Her Name Is Monique -
CHAPTER 10: Apoy At Panaginip
(Patty)
This is it! Team building day. Napabuntong hininga na lang ako ng mula sa tabi ng kama nakita ko ang bag ko. Halos mag-away pa kami ni mommy dahil sa team building na 'yun. Hindi ko alam kung bakit she didn't want me to go. I know nag-aalala lamang siya sa'kin at naiintindihan ko siya pero ang hindi ko lang maintindihan bakit ayaw niya? I mean alam naman niya na need kong sumama dahil kasama ito sa activity sa school and I really need to go dahil nakasalalay ang grades at performance ko dito. 'Di kalaunan pumayag din naman siya. Tumunog ang cellphone ko and it was Lina. 4am pa lang ba't ang aga niya?
"Good morning Lina. Ang aga mo." nakangiti ko naman itong binati.
(I'm so excited Patty. Did I disturbed you?) nai-imagine ko kinikilig pa siya and I know kung sino ang dahilan no'n.
"It's okay Lina, don't worry. Gising na rin naman ako kanina pa."
(Can I pitch you there in your house? Para sabay na tayong pumunta sa school. If you don't mind.)
"Oo naman. Masaya nga 'yun e." masayang turan ko. Mas okay na rin 'yun para hindi ko na maabala pa si Mang Robert na ihatid pa ako sa university.
Maya maya lamang tapos na kami mag-usap ni Lina sa phone. Bumaba na ako sa salas dahil naaamoy ko na ang niluluto ni Manang Lucy, dumiretso ako sa kitchen pero hindi si Manang ang nadatnan ko kun'di si Mommy iyon. Ipinagbabalot niya ako ng babaunin ko. Hindi agad ako nakakilos pero unti unti napapangiti na lang ako. Nakatalikod siya sa sa'kin kaya naman hindi niya ako napapansin. I hugged her from behind at ramdam kong natigilan siya. "Mom, I promise that I will call you from time to time at mag-iingat ako kung iyon ang inaalala mo." mahigpit na yakap ko pa rin siya habang sinasabi iyon. Maya maya lamang naramdaman kong hinawakan niya ang mga kamay ko na nakayakap pa rin sa kanya.
"I know you would do that. Just be careful, okay? Ayokong mawala ka sa'min kaya ganito ako sayo." tumango naman ako sa sinabi niya habang yakap pa rin siya.
Narinig kong may bumusina sa labas ng bahay. "I think yung kaibigan mo na 'yun." sabi ni mommy. "Bilisan mo na at baka mahuli pa kayo sa pagpunta sa school." anito na patagong nagpahid ng luha. Napangiti ako kasi kahit na adopted lang nila ako ni Dad ipinaparamdam nila na higit pa sa totoong anak ang turing nila sa akin, and I'm thankful to God.
Kinuha ko lang ang bag ko sa aking kwarto at bumaba na rin sa salas at humalik kay Mom. Nasa gate na ako ng lumingon ako pabalik sa pinto kung nasaan naroroon pa rin Si Mommy. Mangiyak ngiyak itong nakatingin sa'kin. Ang emotional talaga nito pagdating sa'kin and I love her even more. I walk back to her and hugged her really tight. "I love you Mom. I'll be careful." nakangiting wika ko at humalik sa pisngi niya bago tuluyang umalis. She wave at me while crying. Naririto na kami ni Lina sa University. Medyo madilim pa at malamig ang simoy ng hangin sa paligid. I'm wearing a red jacket na close neck and a cream pants, tinernuhan ko naman ng white sacks na hindi naman ganoon kahaba with a lining black and white in the middle on it, and a brown lether shoes habang hawak sa kanang kamay ang bag na napakabigat. Si mom kasi ang daming jacket na pinabaon sa'kin baka daw masyado akong lamigin sa tagaytay. "Sa tingin mo masyado ba tayong maaga?" tanong ni Lina sa'kin. Tiningnan ko ang rilo ko and it's 4:22am already. "Hindi naman, sakto lang yan. Any minute sigurado darating na rin ang iba pang makakasama natin sa team building." tumango tango na lang siya sa sinabi ko at kinuha ang bag niya na iniabot ng driver nila na si Mang Jay.
