Her Name Is Monique
CHAPTER 12: Tita Kelly

(Patty)

Nagising ako na may pakiramdam na may mga kamay na nakahawak sa kamay ko pero ng imulat ko ang aking mga mata wala namang tao sa loob ng kwarto ko. "Teka! Nasaan ba ako?"

Inilibot ko ang paningin sa paligid. Puting kisame, puting dingding at puting mga kurtina. Puro puti ang nakikita ko.

"Patay na ba ako?" Napabangon ako bigla sa naisip dahilan para mahigit ko ang suwero na nakakabit sa kamay ko. Napaigik ako sa sakit dahil doon. Nakahinga ako ng maluwag. "Ibig sabihin buhay pa ako." parang baliw na sabi ko sa sarili. Tiningnan ko ang kamay na may nakakabit na suwero. Hindi naman 'yun dumugo or napaano.

"Bakit ako nasa hospital? Ano ba ang nangyare?" nagtatakang tanong ko sa sarili. Ang huling natatandaan ko nag Cr. ako at uminom ng juice tapos nakaramdam ako ng hilo at antok. Pagkatapos no'n wala na akong matandaan. "Hala! Yung team building!"

"Oh my god! Ginulat mo naman ako Patty." napalingon ako sa pinto ng marinig ang boses ni Lina na kapapasok lang at ngayo'y nakahawak na sa dibdib. "Pero mabuti nagising ka na. Lahat kami nag-aalala sa'yo. Kamusta na ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa'yo?" sunod sunod na tanong ni Lina kasabay ng paglapit nito sa akin at maingat na niyakap ako. "Pinag-alala mo ako bruha ka." maiyak iyak na sabi pa nito.

"A-anong nangyare Lina?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Wala talaga akong maalala. Unti unti itong humiwalay sa pagkakayakap sa'kin at tiningnan ako na parang hindi makapaniwala.

"Wala kang natatandaan?" tanong pa nito na nanlalaki ang mga mata.

"Ang huli kong naaalala noong pag-alis mo sa kwarto natin maya maya lumabas na rin ako sa cr. Tapos nakita ko yung juice na hinanda mo para sa'kin. After no'n nahilo ako at inantok hanggang doon lang wala na talaga akong maalala." nalilitong turan ko na napakamot pa sa batok.

"Teka! Anong juice ang sinasabi mo?" naguguluhan nitong tanong sa'kin.

"Yung juice na nakapatong sa table ko na nilagay mo before ka umalis." nakangiting turan ko sa kanya.

"Pero wala akong nilalagay na juice, Patty. Hindi ako ang nagtimpla no'n for you." anito na titig na titig sa'kin.

"Huh? Kanino naman kaya galing 'yun? Nakakapagtaka naman."

Binalingan ko si Lina na nabato na yata. "Bakit pala ako nasa hospital Lina?"

"Ilang minuto binalikan kita sa kwarto natin para sabihin na mag-uumpisa na ang bonfire pero nakita kitang nakahiga sa kama mo at tulog na tulog. Ginigising kita pero hindi ka magising."

"Paano mangyayare 'yun, sobrang bilis kong gisingin."

"Yun na nga ang nakakapagtaka dahil hindi naman tayo masyadong pagod 'di ba dahil nakapagpahinga naman tayo saglit at kung pagod man hindi naman tayo agad makakatulog. After kita gisingin ng ilang ulit naisipan ko na baka nga pagod ka kaya naman bumalik na ako kung saan naroroon ang bonfire na ginagawa nila. Sinabi ko na lang kila Ms. Valdez na tulog ka. Pero nagulat kami ng magkaroon ng sunog at mismong sa kwarto natin nag-umpisa iyon." mahabang paliwanag niya sa'kin.

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ang mga kamay sa bibig ng ako'y mapasinghap. Bigla nagkaroon ng ilang alaala sa akin. Si Prince, niligtas ba talaga niya ako?

"Nasa hospital din na ito si Prince at..... si Renz." malungkot na wika nito. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

"Kamusta na sila? Anong nangyare sa kanila? Gising na ba sila? Ano?" natatarantang sunod sunod kong tanong kay Lina. Bumangon ang kaba sa dibdib ko.

