuan ng cafe. "Zoey, Kaden won't be happy kapag nalaman niya ito!"

"Malaman man niya, patay na rin ako. But you, dadalhin mo 'to sa konsensya mo hangga't buhay ka."

"How could you be so selfish, Zoey?!" Napaiyak na siya. Ayaw niyang i-give up si Kaden. Pero kaya ba niyang may magpapakamatay sa harapan niya dahil masasaktan ito sa pagkawala ni Kaden sa buhay nito? "This is not fair!" "Life is not fair, Hope!"

"Please, put the gun down," pakiusap niya.

"Bakit? Lalayuan mo ba si Kaden kapag ibinaba ko 'to?"

"Ang sama mo," she said.

"Mamamatay ako, Hope, magagalit ang pamilya ko, pababagsakin nila ang lolo mo at sa huli, hindi kayo magkakatuluyan ni Kaden..."

"Then you're wrong about your love for him, Zoey! Makasarili ka. Kakayanin mong makitang hindi masaya si Kaden para lang mapagbigyan ang gusto mo."

"I love him Hope. Buong buhay ko siya lang ang minahal ko. Oo at nagkamali ako dati pero narealize ko na siya talaga ang mahal ko. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Mamamatay muna ako bago mo siya makuha sa akin nang tuluyan." "I hate you, Zoey! Selfish ka!" Parang sasabog ang puso niya.

"Wala akong pakialam sa iisipin mo."

She could hear the people around them na inuudyukan siyang pagbigyan na lang si Zoey. But her heart cries a no. Paano naman siya kapag pinagbigyan niya si Zoey? Paano si Kaden? Paano ang pagmamahalan nila?

"Hihintayin ko si Kaden sa kabilang buhay," parang baliw nitong saad. "I'm sure na mapapatay siya ng lolo mo dahil sa kahihiyan na sasapitin ng pamilya n'yo. Hope, hindi mo makukuha si Kaden. He will die and we will be reunited in the after life."

"At magiging masaya ka kapag nangyari iyon?" Hindi siya makapaniwala.

"Hope, mahal ko si Kaden. Kahit gaano karampot na pagmamahal, kukunin ko... Masyado nang mahaba ito..." Ngumisi ito at akmang kakalabitin na ang gatilyo ng baril.

"Wag!" Pigil niyang umiiyak. Ang sama sama na ng loob niya. Bakit kailangan niyang mamili sa pagitan ng buhay ni Zoey at kaligayahan nila ni Kaden? Hindi fair iyon!

Mas madali sanang awayin ang babae at tanggihan ito kung dumating lang ito bilang ang aroganteng si Zoey. But no, she came like the weakest woman in the planet and threatened her with suicide. "Lalayuan mo na si Kaden?" Zoey asked.

Labag sa loob na tumango siya.

"D-do you promise to make him happy?" May bikig sa lalamunang tanong niya. Impossible iyon. Hindi nito mapapasaya si Kaden at isang malaking kabaliwan na ipaubaya ito kay Zoey.

Pero anong mas reasonableng desisyon ang pwede niyang magawa sa pagkakataon na iyon?

Natitiyak niyang hindi matutuwa si Kaden sa desisyon niya. But she'd rather see him alive sa piling ni Zoey kaysa ipaglaban ito at sa huli ay panonoorin niyang masawi.

"Promise... Kaden will love me again kapag wala ka na. Magiging masaya kami..."

Tumango siya at naglakad palayo.

"Patawarin mo ako, Kaden..." Bulong niya sa hangin.

*****

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

HINDI sanay si Hope na tinatanghali ng gising. But that day, napakabigat ng pakiramdam niya. Ayaw niyang bumangon. Wala siyang gustong gawin. Hindi siya pupunta sa restaurant. Kapag umalis siya ay 'di na rin naman niya mapamumunuan iyon. Masasayang lang ang pagod niya.

"How's your sleep?"

Tinawagan siya ni Kaden at matapos ang limang attempt ay saka lang niya ito sinagot.

"I want to go home," 'yon ang isinagot niya.

Silence.

How do you say goodbye to the person you love?

Ipinikit niya nang mariin ang mga mata niya.

"What are you saying?" Tanong ni Kaden "You're home."

"No... Bahay nyo 'to. This is not my home."

"Hopie," mahina nitong banggit sa pangalan niya. "May problema ba tayo? Kailangan ko bang umuwi para makapag-usap tayo?"

"No need," malamig niyang sabi. "Know what? I'm fine. Sige na. Magtrabaho ka na."

Huminga muna nang malalim ang binata bago sumagot.

"I'll see you tonight. I love you."

She pressed the end call button before she could say 'I love you too'.

It's not going to be easy pero kailangan niyang lumayo kay Kaden. Marahil ay hindi nito maiintindihan sa una pero gagawin niya iyon para mabuhay ito. Tama si Zoey, bago siya dumating, nagmamahalan na ang dalawa. Kapag umalis siya ay babalik lang naman iyon sa dati.

"I'm sorry, Kaden!" Ibinaon niya ang mukha sa mga palad.

Mahal niya ang binata at handa siyang lumayo matiyak lang na ligtas ito.

Uuwi na siya sa San Gabriel. Doon ang lugar niya. She should've had never listened na pwede niyang bigyan ng pagkakataon ang mga Fontanilla sa buhay niya.

Her grandfather was a manipulative monster. She couldn't spend the rest of her life na susunod-sunod lang sa gusto nito.

"Paano si Kaden?" Her mind asked. "He will remain a puppet of Agusto."

"He will not hurt him again. I'll make sure of it," pangako niya sa sarili.

Hindi naman siya aalis na walang gagawin para masigurong hindi na sasaktan ng lolo niya ang mahal niya.

Or was it still very coward for her to leave Kaden that way?

Bahala na. Kailangan niyang makausap si Agusto Fontanilla. She dried her tears at nag-ayos ng sarili para humarap sa kanyang lolo.

"It will be okay," she encouraged herself.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report