Lahat ng department ay kasama sa gaganaping team building kaya naman sobrang daming bus ang nakaparada ngayon sa labas ng university. I wonder kung saang bus ako I mean kami ng mga kolokoy kong classmates slash mga Kuya. Sa huling naisip ko napangiti ako. Ang dami ko ng kuya ngayon.
"Nakakalungkot, kasi hindi tayo magkasama sa bus." anito na nakasimangot.
"Oo nga e, pero pwede naman tayo magkasama sa guess house na tutuluyan natin doon kaya 'wag ka ng malungkot." nakangiting pang-aalo ko sa kanya. Nagliwanag din naman agad ang mukha niya sa sinabi ko na hindi pa nakontento niyakap pa ako. Nakakatuwa dahil sa maiksing panahon na nagkakilala kami naging magkaibigan agad kami. Sino ba ang hindi? Masyado siyang cute para maresist ko at sobrang bait niya. Pumasok na kami sa loob ng University ni Lina. Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok ng may maulinigan akong mga nag-uusap.
"Hindi lang pala tayo ang napaagang pumunta dito Patty." ani Lina na narinig din pala ang mga boses na iyon. "Tara lapitan natin baka isa sa mga kakilala natin, o-or k-kadepartment mo." nakangiti pa niyang turan sa'kin na medyo mabulol- bulol pa at hinigit ako. Ang lakas naman yata ni Lina, may hawak pa yan sa kaliwang kamay na bag. Napailing na lang ako sa kanya, masyado siyang excited, pansin ko.
"Fuck dude! Ang aga natin masyado. Dapat natutulog pa ako ngayon e."
Narinig kong reklamo ng kung sino. Pero teka parang boses ni pikolo 'yun I mean kuya Niko.
"Tumigil ka nga d'yan Niko, para kang bata."
"Buti nga maaga ka namin pinuntahan dahil kung hindi maiiwan ka ng bus at hindi ka makakasama." at boses naman iyon ni kuya Vince at kuya Renz.
Malapit na kami sa kanilang kinaroroonan at tama nga ako mga kadepartment ko nga, ang mga kuya ko nga. Na-excite ako bigla.
Maglalakad na sana ako palapit sa kanila ng napatigil ako I mean pinigilan ako nitong si Lina. Nakayuko lang siya ng lingunin ko. "Huh, bakit? Tara lumapit tayo sa kanila at ipapakilala kita."
"A-ano, i-ikaw na lang m-muna Patty." nag-aalinlangan na turan nito na nakayuko pa rin. Napangiti na lang ako sa ikinikilos niya. Ang cute niya mahiya at mataranta. Ang sarap niya i-uwi sa bahay.
Alam ko naman kung bakit siya nagkakaganyan and it's all because of kuya Renz. Hindi lang basta crush ang nararamdaman niya dito kun'di gustong gusto niya ito. Ngayon pa lang kinikilig na ako sa magiging love story nila. Bagay na bagay kasi sila.
"It's a big no Lina kaya sasama ka sa'kin sa ayaw at sa gusto mo." wala na itong nagawa ng hilahin ko.
"Good morning mga kuya." bati ko sa mga ito ng malapit na kami ni Lina sa kanila. "Morning Cutie pie."
Tsk lang naman ang sinabi ni kuya Renz sa tinuran ni kuya Niko.
"Hello Pat-Pat, Good morning!" bati naman sa'kin ni kuya Vince. Tatlo pa lamang sila na naririto. Hindi ko mapigilan na igala ang mga mata at hanapin si Prince, pero wala siya.