"Okay na sila Patty, 'wag kang mag-alala." nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Buti naman okay na sila. "Ikaw ang pinakamatagal bago nagkamalay." narelax na ang buong katawan ko. "Bakit nga pala kasama sila kuya Renz at Prince sa mga na-ospital?"

"Para iligtas ka nila. Nalaman kasi nila na naroroon ka sa loob at natutulog, nag-alala sila ng sobra sayo lalo na si Renz. Siya ang unang pumunta para iligtas ka kaso nabagsakan siya ng kahoy kaya naman nawalan siya ng malay." nakadama ako ng lungkot sa narinig maging si Lina alam ko nalulungkot ito. Kung hindi ako natulog hindi mangyayare 'to. "Sumunod naman si Prince na tumakbo din agad ng malaman na nasa loob ka. Pinigilan siya ng mga Zairin pero parang wala siyang naririnig at dire-diretso siya sa kwarto natin." nagulat ako sa sinabi niya. Ibig sabihin hindi isang panaginip lang ang nakita ko na buhat niya ako. Pakiramdam ko may mga sumabog na fireworks sa paligid, kinikilig ako sa isipin na nagmadali siyang puntahan ako para iligtas. Biglang nag-play ang song ni taylor swift sa isip ko.

(Romeo, take me somewhere we can be alone

I'll be waiting, all there's left to do is run

You'll be the prince and I'll be the princess

It's a love story baby just say "Yes"

Romeo, save me, they're trying to tell me how to feel

This love is difficult, but it's real

Don't be afraid, we'll make it out of this mess

It's a love story baby just say "Yes")

Para akong baliw na pangiti ngiti. "Bakit Patty?" tanong niya sa'kin na may pagtataka. Sino ba ang hindi, seryoso ang pinag-uusapan niyo tapos bigla ngingiti ka ng para kang ewan.

"A-ah wala, wala naman!" sabi ko at tumawa ng bahagya habang napapakamot sa batok.

"Nagtataka lang ako bakit ako iniligtas ni Prince? Samantalang hindi naman kami ganoon ka-close tulad ni kuya Renz." sabay kaming napalingon ni Lina ng biglang bumukas ang pinto at ang pinag-uusapan lang namin ngayon-ngayon lang ay sumulpot sa harapan namin. It was kuya Renz na hinihingal pa habang hawak ang dextrose niya na nakakabit din sa kanya. May mga alos din ito ngunit konte lamang iyon.

"Kuya Renz!"

"R-renz."

Magkasabay na gulat naming sabi ni Lina. While si Lina ay napatayo pa sa upuan na nakahawak ng mahigpit sa kamay ko habang tinititigan niya si kuya Renz na nakatayo pa rin sa pinto. Lihim na napangiti ako sa nakikitang reactions niya. Panigurado sobrang nakakakilig kapag nag-umpisa na ang love story nila. Ako ang magiging number one fun nila. Hindi ko na mahintay ang pagkakataon na 'yun, excited na ako. Ang cute cute talaga ni Lina. "Okay ka na ba Precious?"

"O-okay na---"

"Wala na bang masakit sayo? Huh?"

"Wala nam---"

"Ang dami mong sugat. Okay na ba ang pakiramdam mo?" sunod-sunod nitong tanong sa'kin na halos hindi na ako makasingit. Napangiti ako dahil kitang kita sa mukha ang pag-aalala nito. Lumingon naman ako sa kinaroroonan ni Lina na nakatayo pa rin sa gilid ng kama ko at nakangiting nakatingin sa amin ni kuya Renz. Tumango na lang ako at nginitian si kuya Renz. Napabuntong hininga ito. "Mabuti naman at okay ka na. Pinag-alala mo ako." anito na umayos na ng upo sa tabi ko sa kama.

