Hoy, Mr. Snatcher! -
CHAPTER 14
Isla's POV
"Hala, umalis na agad?" Hindi ko maiwasang mapakamot sa ulo nang nakaalis na naman agad si Alon.
Ilang araw nang tahimik ang isang 'yon. Kahit na mukhang napipilitan lang, sinasabayan niya pa rin naman ako kapag gabi.
Sa umaga naman ay magluluto lang siya at iiwanan niya na ako. Ni hindi ko nga alam kung anong problema ng mokong na 'yon. Pero kahit na hindi niya ako pinapansin, hindi pa rin nito nakakalimutang ipagplantiya, ipagluto, at ipag-igib tuwing umaga.
Napanguso naman ako dahil walang naghahatid sa akin ngayon. Hindi ko alam kung dapat ko ba 'yon magustuhan dahil madalas na kaabang sina Wendy and her friends kay Alon o dapat akong madismaya dahil sa una lang 'to magaling. Ni hindi ko nga alam kung saan 'yon nagtutungo bago ako pumasok.
"Lonely ka na naman, ha?" tanong sa akin ni Alice nang natatawa. Sinamaan ko siya ng tingin. Wala akong panahon para makipagbiruan.
"Bakit ba? Nag-away kayo?" tanong niya sa akin. Agad naman akong napailing.
"Edi bakit?"
"Hindi ko rin alam. Ewan ko roon."
"Alalahanin mo ang una niyong napag-usapan."
"Wala naman. Ang natatandaan ko lang 'yong inihatid kami ni Seven sa bahay tapos hindi na niya ako pinansin pa."
"Selos 'yon," ani Alice na nakangisi.
"Huh?"
"Ano ba naman kasi 'yan? Hindi mo pa rin ba nahahalata na gusto ka ni Seven?"
"Huh?"
"Oh, 'di ba? Hindi mo alam."
"Seven likes you, baka naman hindi mo pa 'yon napapansin. Obvious na obvious na."
"Baka pati 'yong pagtatrabaho ni Seven sa fast food chain hindi mo pa alam na para sa 'yo 'yon."
"Gago?"
"Ang sabi niya'y gusto niya ng bagong experience." Napailing na lang siya sa akin.
"Alam mo, boba ka talaga."
"Sa tingin mo kakain 'yon sa karinderya kung hindi dahil sa 'yo? Saka sa kaartehan ni Seven, pinahiram niya sa 'yo 'yong polo niya? Alam na ata ng lahat na gusto ka no'n, ikaw na lang ang hindi," natatawang sambit niya. "Sa 'yo nga lang mabait 'yon. Suplado kaya 'yon!" sabi niya pa sa akin.
"Huh? Mabait naman siya sa 'yo, ha?"
"Mabait siya sa akin dahil kaibigan kita!"
"Hindi dapat ako 'tong nagsasabi nito sa 'yo lero dahil tanga ka at torpe ang isang 'yon, sige ako na." Sinamaan ko lang siya ng tingin. Ows?
"At si Alon? Type ka rin niyon. Talino mo pero manhid ka," sabi niya nang natatawa.
Buong araw tuloy ay naguguluhan ako kung totoo bang gusto ako ni Seven pero mas naguguluhan ako kung bakit hindi ako pinapansin ni Alon at kung totoo nga ba ang sinasabi ng letseng kaibigan ko.
"Is that seat vacant?" Nagising lang ako sa pag-iisip ko nang tabihan ako ni Seven, pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko sa pag-iisip.
"Ah, oo, sige upo ka lang," sabi ko na tinanguan siya. Ngayong sinabi na ni Alice sa akin parang mas naging obvious nga para sa akin ang lahat o baka naman binibigyan ko lang talaga ng meaning?
Hindi ko naman maiwasang maalala si Alon na halos lahat ng gamit ko'y siya ang magbubuhat kapag inihahatid ako rito sa school. Paano kapag sa iba na pala niya 'yon ginagawa kaya hindi na niya ako maihatid ngayon, wala naman kasing kami 'di ba? Kasi nakikitira lang ako sa bahay niya.
Parang masisiraan na ako ng bait kung hindi ko pa siya makakausap ngayong araw. Naiinis na ako sa sarili dahil panay siya lang ang naiisip ko.
"May hinahanap ka na naman ba, Isla?" natatawang tanong sa akin ni Kenneth dahil patingin-tingin ako sa labas, sinusulyapan si Alon.