"Mga kuya ipinapakilala ko pala si Catalina Johnson, Lina for short, she's my friend from Fine Arts department." pakilala ko sa dalaga habang nakangiti. Ilang minuto na pero walang reaction mula sa kanila. Naramdaman ko na humigpit ang pagkakahawak ni Lina sa kamay ko. Bakit bigla natahimik sila? Maiintindihan ko pa sila kuya Renz at Kuya Vince pero si kuya Niko diba dapat masigla siya kasi babae ang ipinapakilala ko, babaero 'to eh pero bakit bigla nag-iba ang ihip ng hangin. Magsasalita na sana ako ng biglang lumapit si kuya Renz sa'min especially to Lina.
"I'm Renz Santiago Dela Vega nice to meet you Lina." sabi ni kuya Renz kay Lina na natuod na yata sa tigas habang iniaabot ang kamay ni kuya Renz para makipagkamay sa kanya. Bahagyang siniko ko siya para matauhan natulala na kasi sa mukha ni kuya Renz. "I'm, I'm ano. I'm C-catalina Johnson, L-lina na lang. N-nice to m-meet you too R-renz." kandautal na sagot ni Lina rito na tinanggap naman ang kamay ni kuya Renz. Napapangiti na lang ako at kinikilig sa nakikita. "Dahil kaibigan ka ni Pat-Pat magpapakilala ako. I'm Vince Jimenez."
"Ako naman si Nikkolo Martinez, Niko for short."
Ako lang ba ito or masusungit talaga sila? Napakibit balikat na lang ako. Baka kulang lang sila sa tulog, masyado kasing maaga ngayon gumising.
"Nasaan na nga pala si Prince? Kanina pa 'yun sa loob ah." ani kuya Niko na nakakunot noo at marahang humikab. Dahil sa narinig para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig at nanigas ako. Ibig sabihin narito na rin pala si Prince. Bigla hindi ako mapakali. Para akong naiihi na ewan. Naramdaman kong pinisil ng bahagya ni Lina ang kamay ko, ng lingunin ko siya ay nginitian lang niya ako. Medyo kumalma ako.
"Ayan na pala siya... Uy dude! Ano ba ang ginawa mo sa loob, ba't ang tagal mo?" napalingon din ako sa tinitingnan ni kuya Vince and his right. Naglalakad siya papalapit sa'min na para bang nag slow mo ang paligid at kami lang ang naririto habang nakatingin siyang naglalakad papalapit sa kinaroroonan ko.
He's wearing a combination color of black, gray and blue. Close neck jacket with a red two tiny zipper in his chest and both sides of his stomach and a black pants. Hindi ko alam kung nakatingin din ba siya sa'kin dahil nakasuot siya ng sun glasses. Parang tumigil ang tibok ng puso ko habang tinitingnan ko siyang marahan na naglalakad at bahagyang hinahawi ang buhok na nililipad ng hangin sa bandang mata niya. Bakit ba sobrang gwapo niya? Hindi na nakapagtataka na ang daming naghahabol sa kanya.
Saktong 5:00 ng umaga nagdatingan ang iba pang estudyante. Yung iba mukha pang mga inaantok. 5:30am kasi ang call time namin. Mahaba-haba ang byahe kaya naman dapat maaga kami makaalis. Kasabay ng ilang mga estudyante dumating ang mga professor ng bawat department. After na ma-brief kami sa mga dapat gawin ay sinabi na sa amin kung saang bus kami. Nagkagulo na ang mga kolokoy slash mga kuya ko sa pagpasok sa bus. Mga nag-uunahan sila. Napangiti na lang ako kasi para silang mga bata sa inaasta nila ngayon. Nung ako na ang papasok sa bus biglang may tumulak sa'kin na talagang ikinagulat ko, hindi ko inaasahan 'yun.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Oppsss! I'm sorry. I didn't see yah." wika ng babaeng spoiled brat na si Catherine habang may ngiting nang aasar sa mga labi. Napangalawahan pa ako ng tulak ng sa likuran ko sumulpot ang dalawa niyang laging kabuntot na si Tina at Cassey. "Oppsy! Sorry, we didn't see you either." maarte namang sabi ni Tina. Anong ginagawa nila sa bus namin? Ang alam ko sa Zairin's department lang 'tong bus number 2230. Mali ba ako? Isang mapang-asar na tingin pa ang iginawad nila sa'kin bago tuluyang pumasok sa bus.
