Hoy, Mr. Snatcher!
CHAPTER 28

Isla's POV

"What's wrong with her?" Narinig kong tanong nina Janice kay Alice. Hindi ko kasi mapigilang maging matamlay pagkapasok ko rito.

"Hoy, anong problema?" tanong ni Alice sa akin. Umiling lang ko at ngumiti.

"Huwag mo akong iling-ilingan diyang gaga ka. Ano?" tanong niya na pinanliitan ako ng mga mata.

"Hmm, ang yaman niya na pala." Pero sa hindi ko malamang dahilan bakit nasa iskwater pa rin siya ngayon kung may pera naman na pala siya. He's still the humble Alon. "Parang nakakatakot na tuloy balikan. Iniwan ko siya noong walang-wala kami but now he have it all. Nakakatakot na magulo ko muli ang buhay na mayroon siya." "Bakit? Gulo ba dala mo para sa kaniya?" tanong niya at pinagtaasan ako ng kilay.

"Of course not."

"Yon naman pala. Hindi naman pala. Edi gora, tuloy mo. You waited for 3 years to go back to him. Ngayon ka pa ba mag-iinarte?"

"Right..." ani ko na napangisi.

"Saan ka pupunta?"

"Magtatrabaho." Umuwi ako sa bahay para lang magluto ng lunch. Nakangiti naman ako habang nilalagyan pa ng smiley face ang lunchbox na ibibigay ko kay Alon. Nilagyan ko rin ng note.

Don't forget to eat lunch and think about having an interview with us :))

-TeaNews

Aba, syempre para hindi naman gaanong halata na patay na patay pa rin ako sa kanya ngayon. Baka makulong ako nito, using our company name with my own intention. Aba, para naman naman 'yon sa kumpanya, ha? Sino nga ba talagang niloloko mo, Isla?

Napailing na lang ako sa sarili at lumabas na ng bahay para sumakay ng cab patungo sa Imango.

Nang makarating ako roon ay nag-abang lang ako. May iilan pa ring reporter na nakaabang dito.

"Nandiyan ho ba si Alfonso Pacifico Alfaro?" tanong ko nang makapasok ako sa may lobby. Hindi naman ako nagpahalatang reporter dahil hindi sila nagpapapasok.

"Busy sila ngayon, Ma'am," sabi niya sa akin.

"Busy?! Lunch na. Hindi ba uso rito ang lunch, Manong?"

"Teka lang ho. Tawagin ko na lang po," sabi niya at sinubukang tawagan si Alon.

"You already have lunch na po, Sir? Okay. I'll tell her na lang ho," sabi niya.

"Kumain na raw po siya," sabi niya kaya bigo naman akong napatango. Sayang naman 'tong lunch na ginawa ko para sa kanya.

"What are you doing here?" tanong ng isang pamilyar na tinig.

Si Alon! Kasama niya sa kanyang gilid 'yong isang hacker na hinabol ko noong nakaraan tapos may isa pang hindi ko kilala.

"Lunch?" tanong ko at tinaas pa ang lunchbox.

"Sir, siya ho 'yong sinasabi kong may dalang lunch para sa inyo," sabi ng receptionist.

"I already eat lunch," walang kangiti ngiting sambit nito. Naatikhim naman ako at ngumiti na lang sa kanya.

"Kaya nga, sayang naman," sabi ko na lang.

"Kami hindi pa, Miss," anang mga kasama niya.

"Ganoon ba? Sige, sa inyo na lang," sabi ko at iniabot 'yon kaya lang ang nakasimangot na si Alon ang kumuha niyon.

"I'll eat this later," sabi niya sa akin.

"How about you? Kumain ka na?"vtanong niya sa akin.

Ngumiti naman akong umiling. Medyo napatagal din kasi akong in-entertain ng receptionist dahil maraming importanteng client samantalang magbibigay lang naman ako ng lunch. "Nagbibigay ka ng lunch na hindi pa kumain," he said stating the obvious.

"Kasama 'yon sa trabaho," sabi ko at ngumiti. Minsan nga'y hindi na ako nakakakain para lang sa trabaho kong 'to.

"Yeah, your job again," sabi niya na tila bitter sa trabaho ko. Mas lalo pang sumimangot ngayon.

"Mauna na kayo, Sed. Lunch lang ako sandali. Pakidala sana sa office," sabi niya at iniabot 'yong lunch na binigay ko.

"Let's go." Nagulat naman ako nang sa akin siya nakatingin.

"Huh?" gulat kong tanong.