"Sino si Precious kuya Renz?" nagulat siya sa tinanong ko. Hindi agad ito nakasagot at nag-iwas lang ng tingin sa'kin. "Narinig ko kasi ng tawagin mo akong Precious." hindi ito gumalaw at nanatiling nakatagilid sa'kin at hindi tumitingin. "Wag mo na sabihin sa'kin kung sino siya kung hindi ka pa handa, okay lang sa'kin. I respect that." nakangiting wika ko.

"May ipapabili ba kayo? Lalabas kasi ako, bibili ng makakain natin." singit ni Lina na nakahalata din yata ng awkwardness sa paligid.

"Salamat Lina, ibili mo na lang ako ng burger parang natakam ako bigla do'n." natatawang sagot ko sa kanya. Mabilis naman na lumabas ng silid si Lina. Ilang minuto ang lumipas at hindi pa rin nagsasalita si kuya Renz. Tahimik lang at nakatingin sa paanan nito.

"She's my twin sister, Monique." panimula nito. Nagulat ako kasi may kakambal pala siyang babae. Sa lahat ng article tungkol sa pamilya nila ni isa doon walang inilahad na may kakambal siyang babae. Hindi ako umimik at nakinig lang sa mga sasabihin pa nito.

"Precious ang tawag ko sa kanya dahil para sa'kin isa siyang miracle na bigay ng panginoon sa'min. Princess naman ang tawag sa kanya nila Mom, Dad at kuya Keith." anito na umayos ng upo pero nanatiling nakatagilid sa'kin at nakatingin sa labas ng bintana. Siguro napaka swerte nang kakambal niya dahil mayroon siyang kakambal na tulad ni kuya Renz, sobrang maalaga sa kapatid.

"Isa siyang miracle dahil noong mga panahon daw na ipinanganak kami ako lang ang humihinga at siya ay hindi. Ako ang unang inilabas at huli siya. Ang akala ng mga doctor patay na siya. Mom and Dad started to cry. Binuhat siya ni Mom at niyakap habang umiiyak pa rin. Hindi siya makapaniwala dahil noong ipinagbubuntis daw niya kami napakahealthy namin pareho at malilikot sa sinapupunan niya. Binuhat niya rin ako at sabay na niyakap at hinalikan sa noo. Isang milagro ang nangyare ng makita nila Mom na hawakan ko ang kamay ni Monique habang buhat pa rin niya kami, Monique started to breath and cry." nakita kong nagpahid ito ng luha maging ako naiiyak na sa ikine-kwento niya sa'kin. Sobrang nakakatouch naman nilang magkapatid. Pero bakit hindi nabanggit sa mga article at magazine ang tungkol kay Monique na kakambal nito?

"But when we were 4 years old back then unexpected accident happened." nagulat ako. "Accident?"

"Katulad ng nangyare sa'yo sa guess house sa tagaytay nagkaroon ng sunog sa bahay namin. Bago nangyare ang sunog, Precious came to my room at nagpapalambing. Ang sabi niya baka may monters daw na kumuha sa kanya sa room niya kaya naman gusto niya sa room ko matulog para may katabi daw siya habang yakap yakap niya ang favorite niyang teddy bear na regalo ko sa kanya." kitang kita ko ang mga malulungkot na ngiti ni kuya Renz habang binabanggit ang alaala ng kakambal. "Pero alam mo nagsisi ako sa ginawa ko. Sana pala hindi ko na lang siya binuhat at hinatid pabalik sa kwarto niya noong makatulog siya. Sana hinayaan ko na lang siyang doon matulog sa room ko kasi 'yun na pala yung huling beses na makikita ko siya, huling beses na mararanasan ang paglalambing niya sa'kin. Edi sana sabay kaming nailabas sa nasusunog na bahay. Ako ang may kasalanan kung bakit nawala siya sa'min." hindi ko namalayan umiiyak na ako. Hindi ko maintindihan pero sobrang sakit ng dibdib ko habang pinakikinggan ito.

