Hoy, Mr. Snatcher! -
CHAPTER 20
Alon's POV
Hindi ko maiwasang maawa sa umiiyak na si Gab habang pinagmamasdan ang lola niyang walang malay.
Ang tatay niya'y patuloy lang sa pag-inom. Siguro'y nililibang ang sarili sa pagkawala ng ina.
"Dre, may alam ka ba na madaling racket diyan?" tanong ko kay Miggy na siyang nilapitan ko. Kaklase ko 'to noong elem, panahong nag-aaral pa ako. Mayaman na 'to kaya baka makahingi ako ng tulong. "Huh? Kaya mo ba, Pre?" tanong niya sa akin.
Sinabi niya naman ang plano. Napaawanang labi ko sa trabahong tinutukoy nito. Paniguradong hindi ko 'yon magagawa. Ang kupal, isang magaling na snatcher pala.
Wala akong balak gawin subalit hindi ko maiwasang maalala ang mga kabutihan na nagawa sa akin ni Lola. Siya na ang nag-alaga sa akin noong mga panahong iniwan ako ng Mama ko at sumama na sa kanyang bagong pamilya ngayon. Pinagmasdan ko pa si Gab na iyak na nang iyak. Takot din sa ideyang hindi mabibigyan ang Lola niya nang maayos na libong.
"Relax ka lang, Pre," natatawang saad sa akin ni Miggy nang mabato balani sa kinatatayuan. Bapatingin naman ako sa babaeng sinasabi nito, mukha nga 'yon mayaman. Siguro naman ay wala lang sa kanya kung nanakawan ko ito? Barya ang namam siguro ang mga gamit niya sa kaniya.
Kinakabahan na agad ako pero pinanatili ko pa ring kalmado ang sarili. Pasimple ko naman 'tong ninakawan ngunit hindi ko akalain na hahabol talaga 'to. Ganoon ba siya kadesperadang kunin 'tong bag niya? Siguro'y sobrang laki ng kikitain ko kung sakali. Baka mayaman talaga 'to.
Ngunit mukhang wrong decision na 'to ang pinagnakawan ko dahil ang lakas ng bunganga kakasigaw. Pareho pa kaming natapunan ng mga basura dahil sa kaniya. Nakikipag-agawan pa rin siya sa bag niya. Napatingin naman ako sa folder na nakuha ko rin pala. Pasimple ko na 'yong binitawan. Baka kailanganin niya.
Nang mapatitig siya sa akin, hindi ko naman maiwasang tignan din siya. Ang ganda nito, itim na itim ang mga mata, ang pilik matanv mahaba maski ang labi'y mapupula kaya lang nagising lang ako sa iniisip nang maalala ko si Lola. Kailangan ko nga palang gawin 'to para sa maayos na libing ni Lola.
Mabilis akong tumakbo paalis. Narinig ko pa ang malalakas na mura niya at ang sigaw nito.
Nang makarating ako sa bahay. Hindi ko mapigilang makonsensiya sa ginawa ngunit kailangan ko na rin namang ibenta 'tong mga gamit niya nang mas mapadali ang pagpapaayos ng libing ni Lola.
"Lokal lang 'yan!" natatawang saad sa akin ni Miggy habang tinitignan ang bag maski ang ilang gamit niya. Napakamot naman ako sa ulo. Nas lalo naman akong na-guilty dahil determinadong-determinado 'tong kunin sa akin ang gamit niya. S-in-end ko naman sa email niya ang mga files at hindi na sinubukang tignan pa ang mga laman no'n dahil pakiramdam ko mas lalo pang madadagdagan ang kasalanan ko. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa wallpaper niya. Hindi ko maitatanggi na maganda talaga 'to.
"Sino 'yan?" tanong ni Totoy na lumapit sa akin. Tinapik ko naman ang kamay niya.
"Ganda, Kuya, ah," ngumisi pa siya sa akin kaya sinamaan ko lang siya ng tingin.
Nataranta ako nang may unknown number na tumatawag. Sa sobrang kaba ko'y nasagot ko 'yon. Gulat na gulat naman ako nang siya ang magsalita.
Halos tumalon na ang puso ngunit pinanatili ko pa ring kalmado ang boses at hindi ko pa maiwasang matawa nang mahina dahil ang lakas talaga ng boses nito.