"My Princeeeeee!" narinig ko pang tili ni Catherine sa loob.
"Hoy babaeng linta bakit ka naririto? Para sa mga Zairin lang ang bus na 'to a." kinig ko ring turan ni kuya Niko.
"I'm not a linta, man whore."
"Aba't." Napabuntong hininga na lang ako at umayos na ng tayo.
Paghakbng ko papasok may biglang umalalay sa'kin. "Sala... mat" nasabi ko na lang kasi ngayon ko lang nakita ang lalakeng ito sa tabi ko.
"I'm Lance Aguncillo." pakilala nito sa sarili habang nakalahad ang kamay. Tinanggap ko naman iyon. Ibig sabihin siya ang sinasabi ni Ms. Valdez na isa pang kulang sa department namin dahil may emergency sa business kaya need mag out of town. "I'm Pa---."
"Patty Salvador the transferee in our department. The new rank 3, right?" nakangiti nitong putol sa sasabihin ko. Napatango na lang tuloy ako. Paano niya kaya nalaman ang pangalan ko? "Yeah, I know you already. Nikkolo told me about you." sabi pa nito na para bang nahulaan ang iniisip ko. Manghuhula ba siya?
"Salamat ulit kuya Lance." ngumiti lamang naman ito sa sinabi ko.
"Patty, here."
"Cutie pie dito ka na sa tabi ko."
"Princess ikaw na lang katabi ko."
Magkakasabay na turan nila kuya Renz, kuya Niko at kuya Clark pagbungad ko pa lang sa loob. Nagkatinginan naman, yung tatlo at pare-parehong sumimangot lang. Napangiti na lang ako ng alanganin. Gusto ko rin naman sila makatabi kaso baka may magtampo kapag namili ako. "You can seat beside me if you can't choice." napalingon ako sa likuran ko ng magsalita muli si kuya Lance. "Lance! Naririto ka na pala hindi ka man lang nagpasabi." masayang turan ni kuya Vince rito.
"Welcome back bro." ani kuya Luke naman rito.
"Duh! Bakit niyo siya gustong makatabi? Wala namang special sa kanya." bira naman ng maarteng si Catherine na katabi pala si Prince. He still wearing a sun glasses. Ouch! Sumakit yata ang mga mata ko sa nakikita na magkatabi sila. "Like duh! Ikaw na linta ka 'wag mong pinagsasalitaan ng hindi maganda si Cutie pie at baka banatin ko yang mukha mong bagong botox." gusto kong matawa sa sinabi ni kuya Niko. Asar naman na nilingon ito ni Catherine. Napailing na lang ako at pumunta sa kina-uupuan ni kuya Renz. Sa kanya na lang ako tumabi kasi siya naman ang una kong naka-close sa kanila.
"Sorry kuya Lance. Doon na lang po ako kay kuya Renz."
"Okay. Don't be. Just go on."
Nginitian ko ito bago umalis at pumunta sa pwesto ni kuya Renz.
Iniwasan kong mapatingin sa kinaroroonan ni Prince at ang malditang si Catherine. Ayokong magkaroon ng sore eyes.
Napakahaba ng byahe feeling ko tuloy namamaga na ang puwet ko sa kakaupo. Buti na lang si kuya Renz ang katabi ko, hindi ako nainip at puro kami kain ang ginawa sa byahe.
