Hoy, Mr. Snatcher!
CHAPTER 25

Isla's POV

Nagising ako sa ingay ng paligid kaya naman agad akong tumayo sa higaan ko. Masakit pa rin ang ulo ko dahil sa alak na nainom kagabi. Napatingin naman ako sa lugar kung nasaan ako. Nasa bahay ako ni Alon. Nandito na naman ako. Napatingin ako nang makitang may nagluluto sa tabi.

"Alak na naman," sabi ni Francisco na umiiling pa sa akin.

Lumapit naman ako sa gawi niya. Napakunot ako ng noo. Pagkakaalam ko kagabi, may nag-alis ng make up at sapatos ko.

"Ikaw ba ang nag-alis ng make up at sapatos ko kagabi, Francisco?" tanong ko sa kanya. Sasagot na sana ito kaya lang may biglang pumasok sa loob.

"Good morning, Isla!" malakas na sigaw ni Kakay ang maririnig papasok dito sa loob. Naging magkaibigan din naman kami sa tagal kong pabalik-balik dito sa bahay ni Alon.

"Ang ingay mo naman, Kakay. Ang aga-aga pa," sabi ko sa kanya. Mas lalo kong sumasakit ang ulo ko rito.

"Ganoon ba? Pinagdala kita ng sabaw dahil lasing ka na naman daw," sabi niya sa akin.

"Salamat," sabi ko at kinuha 'yon para ilagay sa lamesa. Nakita ko namang may pagkain na rin do'n.

"Ang dami mo naman masiyadong niluto, Francisco," sabi ko sa kanya.

"Girl!" malakas na sigaw ni Neneng sa akin.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Lasing na lasing ka kagabi, rito ka pa talaga dumeretso. Nako naman," sabi niya sa akin.

"Pinabibigay pala sa 'yo ni Mama," sabi niya sa akin at inabot ang sangag at may kasama pang itlog.

"Hindi na sana nag-abala pa si Aling Mercy," hindi ko mapigilang sambitin.

"Alam mo naman na malaki ang utang na loob sa 'yo ng nanay ko, kung hindi dahil sa 'yo ay hindi ko na ulit gugustuhin pang mag-aral," sabi niya sa akin at ngumiti. 3 years ago kasi ay sinabi ko sa kanyang walang mawawala kung susubukan niya ulit tumapak ng kolehiyo tutal ay 1 year college naman siya huminto kaya 'yon, ga-graduate na sila this year. Kasabay niya si Kakay.

"Kumain na ba kayo? Sabayan niyo na ako," sabi ko na ngumiti sa kanila.

Kahit na sabihin pa nilang ang ingay-ingay sa lugar na 'to, hindi ko pa rin maiwasang maging masaya kasama sila.

"Hindi pa nga," sabi nila at naupo na sa tapat ko.

"Kumain ka na rin, Francisco," sabi ko sa kanya.

"It's Cheska, Isla. Tigilan mo nga kakatawag mo sa akin ng Francisco," sabi niya at halos tumirik na ang mata kakairap. Napatawa naman ako nang mahina sa kanya.

"Kailan ka puwede, Isla?" tanong ni Francisco sa akin. Kukuhanin nanaman ako nitong model. Nakapagpatayo na siya ng parlor at nakakatuwang ang mga tauhan niya ay ang mga kaibigan ding bakla.

"Hmm, hindi ko pa alam sa ngayon pero chat na lang kita kapag day off ko na," sabi ko sa kanya.

"Isla, turuan mo naman akong gumawa ng project ko," sabi ni Kakay sa akin.

"Ayan, diyan ka magaling," natatawang saad sa kanya ni Neneng.

"Paano ba 'yan? Male-late na ako at kailangan ko pang umuwi sa apartment," sabi ko at napanguso.

"But I'll help you later."

"Sige na, aalis na ako. Magsilayas na rin kayo dito," natatawa kong saad. Sabay-sabay naman kaming lumabas ng bahay kaya lang ay napatingin naman ako sa mga halaman na nilagay ko sa labas. Kumuha muna ako ng tubig at diniligan 'yon sandali.

"Isla, naki--" Hindi ko naman narinig ang sinasabi nina Neneng nang tawagin ako ni Aling Pasing.

"Bakit po?" tanong ko naman sa kanya.

"Pautang naman, oh," sabi niya sa akin, ito talaga ang araw araw na linyahan sa akin ni Aling Pasing, pakiramdam niya ata sobrang yaman ko. Napatawa na lang ako sa kanya at napailing. "Pasensiya na ho pero wala pa ho akong sahod," sabi ko sa kanya.