Akala ko kailanman hindi ko na makikita pa siyang muli kahit na araw-araw akong kinakain ng konsensiya ko dahil mukhang mahalaga sa kaniya ang lahat ng gamit na mayroon siya. Laking gulat ko na lang nang makita ko siya sa isawan. Gustong-gusto ko ng isauli ang ninakaw ko kaya lang ay naibenta ko na at nagamit na rin naman ang pera kaya naman nag-ipon na lang ako para kumuha ng bagong phone na pwede kong isauli sa kanya. Hindi ko nga lang alam kung paano dahil ang dami ko pang utang dahil sa libing ni Lola.
"Magnanakaw!" malakas niyang sigaw habang hinahabol ako.
Ang hilig talaga nitong tumakbo tila wala pang kapaguran. Akala mo'y wala siyang buhay na iniingatan, ilang beses na ako nitong hinabol na wala man lang katakot takot. Ako ang natatakot para sa buhay ko.
Hindi lang isang beses na nagkataong nagkita kami. Parang lumiit bigla ang mundo. Tila sinasadyang pagtagpuin kami ni tadhana. Kinokonsensiya na ata ako.
"Snatcher! Snatcher!" malakas na sigaw nito na sa akin pa nakaturo. Hindi ko mapigilang mapapikit dahil sa kanya. Ang lakas pa naman ng bunganga nito kaya halos lahat ay napatingin na sa amin. Hindi ko na talaga alam ang pinaggagawa ko dahil nagpanggap pa akong boyfriend nito para lang matakasan ang mga tingin ng mga tao.
Wala naman siyang katakot-takot na nakipagsagutan sa akin. Paano na lang kung may panaksak ako o ano? Ano na lang ang gagawin nito? Ang tapang-tapang niya pang humarap sa akin na akala mo'y walang inuurungan.
"Bakit ikaw? Hindi ka ba natatakot sa akin?" tanong ko sa kanya. Natulala lang siya sa akin sandali at nagtanong naman ng kung ano. Hindi ko alam pero hindi ko maiwasang matawa sa kanya. Ang interesante niya. 'Yon nga lang, malas lang talaga sa unang pagkikita.
Akala ko roon na nagtatapos ang lahat dahil hindi naman na ako kanakain ng konsensiya dahil nga naibalik ko naman na ang nanakaw ko sa kanya pero nakakainis dahil hindi na siya mawala-wala sa isipan ko.
Akala ko hindi ko na ulit siya makikita ngunit laking gulat ko nang makita ko siya ulit nang matapos ako sa trabaho. Gulat na gulat ako habang nakikita siyang tinututukan ng kutsilyo. Agad akong natakot para sa kanya. Malakas pa naman ang bunganga nito, matatas pa kung magsalita. Baka bigla siyang saksakin niyang holdaper. Kaya maski natatakot din ako, sinubukan kong makipagsuntukan. Mabuti na lang ay sumasama akong rumesbak sa iskwater, natuto rin kahit paano. Ang ending ang hinahangad kong pahinga, nahinto pa. Nagtungo kami sa presinto para lang magpaliwanag.
Napailing na lang ako sa sarili nang pagbintangan pa ako nitong kasama ako ng holdaper na 'yon. Hinila niya pa ako para lang bumili ng yelo. Natawa na lang ako nang mahina dahil hindi naman maitatanggi na mabait nga ito. Bakit ba ang liit nga ng mundo pagdating sa aming dalawa?
"Bakit nakangiti 'yan, Beh?" tanong ni Kakay kay Totoy nang makita akong nakangiti lang habang nakatingin sa buwan.
"Ewan ko riyan. Nasisiraan na ata ng bait." Hindi ko naman sila pinansin.
Tumayo na rin ako para ibili si Gab ng isaw sa bayan. Kahapon pa ako kinukulit.
"Alon! Bumalik ka rito!" malakas na sigaw ni Alan. Napakamot na lang ako sa aking ulo habang tumatakbo. Gusto akong kunin sa bar niya ngunit wala akong balak magtrabaho roon.
"Paandarin mo na," ani ko nang makasakay sa likod ng side car.
Sa ilang beses na hindi ko na halos mabilang na pagkakataon, nakita ko na naman ito, ang babaeng puhunan ang tinig. Hindi ko alam kung anong meron at sunod-sunod ng pagkikita naming dalawa, hindi ko alam kung dapat ba akong mapagsalamat ng dahil dito o ano.
"Gwapo ka sana kaso pangit ang pagkikita nating dalawa," sabi niya sa akin. Napatigil ako sa pagkain at napangiti dahil sa tinuran nito.
Isabel Lara. Isla. Pangalan niya pa lang, maganda na.
