Her Name Is Monique
CHAPTER 39: Finally The Truth

(Patty)

"Sa tingin niyo papayag ako nang gano'n gano'n lang? Huh! Nagkakamali kayo.", sigaw ni Lina.

Hindi namin inasahan ang ginawa nito. Hinabloy ni Lina ang baril na nakasukbit sa beywang nang isang pulis na katabi nito. Nang dahil sa nagaganap hindi namalayan ng pulis na lumuwag na ang pagkakahawak ng mga ito sa braso ng dalaga kaya naman iyon ang kinuhang pagkakataon ni Lina. Isang malakas na sigawan ang nag-echo sa buong harden nang mga Dela Vega ng mabilis na itinutok nito sa akin ang baril.

Hindi ako nakahuma sa aking kinatatayuan. Nanlaki ang aking mga mata na ni isang kurap hindi ko magawa.

"Oh my God!"

Narinig ko pang turan nila mommy Janice.

Hindi ako nakagalaw sa ginawa nito. Natulala akong nakatitig sa dulo nang baril na naka-uwang patungo sa akin saka tiningnan ang mga mata nitong punong puno ng galit.

Parang nag-slow mo ang paligid, ang mga sigaw nang mga tao ay hindi ko na marinig. Pakiramdam ko kami na lamang dalawa ang tao na naririto.

Kitang-kita ko sa mga mata nang dalaga ang puot at galit na 'di kalaunay nauwi sa lungkot. Unti-unting nanubig ang mga mata nito na tumulo sa mga pisngi nito.

"Lina.", aking naibulong na lamang sa hangin.

Namutla ako nang si Prince ay lumapit kay Lina at hinawakan ang mga kamay ng dalaga na may hawak na baril.

Nag-agawan sila sa baril at doon mas nagkagulo. Wala rin nagawa ang mga pulis kahit gusto nilang pigilan ang dalawa dahil baka sila naman ang tamaan ng bala kung sakali na maiputok nino man sa dalawa ang gatilyo ng baril. Ang mga Zairin, ang mga bisita, at ang pamilyang Dela Vega, lahat sila hindi

na alam ang gagawin kung hindi ang yumuko at magsidapa. Maging ako hindi ko na magawang ihakbang man lang ang mga paa ko, hindi ako makakilos.

Nagulantang na lang ako dahil sa malakas na putok ng baril na sumakop sa buong paligid. Ang mga mata

ko'y nanlaki dahil natigilan ang lahat. Hindi na gumagalaw sina Prince at Lina habang nakatayo pa rin.

Maging ang mga ito gulat na nakatitig sa isa't isa.

Nanginig ang dalawang kamay ko. Sobrang tahimik sa paligid at walang makikitang gumagalaw. Lahat kami ay hindi makapaniwala.

Prince!

Nakahuma lang ako nang sumigaw ang ilang Zairin boys at mabilis na lumapit sa pwesto nila Prince. Mabilis rin akong tumakbo at lumapit sa mga ito.

"Gelo. Hindi pwede! Gelo!"

Umiiyak nang sigaw ko. Hinawi ko ang mga nakaharang para makita nang mabuti si Prince. Napatakip ako sa aking bibig gamit ang dalawang palad.

Namumutla ang mukha ni Prince habang nanginginig ang mga kamay na hawak pa rin ang baril. Bumagsak na si Lina sa damuhan na bakas ang gulat sa mukha. Duguan ito habang nakahawak sa tiyan na tinamaan ng bala nang baril. Ito kasi ang tinamaan nang mag-agawan ito sa baril at ni Prince, hindi sinasadya na maiputok nang isa sa kanila ang gatilyo ng baril.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita na hindi naman napaano si Prince ngunit...

"Lina!"

"Oh my God! Hija!"

Mabilis nakalapit sila mommy Janice at daddy Patrick kay Lina at inangat ang ulo nito, inilagay ng maingat sa lap.

"Mabilis kayo, tumawag kayo ng ambulance. Bilisan niyo."