"Mauuna na ako sa inyo. Salamat sa pagluto ng pagkain sabihin niyo kina Aling Mercy, ha?" sabi ko at kumaway sa kanila.

"Isla! Alak na naman!" Nagtatawanan ang mga manginginom. Napailing na lang ako sa kanila at dire-diretso nang naglakad palabas ng iskwater.

Nakauwi naman ako nang matiwasay sa apartment na tinutuluyan ko ngunit ramdam na ramdam ko ang lagkit ng katawan.

Agad naman akong naligo at nakatanggap ng tawag mula sa mga kaibigan. Kina Alice.

"Hello?" tanong ko sa kaniya.

"Nasaan ka?" tanong niya sa akin.

"Sa apartment, bakit?" tanong ko pabalik.

"Galing ka sa bahay ni Alon?" tanong niya.

"Oo. Bakit?" tanong ko.

"Wala siya?" tanong niya.

"Alam mo, boba ka rin, 'no? Matagal nang wala si Alon," sabi ko sa kanya.

"Ah. O siya, dalian mo ng pumunta rito at kanina ka pa hinahanap," sabi niya sa akin.

Nag-ayos naman na ako ng sarili bago pumasok. Nang makarating ako sa office ay agad kong nakita ang pag-iling-iling sa akin nina Janice nang natatawa.

"Alam mo ba, Alice, nakakailang bote pa lang ng alak 'yang kaibigan mo, lasing na agad!" malakas na sambit ni Janice na natatawa sa akin. Napairap na lang ako at napailing sa kanila. Napatingin naman ako kay Alice na nakatingin lang sa akin. Pinagmamasdan lang ako nito kaya agad na napakunot ang noo ko sa kanya.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Anong problema mo, Alice?" tanong ko sa kanya. Agad naman 'tong umiling at awkward na ngumiti.

"Ano nga?" tanong ko sa kanya.

"Kasi... wala!" sabi niya at nag-iwas ng tingin. Napailing na lang ako. She's acting weird again.

"Ano nga kasi?" tanong ko sa kanya. Kilala ko na 'to, kapag may hindi sinasabi sa akin ay laging ganito. Laging nag-iiwas ng tingin sa akin.

"Wala nga," sabi niya nang natatawa. Kukulitin ko pa sana nang magsalita si Janine.

"Guys! Tignan niyo 'to!" malakas na sigaw ni Janine at pinakita ang article na nagsasabi kung sino talaga si Mr. Rat. May mga facts tungkol sa kanya kaya maraming nag-comment na naniniwala. 'Yong hinulaan ni Janice, 'yong gwapong lalaki na sinasabi niya. 'Yon nga si Mr. Rat.

"Isla," tawag ni Chief na nasa tapat ng pintuan.

"Nako, ikaw na naman ang isasabak niyan," sabi ni Janine.

"Sana ako na lang, ang gwapo pa naman niyang si Mr. Rat," bulong ni Janice.

"Sana ikaw na nga lang," sabi ko sa kanya dahil pahirapan na naman sa interview nito.

"Yes, Chief," sabi ko at sumunod na sa office nito.

"Alam mo naman na siguro kung anong pag-uusapan natin," sabi niya sa akin. Hindi pa, Chief. Linawin mo, please.

"Yes, Chief," ani ko na tumango.

"Na-contact niyo na ho ba, Chief?" tanong ko sa kanya.

"Oo but they haven't reply," sabi niya kaya napatango ako.

"But it will be nice if you can interview him just a little bit," aniya kaya napabuntonghininga ako at napatango. I have no choice but to go to Imango para lang abangan si Mr. Rat. Ngunit katulad nang inaasahan ko, may mga reporter na rin na nakaabang mula sa labas.

Nasa tapat lang ako at naghihintay sa labas. Sikat na sikat ang issue kaya naman habang usapin pa'y mas magandang unang-una ang TeaNews sa balita.

"Isla, kain muna tayo," sabi ni Brix na inabutan ako ng pagkain mula sa company. Tumango naman ako at kumain na lang, kailangan mo rin naman ng bala kapag nagsisimula na ang gera. Halos maggagabi na at wala pa ring lumalabas na Mr. Rat mula sa loob. Mukha ngang magaling itong magtago dahil nagsisilabasan na ang mga staff sa Imango pero hindi pa rin 'to lumalabas. Napatingin naman ako sa likod nang may makita akong lumalabas do'n. Napangisi naman ako.