'Yon ang pangalan nito. Nakuha ko pati ang number niya ngunit pakiramdam ko maling-mali kung itetext ko man 'to. Nagsimula kami sa mali.
Naghiwalay naman na ang landas naming dalawa dahil may racket pa ako. Hindi na ako nakikisama sa kupal na si Miggy dahil panay masasamang gawain na naman ang ipapagawa niyon.
"Kaya ba, Alon?" tanong sa akin ni Perry. Tumango naman ako sa kaniya bago kinuha ang isang tray na may lamang alak.
"Alon?" tanong sa akin ng isang babae nang hindi ko sinagot ang tanong nito at nanatili lang ang tingin sa isang babaeng papasok dito sa loob. Si Isla.
Ang ganda talaga ng kasimplehan nito. Kumikinang siya sa mga mata ko kahit hindi naman kumikinang ang damit nito.
"Do you know her?" tanong sa akin ng isang kumakausap sa akin. Hindi ko naman sinagot. Hindi ko alam ang sasabihin.
Napatingin naman ako sa kanya at kinawayan ko pa ito. Nanlalaki lang ang mga matang nilingon niya ako.
Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa lalaking kausap nito, mukhang mayaman talaga at ganoon siguro ang tipo nito. 'Yong mga tipong hindi ka pagbabayarin kapag nagdate kayo. Sabagay, maganda naman siya kaya 'yon ang mga taong bagay sa kanya.
Nang nilapitan ko 'to, akala ko'y itataboy ako but she's just really one of a kind. Wow, english 'yon.
"Gagi, ayos lang ako," natatawa kong saad nang tumalon pa siya sa pool para lang sa akin. Napanguso naman siya nang tignan ako. Mukha siyang guilty kahit na hindi naman siya ang may gawa.
Nang umuwi'y kasama niya pa ang lalaking nagngangalang Seven, kasabay namin ang mga ito. Kung titignan silang dalawa, para bang mayroong namamagitan sa mga ito.
"Kuya, bakit tulala ka riyan?" tanong sa akin ni Gab. Ngumiti naman ako sa kaniya at umiling lang. Delikado na ako.
Lalo na nang magtrabaho pa kina Aling Linda. Hindi ko inaasahan na bawat araw ay nahuhulog na pala ako sa kaniya na ninakawan ko lang noon. Parang hindi naman ata siya itong nanakawan.
Kapag siya ang kausap mo, hindi mo na kailangan baguhin pa ang sarili mo dahil tatanggapin at tatanggapin ka nito. Ayos lang magkamali pagdating sa kaniya. Itatama ka lang niya na hindi man lang pinagtatawanan. Hindi siya mahirap mahalin.
"Patapos na ako. Teka lang," aniya habang nagtitipa sa kaniyang laptop. Napatango naman ako habang pinagmamasdan 'to.
"Kain ka na muna," ani ko na pinakita sa kaniya ang mami na binili. Nakatambay lang kami rito sa 7/11 habang hinihintay ko siyang matapos. Tumango lang siya at nagpatuloy sa ginagawa. Nangalumbaba naman ako habang pinagmamasdan siya. Hindi ko maiwasan ang mangiti dahil ang ganda talaga nito. Mukha siyang ginawa ng Diyos para sa akin. Joke.
"Malusaw ako. Crush mo na ba ako?" natatawa niyang tanong sa akin nang lingunin ako. Hindi ko naman maiwasan ang matawa nang mahina at napailing na lang.
Ganoon kadalasan ang ganap sa amin. Kapag katapos niya sa activities niya. Ihahatid ko siya sa apartment niya. Minsan ay kakain lang at uuwi na. Habang pinagmamasdan ko siya, I can't help but to have a dream. Para ka nitong hinihikayat na mangarap din kasama siya.
"Bakit ka umiiyak?" Hindi ko maiwasan ang mataranta nang marinig ang hikbi niga mula sa kabilang linya. Paos na paos din ang tinig nito.
Lahat ng gamit niya'y nasa labas ng apartment. Ayaw ko man siyang dalhin sa lugar ko, hindi ko naman kayang iwanan na lang siyang matulog sa kalsada.
Bawat araw na nagdaan habang nasa bahay siya, gusto ko lang siyang alagaan. She's been struggling on her own kaya bakit naman hindi? I just want her to feel na kahit paano'y may karamay rin siya.
"Coffee?" tanong ko nang hating gabi na'y nasa laptop pa rin ang mga mata nito.