Sigaw ni Tita Kelly.

Mabilis naman tumalima ang mga pulis at nagbigay ng first aid kay Lina.

Naiiyak na nakatitig lamang ako malapit sa mga ito. Tumingin sa akin ang puno nang luha na mga mata

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

ni Lina.

Naiyak na rin ako. Bakit nga ba umabot pa kami sa ganitong sitwasyon? She is my best friend at alam

kong naging totoo ito sa akin. Si Lina ang unang tao na tumanggap sa akin noong mga panahon na para akong pinandidirian nang karamihan.

Mabilis akong lumuhod at sa nanginginig na mga kamay hinawakan ko ang mga kamay nito. "Lina!"

"I'm..... sorry."

Mahina at mabagal nitong turan habang hirap na hirap na itong huminga. Patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha nito habang nakatingin sa akin.

"I'm sorry too, Lina. Please labanan mo, huwag kang bibitaw."

Umiiyak na turan ko sa dalaga na mababakas ang pagsisisi doon. Mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay nito.

Isang nahihirapan na ngiti ang sumilay sa mga labi nito.

"Thank you Patty, for being my best friend.", huling turan nito ng unti-unting lumuwag ang

pagkakahawak nito sa aking kamay.

"No! Lina! Please no!", sigaw ko habang umiiyak. Parang binibiyak ang puso ko.

Narinig na namin ang pagdating ng ambulance. Ayoko pa sanang bitawan ang kamay nang dalaga ngunit kailangan na siyang madalaga kaagad sa hospital upang magamot at matanggal ang bala. "She will be fine."

Tumango lamang ako sa sinabi ni Tita Kelly na ngayo'y naririto sa tabi ko. Si Mommy Janice naman ay kasama sa loob ng ambulance upang samahan si Lina habang may kasama na pulis. Samantalang si daddy Patrick naman ay dinala na sa prisinto.

Nakatanaw lamang ako sa papalayong mga sasakyan na kinalulunan ng mga ito ng kumirot muli ang aking dibdib. Napahawak ako ng mahigpit doon at napayuko.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Patty! What's wrong?", narinig kong tanong ni tita Kelly na mommy ko pala saka ako hinawakan sa

magkabilang balikat ko mula sa aking likod.

Hindi na ako makahinga. Sobrang kirot ng dibdib ko.

Lumapit na rin sila Prince at Kuya Renz sa kinaroroonan ko maging ang mga Zairin boys. Marahan kong inangat ang aking ulo ngunit medyo blurry na ang aking paningin.

"Oh my God!"

"Precious! Ano ang nangyayare sa'yo?"

Napangiti ako ng marinig ang binanggit na pangalan ni Kuya Renz na may pag-aalala mula sa boses nito. Malabo pero may iilan na akong naaalala. Hindi ko inakala na all this time nasa palagid ko lamang pala ang mga totoo kong pamilya. "Kuya Santy!"

"Patty! Come on, H'wag kang pipikit.", ani Prince na hindi ko namalayan ang paglapit sa harapan ko saka ako marahan na tinapik-tapik sa aking magkabilang pisngi. Hindi ko na siya maaninag dahil palabo na ng palabo ang aking paningin.

Naiiyak ako na natatakot. Ngayon pa ba ako mawawala kung kailan natagpuan ko na ang mga taong matagal ko ng hinahanap? Mamamatay na ba ako?

"Patty!!!"

"Precious!!!"

"Monique!!!"

Ilan lamang iyon sa mga tinig na aking naririnig ngunit pahina iyon ng pahina maging ang aking paningin lumalabo na. Naramdaman ko ang bigla kong pagkabuwal sa lupa. Ngunit hindi ko ramdam ang sakit ng pagkabagsak ko mula sa pagkakatayo.

Natatakot ako! Paano kung ito na pala ang huli? Huling beses na makikita at maririnig ko sila. Huling araw na mabubuhay ako.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report