Ilang minuto ang dumaan at sa wakas dumating na rin kami sa mismong lugar na sinasabi ng mga Professor namin. Nag-unat unat muna kami bago bumaba sa bus. Ang sarap ng simoy ng hangin, napakasariwa at malamig sa balat. Hinanap ko kaagad si Lina para sabay na kaming pumunta sa room na tutulugan namin. Hindi rin naman nagtagal nakita ko itong kumakaway habang tumatakbo papalapit sa'kin. Gusto pa sana akong ihatid nila kuya Renz at kuya Niko pero tumanggi ako.
Nilibot namin ni Lina ang paningin sa loob ng magiging kwarto namin at ang ganda niyon. Sabay pa kami ni Lina na tumakbo sa kama at biglang humiga habang sabay din na tumawa.
"Okay girls. Come out now dahil uumpisahan na natin ang first activity natin." rinig namin na sabi ni Ms. Valdez sa labas ng aming silid. Dali dali naman na nag-ayos kami ni Lina at lumabas na ng kwarto. Nakasabay namin ang mga maldita na sina Catherine sa paglabas ng kwarto na katapat lang pala ng aming silid. "Hmp!" sabay sabay na sabi nung tatlong spoiled brat at umirap sa'min ni Lina especially to me. "Seriously ano bang problema nila sa'kin?" nagtataka na talaga ako sa ikinikilos nila.
"I told you diba. Ikaw ang target ng mga yan because you are the first woman na nakasundo ng Zairin's department and because of Prince. Lalo na ngayon na kalat na sa buong university na napalitan mo si Vince Jimenez sa pagiging rank 3. Marami ang naiinggit at nagagalit sa'yo ngayon, kaya mag-iingat ka hindi natin alam kung ano ang pwede nilang gawin sa'yo." mahabang paalala sa'kin ni Lina. Napaisip tuloy ako. Mali ba na magsumikap akong mag-aral at magkaroon ng mga bagong kaibigan. Napabuntong hininga ako dahil doon. Hindi ko na lang sineryoso ang mga sinabi ni Lina at lumabas na kami.
Buong maghapon wala akong ginawa kundi ang tumawa ng tumawa dahil sa mga kasama ko. Kagrupo ko kasi sila kuya Niko nangunguna sa kakulitan at kasama din sila kuya Luke at Yuki na sobrang kukulit din pala. Tapos may dalawa kaming kasama na taga Engineering building, isang babae at isang lalake na mukha namang mababait. Pinaka tumatak sa'kin ay ang scavenger hunt game. Ito kasi ang pinaka complicated at mahirap naming ginawa. Sobrang dami naming pinuntahan para lang makompleto ang lahat ng nakasaad doon.
Madalas na makita ko si Catherine nanlilisik ang mga tingin sa'kin during the game. Wala naman akong ginagawa sa kanya. Dapat nga ako magtaray sa kanya kasi kagrupo niya lang naman si Prince. Madalas ko din kasi sulyapan si Prince na lagi rin akong nahuhuli na nakatingin sa kanya. Kinilig pa ako sa kasabihan na 'Hindi ka mahuhuli na nakatingin sa kanya kung hindi ka rin niya tinitingnan'. Bet na bet Patty? Assuming ka din. Dahil sa kakasulyap ko sa kanya madalas akong madapa.
Magkasama kami ngayon ni Lina na kitang kita na masaya siya kasi kagrupo niya si Kuya Renz. Papasok na kami sa kwarto namin para magpalit ng damit dahil pawis at madumi na kami dahil sa mga games na ginawa namin. "Sobrang nakakapagod no." ani Lina habang naghahalungkat ng gamit sa bag niya.
"Kitang kita ko nga sa mukha mo. Sobrang nag enjoy ka." namula naman agad siya sa sinabi ko. Natawa na lang ko sa kanya.