"Thank you," nakangiti niyang saad.
Duwag ako. Mas lalo ko lang napatunayan 'yon nang makita ko siyang kasama si Seven. She said she likes him. Nandoon na lahat. Matalino, mabait, at higit sa lahat mayaman. Kabaliktaran ko naman, wala akong utak, hindi ko nga alam kung mabait ba ako o ano at higit sa lahat walang pera.
I tried to ignore what I feel but I ended up ignoring her dahil na rin hindi ko mapigilan ang sariling sumubok kapag nakikita siya.
"Sabay tayong umuwi mamaya, ha?" sambit niya sa akin. Hindi ko naman mapigilang matuwa ngunit agad ding nadismaya nang makita ko siyang sumakay sa kotse ni Seven. Napabuntonghininga na lang ako. Sino nga bang pipiling sumakay sa jeep gayong may kotse naman?
Papasok na sana ako sa eskinita nang makita ko silang nagyayakapan ni Seven. Napangiti naman ako nang mapait sa sarili at nag-iwas ng tingin. Olats na nga talaga.
Nang sabihin din niyang aalis na siya sa bahay, hindi ko mapigilan ang madismaya. Gusto ko siyang pigilan at panatilihin na lang sa bahay ngunit ayaw ko naman ang maging selfish lalo na pagdating sa kaniya.
"Gusto kita." Nahinto ako nang sambitin niya 'yon. Huh? Bakit ngayon niya lang sinabi?
Gusto ko rin siya. Nah. Higit pa roon ang nararamdaman ko para sa kaniya. Kusa na lang din akong napangiti roon. Ang ending, bumalik din ulit siya sa bahay.
"Ano ba, Kuya? Hindi ganyan!" Madaling araw na't nandito ako sa kanila para lang magpaturo kung paano gumawa ng paper flower. Hirap na hirap naman ako dahil wala naman akong hilig sa paggawa nito. Halos hindi ako natulog para pag-aralan lang 'yon ng paulit-ulit. Gusto ko siyang ligawan araw-araw kahit na pa sabihin niyang kami na.
"I want that one, mas malaking higaan pa bibilhin natin diyan para sa bahay natin," nakangiti niyang saad sa akin.
Hindi ko lubos na maisip na maski sa hinaharap kasama ako sa plano niya. Nakakatuwang isipin na nagbabalak siyang bumuo ng pamilya kasama ako.
Ang dami kong nagawa na kasama siya, mga bagay na mag-isa ko lang ginagawa noon.
"Grabe, nakita mo naman, Kuya. Halos manginig na ako sa kaba, galit na galit na si Ate," sabi sa akin ni Totoy. Hindi ko naman maiwasang kabahan dahil sa galit nitong mukha. Nandito lang naman kasi ako sa bahay nina Totoy, nagbabalak akong supresahin si Isla mamayang gabi para sa anniversary namin.
"Tanga mo. Bakit naman kasi 'yong Sabrina ang sinabi mo?" tanong ko na sinamaan siya ng tingin.
"Nataranta na ako, Kuya! Saka 'di ba? Inis na inis doon si Ate? Para lalong magalit." Tumawa pa siya ngunit ako naman 'tong malilintikan kay Isla kung sakali.
"Hindi naman 'yon maniniwala kung sasabihin ko na kina Kakay ka pumunta kaya 'yon ang naging palusot ko." Napakamot pa siya ng ulo kaya nailing na lang ako.
Nagsimula naman na kaming mag-ayos kahit na mamayang gabi pa 'yon uuwi.
"Gago ka pala, eh! Kung hindi ko pa sinabi ngayon. Paniguradong jombag ang abot mo sa akin," sabi ni Alice, ang bestfriend ni Isla para hingin ang tulong niya. We even ask Seven's help para lang may makasabay pag-uwi si Isla dahil delikado sa daan but that girl is too mad at me na hindi rin sumabay.
"Kumalma ka, Alon. Padating na rin 'yon." Natatawa na lang sila sa akin dahil hindi na ako mapakali at susunduin na sana si Isla.
"Padating na rin 'yon. Naka kanto na raw," anila kaya napatango na lang ako.
Nang makarating ito'y hindi ko maiwasang mangiti habang pinagmamasdan ang nakasimangot niyang mukha. Kung hindi pa nakita ang set up ay hindi pa ito ngingiti. Damn. Totoo pala talaga na nagiging manghuhula tayo kapag nakita na ang taong gustong makasama sa hinaharap.
If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.
Report