"Kakain tayo," sabi niya sa akin. Nagulat naman ako roon pero palihim ding napangisi.

"Diyan na lang, gutom na ako," sabi ko sabay turo sa isang fast food chain na malapit. Baka mamaya ay dalhin pa ako nito sa kung saan. Tinignan niya lang ako sandali saka siya tumango. Tahimik lang siya habang kumakain kami Hindi ko naman alam ang pinagsasabi ko sa kanya. Halos ako lang ang nagsasalita sa aming dalawa.

"You're done?" kunot noong tanong niya nang matapos akong kumain. Ngumiti lang ako sa kanya at tumango.

Nang matapos kaming kumain ay inihatid niya na rin ako sa office. Napatingin naman sa akin ang mga officemate ko na nasa labas pala.

"Hoy, sino 'yon, ha? Ang gara naman ng sasakyan," sabi nina Janice sa akin na pinanliitan pa ako ng mga mata.

"Balita ko inihatid ka rin nito kanina, ha?" tanong sa akin ni Janine.

"Trabaho muna, Girl!" sabi ni Janice.

"Well, I'm working I guess?" sabi ko ng natatawa at pumasok na sa station.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Are you telling me na ex mo 'yon?!" gulat na gulat na tanong ni Janice. Nagkibit naman ako ng balikat at nagtuloy-tuloy na lang sa pagpasok sa loob.

"Isla, how is it?" tanong ni Chief nang makasalubong ko siya.

"Wala pang sagot, Chief. Sabihan ko na lang po ulit kayo," sabi ko.

"How about the issue with Sadie?"

"Pupunta ako sa bar ngayon, Chief, iinterview-in 'yong may-ari at ilang witness ng pangyayari," sabi ko sa kanya.

"Alright," sabi niya at tumango. Pumunta naman akong bar para lang makakuha ng impormasiyon tungkol sa artistang si Sadie, nakita kasi itong nakisapakan sa bar na 'yon.

Nang natapos naman ako roon ay agad akong nagmadaling pumunta sa tapat ng Imango para hintayin si Alon. Tutungo ako sa bahay niya, ipagluluto ko ito ng dinner.

Naghintay lang ako roon kaya lang kung minamalas ka nga naman, biglang bumuhos ang malakas na umulan. May payong naman ako kaya nanatili ako sa tapat samantalang ang ibang reporter na nandito ay nagsialisan na. Nanatili lang ako kahit medyo malakas na ang ulan. Baka wala rin kasing payong si Alon. Hindi pa naman mahilig magdala ang isabg 'yon.

"Miss, kanina ka pa riyan. Sino bang hinihintay mo?" tanong sa akin no'ng guard.

"Si Alfonso Pacifico ho."

"Ah. Si Boss Alon?"

"Mamaya pa ho 'yon uuwi, madami pa silang inaasikaso ngayon," sabi niya sa akin. Ngumiti lang ako. Maghihintay pa rin ako kahit na gaano pa katagal.

Agad akong napangiti nang makita ko siyang palabas. Nakangiti rin ito. Mukhang may pinagtatawanan sila ng mga kaopisina niya kaya lang nang makita ako nito ay agad nawala ang ngiti mula sa mga labi niya.

"Kanina ka pa riyan?" Kasing lamig ng ulan ang tinig nito.

"Wow naman, Boss. May sundo." Nagtawanan pa ang mga katrabaho niya. Napasimangot naman lalo si Alon. Mukhang iritado na ngayon ngunit ngumiti pa rin ako sa kanya.

"Payungan na kita," sabi ko at ngumiti pa ulit sa kanya kahit na nilalamig na rin naman talaga ako. Tinignan niya ako na salubong ang kilay.

"Kanina pa 'yan riyan, Alon," sabi sa kanya ni Manong na kumausap sa akin kanina. His face darkened. Nagsalubong pa lalo ang kilay habang nakatingin sa akin.

"Hatid na kita sa kotse mo." Nauna na siyang naglakad na parang wala lang sa kanya ang ulan.

Agad naman akong humabol. Napatingkayad pa ako at hindi na iniinda kung mabasa man ako o ano. Agad naman siyang napatigil sa paglalakad at tinignan ako.

Inagaw niya 'yong payong sa akin at siya na mismo ang nagpayong sa aming dalawa papunta sa kotse niya.

"Sige na, dito na lang ako. Akin na 'yang payong," sabi ko sa kanya at ngumiti. Balak ko pa sana itong ipagluto ng pagkain pero mukhang kaunti na lang ay mapupuno na siya sa akin. "Sakay," suplado niyang saad.