"Noong nailabas na ako sa bahay hinanap ko agad siya dahil ang sabi sakin ni Manang nauna na siyang nailabas sa bahay. I asked kuya Keith and Manang kung nasaan na si Precious pero she's no where to be found. Dumating noon sila Mom and Dad na galing sa office at pareho silang natataranta. Maging sila nagulat ng hindi nila makita si Monique. Dad shouted and calling her name pero wala dahil doon hinimatay si Mom. Pinahalughog ni Dad ang buong paligid sa gilid ng bahay pero hindi siya nakita." unti unti tumingin sakin si kuya Renz na basang basa na rin ang mukha ng luha. Ngumiti siya sakin ng malungkot at pinahid ang mga luha sa mga pisngi ko.

"Ilang taon din na pinaimbistigahan ni Dad ang nangyare at ilang taon din siyang pinahanap sa private investigator pero ang laging lumalabas na result ay baka kasama siya sa mga nasunog sa loob, kasama ng ibang mga kasambahay namin. Hindi matanggap ni Mom iyon kaya naman madalas nasa hospital siya halos hindi na siya kumakain, nawalan na siya ng gana magpatuloy sa buhay. Pero isang araw nakita namin na biglang nag-iba si Mom. Hindi ko masasabing bumalik siya sa dati na masigla at masayahin pero nagkaroon na siya ulit ng dahilan para mabuhay at ang sabi niya kami iyon, kami ng pamilya niya. Kaya naman si Dad pinatigil na ang paghahanap sa kanya para hindi na ma-stress si mommy. Hindi namin iniisip na patay na siya dahil wala namang malinaw na pruweba. Iniisip na lang namin na masaya siya ngayon sa buhay niya kung saan man siya naroroon. Hindi kami nawawalan ng pag-asa na may awa ang diyos at makikita din namin siya ulit." anito na nakangiti na habang hinahaplos ang mukha ko. "Sorry for calling you Precious a while ago. Nakikita ko kasi siya sa'yo." nakangiti na nitong turan sa'kin.

"Bakit pala hindi nailagay sa kahit na anong article o magazine si M-monique?" nag-aalangan na tanong ko rito.

"Dad paid almost a million para lang hindi lumabas sa media ang tungkol doon. Ayaw namin na pag-uusapan siya ng lahat ng tao. Para sa'min isang napakahalaga ni Monique kaya naman gusto namin, kami na lang ang makakaalaala sa kanya." napatango tango ako sa sinabi niya. Kaya pala hindi nailagay ang tungkol sa kanya. Nagulat ako ng bigla haplusin niya ang mahabang buhok ko.

"Alam mo ba noong una kitang makita akala ko ikaw si Precious." anito na nakangiti. "Siguro kung kasama natin siya ngayon maaaring kamukha mo rin siya."

"B-bakit naman kuya Renz?" gulat na tanong ko pa rin sa kanya.

"Kamukhang kamukha mo kasi si mommy noong dalaga pa siya. I saw my mom's picture when she was still young at napaka ganda niya. Pareho kayo ng buhok at kung paano ngumiti. Hindi ko alam kung napansin mo pero natulala ako nung una kitang makita. I thought I'm seeing the youger version of my Mom. Kaya nga diba sabi ko sayo mas maganda kung hindi mo itatago ang buhok mo at hayaan mong ilugay dahil mas bagay sa'yo. Kaya naisip ko lang baka magkasundo kayo ngayon dahil baka magkamukha kayo." napangiti ako sa alaala na iyon. He is the first person sa university na hindi ako tiningnan na hindi ako belong doon. Pero at the same time nalungkot dahil ramdam kong malungkot si kuya Renz. Nakita ko nga ang mama niya sa mga pictures sa magazine at sobrang ganda talaga niya, no wonder ang gwapo ni kuya Renz. Habang tinititigan ko si kuya Renz napapansin kong pareho pala kami ng mga mata, pilik at hugis ng mukha maging ang mga labi niya o sadyang bangag pa ako dahil sa usok na nalanghap ko. Nadala ako masyado sa kwento niya kaya kung anu ano ang napapansin ko.