"Oh, pinapaabot niya," sabi nito at binigay ang pagkain na pinabibigay ni Alon sa akin. Hindi ko naman maiwasang mangisi, kahit na hindi niya ako pinapansin ay hindi pa rin nito nakakalimutang magpadala ng pagkain para sa akin. 'Yon nga lang ay hindi pa rin niya ako sinasabayan sa pag-uwi.
"Hey, have you eaten?" tanong sa akin ni Seven nang makita niya ako na nagpapahinga. Tumango naman ako.
Hindi ko naman tuloy maiwasang mapatingin sa styro na pinaglagyan ng pagkain ko kanina, gusto ko na rin makausap ang mokong na 'yon dahil hindi ako mapakali kapag ganitong hindi kami nakakapag-usap nang maayos. Laging tahimik lang.
Isla:
Bakit 'di mo hinatid foods?
Laging siya ang nagdadala niyon para makapag-usap kami kahit sandali lang ngunit ngayon ay pinapalagpas niya. Sinusubukan ko namang mag-text kaya lang ay hindi talaga ako nirereply-an ng mokong. Sinubukan ko ngang tawagan. "Hello?" ramdam ko na agad ang kunot noo nito habang nagtatanong.
"Bakit hindi ikaw ang naghatid?" Napairap naman ako nang hindi siya nagsalita.
"Sabay tayo later, huh?" Pinatay ko na rin ang tawag dahil tinatawag na ako ng manager namin.
"Wow, demanding," natatawang saad ni Kenneth na nakita ang pangyayari. Natawa lang ako sa kanya at pabirong umirap.
"Bakit ba hindi pa rin kayo nag-uusap? Madalas tuloy ako ang delivery boy niyon." Nagkibit na lang ako ng balikat.
"Tapon mo nga muna 'tong basura," sabi niya kaya napatango naman ako. Pagkalabas ko ay agad kong nakita si Alon na siyang pasakay sa isang magarang kotse kasabay ang isang magandang babae. Napaawang ang labi ko roon bago nagmadaling pumasok sa fast food chain.
Wow?
"Hoy, bakit?" tanong sa akin ni Kenneth. Malungkot ko lang siyang nginitian at nagpatuloy sa pagtatrabaho bahagyang nakaramdam ng kirot. Hindi pa nga nagsisimula, magtatapos na. Masiyado na naman kasi Napabuntonghininga na lang ako. Kaya pala hindi na ako maihatid nito, may iba ng pinagkakaabalahan. Masiyado mo kasing sinasanay ang sarili mo, Isla. Assumera ka, Gaga.
"Nakakailang buntonghininga ka na. What's your problem?" tanong ni Seven na siyang nagma-mop ng sahig.
"Huh? Wala."
Nang matapos kami sa trabaho ay niyaya ako ni Seven na sumabay sa kanya. Napatango na lang din ako dahil wala naman na ang kasabay kong mag-jeep.
"Isla."
"Hmm?" tanong ko na nilingon lang siya saglit ngunit binalik din ang tingin sa bintana.
"Gusto kita."
Agad naman na nanlaki ang mga mata ko roon bago siya nilingon.
"What?"
"I said I like you." Huh? Bakit?
"Bakit?"
"Anong bakit?" Bahagya pa siyang humalakhak doon.
"Bakit ako?"
"Hindi naman ako mayaman, hindi rin maganda--" Tinuloy niya naman 'yon.
"Hindi rin mabait, masungit pa," natatawang saad niya kaya pinagkunutan ko siya ng noo at sinamaan ng tingin.
"It's true though," aniya na napanguso.
"Bakit hindi ikaw?" tanong niya naman pabalik.
"I like you because I like you. No certain reason." Nagkibit lang siya ng balikat.
Huminto naman kami sa tapat ng eskinita. Tinignan ko siya sa kaniyang mga mata.
"I'm sorry--" Ni hindi ko pa natatapos ang sasabihin ay nilingon niya na ako.
"You don't have to feel sorry, Isla. I know... Deep down I know. You like someone else, right? I just don't really want to regret anything. I just want to tell you what I felt."
"But seriously, I'm really thankful that I got to like you. I learned how hard life is. You are the reason why I tired to work in our fastfood. Dati, lagi lang akong umaasa sa parents ko, never kong naranasang magtrabaho but because of you, I did. Thank you, Isla."
"Bakit ka ganyan? Nire-reject ka na't lahat lahat ang bait-bait mo pa rin?"
Sabay naman na kaming bumaba ng sasakyan. Tinignan niya ako nang nakangiti ngunit mukhang malungkot ang mga mata.
"So my almost 3 years crush rejected me, hmm?" Bahagya naman akong nagulat doon.