"Dito ka muna, Brix. Mag-abang ka riyan," sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Saan ka pupunta?" tanong niya pero hindi ko siya sinagot at hinayaan ko siyang maghintay habang napatakbo naman akong sumunod sa lalaking Mr. Rat ang pangalan. Nakita ko na ang litrato nito mula kina Janice kaya pakiramdam ko'y tama naman ako nang hinuha.

Nakasuot 'to ng cap na black at nagmamadaling lumabas gamit ang gate sa likod. Sumunod naman ako inakyat din ang bakod paalis dito sa Imango.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Napangisi na lang ako sa sarili. Nagmumukha na akong paparazzi sa ginagawa ko. Napatakbo naman ako lalo na nang magmadali ito maglakad. Ni hindi ko maabutan dahil sa sobrang bilis. Nag-aabang na siya sa gilid kaya agad akong napatakbo para lapitan siya kaya lang ay nanlaki ang amg mata nito nang makitang sinusundan ko siya.

"Pucha!" bulong ko ng tatakbo na rin ito paalis sa akin.

"Mr. Rat!" malakas kong sigaw na hinahabol siya ngayon.

"Mr. Rat!" malakas ko ulit na sigaw ngunit hindi siya humihinto.

"Shet naman," inis kong sambit at inalis ang heels ko para mas mabilis akong makatakbo. Napangisi ako nang mas maabutan ko na siya dahil sa ginawa.

"Mr. Rat! Maari ba kitang makapanayam?" tanong ko na nagpatuloy pa rin sa pagtakbo. Maabutan ko na ito kaya lang ay may isang red na sport car na huminto sa tapat niya at agad itong sumakay do'n.

"Fuck!" malakas kong sigaw at napatakbo pa sinasabayan ang kotse kaya lang agad akong napatigil nang maramdaman ang sakit nang paa at nakita ang bubog dito. Kung minamalas ka nga naman.

"Tangina," bulong ko sa sarili at napaupo sa kalsada habang tinitignan ang paa kong may bubog na, dumudugo na ito. Mahapdi 'yon ngunit hindi ko inalintana.

"Too tired to run, Miss?" tanong sa akin nang isang lalaking pamilyar ang boses. May hawak-hawak 'tong tubig at iniabot sa akin 'yon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino 'yon. Namamalikmata ba ako? Matagal akong nakangitin lang sa kaniya. Parang tuluyang huminto ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ito. Pakiramdam ko'y nangingilid na rin ang luha mula sa mga mata. "Alon..." Hindi ko namalayang naibulalas.

Hindi ako pwedeng mamalikmata dahil si Alon talaga ito. Ang asul niyang mga mata ay seryosong nakatingin sa akin.

Iniabot niya sa akin ang tubig ngunit natulala lang ako sa kanya. Halos walang salitang lumalabas sa bibig ko. Nagsalubong naman ang kilay niya dahil hindi ko tinatanggap ang tubig na nasa kamay niya. "Walang lason 'to," sabi niya sa akin.

"You're back..." gulat kong saad sa kanya. Sinubukan ko pang tumayo ngunit agad ding napaupo dahil sa sakit.

"Gago naman..." bulong ko sa sarili nang maramdaman na bumaon pa ata ang bubog na natapakan. Agad naman napabaling ang atensiyon niya sa paa ko. Mas lalo naman nagsalubong ang kilay nito. "Tangina," bulong niya at nag-aalalang tinignan ako.

Ngumiti ako sa kanya. Hindi naman siguro ako nag-iimagine, 'di ba? Nararamdaman ko ang sakit mula sa paa ko. Pinagkunutan niya naman ako ng noo.

Natataranta naman siya nang buhatin ako at hindi alam kung saan ako dadalhin.

"Ayos lang ako, wala lang 'to," sabi ko sa kanya at ngumiti pa ulit. Ni hindi ko nga alam kung nakangiti nga ba ako nang maayos.

Galit pa rin kaya ito sa akin? Siya ba talaga ito? Mas lalong sumeryoso ang mukha niya at bumilis din ang paghinga.

Kunot na kunot ang noo nito. Nabigyan naman ako nang pagkakataon para pagmasdan siya. Pumuti ito ng konti kumpara sa moreno niyang kulay noon. Mukha naman na siyang banyaga noon pa, mas lalo lang ngayon. Napangiti lang ako nang mapait habang nakatingin sa kaniya. So he's really here holding me again...

"Why are you crying?" tanong niya na tinignan ako.

"Masakit paa ko," sabi ko na pinigilan pa ang mapahikbi.

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report