"Renz! Where is Renz Santiago Dela Vega? Where is he? Wala siya sa room niya." narinig namin na may sumisigaw habang hinahanap si kuya Renz. Napabuntong hininga naman si kuya Renz. "Its my Mom. Nag-aalala 'yun, nalaman na pala niya na nasa hospital ako." anito na tumayo na sa pagkakaupo sa kama ko. "Labas lang ako saglit Patty baka bugahan na ng apoy ni mom ang mga tao sa labas." natatawang turan nito. Parang hindi ko maimagine na nag-aapoy sa galit ang mommy nito dahil sa totoo lang napakaamo ng mukha nito na nakita ko sa picture.

"Renz! Where have you been? Kanina pa kita hinahanap."

"I just---"

"Kung saan saan ka pumupunta dapat nagpapahinga ka lang."

"Mom wait---"

"At bakit d'yan ka galing sa kwarto na yan?"

"Mom! Mom, wait lang."

Napailing na lang ako sa naririnig. Parehong pareho si kuya Renz ng mommy nito. Hindi ka makakasingit sa pagsasalita. Nakakatuwa sila. Nagulat ako ng bumukas ang pinto ng room ko.

"Where is she? Nasaan ang babae na may kagagawan kung bakit ka naaksidente? Hindi ako papayag na maulit ang mga nangyare noon. Hindi ko na kakayanin kapag nawala ka pa Renz ng dahil lang sa ibang tao." nakaramdam ako ng takot sa narinig. Lagot ako! Pero wala naman akong kasalanan e.

"Mom wait lang. Wala siyang kasalanan." pigil pa ni kuya Renz dito.

"So its you." bigla kinabahan ako ng nasa harapan ko na siya. Hindi ako makatingin sa kanya kaya naman nakayuko pa rin ako.

"I'm, I'm sorry po Ma'am. Hindi ko po sinasadya." nakayuko pa rin na hingi ko ng pasensiya.

"Pasensya na po talaga kayo. Napahamak po si k-kuya R-renz, I mean si Renz po napahamak siya ng dahil sa'kin." sabi ko na tumingin na sa kanya. Nakita ko ang nakakunot na noo niya ay napalitan ng gulat. Pero ang ganda pala talaga ng mommy ni kuya Renz lalo na ngayon na nakikita ko siya in person. Dati kasi sa magazine ko lang siya nakikita.

"W-what's your name iha?" nagulat ako sa tinanong niya pero sumagot pa rin ako.

"My name is P-Patty Salvador po Ms. K-Kelly." nawala ang masungit na awra nito, napalitan iyon ng pangungulila na hindi ko maintindihan kung bakit.

Marahan itong naglakad papalapit sa'kin at umupo sa tabi ko sa kama. Titig na titig ito sa mukha ko kaya naman nakakaramdam na ako ng pagkailang. Tumingin ako kay kuya Renz na nasa likod lamang ng mommy nito. Nagtatanong ang mga mata ko na nakatingin sa kanya pero wala itong sinabi kung hindi ang kumibit balikat lamang.

Nagulat ako ng bigla akong yakapin ng mommy ni kuya Renz. I swear nanlaki talaga ang mga mata ko sa gulat. Biruin mo ba naman kanina galit na galit siya sa'kin, pero ngayon, anyare? "Mom nasasakal na si Patty."

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Oh! I'm sorry. I'm sorry Iha. Did I hurt you?" tanong naman ng mama niya na natatarantang kumalas sa pagkakayakap sa'kin.

"Naku! Hindi naman po. Okay lang po ako." mabilis na sagot ko naman sa kanya kasi bigla mababakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"Pasensya na po talaga kayo Ma'am Kelly---"

"Tita Kelly na lang itawag mo sa'kin." anito na pinutol ang sasabihin ko at ngiting ngiti na nakatingin sa'kin.

Bigla parang ang weird ng mommy niya. Parang may second personality ang bilis magbago ng mood.

"T-tita Kelly pasensya na po kayo kasi nadamay pa si kuya Renz este Renz po sa nangyareng aksidente sa'kin." nakayukong sabi ko sa kanya. Hindi ko talaga sinasadya na madamay ang kahit na sino.