"Can I hug you, Isla?" Tumango naman ako at ako na mismo ang yumakap sa kanya.
"Thank you for liking me and I'm sorry..."
"I told you not to feel sorry, right? Starting today you don't have to mind me. I'll deal with what I feel on my own." Isang magaang ngiti pa ang ibinigay niya sa akin bago tuluyang pumasok sa kaniyang kotse.
Pumasok na rin naman ako sa loob ng eskinita nang makaalis siya. Seven is really nice. Nawala nga lang sa kaniya ang isipan ko nang maalala si Alon. Napasimangot naman ako habang naglalakad pauwi. Saan kaya nagpunta ang isang 'yon? "Aba't bad mood ka ata, Isla?" tanong ng isa sa mga kapitbahay namin.
"Ano? Hiwalay na ba kayo?"
"Paano ho kami maghihiwalay, wala naman hong kami." Nagtuloy-tuloy na sa pagpasok sa loob ng bahay, mas lalo lang nasaktan nang makitang wala pa rin si Alon. Sumasama agad ang pakiramdam ko sa ideyang he's spending his night with that pretty lady earlier.
Naiirita ko naman na binato ang sapatos mula sa labas, natamaan tuloy ang papasok pa lang na si Alon. Katulad ko ay nakasimangot lang din ito, mas lalo naman akong napairap. May gana pa siyang sumimangot diyan, mukhang enjoy na enjoy naman sa pakikipag-date.
Ano? Nababadtrip ba siya sa mukha ko? Gusto na niya akong palayasin dito sa bahay niya? Naiinis na lang akong nag-half bath. Wala kang karapatang mainis, Isla. Nakikitira ka lang, Beh. Pagkatapos ko ay inirapan ko lang siyang papasok na rin sa cr.
Nahiga na ako at pinilit matulog ngunit natapos na siya't lahat-lahat hindi pa rin ako hinihila ng antok.
"Wala ka bang projects?" seryosong tanong nito sa akin. Ni walang kangiti-ngiti ang mukha.
"Paki mo?" Hindi siya nagsalita ngunit nakita kong napasimangot ito lalo sa akin bago ako tumalikod.
Hindi rin ako nakatiis at hinarap ito, nakatingin siya sa akin at seryosong-seryoso ang mukha. Naiinis ako sa sarili dahil sa pagiging pakialamera.
"Kumusta date niyo?" hindi ko maiwasang itanong. Mas lalo naman kumunot ang nakakunot ng noo nito.
"Date niyo no'ng magandang babae!" inis kong sambit.
"Hindi pa naman tayo nagde-date." Nahinto naman ako roon at sinamaan siya ng tingin. Parang nagkabuhol-buhol ang utak ko dahil sa kaniya.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
CHAPTER 15
Isla's POV
"Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo. Nakita kitang papasok sa kotse no'ng babaeng maganda na mayaman kanina." Tinignan niya naman ako ng nagtataka.
"Ang sabi ko sabay tayo..." nahina kong saad. Demanding ka, Beh?
"Sabi mo nga sabay tayo pero makikita na lang kitang sumasakay sa kotse no'ng crush mong mayaman," masungit niyang saad na kulang na lang irapan na rin ako. "Hihintayin pa ba kita kung nakita na kitang umalis?"
"Umalis? Hindi ako umalis, nasa shop lang ako the whole time."
"Huwag mo akong lokohin," ani ko na tinalikuran na lang siya. Inis na inis ngunit alam ko na wala rin akong karapatan.
"Hindi pa tayo tapos mag-usap, Miss," aniya na sinubukan pa akong kausapin ngunit nagkunwari na lang akong naghihilik. Inis na inis naman ako sa kaniya nang makitang hindi siya umaalis doon.
"Ang sinasabi mo ba'y nakita mo akong sumakay sa kotse no'ng customer namin?" tanong niya nang inis akong bumalik sa pagkakaupo.
"Oo... Saka huwag mo nga akong lokohing customer mo lang. Bakit ka naman sasakay sa kotse ng customer mo, 'di ba?"
"We're just talking about the bulk orders, Isla..." mahinahon niyang sambit.
"Nilalagay ko sa kotse niya 'yong mga orders na binili nila."
"Kung hindi ka naniniwala, punta tayo ngayon sa fastfood, tingnan natin ang cctv."
"Hindi na! Wala akong paki!" sambit ko kahit ang totoo ay nakahinga ako nang maluwag dahil hindi naman siya sinungaling. "Ikaw? Akala ko ba sabay tayo?" Napanguso naman ako.
"Akala ko nga iniwan mo ako!" reklamo ko sa kanya.