"Patty lalabas lang ako sandali ha." rinig kong paalam ni Lina sa'kin mula sa labas ng Cr. Matapos magbihis lumabas na rin ako ng Cr. Nakita ko ang isang baso ng juice sa table ko, napangiti ako. Ang thoughtful talaga ni Lina. Mabilis na ininom ko din iyon at nag-ayos na para lumabas na rin. Ang alam ko magkakaroon ng bonfire, mukhang maganda 'yun. Tumayo na ako sa kama at handa na sanang lumabas pero nakaramdam ako ng hilo at antok. Napahawak ako sa sintido at bahagyang hinilot iyon. "Ihihiga ko muna ito para mawala." sabi ko at humiga na. Baka sa sobrang pagod sa maghapon na ginawa namin. Hindi ko namalayan tuluyang nakatulog na ako. "Hanapin niyo si Monique. Hindi maaaring mamatay siya." Sigaw ng maawtoridad na lalake. Marami akong naririnig na boses pero ni isa sa kanila wala akong makita. "Hindi maaari. Princess! Ang anak ko."
Sobrang dilim, wala akong maaninag kahit na konteng liwanag. Naninikip ang dibdib ko dahil sa usok na nalalanghap ko. Nasaan ba ako? Kanina pa ako lakad ng lakad pero parang walang katapusan ang nilalakad ko. Nang bigla may narinig akong umiiyak na batang babae. Sinundan ko iyon hanggang sa nakita ko ang bata na umiiyak habang nakaupo at yakap-yakap ang maliit na kulay brown na teddy bear. I think I saw that teddy bear in Orphanage before. Hindi ko nakikita ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa akin. Gusto ko siyang lapitan pero habang humahakbang ako palapit sa kanya lumalayo naman ito sa'kin. Biglang may bumagsak na malaking kahoy na may apoy sa pagitan namin. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi naman ito natamaan. Tatakbuhin ko na sana ang kinaroroonan niya ng matigilan ako, may lalakeng biglang kumuha sa kanya at binuhat siya.
"Patty! Hey Patty. Wake up!" nagising ako sa boses ng lalakeng tumatawag sa'kin. Hindi ko siya maaninag dahil feeling ko hinang-hina ako. Ang mga mata ko hindi ko masyadong maimulat. "Kailangan na nating makalabas dahil kung hindi mas lalaki pa ang apoy." natatarantang wika ng pamilyar na boses. Nakita ko sa nanlalabong paningin ang makapal na usok sa loob nitong guess house habang pilit akong pinapamulat ni Prince. Siya pala yan kaya pala pamilyar ang boses. Bakit nagkaroon ng apoy dito?
"Kaya mo bang tumayo?" tanong ng nag-aalalang si Prince. Sinubukan kong tumayo pero sobra akong nanghihina kaya natumba rin ako buti na lang naging maagap siya at nasalo ako. Naramdaman kong umangat ang katawan kong hinang hina sa ere. Binuhat ako ni Prince na parang bagong kasal. Sa natitirang lakas ko iminulat ko ang aking mga mata upang makasiguro na hindi na ito isang panaginip lang. Nakikita ko na nahihirapan siya sa sitwasyon namin ngayon. Pero napangiti ako feeling ko kasama ko si Gelo sa katauhan ni Prince, niligtas niya ako. Nasa pinto na kami pero hindi kami agad makalabas dahil sa lumalaki na ang apoy sinubukan niyang mabilis na lumabas ngunit may bumagsak na kahoy sa amin mula sa itaas na may apoy din, buti na lang naiwasan nito iyon. Parang katulad ng nasa panaginip ko.
Ini-angat ko ang aking kaliwang kamay at hinawakan ang kanyang mukha. Naramdaman kong nagulat siya sa ginawa ko pero wala siyang sinabi. Dahil siguro sa kapal ng usok kaya lalo akong nanghihina. "I'm miss you... Gelo." Hanggang doon. lamang at tuluyan na akong nawalan ng malay.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report