"Hindi na." Hinihintay na ibigay niya sa akin ang payong ko ngunit laking gulat ko nang walang kahirap-hirap niya akong binuhat para lang ipasok sa loob.

Hindi na rin siya nagpayong pa nang umikot siya sa kabilang side. Hindi ko naman mapigilang manginig dahil sa lamig. Nilingon niya ako nang nakasimangot at inalis ang coat na akala ko'y hindi niya rin susuotin. Ipinangkumot niya 'yon sa akin.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Thank you," sabi ko na ngumiti pa rin sa kanya. Hindi ka ba napapagod kakangiti, Isla?

"Have you eaten?" tanong ko sa kanya dahil salubong na salubong pa rin ang makakapal niyang kilay habang seryosong nagmamaneho. Galit pa rin ata talaga 'to sa akin. Hindi naman siya nagsalita. Ayaw na ata talaga akong kausap. Napansin ko naman na patungo na kami sa isang resto.

"Let's go." Wala naman akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya. Masiyadong classy naman 'tong restaurant na napasukan namin.

Kung noon ay madalas lang kami sa mamihan. Iniisip ko tuloy kung ilang mami na ang pwedeng mabili sa isang putahe nila rito. Napatikhim na lang ako at hindi nagsalita lalong-lalo na't salubong pa rin ang kilay para bang may kasalanan ang lamesa sa kaniya.

"Let's eat," sabi niya nang dumating ang order namin. Tahimik lang akong kumakain. Hindi katulad kanina na masiyadong maingay. Nakakatakot naman kasing magsalita rito parang maririnig na agad ng iba at parang kasalanan kahit bumulomg ka lang.

Kumakain din naman ako rito kapag kasama ko ang mga mas matatandang reporter at 'yong mayayaman kong kaibigan pero iba naman kasi kapag siya 'yong kasama ko. Mas kumportable ako no'ng mga panahong kasama ko siya kahit saan kami kumain basta siya 'yong kasama ko, masaya na ako.

But it's completely different now. Napangiti na lang ako nang mapait. Don't expect that everything will remain the same, Isla.

Pakiramdam ko'y tama lang na iniwan ko siya noon. He deserve all of this.

"Do you want to see choco?" tanong ko sa kanya para mabawasan ang awkwardness na nararamdaman.

"He's still alive?" gulat niyang tanong. Napangiti naman ako. Ngayon ko lang ulit siya nakitang magbago ang ekspresiyon.

"Oo naman. Miss ka na niya." Napatingin naman siya sa akin dahil do'n.

"Pati ako, miss ka," bulong ko pa. He remained unbother. Parang wala na rin talaga akong epekto sa kaniya.

Dumeretso naman kami sa apartment nang matapos kumain. Mukha itong excited na makita si Choco.

Nang makarating kami sa loob, agad niyang pinuntahan si Choco. Aba't miss niya naman pala ang aso niya, bakit niya iniwan?

"Do you want anything?" tanong ko sa kanya na nilalaro si Choco ngayon. Akala ko'y lahat nagbago na sa kanya. Mukhang may mga bagay pa naman na hindi, katulad na lang ng pag-aalaga at pagmamahal niya kay Choco. Inilingan niya lang naman ako at patuloy lang na nilalaro si Choco.

"Pwede bang..." Hindi niya naman matuloy ang sasabihin dahil pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Pwede ko bang iuwi si Choco?" mahinang tanong niya.

"Pwede naman, kung sasama siya sa 'yo," sabi ko na kampanteng hindi sasama sa kanya si Choco. Para namang kuminang ang mga mata nito. Good luck na lang. Akin si Choco.

"Tara na, Choco," sabi niya at binuhat ito. Tumahol si Choco at dinilaan pa ang mukha ni Alon.

"Aba't traydor kang aso ka! Pagkatapos kitang pakainin ng tatlong taon, iiwanan mo lang ako." Ngumisi naman si Alon sa akin.

"Mukhang sa akin na muna siya," sabi niya na ngumisi pa sa akin. Inirapan ko naman siya.

"But you can still visit him..."

"Of course!"

Follow our Telegram channel at https://t.me/findnovelweb to receive the latest notifications about daily updated chapters.
Tip: You can use left, right keyboard keys to browse between chapters.Tap the middle of the screen to reveal Reading Options.

If you find any errors (non-standard content, ads redirect, broken links, etc..), Please let us know so we can fix it as soon as possible.

Report