"Ang sabihin mo, gusto mo lang talagang sumabay sa crush mong mayaman." Sumimangot pa ito pagkasabi no'n.
"Kayo na ba?"
"Ano naman kung kami? Ano naman sa 'yo?"
"Ano nga naman ba sa akin?" Ngumisi na lang ito at nag-iwas ng tingin. Aalis na sana siya sa tabi ko nang hawakan ko ang laylayan ng damit nito. I want to confess after I move out. Ayaw kong isipin niya na dahil sa bahay kaya ko ito sinasabi. Lilipat na ako next week. Next week...
"What?" Pinagkunutan niya pa ako ng noo.
"Aalis na ako rito next week." Nahinto naman siya dahil do'n. Natagal siyang nakatingin bago unti-unting napatango.
"Nakahanap ka na ba?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako.
"Maayos ba?" Hindi ko alam kung assumera lang ba ako subalit nababakasan ko ng pag-aalala sa tinig niya.
"Yup..."
We are back to normal after that talk. He was helping me too sa apartment na paglilipatan ko.
"Thank you sa tulong," nakangiti kong saad nang nasa apartment na lahat ng gamit ko.
"Walang anuman," aniya na ngumiti rin sa akin.
"Alon..." tawag ko sa kaniya nang lalabas na sana siya. Nilingon niya ako.
"Hmm?"
"Gustong-gusto kita..." mahinang saad ko kaya nahinto siya sa akin.
"Huh?" Tila nabato-balani siya sa kaniyang kinatatayuan.
"Gusto kita..." ulit ko pa. Nakatitig lang siya sa akin.
"Joke time ba 'to?" tanong niya na pinagkunutan ako ng noo. Natawa naman ako nang mahina dahil sa tanong niya.
"Mukha ba akong nag-jojoke dito, Alfonso?"
"Hindi kita gusto." Napangiti na lang ako roon at napatango.
"Higit pa roon ang nararamdaman ko..." aniya kaya ako naman ang natigilan. Matagal akong napatingin sa kaniya. Nakaawang ang mga labi. Hinawakan ang aking mukha bago dahan-dahang nilapit ang kaniyang mga labi sa akin. Para akong nalutang sa alapaap habang dinadama ang mainit na halik galing dito. Nang bitawan niya ako'y para lang akong malulunod sa mga mata nito.
"Ano? Tayo na ba?" tanong ko sa kaniya. I don't want to let him go.
"Hindi pa nga ako nanliligaw," nakasimangot niyang sambit.
"Para saan pa? Sasagutin na rin naman agad kita," natatawa kong sambit.
"Tayo na," ulit ko pa.
"Balik ka na sa bahay..." aniya sa akin kaya napanguso ako.
"Doon ka na lang..." aniya pa nang nakahiga kami at nakayakap lang siya sa akin.
I also want to... Sa kaniya, ramdam ko na may pamilya rin ako. Ang sarap mag-alaga at ang sarap din ng pakiramdam na inaalagaan.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Gago ka ba? Sayang ang unang rentang binayad ko rito..." ani ko na napanguso.
But I ended up going back to his house. Para kaming tangang nagbalik-balik ng mga gamit. Tinatawanan tuloy kami ng kaniyang mga kapitbahay.
"Good morning, Miss," nakangiting bati ni Alon nang gisingin ako.
"Good morning, Syota," pang-aasar ko.
"Panandalian lang ba gusto mo sa relasiyon na 'to?" inis niyang tanong.
"Arte! Daming alam!" Natatawa na lang akong napailing. Tumayo na ako dahil nga may pasok pa.
Nang makarating naman ako sa lamesa hindi ko na mapigilan ang ngiti dahil may paper flower na nakalagay roon kasama ng mga pagkain.
"Para sa akin ba 'to?"
"Yup."
"I'll court you while we're together."
Chikahan lang kami nang chikahan habang kumakain. Kahit siya'y may mga chismis na hindi ko alam kung saan niya pinulot.
Inihatid niya naman ako sa school. Pagkarating namin do'n, agad kong nakita si Wendy and friends na naghihintay nanaman sa amin or should I say sa boyfriend ko? Hindi na ata ako mapapayapa dahil sa mga 'to. Nakakaloka. Laging nakaabang. Hanga rin talaga ako sa kanila dahil they're vocal on what they really feel. Sana all.
"Omg! Alon!" nakangiting bati ni Wendy dito. Nilingon naman siya ni Alon. Lagi niyang nakikita si Wendy na nariyan kaya tinanguan niya lang.