Naramdaman ko ang kamay nito sa aking baba at iniangat ang ulo ko para makita namin ang mukha ng isa't isa. Ewan ko pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya kahit mukha na itomg dragon na bubuga ng apoy sa galit kanina. "Wala ka naman kasalanan do'n, aksidente ang nangyare. Buti nailigtas ka sa muntik na pagkakasunog. Pasensya ka na rin kanina sa'kin. I'm just worried about Renz, ayokong may mangyareng masama sa kanya. And I'm so proud of him dahil sinubukan ka niyang iligtas." anito pa na tumingin sa likod sa kinaroroonan ni kuya Renz. Lumapit naman ito sa mommy nito at niyakap.

Napangiti ako, ang sweet nilang mag-mommy nakakatouch.

"Alam mo kamukhang kamukha mo ako noong kabataan ko. And we have the same hair. Until now hindi ko pinapaputulan ito." inalis nito ang pagkaka-ponytail ng buhok nito at doon nakita ko ang mahaba niyang buhok na alon-alon na tulad ng sa akin at itim na itim. Namangha ako sa nakita, mas lalo siyang gumanda at bumata tingnan ng ilugay nito ang buhok nito. Tama ito pareho nga kami ng buhok, nakakatuwa naman.

"Ang ganda ganda niyo po. Mas bata pa po kayong tingnan sa'kin." masayang turan ko na parang tinubuan ng puso puso ang mata ko dahil sa nakikitang kagandahan ni Tita Kelly. "Ikaw talaga napakabolera mo pala."

"Naku tita Kelly totoo po. Sobrang ganda niyo po. Hindi ako marunong magsinungaling, swear." ngiting ngiti na sabi ko habang itinaas ang kanang kamay na parang nanunumpa. Natawa na lang ito sa sinabi ko at pinanggigilan ang dalawang pisngi ko.

"Minsan pasyal ka sa bahay namin ha, ipagluluto kita ng masarap at yung favorite ni Princes--- I mean favorite ni Renz." bahagyang may lungkot akong nakita sa mukha nito pero saglit lamang iyon at bumalik sa pagkakangiti.

Ang dami naming napagkwentuhan ni Tita Kelly pero nakakalungkot na aalis na ito. Tinawagan na kasi ito ni Sir Miguel ang daddy ni kuya Renz at kailangan na nitong umuwi. Babalik na lang daw ito upang sunduin si kuya Renz. Matapos nitong humalik sa pisngi ko at yakapin ulit ako tumayo na ito at nagpaalam sa'min ni kuya Renz na kanina pa pala nakaupo sa inuupuan ni Lina kanina. Ilang beses nitong inulit na pumasyal sa bahay nila at ipapakilala siya kay Sir Miguel na daddy ni kuya Renz.

"Kuya Renz and'yan ka pa pala. Hindi kita napansin, pasensya ka na." sabi ko na napapakamot sa batok.

"Pansin ko nga Patty, grabe kayo ni Mommy pareho niyo akong dinedma dito." napapailing nitong turan pero nakangiti.

"Ang ganda ganda kasi ng mommy mo tapos ang sarap pa niya kausap."

"Nasaan pala ang mga magulang mo? Hindi ko yata napapansin na binibisita ka?" biglang tanong ni kuya Renz. Nawala ang mga ngiti ko at napalitan ng lungkot.

"Hindi ko talaga pinaalam sa kanila ang nangyare sa'kin kuya Renz."

"Bakit naman?" napa-ayos siya ng upo dahil sa sinabi ko.

"Ayokong mag-alala sila sa'kin lalo na si Mommy. Baka kung ano ang mangyare sa kanya kapag nalaman nila."

"Pero Patty karapatan nila ang malaman kung ano ang mga nangyayare sa'yo, sa anak nila, dahil mga magulang mo 'yun."

"Iba kasi ang sitwasyon natin kuya Renz." nakita kong naguluhan ito sa sinabi ko.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang lahat tungkol sa'kin o 'wag na lang? Nagi-guilty ako kasi lahat ng tungkol sa buhay nila sinabi nito sa'kin pero ako, ito nag-aalangan. I hope hindi nito ako husgahan.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report