"Naibigay ko naman ang number ko sa 'yo, 'di ba?" tanong ni Wendy. Nilingon ko naman si Alon at pinagtaasan ng kilay. Napanguso siya sa akin dahil do'n ay Tumango na lang kay Wendy.
"Then why aren't you texting me?" tanong naman ni Wendy.
"Papasok na ako," sabi ko kay Alon. Hinila naman ako Alon sa palapulsuha at hinalikan sa noo.
"Sorry but I think you're making my girlfriend uncomfortable," sambit niya na hinarap si Weny. Napaawang naman ang labi ng mga ito. Wow, haba ng hair mo, Isla.
"Have a nice day, Miss," aniya sa akin at kinawayan ako.
Hindi ko namab napigilan pa ang ngiti. Kumaway na kay Alon para pumasok sa loob ng school. Agad ko namang nakasalubong si Alice.
"Hoy! Anong eksena 'yon?"
"Kayo na? Malandi ka! Sana all!" Napasilip naman sa akin si Deo na kasabay niya rin pala.
"May boyfriend ka na, Isla?" Tumango naman ako at ngumiti.
"Ah, kaya pala malungkot 'yong isa," sabi niya sa akin na tila tinutukoy si Seven. Hindi ko naman tuloy mapigilang maguilty. "Pero huwag kang mag-alala ayos lang 'yon. Nagsusungit pa nga," sabi niya na nginitian ako.
Sinabayan naman niya si Alice sa paglalakad samantalang hindi rin naman ako hinahayaang ma-out of place ni Alice.
Nang makarating kami sa room, nginitian lang ako ni Seven at nag-iwas na rin ng tingin sa akin. We're friends pa rin naman.
Ilalabas ko na sana ang notebook ko mula sa bag kaya lang ay laking gulat ko nang may isang cheesecake na lemon square na nakalagay roon. Nilabas ko naman 'yon, agad kong nakita ang nakadikit na sticky note sa cheese cake. Good luck sa quiz, Miss :)
-Alon
Napangiti naman agad ako roon. Aba't saan niya kaya nakukuha ang mga 'to? Pati 'yong paper flowers niya kanina, saan niya kaya natutunan gawin?
"Aba't may pacheese cake pa si Pogi," natatawang saad ni Alice na nakita ang cheesecake na hawak ko. Napangisi naman ako dahil doon.
"Sana all.".
Natapos ang klase namin na pakiramdam ko'y mapupunit na lang ang ngiti mula sa mga labi. Wala na ang prof sa susunod na klase kaya naman napagpasiyahan kong umuwi na lang para makapagpahinga.
Habang papasok ako sa eskinita, may ilang kumausap sa akin.
"Swerte mo sa boyfriend mo, Neng," anila sa akin.
"Madiskarte 'yang si Alon. Sayang nga't hindi nakapag-aral pero kung nag-aral 'yan? Paniguradong malayo ang mararating." Totoo naman 'yon, ngayong nakilala ko siya nang husto. Alam ko kung gaano siya kasipag at kabait pagdating sa mga taong importante para sa kaniya.
"Pero mukhamg swerte rin naman siya sa 'yo. Katulad nga nang sabi ni Pasing, mabait ka ngang bata." Napangiti naman ako.
"Ang ganda mo pa," sabi naman no'ng isa na medyo kaedad ko lang pero mukhang may anak na dahil nagpapasuso siya ng bata.
"Thank you po. Isla nga po pala," sabi ko na pinakilala ang sarili.
"Mercy, 'yan naman si Neneng tapos si Glo at Tina," sabi ni Aling Mercy sa akin.
"Minsan ay makipagkwentuhan ka rito."
"Sige po, kapag may oras." Ngumiti pa ako sa kanila.
"Nako, mag-aral ka ng mabuti para naman may kakilala kaming mayaman kung sakali. Pautangin mo na rin kami," natatawang sambit ni Aling Glo. Napatawa naman ako nang mahina room.
"Ito kasing si Neneng. Ang sabi ko'y mag-aral ng mabuti pero naengganyo masiyado sa pagkain ng hatdog," sabi ni Aling Mercy na napailing pa kay Neneng.
"Ma!" malakas na sabi ni Neneng.
"Hindi pa naman po huli ang lahat. Puwede pa naman pong mag-aral ulit. Puwede ko pong matulungan si Neneng kung sakaling gusto niya pong kumuha ng scholar sa school."
"Nako, huwag na, magbubulakbol lang 'yan baka makalimutan pang may anak." Napangiti na lang ako habang nag-aasaran silang mag-ina. Namiss ko bigla ang Mama ko.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report